Ibang boses ang bumungad sa kanya. Boses babae iyon at sa tono nito ay halatang seryoso. Who the h*ll is this?!
"Sumagot ka, tinatanong ko kung, ikaw ba yung boyfriend ng anak kong si
King Sp*rm latigo?!" Tanong nito sa mataas na boses.
Napatanga siya. Umurong ang matapang niyang dila sa babaeng kausap. Ang nakakatawa pa manega ay bigla siyang naging maamong halimaw ng wala sa oras.
"Po?"
"Ang tanong ko ikaw ba ang boyfriend ng anak ko,binge ka?"
"A-Ahm.."
"Mommy! Akin na yang phone ko." Narinig niya ang matinis na boses ng Feelingera. Kung ganon ang mama ng feelingera ang kausap
"Ssshhh..!"
"Anong ssshh? Akin na po kasi."
"SSSsshh... means Shut the f*ck up!"
"Daming kang alam,Mom?"
"Huwag kang pilosopo, ah."
"Akin na po kasi, pinapasok ninyo na po yung privacy ko."
"Kanina ka pa panay tili kaya pumasok ako ng palihim sa kuwarto mo, para kang taong kiti-kiti sa sahig. Aba,akala ko nababaliw kana.
Kaya nong nagbanyo ka at iniwan mo itong cellphone mo e, sinamantala ko na ang pagtawag ng lalaking mong Latigo na sp*rm pa ang ngalan!"
"Mom, please akin na po 'yan."
Napangiwi siya. Patayin nya na kaya yung tawag?
"Boyfriend mo ba ito? Kailan pa naging kayo hmm? Ito ba yung lalaki mo na iniwan ka at iniyakan mo?"
"URrgh! Wala po akong panahon sagutin yan, please.. give it to me na! "
Medyo naguguluhan siya sa mga pinagsasabi ng Nanay ng feelingera. Ano daw? Parang kiti-kiti sa sahig at nagtitili? Yung totoo? Bigating tao ba ang feelingera o pinagtitripan lang siya?
Saka.. Mukhang wala alam ang Nanay ng feelingera sa kabaliwang pinag gagawa ng anak nito. Napa-isip siya, ito na siguro ang magiging hangganan ng pangungulit ng feelingera, kapag sinabi niya sa Nanay nito ang pangungulit nitong bigyan ng anak na lalaki.
"Diyan ka lang, 'wag kang lalapit. Kapag sumubok ka magiging kiti-kiti kang nanginisay."
Napalunok siya. Grabi naman ang nanay ng feelingera.
"Mom!"
"Let me know him, hindi puro mga pinsan mo lang ang nakakaalam ng status ng lalaki mo.Bilang magulang mo dapat alam din namin!"
"Pero.."
"Walang pero pero, lumabas ka ng kuwarto na ito ang magluto ka ng popcorn."
"Popcorn? But I don't know how to cook--"
"Ano ba naman 'yan Frianka, popcorn nalang hindi ka pa marunong magluto. Mamatay ang asawa mo ng maaga at ang cause of death dahil sa gutom."
"Mom, I'm a heiress who does'nt need a husband."
Nagtaas siya ng isang kilay. Heiress si Feelingera? Kung ganon isa itong bigatin? Teka..pakiealam niya ba? Dapat kanina pa niya binabaan ng tawag ito e, kaysa maging tsismoso.
"Baka heiress who can't leave without money. Sige na, umalis kana. Ang Dami mong alam."
"Urggh! Kaines ka na po Mommy!"
Babalakin na niyang babaan ito ngunit hindi pa niya nasasabi ang nais niya.
'Gawin mo na Hage ng matahimik na ang buhay mo!'
Nang marineg na niya ang galabog ng pintuan ay hudyat na nakalabas na ang feelingera. Hinihintay niya nalang mag salita ang ina nito.
Tumikhim muna ito. " Nandyan ka pa ba, Ijo?"
Nagulat siya ng naging malumanay ang boses nito, kumpara kanina na halimaw sa kakasigaw.
"Nandito pa--i mean po?"
Para siyang tanga na nauutal, yung tipong hindi siya puwedeng magkamali mag bigkas ng salita.
"Marami akong gustong tanungen sa'yo Ijo, kaya sana paki-sagot okay?"
"S-Sige po.."
Sheeytt manega! Hindi siya yung tipong nauutal sa kausap. Magulang nga niya hindi siya ganito, ito pa kayang kausap niya? Pero iba talaga, nauutal siya
"Ikaw ba si King Latigo tama ba?"
"A-ahm.."
"Huminahon ka Ijo, hindi kita kakainin lalo na ang bituka mo kasi malayo ka.."
"H-Ho?!"
Hala siya? Cannibal ba ito?
Tumawa ito pero 'di yung masaya. "Joke lang.. sige na paki-sagot."
Lumunok siya ng mariin.
"A-Ang totoo po, hindi ko po alam kung saang lupalop po nakuha ng anak ninyo ang mga salitang 'yan."
"Ahh.. pero ikaw si King Latigo 'di ba? Yan ba endarment nya sa' yo?"
Hindi siya makasagot naasiwa siyang sabihing oo.
"Hmm.. Hindi na pala mahal? O, marami lang kayong endarment?"
Mahal? Medyo hindi niya nagustuhan ang narinig. Never niya iyon narinig na tinawag siyang mahal ng feelingera. At pakiealam naman niya.
"Hindi po 'mahal' ang tawag niya sa akin. Ang totoo po kasi-"
"Ganon? E, sino katawagan niyang mahal nitong mga nakaraang buwan?"
Malay niya ba kung sino? Baka yung bw*sit na si Ariesto ang tinutukoy nito.
"Ah gaanon po ba?" pagkukunwari niyang sagot.
"Ahm, Ijo, huwag mo sana pag isipan agad ang anak ko, ah. Baka lang naman mali ang pandinig ko. Alam mo na pag inlove lahat nalang binabangggit kaya ibig sabihin ikaw ang mahal niyang si Aries?"
Nakakawala sa mood kapag naririnig o nababanggit ang pangalan ng maangas. Kintagalan kasi kumukulo ang dugo niya.
"I don't know him, Ma'am."
"Ha? You don't know him?"
"Yes, dahil hindi Aries ang pangalan ko."
"Oh, My God! Kung gaanon bago ka ng anak ko?" Nagtaas nanaman ito ng boses.
"Saka Ma'am, may sasabihin po--"
"Ay tar*ntad*! May boyfriend ng bago ang anak ko ng hindi ko alam?"
Ano ba 'yan! Hindi man lang siya pinatapos!
"Sorry, napasigaw ako, pero eee..!" bigla nitong tili. "Nakakatuwa na iba na pala ang boyfriend niya. Kasi sa mga na irereport sa akin e, lagi nalang itong galit, stress at kung minsan malungkot. Di ba nga bumukod na ang anak ko? Kaya hindi ko ako masiyadong update sa kanya at puro limit lang balita. Akala ko ng bumisita siya dito ay magkukulong siya sa kuwarto pero ngayon? Napapa-wow nalang ako at masaya ang anak ko. Ngayon ko lang narinig na tumili 'yon sa sobrang saya katulad ng ginagawa niya kanikanina lang. Kaya salamat talaga pinasaya mo ang anak ko. "
Sa haba ng sinabi nito ang naintindihan niya lang ay bumukod, malungkot at nagtitili ito ng dahil sa kanya. Nagkamot siya ng ulo ang hirap sumingit. Madaldal din ito kagaya ng feelingera. Mag-ina nga ang dalawang ito.
"Ma'am, puwede po ba pakinggan ninyo po ako-"
"Naku..'wag mo nga ako matawag-tawag na Ma'am. Mama Bravia nalang, okay?"
What the? No way! Iisa lang ang kikilalanin niyang biyenan, at walang iba kung hindi si Rehina Marinal ang ina ni Raya Marinal.
"Excuse me, Ma'am puwede bang hayaan ninyo muna akong magsalita."
"O, Okay.."
"Sorry sa pagputol pero hindi ako ang boyfriend ng anak ninyong feelingera."
"Ha? Hindi ka niya bf? Ano ka niya manliligaw?"
"Yes ma'a-- I mean, no! Kung puwede lang po sana paki-sabi nalang sa anak ninyo na--"
"Oh God! Ang gwapo mo pala, Ijo!"
"W-What?"
"Naka-appear ang picture mo dito sa number mo. Ay grabi.. magandang lalaki ka pala kaya naman pala nababaliw ang anak ko kakatili.
"Po?"
"Hmmm.. Info number
Hage Juke Armani a.k.a King Sp*rm Latigo ang ama ng anak ko. Wow! Advance agad ang anak ko mag isip na kayo ang magkakatuluyan. "
"What?"
"Yung number mo sa phonebook niya ay kumpleto ang impormasyon. Edad, social media acc at etc. Saka yung apelyido mo parang pamilyar sa akin, but anyway ang mahalaga ang gwapo mo.
Hala..saka ang bata mo tingnan, mahabagin.. ang bata mo pa siguro. Alanganin sa edad ng anak ko.
Alam mo na sigurong 39 siya pero hindi lang halata kasi bata ang itsura niya. Tapos ikaw sa tantsa ko nasa 27-28 ka palang tapos nanliligaw ka sa anak ko? Wow!"
May gulay kailan ba siya makakasingit? Kung anu-ano na pinagsasabi nito at humahaba na ang usapan. Kailangan ng putulin ito dahil naiinis siya sa pagiging stalker ng feelingera. Lahat nalang alam!
"Ma'am, please lang.. Mawalang galang lang pero kung puwede lang makineg kamuna sa akin?"
"Ah,Sige..sorry."
"Didiretsahen ko na po kayo.Hindi ako si Ariesto, hindi rin niya ako manliligaw at lalong lalo na hindi niya ako boyfriend."
"Ha?! Eh ,ano ka niya?"
"Hindi ko rin siya kaibigan. We're both strager to each other. At yang anak ninyo ay isang desperada, asyumera at dakilang feelingera."
Sa wakas nasabi niya rin.
"A-Ano?"
"Habol na habol ng habol iyang anak ninyo sa akin at pinipilit ang sarili na bigyan ko siya ng anak na lalaki. She's crazy, ma'am! Kung puwede lang pag sabihan ninyo iyan anak ninyo kasi nakakairita na talaga!"
Tahimik ang kabilang linya. Medyo nakunsensya siya sa sinabi niya, hindi kaya napasobra siya? pero kailangan sabihin ang totoo,e.
"G-G anoon ba? Hindi ko alam na m-may ganoong ginagawa ang anak ko"
"Ma'am yung ang totoo. Kaya kung pwede lang patinuen ninyo ang anak ninyo dahil wala lalong papatol sa kaniya." pagtutumbok niya.
Isang pigel na hikbi ang narinig niya. Mariin siyang pumikit, naloko na.
"I-I'm sorry, Ijo.. Im sorry sa nagawa ng anak ko Huuwaah..!!"
Bigla nalang itong ngumawa. Siya naman napahilamos ng mukha. Kainis naman parang bata naman itong umiyak. Inatake tuloy siya ng konsensya kaya nag panic siya.
"Ma'am huminahon po ka--"
"A-Akala ko nasa masayang relasyon ang anak ko. Akala ko wala na siya sa malungkot niyang relasyon at pinalitan mo. Tapos..tapos hindi ka pala niya boyfriend o manliligaw man lang. May nireport kasi sa akin nong nakaraan na may nagpadala sa kanya ng Flowers at chocolate nakapangalan na 'Mahal' Huuwaaahh..!"
"Ma'am, please wag na kayong--f#ck naman! Please, Tita tumahanan kana.."
"Huhuhu.. Joke lang pala yung pa-flowers at chokolate. Gawa-gawa lang niya siguro o binili niya. Kawawa naman ang anak ko..huhuhu.."
"Malamang po siguro na binili niya, kasi po. feelingera ang anak ninyo--"
"Akala ko totoo! Never kasi nagkuwento na nakatanggap siya ng bulaklak o chocolate or something sweet stuff."
Ganon? Kawawa naman ang feelingerang iyon at hindi nakatanggap ng mga nakakasukang sweet stuff na ginagawa ng mga lalaking pa-impress.
"Malay ninyo po meron kapag binawasan niya po pagiging feelingera--"
"Wala nga! Kulit mo rin, eh..huhu"
Ay? Nagawa pang mambara?
"S-Sorry naman po, Ma'am- tita."
"Ayos lang.."
Ayos lang pero mas lalo lang ngumawa ito. Yung mga iyakang ganito ay kinaiinisan niya.
Pinapatayan ng tawag o 'di kaya tinatalikuran pero pag dating sa nanay ng feelingera? My goodness, hindi niya nagawa.
"Sabagay.. Sino ba namang tatagal sa anak ko, na may edad na? Mukha lang bata pero pakunat na. Sa panahon ngayon wala ng lalaki na magmamahal sa malayong agwat."
Sa panahon talaga ngayon ay mangilanngilan nalang talaga ang pares na nagtataggal lalo na't malake ang agwat ng edad. Kahit siya man ay hindi tatagal sa ganoong pag sasama, para kasing may kasama kang magulang at nakakairita 'yon. Magkaiba ang gusto at pananaw sa buhay na tiyak lageng may World War 3 araw-araw.
"Baka naman po may iba pa diyan at hindi ako."
"Alam ko 'yon Ijo, kasi bata ka pa. Marami ka pang gustong gawin, e ang anak ko kasi sawa na."
"Siguro po nasa anak na ninyo ang problema. Masiyado kasing feelingera kaya walang nagtatagal."
Puro singhot lang ang naririneg niya pero hindi uubra sa kaniya ang drama.
"Paki-sabi nalang po sa anak ninyo 'wag na akong pag-aksayahan ng panahon at 'wag na rin akong guguluhen pa dahil may mahal na akong iba."
Ewan ba niya kung bakit pa niya dinuktong na may mahal na siyang iba.
Bumuntong hininga ang kausap mukhang naiintindihan nito ang sinabi. Sana nga 'dito na magtapos ang pangungulit ng feelingera.
"Ibaba ko na po ito, pakilinaw nalang po sa anak ninyo ang--"
"May tama ka naman sa sinabi mo,Ijo pero sana pag bigyan mo nalang sana kung ano man ang hinihiling ng anak ko."
Wait..what?! Tama ba ang narinig niya? Ang kaninang awa ay napalitan ng pagkairita. Hindi niya inaasahan na maririnig niya ito mismo sa ina ng feelingera.
"So what is this? Agree kayo sa kabaliwan ng anak ninyo?"
"No, ang point ko ay pag bigyan mo nalang sana ang anak ko. Wala namang mawawala sa 'yo.."
Gusto niyang matawa. Seriously?
"Ma'am, hindi naman kayo binge 'di ba? Siguro naman klarong-klaro naman ang sinabi ko?" segunda niya kasabay ng pagtaas ng tono ng boses niya.
"Kung ang pinoproblema mo, Ijo, ay yung pag hahabol sa'yo ng anak ko kung sakaling mapagbigyan mo ay wala kang magiging problema."
"Talaga lang?"
"Anak lang ang gusto ng anak ko at hindi niya kailangan ng asawa."
"Come on, ma'am. Kung alam ninyo lang ang ginawang kabalastugan ng anak ninyo para sundan ako--"
"Kung sustento naman ang usapan wala kang magiging problema. May pera siya at kaya niyang panagutan mag-isa ang bata ng walang kinikilalang ama."
"Kabaliwan yan Ma'am, sa tingen ninyo maniniwala ako?"
"Please Ijo, aniwala ka. Anak lang talaga ang gusto niya. Promise, wala kang magiging problema."
Nakakadismaya. Like mother like daughter.
"Mag kakapamilya na po ako at sa babaeng mahal na mahal ko. Ayokong magkaproblema kami ng dahil sa kanya!"
Oo at malapit ng makabuo ng pamilya. Ma void lang certificate ay makukuha niya na si Raya. Pakakasalan at mamahalin na parang kanya ang mga anak nito. Aakuin niya ang responsibilidad. At sisikapin na mahalin siya nito upang makabuo rin sila ng anak.
"I swear, wala kang magiging problema, Ijo. Oo sabihen na nating guwapo ka at maraming nagkakandarapa sa'yo. Siguro isa na roon ang anak ko pero kapag nakilala mo siya iba siya mag mahal n--"
"Sinabing ayoko! Ang bigyan ng anak ay hindi ko magawa ang mahalin pa kaya!"
"Kahit gumawa tayo ng kontrata, Ijo."
Nakakatawa! Ibinenta na nito ang anak.
"Hindi pa rin ako papayag. Kaya please ma'am, tama na. Huwag ninyo ng ipilit ang gusto ninyong mag-ina. Iba nalang at wag ako ang guluhen ninyo o pag tripan ninyo dahil my answer is a no!"
"Hindi ko 'to gusto, ijo!"
Tumaas muli ang boses nito pero this time hindi siya natakot.
"You know what, ang gulo ninyong kausap."
"Hindi ako parti ng kahit na anong plano niya O kahit na anong kabaliwan na hinihinge sa'yo ng anak ko. Wala akong alam dahil ngayon ko lang nalaman"
"Ngayon n'yo nga nalaman pero sa isang iglap pinilit ninyo na sa akin ang anak ninyo."
"Kung tutuosen ayoko sa'yo!"
Ha? Ano daw?
"Eh,kung ayaw ninyo sa akin bakit mo pa pinipilit sa akin ang anak n'yo?"
"Dahil wala kang galang!"
"What?!"
Mas lalo niyang hingdi naintindihan.
"Ayoko naman talaga ipilit ka sa anak ko kasi nakakababa ng pagkababae at pagkatao niya. Lalo na't pinipilit niya sa walang prenong tulad mo!"
Abay loko? Siya pa ang nagmukhang masama. Mas lalo tuloy siyang naguluhan sa pinupunto nito pero wala na siyang pakiealam. Mainam na maines ito para tigilan na siya.
"I'm just telling the f*cking truth, ma'am."
"Ginagawa ko lang 'to dahil dito masaya ang anak ko. At tama ka maraming iba pero ikaw ang gusto niya!"
"Ayoko nga sabi!"
"Pero dito masaya ang anak ko! Ito lang ang nakita kong paraan para sumaya siya. Dahil sa loob ng ilang dekada na wala kami sa tabi ng ama niya ay--" Huminto ito at muli nanamang humikbi, habang siya naman ay napatanga nanaman.
"H-Hindi mo a-alam kung.. kung ilang dekeda siya nag-iisa. Umiiyak ng gabi-gabi dahil wala kami sa kaarawan niya o graduation niya. Ramdam ko yung pangungulila niya magpahanggang ngayon. Pero kung ayaw mo sa anak ko kahit mag makaawa ako sorry. Sorry kasi pinilit kita para lang sa anak ko, kahit nakakatapak na at nagmumukha siyang kaawa-awa para lang makuha ang oo mo!"
Matapos ng mahabang linyahan nito ay binabaan siya ng tawag. Siya naman ay napatanga at bumagal ang takbo ng utak niya sa chage mood ng kausap.
"What the f*ck, bakit parang kasalanan ko?"
LUMIPAS ang dalawang oras matapos ng pag uusap nila ng ina ng feelingera ay ang tanging nagawa lang niya ay tumulala sa bintana. Pinagmamasdan ang mga bituwin sa madilim na kalangitan habang malalim na nag iisip.
Akala niya tatawag muli ito para bawiin ang sinabi tapos ay mangungulit muli pero hindi, nagkamali siya. Walang tumawag na iyaking ina kahit feelingera sa loob ng dalawang oras.
"For real?"
Sa totoo lang dapat wala siyang pakiealam. Mabuti nga't tumigil na para wala ng sakit sa ulo pero... heto siya ngayon at nakukonsensya.
Para kasing may malaking nawala sa kanya na hindi niya mahanap kung saang parti ng isip niya. 'Di kaya..dahil sa mga ibibigay na kapalit ng feelingera kapag pumayag siya sa gusto nito?
Bumuga siya ng hangin at napahilamos ng mukha.
"Ano ka ba naman, Hage! Dapat nga matuwa ka kasi hindi ka kinukulet diba, diba?"
Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili at kalimutan nalang ang lahat, pero pag katapos nito ano, ano na mangyayari sa kanya? Magtatagal ba siya sa tabi ni Raya o ibabalik muli siya sa kulungan?
Wala siyang alam, lalo na sa tinatakbo ng isip ni Akee Alva. Sinunod lang niya ang utos ni Akee at ang kapalit ito na, nasa tabi na niya si Raya. Pero paano kung ang pakikipag-deal niya sa Feelingera ang susi sa ng pagtatagal niya rito o puwede rin kalayaan na ang kasunod nito?
"Hay naku, ang sakit sa ulo ng babaeng iyon, kaines."
Bumuntong hininga siya at sumuko nalang. Kailangan na niya ng sagot at mababaliw na siya sa kunsensya at panghihinayang.
"Bahala na."
Kinuha niya ang phone sa bulsahan at tinipa iyon. Isang tao lang kayang makasagot ng mga agam-agam niya.
'Akee Alva'
Tinawagan niya ng personal number nito at hindi siya binigo nitong sagutin ang tawag niya.
"What the h*ll you want, Armani?" galit nitong tanong.
"Ba't galit ka?"
"Alam mo ba kung anong oras na? It's my family time. Hindi ako bente kwatro oras nagtatrbaho."
"So pag emergency hindi ka puwedeng storbohin?"
"There's someone trusted Assasin name Arjune Kuunal. Mauuna pa sa manok ang tsismis na manggaling sa kanya bago ikaw."
"Dami mong alam Akee, may itatanong lang ako."
"Ano ba kasi? Hindi ba puwedeng ipagpabukas? Baka mawalan na ako asawa kapag nagtagal ako."
Huminga siya ng malalim. "Sino ba si Feelingera?"
"Totoo ba 'yang tanong mo?"
"Sagutin mo ang tanong ko."
"Himala, nagkainteres ka sa kanya."
"Puwede bang sagutin mo nalang? Pasalamat ka nga't hini kita minura dahil sa binigay mo ang personal number ko at kasabuwat mo ang kapatid ko."
"Wala akong kinalaman sa ginawa ng kapatid mo. Sumunod lang ako sa pakiusap niya. Now, sagutin mo ang tanong ko. Ano ang pangalan ni feelingera?"
"Hindi mo ba nabasa ang pangalan niya, diyan sa cellphone mo?"
Nagtagis ang mga ngipin niya. "Huwag kang piloposo! What i mean ay ang surname niya."
"Bakit hindi mo itanong sa kanya? Tutal kayo na mag kausap at sa akin mo pa dinadaan."
"Puwede ba sagutin mo nalang!"
"It's confidential."
"Ganon? Pag dating sa kanya confidential tapus pag dating sa akin puwede mo ipangalangdakan ang buong pagkatao ko?"
"Ano ba kasing problema, Armani? Storbo ka, eh!"
Nagbuga nanaman siya ng hangin at napasuklay ng buhok. " Ang feelingerang iyon, nagkausap kami. Ang sabi niya kapag...kapag ibinigay ko ang gusto niya ay kayang kaya niyang ibalik ang nawala sa akin, maging ang pag void ng marriage certificate ni Lureen."
Ito naman ngayon ang bumuntong hininga. "Pati ang marriage certificate dinamay?"
"Wala kang pakiealam. Ang tinatanong ko ay kaya bang gawin iyon sa isang iglap?"
Segundo ang lumipas bago ito sumagot. "Yes.."
Napaatras siya bigla. Seryoso ang tono ni Akee.
"Kayang kaya niya. She can pay a million times just to get what she want."
"S-Seryoso ba 'yan?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Ano ba kasi ang family background niya?"
"Kakasabi ko lang na confidential, bakit hindi ikaw ang umalam? Storbo ka, eh."
"Kung ganon seryoso talaga siya?"
"Ano ba pinapagawa niya sa 'yo o kondisyon niya?"
"Bakit, hindi niya ba sinabi sa'yo?"
"Kaya nga nagtatanong.."
Really? Sa daldal ng feelïngera at sa tapat ni Warvez kay Akee Alva hindi ito nagsabi?
"Nagkukunwari ka ba para mangumpirma?"
"Ang arte, dami mong satsat sasabihin mo lang."
"Tsismoso, basta mabigat ang kondisyon niya."
"Ahh.. I get it. Tumanggi ka sa una pero nakunsensya ka kalaunan, dahil naisip mo ang malaking kapalit at isama pa ang kalayaan mo."
Natumbok niya ang point nito.
"Manghuhula ka ba?"
"So predictable. Kung ako sa 'yo papayag na ako."
Nainis siya. "Akala mo ganon lang kadali 'yon? E, hindi mo pa nga alam."
"Walang mahirap sa taong gustong mahangad ang lahat. Kung ayaw mo at nag alangan ka 'wag mong pagbigyan. Napaka simple lang, Armani. Kung gusto mong mabulok sa kulungan it's fine, baka bumaba pa ang sintensya mo. Pero ito lang masasabi ko kung anoman ang pinagagawa niya sa' yo walang mawawala sa kanya. Hindi ka niya panghihinayangan at lalong wala lang sa kanya ang kapalit na ibabalik niya sa 'yo."
Abay buwis*t. Kung manalita parang ibinenta siya nito. Parehas 'din ito manalita ng nanay ng feelingera."
"Ano na? May itatanong ka pa? Nasa kalagitnaan ako ng kasarapan, Armani."
"Buwis*t ka, Akee!"
"Iniinggit lang kita baka sakaling pumayag ka."
Namilog ang mata niya. Ang walang h*ya! Hindi daw alam pero binigyan siya ng salita na may alam ito sa kondisyon.
"Lint*k ka, Akee, akala ko ba--hello? Akee, chingat* ka!"
Bastos! Binabaan pala siya ng tawag. Napahilot siya ng sintido. Mukhang wala ng pagpipilian,dahil gaĺing na mismo kay Akee ang gusto niyang malaman.
"Pest* Bahala na."
Pumunta siya sa recent calls at nakita numero ng feelingera. Umiba ang pakiramdam niya, nagsimula siyang kabahan at nanlamig ang mga kamay. Abo't langit ang pag iisip na baka naka-block na ang numero niya sa feelingera. At kung hindi man baka mang asar pa ito na.. papayag din pala siya, ang dami pang sinabi.
"Walang mawawala Hage, kaya relax lang. Katawan mo at sp*rm lang ang habol niya sa'yo, tapos hindi na siya mag eexist. Mababalik ang lahat sa 'yo kaya umayos ka, tiisin mo." pangaral niya sa sarili.
Tinawagan niya ang numero ng feelingera. Wala pang segundo sinagot na nito ang tawag at pagkatapos non pinindot niya ang voice call recording. Mahirap na, mainam ng may ibidensya.
"Hello.." malungkot na bungad nito.
"Hey, f-feelingera."
Langya nauutal pa siya. "Gusto kitang makausap."
"Kausap mo na ako, Armani. Anong kailangan mo?"
Patay na. Pilosopo na ito at sa tono ng pananalita mukhang wala na itong interes sa kanya. Normal lang 'yon sa dami ng sinabi niya pero para sa minamahal niyang Raya lahat gagawin niya.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Tumawag ako at tungkol ito sa kagustuhang mong magka-anak na lalaki sa akin."
"You said no right? Alam ko na at wag mo ng ulit-ulitin. B*b* ako sa english minsan pero marunong ako makaintindi. And yeah.. it's f*cking hurts my pride." Pangungunsensya nito.
Saglit siyang pumikit. Kaya niya ito.
"Pumapayag na ako."
"What?"
Hay naku.. Ito pa naman ang pinaka ayaw niya nagbibingi-bingihan!
"Puny*mas, 'wag kang binge. Pumapayag na ako sa kabaliwang gusto mo!"
"S-Seriously? Are you kidding me?"
"Hindi!"
"But why?"
"Wag ka nang matanong basta pumapayag na ako pero may kondisyon ako."
"Are you sure about this?"
"Oo nga, pero may kondisyon ako."
"May kondisyon ka pa? But you said yes, Ano 'to lokohan?"
Hala! Galit ba ito?
"Hindi kita niloloko at lalong-lalo nang hindi kita ginagag* So kung ayaw mo babawiin ko nalang."
Katahimikan ang namayani. Walang reak? Ayaw na ba nito? Naloko na, siya naman ba ang mag mamakaawa?
"Fine. What is it?"
Nanlambot ang tuhod niya. O, thank God.
"May tatlo akong kondisyon."
"Tatlo? Ang dami ko ng ibibigay na kapalit mag dadagdag ka pa ng tatlo? Nakulangan ka pa ba?"
"Sh*t up, makinig ka nalang. Kailangan mo ito para masabi kong karapat-dapat kang ikama."
"Ang sabi mo, pumayag ka na. Tapos ngayon may kondisyon ka pa kung karapat dapat akong ikama. Magulo ka na, tinapakan mo pa ang pagkatao ko."
"Ikaw ang unang tumapak sa pagkatao mo."
Narinig niyang kaunting pag angal nito.
"Ano ba ang kondisyon mo?"
Huminga muli siya.
"Una..kapag may naganap na sa atin, ano man ang gender ng bata ay hindi ko na problema. Wala ka ng karapatang bawiin ang ibinigay mo kung ano man ang naging resulta, gets mo?"
Alam niyang hindi iyon patas pero mahirap na nagiging praktikal lang siya.
"Okay." mabilis nitong sagot.
What?! Ganon lang 'yon? Di ba ito aangal na ang unfair?
"Okay? As in?"
"Oo, sigurado naman akong lalaki ang ma ibibigay mo."
Wow...sobrang sigurado talaga ito sa kanya.
"At kapag hindi? Anong gagawin mo?"
Hindi ito nagsalita. Baka dito na ito umangal.
"Ano na?"
"Wala ka ng pakiealam,problema ko na 'yon."
Ang sungit ah, o mataas lang ang pride? Pero infareness humanga siya.
"Okay, wala ng bawian yan."
"Wala na. Ano naman ang pangalawa at pangatlo?"
Ngumiti siya. Good, wala na itong kawala.
"Hindi ko sasabihen 'yon para may thrill. Maganda kasi kung actual mong gagawin, baby."
Kinutusan niya ang sarili kung bakit niya nasabi ang nakakadiring endarment na iyon. Pero wala e, nabanggit na niya at hindi na mababawi pa.
"Okay, anything you want, for the baby boy."
"Talaga? Nakakassiguro ka bang kaya mo?" Pang-aasar niya.
"Lahat-lahat ma-ikama mo lang ako."
Umakyat ang kilabot sa kamay niya papunta sa batok niya. D*amn this woman! Yung ito na ang nasabi nag iinit na siya. Nakakasabik.
"Very wise, So...deal?"
"Deal."
Umaangat muli ang magkabilang sulok ng labi niya. Nakakaramdam siya ng excitement.
"So, paano ang plano, saan tayo mag sisimula.. Baby?"
Pumikit siya at inangat ang ulo. Dinama niya ang malakas na kuryenteng dala ng kilabot. Ang sarap pakinggan ng banggitin nito ang salitang baby.
"Dipende kay Akee Alva, tiyak hindi iyon basta papayag hangga't di pa tapos ang mga dapat kung asikasuhin. Itetext nalang kita o tatawagan kapag ayos na ang lahat. Basta ang location ng pagkikita natin sa Costal Mall."
"Costal Mall?"
"Dadalhin kita sa Cavite."
"Anong gagawin natin doon?"
"Puwede bang wag ka ng matanong. Just pack your things and be ready anytime."
"O-Okay.."
"Huwag kang mag-alala, dadalhin kita sa bahay ko sa Cavite. May Vacation hause ako roon para sa pribadong gagawin natin."
"Okay, copy that."
"Sigurudin mo lang na birhen ka kagaya ng bukang bibig mo."
"100% virg*n ako, pabebe ka lang."
"Good, basta galingan mo para sa inaasam-asam mong baby boy.. My Baby."
Pagkatapos non ay binabaan na niya nito ng tawag. Hindi na naalis ang ngiti niya sa labi. Parang nitong nakaraan lang ay kiskisang masarap ang naganap, ngayon..ilang sandali nalang ay mapapasok na niya ang masarap nitong katawan.
"Can't wait to hear your moans, my beasty baby."
"Waaahhhh...!! Waaahaaa...!!"
Kulang nalang mapugtos ang hininga ng manega n'yo sa kakatili sa sayang nararamdaman. Nagtatatalon sa kama, sumusuntok sa hangin, nagsasayaw pa ito sa sobrang saya at kilig.
Sa wakas naman kasi ang pabebeng lalaking may pinakamagandang lahi sa kanyang paningin ay napapayag na niya sa kanyang kagustuhan.
"Oh, My Manega, oh my manega! Kyaaahhh..! Waahhh..!"
Sinapo niya ang magkabilang pisngi, nanlalaki ang mga mata habang nakanganga. Ini-imagine niya kasi ang naked body nito habang umiigting ang panga.
"Makikita ko na, makikita ko na yung latigo n'ya! wahhhhhh..!"
Yes...makikita na nga niya ang iyon. Ang mga ilang gabing hindi siya pinatulog ay akala niya hanggang panaginip lang. Ngayon? Daayym! Makikita na nga mahahawakan pa. E, di sana all da vah?
"Yung malaki at galit na galit niyang waaaaaaahhh!!"
Sige pa rin ang tili niya. Isa pa sa nagpadagdag ng ligaya niya ng tinawag pa siyang baby ng sendika. Gawd, manega, tumirik na ang mata niya sa pagdaloy ng sarap at ligaya,matitigok na ata ito.
"Tinawag niya pa akong, bay bhe! Landi yarn? Eee....!
"Anak, anong nangyayari sa'yo!" Sigaw ng ina mula sa labas ng kuwarto niya. Nilingon niya ang pintuan na gumagalabog na sa kakatok ng ina.
"Mommy...! Eeeee...!"
"Frianka Hera, Buksan mu nga 'to!" Utos ng kaniyang ama na si Vikram Wurzel.
Pinatigas niya ang katawan at lumakad ng mabilis na parang penguin. Nakangiti siyang tinungo ang pintuan at pinagbuksan iyon para sa magulang. Ngunit sa pag bukas niya ay sinalubong agad siya ng nguso ng baril, napaatras siya at umayos. Ang ama niya kasi ang may hawak nito na agad pumasok.
"Daddy, ano ba yang ginagawa mo? Bakit may baril ka pong hawak?"
"Nasaan ang dahilan ng pagtili mo? Nandito ba? O nakatakas ba sa mga kamay mo?"
"Duhh..Ano ba yang pinag sasabi mo, Daddy?"
"Nasaan ang p*steng nanamantala sa'yo?"
"Easy Daddy, 'wag kang ano d'yan. Walang ganong nangyayari."
Binaba nito ang baril at masama siyang tinitigan. "Bakit ka ba kasi tumitili? Alam mo bang storbo ka dahil nasa climax na kami ng Mommy mo!"
"Vikram, ano ka ba umayos ka nga!" Sita ng ina niya.
"Hay naku! Wala lang pala akala ko pa naman pinasok na ang bahay natin, dahil talagang tatanggalin ko lahat ng tauhan natin at papalitan ko ng bago."
"Anak, bakit ka ba tumitili? Para kang kinikilig na ewan."
Tumili siya na may kasama pang pagtalon harap ng magulang. Napaigtad tuloy sa gulat ang mga ito sa ginawa niya. Ang ama niya ay tinutukan siya ng baril.
"Ahhhhhh...!! Kyaaah..! Mommy!"
"B-Bakit ka nanaman tumitili ng dis oras ng gabi Frianka! Ninerbyos ako sa 'yo!" tanong ng ina.
"Eeee...! Manega Eee...!"
"Ay tinamaan lint*k, ito na sinasabi ko sa 'yo, Bravia! Hinayaan mo kasing bumukod mag isa ang anak natin kaya ayan sinapian na!"
"Bakit ako ang sinisisi mo?"
"Eeeee.....!!"
"Tingnan mo nga ang nangyayari sa anak mo, naninigas na."
"Tumigil ka nga Vikram, baka masaya lang ang anak mo--Ano ba Frianka , umayos ka nga! Ano ba kasi ang tinitili mo?"
"Mommy, mommy mommy...!! Eeee...!"
"Hay*p ka, kung sino ka mang sumasanib sa katawan ng anak ko, e sumalangit nawa ang iyong kaluluwa!" sabi ng ama habang nakatutok parin ang baril sa kanya.
"Hera ano ba kasi 'yon? Sasampalin kita, isa. "
"Mommy..!! Eeeeh!!!"
"Punyem*s kang masamang espirito ka. Lumayas ka sa katawan ng anak ko! Inuutusan kita dahil wala kang magiging f#ture sa katawan niya, kaya Labas!"
E de meow! May ganon? Tumigil siya sa pagtili at masamang tinitigan ang ama
"Wow, walang future po talaga? Hindi ba pwedeng masaya lang Daddy? Saka hindi ako sinasaniban."
"Kung hindi ano tawag d'yan nababaliw?"
"Parang ganon na nga, Daddy. Eeeeee...!! Manega, eeee...!"
"Ayaw mong tumigil, ah. "
Akma na siyang sasampalin ng ina pero tumigil siya sa pagtili.
"Mommy, listen to me," Hinawakan niya ang kamay nito handang manampal at pinisil iyon.
28
2 wksLikeReplyMore
Ava Raine Gregorio Alva
"Pumayag na si Latigo ko, Eeee..!"
"What? S-Sure ka?"
"Yes Mommy, ang sabi niya mag impake na daw ako at magkikita na kami sa coastal mall eeeeeh!!!"
Nanlaki ang mga mata ng niya.
"Oh God Talaga? As in, totoo ba yan?"
Tumango siya. "Yes Mommy, Eeee..!"
"Oh my God, I'm so proud of you,anak.. " bati ng ina na naluluha pa ang mga mata ng yakapin siya."Kailangan pala dramahan para pumayag siya."
"Hello... Baka puwedeng i-share ninyo sa akin kung anoman ang magandang balita na iyan?" singit ng ama.
"Yes, Dad! Magandang balita kasi itatanan na niya ako, Eeeeh!!!"
