05 || Fifth Meeting ||

1696 Words
Kinabukasan ay maagang bumyahe si Danica dahil magre-report siya sa isang major subject nila. Hindi naman ito bago sa kaniya dahil lagi naman din siyang pumapasok nang maaga kaya sanay na siyang gumising ng maaga. Lumapit na siya sa harapan para mag-explain ng report nila pagdating ni Mr. Andrew. She discussed some information about entrepreneurship. It is one of their minor subject but, she still exerts effort for her powerpoint. Natuwa si Mr. Andrew sa discussion niya. “Thank you, Danica,” anito. Bata pa si Mr. Andrew. Fresh graduate lang din ito kaya hindi masyadong nalalayo ang edad niya sa kanila. Kapag wala sa klase ay nagiging kaibigan nila ito sa labas. Hindi na rin bago kay Danica ang may maka-close na professor dahil madali lang siyang pakisamahan. Bumalik na sa pwesto si Danica at ang ibang kaklase naman niya ang sumunod. Danica was still focused on her professor's lecture for almost 3 hours. Hanggang sa dumating na ang klase ni Mr. Batumbakal, ang professor nila bago mag-break time. Kaya naman hindi niya mapigilan ang antukin. Pabigat nang pabigat ang mata ni Danica habang nakatukod ang mga kamay niya sa librong nakabuklat sa kaniyang lamesa. “After what you have learned from our discussion a while ago. Let’s have a recitation. Kung talaga nga bang naiintindihan ninyo ang mga pinagsasabi ko kanina,” saad ni Mr. Batumbakal. Bigla naman naging alerto ang buong klase at nagkaroon din ng ingay kaya naman tumikhim si Mr. Batumbakal. Nagising din ang diwa ni Danica at dali-dali siyang umayos ng upo. “Ano na ‘yong dini-discuss ni Sir?” nalilitong tanong ni Danica kay Sofia habang tuloy pa rin sa pagbuklat ng libro na hindi alam kung saan dapat ihinto. “Ewan ko rin. Hindi rin ako nakikinig, eh,” ani Sofia na nagbubuklat din ng libro. “Hoy, Andy! Anong chapter na?” mahina at natatawa niyang sabi sabay lingon sa likod nila nang mapagod sa kakahanap ng pahina sa libro. Lumingon din si Danica kay Andy at inabangan nila parehas ang susunod nitong sasabihin. Pero bago pa siya makapagsalita ay nagtawag na si Mr. Batumbakal. “Stand up, Joseph,” seryoso at may awtoridad na sabi nito matapos tumingin sa listahan niya ng mga pangalan. Dahan-dahan naman ang pagtayo ni Joseph. Samantalang ang mga katabi niya ay palihim siyang tinatawanan dahil sa mukhang lutang ito at sa nanlalagkit niyang pawis. Nasa gilid sa unahang row sila nakapwesto kaya inaasahan ni Mr. Batumbakal ang pagsagot nila. “Sir,” magalang na sagot ni Joseph. Lahat ng estudyante ay napunta sa harapan ang atensyon at hinihintay ang itatanong ni Mr. Batumbakal. “Differentiate Historical texts to Literary texts,” pahayag ni Mr. Batumbakal. “There. Chapter 2,” biglang singit ni Andy na nakapagpalingon sa dalawang nasa harapan niya. “Thank you!” mabilis na bulong ni Danica at inilipat agad ang pahina ng libro sa Chapter 2. Ganoon din ang ginawa ni Sofia. “G@go, ngarag pa more,” natatawang kumento ni Sofia nang mahanap ang page ng lesson nila kay Mr. Batumbakal. “Mga hindi kasi nakikinig,” natatawa at umiiling na sabi ni Danica. “Wow, nagsalita,” sarcastic naman na saad ni Sofia. Natawa na lang sila parehas at saka nag-focus sa pagbabasa. Tumikhim si Joseph at nauutal na nagsalita kaya napa-angat