Wala naman silang klase sa isang subject kaya naman naging pagkakataon sa kila Danica iyon para pag-usapan ang magiging costume nila matapos ang isang linggo na practice. Nasa harap ng buong klase ang bading na President nila na si Kevin. “Okay, guys. Any suggestions sa saya at barong na pwede nating gamitin?” panimula nito. “Magtahi na lang tayo para mura!” suhestyon ng iba. “Oo. Tela na lang,” sang-ayon din ng karamihan. “Tela lang suot?” may pagbibirong sabi ni Dennis. “Gago. Nakatahi nga, eh,” sagot ni Joseph sa kaibigan sabay binatukan pa ito. Nagtawanan lang ang buong klase dahil sa mga kaniya-kaniya nilang banat. “Oh, kung tela… anong kulay?” sunod naman na tanong ni Kevin nang sumang-ayon na ang lahat sa pagtatahi. Hindi narinig ng klase ang tanong ni Kevin dahil sa tuloy

