“Here,” inabot ni Benedict ang platito na may lamang donut kasama ang isang baso ng juice. “Thank you,” nakangiting sagot ni Danica sa binata. “Anong pinag-usapan ninyo nila Daniel?” curious na tanong ni Benedict saka uminom sa baso na hawak. Bahagya namang lumubog ang duyan at dumulas si Danica papunta sa gitna nito dahilan para muling magkalapit ang balat nilang dalawa ni Benedict. Kumagat muna sa donut si Danica bago nagsalita. Pinipigilan niya ang sarili na kabahan sa kuryenteng dumadaloy sa balat niya sa tuwing nadidikit kay Benedict. “Wala naman… nagtatanong lang tungkol sa atin. Since nakita nila tayong magkasama… like the usual,” pagdadahilan ni Danica. Napatango-tango naman si Benedict. Ilang minuto silang naging tahimik. Itinuon ni Danica ang atensyon sa kinakain na donut.