ang tingin ni Danica. Nakita niya na ang sagot sa tanong ni Mr. Batumbakal kaya naman inabangan niya ang mga sasabihin ni Joseph. “Historical texts po, sir ay… ‘yong mga libro na naglalaman ng history… samantalang ang literary texts po ay ang mga poems and short stories,” aniya. Bakas sa boses ni Joseph ang kaba nang magsalita siya. Napatango-tango naman si Danica dahil sa mga sinabi nitong examples. Habang hindi naman satisfied ang mukha ni Mr. Batumbakal. “Okay, sit down,” kunot-noong sabi nito. “Siguraduhin niyong nakikinig kayo sa susunod nang hindi kayo nanghuhula ng sagot…” ani Mr. Batumbakal na mas nagpakaba sa Class B. “…any other answer?” dagdag niya pang tanong sa buong klase. Halos lahat ay kinabahan sa tono ng pananalita niya. Muling binasa ni Danica ang sagot. Kahit na may pag-aalinlangan ay itinaas niya ang kaniyang kamay para sumagot. “Yes? Miss?” may pagtatanong sa pangalan na saad ni Mr. Batumbakal. “Danica po. Danica Hadleigh Lewis,” pagpapakilala ni Danica. “Yes, Danica. Go ahead,” seryosong wika ni Mr. Batumbakal na iminuwestra pa ang kamay. “Historical texts are compilation of factual information regarding an artifacts or the origin of nations. On the other hand, Literary texts are usually needed to used our imagination and creativity to show the origin of things like legends, poem, short stories or compositions,” mahabang pagpapaliwanag ni Danica. “Great…” Mr. Batumbakal said satisfyingly. He even nods to show that he agreed on Danica’s explanation. Nagpatuloy pa ang klase sa recitation at discussion nang makaupo si Danica. Mas naging focus naman ang atensyon ng buong klase magmula nang magpa-recite si Mr. Batumbakal. Matapos ang klase nila ay isa-isa nang naglabasan ang mga kaklase ni Danica para kumain. “Danica, saan ka kakain?” tanong ni Sofia na kumukuha ng wallet sa bag. “May baon ako…” ani Danica. Ipinakita pa nito ang baunan na nasa loob ng bag niya bago kinuha ang wallet. “…pero may bibilhin lang din ako sa convenient store. Kayo?” pabalik niyang tanong. “Bibili lang din kami tapos dito na kami kakain sa taas,” sagot ni Sofia. Naglakad na silang dalawa palabas ng downtown. Open gate naman sila kaya hindi iyon naging problema para makabili sila sa labas ng pagkain. Bilang lang din ang ibinibentang pagkain sa canteen kaya mas gugustuhin nila na sa labas na gumastos. “Si Andy?” takang tanong ni Sofia nang mapansin na wala sa tabi nila si Andy. “Sumabay kay Queen. Alam mo namang hindi mapaghiwalay ang dalawang iyon,” ani Sofia. Napatango na lang si Danica. Nang makalabas sila sa downtown ay may pamilyar na mukhang nakita si Danica malapit sa gate. Nanliliit ang mga mata niya nang makita ang lalaki na nakasuot ng school uniform nila at tila nakikipag-away ito sa babaeng kasama niya. Nakatagilid ito sa babae habang parang naiiyak naman ang babae sa harap niya. “Hoy! Danica! Anong nangyari na sa’yo?” Tinampal ni Sofia ang braso niya. Nagulat naman si Danica kaya hinampas niya rin ito pabalik. “Masakit, ah,” reklamo ni Danica nang makabawi kay Sofia. “Tara na kasi. Gutom na ako. 30 minutes lang vacant natin,” hayag ni Sofia kaya naman bumalik na ulit sila sa paglalakad papuntang convenient store. Ibinalik ni Danica ang tingin sa pwesto ng nag-aaway kanina pero