04 || Fourth Meeting ||

1481 Words
Isang buwan ang lumipas hanggang sa midterm na ng mga senior. Busy ang buong campus dahil sa integration week na inilaan para makapag-review ang mga estudyante. “Dan, may notes ka sa Philosophy?” tanong ni Sofia kay Danica na busy sa pagbabasa ng libro habang may hawak na highlighter sa kanang kamay. Kinuha nito ang binder niya nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa librong binabasa. Iniabot niya ito kay Sofia na busy rin sa paggawa ng reviewer. “Nasa kulay green. Check mo na lang,” tukoy niya sa kulay green na binder notebook. Tumango naman si Sofia nang abutin ang notebook mula kay Danica. May meeting ulit ang mga professor kaya may time sila para mag-review. Samantalang ang iba naman nilang kaklase ay busy sa pagdadaldalan at pagkain sa loob ng classroom. “Sof, punta tayong Quiapo mamaya,” aya ni Andy na nasa likuran lang nila. “Bakit?” kunot-noong tanong ni Sofia. Nilingon niya si Andy na nakapangalumbaba sa lamesa niya habang hawak ang cellphone. Nakangising ipinakita ni Andy ang cellphone sa kaniya na may picture ng isang damit. “May bagong bukas na thrifter shop,” sagot ni Andy sabay hagikhik. Napalaki naman ang mata ni Sophia. “OMG! Tara!” Lumawak ang ngiti nito at saka isinara ang librong binabasa bago humarap kay Andy. Pinagkaguluhan nila ang cellphone nitong hawak habang tuloy-tuloy lang sa pag-scroll ng mga bagong bentang damit sa thifter shop. Maya-maya lang ay nilingon ni Sofia si Danica na nakatutok pa rin sa librong binabasa. “Hoy! Te!” tawag ni Sofia kay Danica sabay kalabit. Lumingon si Danica sa kaibigan. “Sama ka?” pag-aaya niya rito. “Ayoko,” tanggi naman ni Danica sabay balik ng tingin sa libro. Pinaikot-ikot nito ang highlighter na nasa kamay. “KJ,” Sophia pouted and rolled her eyes to Danica. “Ikaw umuwi nang laging traffic. Sige nga,” panghahamon ni Danica kay Sofia. Nagdadahilan lang talaga siya dahil tinatamad siyang gumala. Gusto na lang niyang umuwi agad. Hindi rin naman taong labas si Danica kaya okay na sa kaniya ang nasa bahay lang. “Grabe ka. Wala namang traffic,” may kalakihan ng boses na sabi ni Sophia. “Friday ngayon, naku! Ayokong makipagsiksikan. Saka gusto ko nang matulog. Nauumay na ako sa mga binabasa natin. May exam pa bukas,” dagdag niya pang dahilan nang maibalik ang mga mata sa librong binabasa. “Sus. Nauumay raw pero basa pa rin ng basa,” umiiling na sabi ni Sofia. Nag-make face lang si Danica sa kanilang dalawa at itinuon na lang muli ang atensyon sa libro. Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa bumalik na ang professor nila saka ipinagpatuloy ang klase. Nang uwian na ay isa-isa nang nagsialisan ang mga kaklase ni Danica. “Una na kami, Dan! Ayaw mo kasi sumama, eh,” paalam ni Sofia. “Sige, ingat!” tanging naisagot na lang ni Danica bago makaalis sila Sofia. Inayos naman niya ang mga gamit niya saka lumabas na rin sa classroom. Sakto lang din ang pagtapos ng klase ng mga kaibigan niya na nasa kabilang section. Kinuha niya ang cellphone na nasa bulsa ng palda niya habang hinihintay ang mga kaibigan niya na lumabas. Busy siya sa pag-scroll sa cellphone nang biglang mapaangat ang tingin niya dahil sa lakas ng ingay na nanggagaling sa kabilang section. “G@go, pre. Baka balikan mo pa ‘yon, ah.” “Sinong umiyak kanina?” “First time kita makitang umiyak, tol.” “Araw-araw mo naman pinupuntahan pero nakapuslit pa rin.” Ilan lang ‘yan sa mga naririnig niyang usapan ng mga nasa kabilang section habang dumadaan sa harapan niya. Napansin niya rin ang kaklase niya na hindi niya alam kung kailan pumunta sa kabilang section. “Nangangapit-bahay ka na naman, Kenneth,” asar niya rito na tinawanan lang ng binata kaya napailing na lang siya at ibinalik ang tingin sa cellphone. Sumandal siya sa pader at ipinagkrus ang mga braso habang palihim na napapangiti sa pinapanood. “Danica!!!” malakas ang boses na tawag ni Janice sa kaniya at niyakap pa siya. Ngumiti siya saka niyakap din ang kaibigan pabalik. Napaka-sweet ng kaibigan niyang si Janice. Maganda rin ito kaya marami ang pumipila para manligaw sa kaniya. Matangkad, maputi, singkit ang mga mata at petite. Ito rin ang laging pambato ng barkada pagdating sa mga pageant. “Na-miss kita! Uuwi ka na?” tanong ni Janice nang humiwalay ito sa pagkakayakap sa kaniya. “Oo. Hinintay ko lang kayo lumabas,” sagot ni Danica habang nakangiti. Mukha namang na-touch si Janice dahil sa sinabi ni Danica kaya tinawanan niya ito. “Hoy, Janeng!” tawag ni Rain. Siya naman ang mukhang lalaki sa barkada dahil sa kilos niya. Matalino at kasing tangkad din ni Janice. Silang dalawa ang tore sa barkada dahil sa sobrang tangkad nila. “Ano?” boses lalaki na tanong ni Janice na tila inaasar ang pananalita ng kaibigan. “Tara na,” aya ni Rain. “Si Rose?” tukoy nito sa isang kaibigan pa nila na medyo chubby. “May kausap pa. Hayaan mo siya. Susunod din ‘yan,” sabi ni Rain. “Hi, Danica!” bati nito nang mapansin si Danica na nasa tabi ni Janice. Kumaway si Danica at saka ngumiti kay Rain “Uuwi na kayo?” tanong pabalik ni Danica sa mga kaibigan. “Oo kaya tara na. Umuwi na tayo,” atat na sabi ni Rain “Bakit parang nagmamadali ka naman?” takang tanong Janice. “Nagugutom na ako, eh,” mabilis niyang sabi na nakakunot pa ang noo. “Siraulo,” natatawang sabi ni Janice. Nang makalapit na sa kanila si Rose ay sabay-sabay na silang lumabas ng downtown campus. Naglalakad na sila papunta sa sakayan ng jeep nang mapansin nila si Benedict na nakatulala lang sa harap ng dagat. “Kaklase niyo ‘yan ‘di ba?” nagtatakang tanong ni Danica. “Oo. Umiiyak nga ‘yan kanina. Pansin niyo? Hindi rin dumadaldal, isang buwan na. Mukhang may problema,” kumento ni Rose. “Baka tungkol na naman sa jowa niya. Parang araw-araw naman silang may problema,” dagdag pa ni Janice. Napatitig si Danica sa mukha ng binata. Nakaramdam siya ng kaunting awa at haplos sa puso niya nang hindi niya maintindihan. “Jowa, jowa pa kasi kayo. Sasaktan lang din naman nila kayo,” seryosong sabi ni Danica nang malagpasan nila ang binata. Hindi sila napansin ni Benedict dahil tila lumilipad ang utak niya sa mga sinabi ni Aizcelle sa kaniya noong nakaraang buwan. “Hindi ka pa rin ba nakaka-move on, Dan?” biglang tanong naman ni Rain kay Danica. “Kay Hans?” dugtong pa ni Janice. “Ang tagal na no’n. Dapat kinakalimutan ang mga walang kwentang tao,” may bahid ng inis sa boses ni Danica nang sabihin niya iyon. Hindi na sumagot pa ang mga kaibigan niya. Tumikom ang bibig nila nang mapansin ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Danica. Naalala nila na ayaw nitong binabanggit ang pangalan ng ex niya. Aminado si Danica na hindi pa siya nakaka-move on mula sa past relationship niya. Pero hindi ibig sabihin no’n na mahal niya pa si Hans. Masyadong malalim ang sugat na iniwan ni Hans sa puso niya. Ang mga panahon na iyon ang tingin niya ay natanggalan siya ng dignidad at kahihiyan sa harap ng maraming tao. Sobra-sobra ang sakit na nararamdaman niya sa iisiping minahal niya si Hans. Gusto niya lang makalimutan ang nakaraan kahit patuloy pa rin siya dinadalaw nito dahil sa mga alaalang binuo nila kahit sa maikling panahon lang silang magkasama. “Ay, guys,” sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Rain nang magsalita ito. “May nasagap pala akong balita,” anito na parang malaking balita ang sasabihin niya. “Ano?” sabay na tanong ng tatlo. “Alam niyo ba na may nililigawan atang estudyante si Sir Andrew?” maingat na pagtatanong ni Rain. “Oh?” gulat na sambit ni Danica. “Hindi ba’t bawal ‘yon?” kunot ang noo na tanong niya. “Oo nga,” gatong ni Janice. “Sino raw?” curious na wika niya pa. Pababa na sila ng tulay nang magsalita si Rain. Nag-aabang naman ang mga kaibigan niya. Pero parang nakalimutan ni Rain ang sasabihin nang pagkabuka ng bibig niya ay mabilis niya ring isinara. “Parang timang, Rain,” inis na sabi ni Janice. “Hindi ko alam eh,” natatawang sabi naman ni Rain. Napailing na lang sila. “Pero kung sino man siya. Sana hintayin muna nilang makuha natin ang diploma para hindi sila parehas malagot,” ani Danica. Tumango-tango ang mga kaibigan niya dahil may point siya. Once kasi na nalaman ng University na may relasyon sila ay posibleng matanggal sa trabaho si Mr. Andrew at hindi pa maka-martsa kung sino man ang nililigawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD