Kasalukuyan na naglalakad sina Jio at Danica sa mall para bumili ng suit sa graduation ni Jio next year. “Why do you want to buy a suit now, Kuya? Ilang buwan pa naman bago ang graduation ninyo, ah.” Hawak ni Danica ang strap ng shoulder bag habang lumilinga para maghanap ng shop na puwede nilang pagbilhan. “Mas excited pa sa’kin sila Mama. Imbis na tinatapos ko ang thesis ko ngayon, nandito ako sa mall at nag-iikot para sa suit,” umiiling na sabi ni Jio. “Binantaan ka na naman, ‘no?” bahagyang natawa si Danica nang maisip niya kung ano ang ginamit ni Tita Keith para lang mapapayag niya ang isang Jiovanni Cristoff. “As usual,” buntong-hinging na sabi ni Jio. “He will not let me take over the company kapag hindi ko siya sinunod.” Jio rolled his eyes which makes Danica laugh even more. K