wala na sila roon. Nagkibit-balikat na lamang siya at sinagot si Sofia. “Bakit kasi wala kang baon ngayon?” takang tanong ni Danica. “Tinatamad ako. May dala pa tayong PE uniform. Mabigat na sa bag,” casual na sagot naman ni Sofia. “Eh, saan mo itatago ‘yang pagkain mo? Bawal pa naman mag-akyat ng pagkain sa taas,” Danica stated which makes Sofia smirk like a Cheshire cat. “Girl, anong silbi ng gate sa likod?” sarcastic na tanong ni Sofia. “Gaga ka. Swerte mo kung walang bantay pagbalik natin,” natatawang sabi naman ni Danica. Hindi na siya sinagot pa si Sofia at um-order na ng pagkain sa cashier pagkapasok sa convenient store . “Dalawang Choco Kariman po,” pahayag ni Danica sa cashier area. Pagkakuha sa pagkain ay inilagay niya agad ito sa bulsa ng kaniyang palda. Kasyang-kasya iyon roon dahil malalim naman ang bulsa ng palda nila. Sakto naman pagkarating nila sa gate ay walang guard na nagbabantay kaya nakapuslit si Sofia para mabilis na itakbo ang pagkain niya paakyat ng classroom. Nang makabalik silang dalawa sa classroom ay tahimik lang silang kumain habang nagdadaldalan ang iba. Tumatawa pa ang kaibigan dahil nakalusot siya sa gate. Umiling na lang si Danica sa kalokohan ni Sofia. “Danibeeee!” malakas na tawag kay Danica habang kumakain siya. Napalingon siya sa pinto at nakita niya si Alice na kumakaway sa kaniya kaya kumaway rin siya pabalik. “Kakain na kayo?” tanong niya pagkalunok ng pagkain. Hindi naman kalayuan ang pwesto niya sa pinto at wala ring tao sa harap niya kaya hindi sila nahirapan ni Alice na mag-usap. Tumango si Alice bago tawagin ng iba pa nilang kaibigan. Kumaway ulit ang mga ito nang dumaan sa kwarto niya kaya ganoon din ang ginawa niya pabalik habang masayang nakangiti. “Artista ka na naman,” pansin ni Sofia habang ngumunguya ng kanin na binili. “Baliw!” natatawa niyang sagot dito. Itinuloy na nila ang pagkain. Pagkatapos ay bumalik na rin ang iba nilang mga kaklase na galing sa canteen. Dumating na rin ang prof nila. Makalipas ang ilang oras ay isang subject na lang papasukan nila. Pero sa main campus pa ito kaya kailangan pa nilang maglakad bago makarating doon. “Magpapalit ka na ng PE uniform, Dan?” tanong ni Sofia na bitbit na ang mga gamit. “Oo. Para hindi mahirap maglakad nang nakapalda. Ang init pa,” sagot naman ni Danica. “Okay… sabay na tayo,” aya ni Sofia at dumiretso na sila sa CR. Matapos magbihis ay dumiretso na sila palabas ng downtown campus. Naglakad sila kasabay ang iba pa nilang kaklase na may kaniya-kaniyang pinag-uusapan. “Gusto ko nang umuwi,” reklamo ni Danica nang makaupo sila sa lobby pagkarating ng campus. “Para na rin tayong nag-PE sa haba ng nilakad natin,” nakangusong dagdag pa nito. “Ayaw mo kasi sumakay, eh,” natatawang sisi sa kaniya ni Sofia. “Sayang pamasahe kung pwede namang lakarin,” nakasimangot na saad ni Danica. “Oh, eh, bakit nakasimangot,” tumatawang sabi ni Sofia. “Saka ang yaman-yaman mo, eh,” pahabol niya pa. “Luh,” ang tanging nasabi na lang ni Danica. Inilabas na lang niya ang cellphone habang hinihintay ang professor nila. Isa-isa na ring nagsidatingan ang mga kaklase niya. Ilang minuto lang din ay dumating na ang PE teacher nila na may bitbit na speaker.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD