“That’s fine…” Nagkaroon ng distansya sa kanilang dalawa. Walang nagsalita hanggang sa ibalik ni Danica ang usapan nila kanina tungkol sa kababa nito. “So… you don’t remember who’s Nini?” paglilinaw ni Danica. Gustong pukpukin ni Danica ang ulo dahil sa biglaan niyang tanong. Ang awkward din kung bigla na lang siya aalis doon gayong siya na ang nakasakit sa damdamin ng binata. Lumiyad naman si Benedict para bahagyang tumingin sa langit. Bumuntong-hininga siya. Umiling siya saka sumagot. “Blurred na rin ang memories ko with her. Ang tanging alam ko lang ay kababata ko siya at si Ai ‘yon,” aniya. “How sure you are if you do not clearly remember anything about her?” kunot ang noo na tanong ni Danica saka bahagyang tumagilid para tingnan nang mabuti ang reaction ni Benedict. “Dahil nick