Binaba nito ang baril sa gulat. "What? Itatanan ka? Nino?"
"Yes..eeee!!!"
"Paano? Teka lang a, sino gag*ng magtatanan sa'yo, e wala ka namang jowa?"
"Naah..! Meron na ngayon,eeee..!"
"Bakit ka niya itatanan? Hindi ko pa nga nakikilala at nakokontrang maghiwalay na kayo, itatanan ka na agad, ano 'yan advance mag isip?"
"Wala ka na doon Daddy,basta magkaka-apo na kayo! Eee... manega eeee!!"
Humiwalay ang ina sa pagkakayakap.
"Totoo ba talaga yan anak? Ano ba pagkakasabi niya sa 'yo."
"Pack your things and be ready, bay..... beh kyaaaahh!!!"
"Ganon ba? E, 'di mag impake kana. Tutulungan pa kita at mapapalaban ka anak!" Sabi ng ina.
"Ano mapapalaban?!" Gulat ng ama.
Tinakbo ang ina ang ilalim ng kama niya. Hinatak nito isang maleta roon saka binuhat at inilagay sa kama niya. Binuksan iyon at nagmamadali sa pagkilos
"Wait, A-Anong ginagawa mo,Bravia?"
" Ano pa ba Vikram e, di pinag iimpake ang anak mo at mapapalaban. Heto anak.."
Tinakbo ng ina ang mga vanity mirror table niya. Dinipa nito ang mga kamay at iniyakap iyon sa mga beauty products saka nagmamadaling inilagay sa maleta.
"Importante ang mga ito, 'wag mong kakalimutan una sa lahat ng feminine wash, shave cream, wax , mouthwash, toothpaste, toothbrush, hair treatment, beauty cream, lotion, facial foam, pluster.. Wait- uhm.. ito pa."
Tinungo naman nito ang dressing room niya. "Syempre huwag mo 'din kakalimutan ang nighties mong puro butas ang design para mas nakakaakit. Ano pa ba? Ah, Ayon!"
Nanlaki ang mga mata niya ng binuksan nito ang isang drawer. Doon kasi nakalagay ang pinakatago tago niyang laruan.
"Mommy!"
"Isa mo na rin ito s*x toy, pambawi lang kung sakaling bitin at maliit lang!"
Naloka siya sa pinaglalagay ng ina.
"Bravia! Ano ba iyang pinaglalagay mo! Puro ka kalokohan, anong gagawin niya diyan kung mapapalaban siya?"
"Mapapalaban nga!"
"Hindi dapat iyan baliw ka,Mahiya ka nga sa anak mo!"
Ang ama niya ngayon ang nagmadali papunta sa kama niya. Itinapon nito ang mga laman na nilagay ng ina sa maleta niya.
"Vikram, bakit mo inalis?!"
"Tanan tanan daw, wala ngang jowa 'yan,eh! Nag papaniwala ka d'yan sa anak mo!"
"Ano bang sinasabi mo! Ang anak mo ay gagawa na ng apo--"
"Bravia, masanay ka na maraming balakid sa buhay ng anak mo. Nagtitili 'yan kasi may kalaban siyang napatumba."
Ano ba itong pinagsasabi ng Daddy niya?
"Vikram, totoo ang sinasabi ng anak mo!"
"Syempre pag may pinataob na kalaban may resbak iyan, kaya Frianka ito dapat ang dalhin mo."
May kinuha ang ama niya sa dressing room niya at ng bumalik ito may dala itong nagpaluwa ng mata niya.
"Daddy, Ano ba 'yan!"
"Ito dapat, Armalite, pistol, ultra bomb device, isama mo na rin itong holywater! Iyan ang mga iyan ang bitbitin mo, hindi iyang mga pampaganda na iyan. Aanhin mo ang mga iyan kung maganda ka nga binaril ka naman kaagad agad ng walang laban." Katwiran ng ama niya.
"Pag kulang pa anak, may nakatago pa akong submachine at magazin sa kuwarto namin ng Mommy mo, para kung mapalaban ka ay hindi ka kukulangin."
"Alisin mo yan, Daddy!"
"Frianka, Anak.."
Lumapit ang ama at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
"Anak galingan mo,ah. Ipakita mo na isa kang mafiosa na may dugong Wurzel, hmm.? Tandaan mo ito, proud si Daddy sa 'yo."
Pinaningkitan niya ang ama. Proud daw?
"Anong proud? Hindi ka po proud sa akin, Daddy. Dahil kung proud ka hindi mo po ako pahirapan ng ganito na nagmamadaling magka anak ng lalaki."
"What?"
"Amnesia ka, Daddy?"
Bumitaw ang ama sa kanya waring hindi makapaniwala.
"Teka, wag mong sabihing...totoo ang sinasabi mong may jowa ka na at itatanan kasi advance mag isip?"
"Yes, Daddy."
"No! Hindi ako papayag!"
"What? At bakit ka po 'di papapayag? Gumagawa na nga po ako ng paraan para magka anak agad ng lalaki at maako ko na ang mamanahin ko tapos hindi ka po papayag?"
"Malay ko bang seseryosohin mo 'yon. Hindi ba puwedeng nagbibiro lang?"
Na shock ang lola ninyo. Sa lahat ng pinagdaanan niya tapos sasabihin lang nitong biro lang! My Gawd, manega!
"Biro, are you kidding me?"
"Anak, nasabi ko lang 'yon kasi galit ako, ang gastador mo naman kasi."
"Hindi puwedeng biro lang iyon, Dad! Paano naman kami ng itatanan ako?"
"E, itigil mo na yang tanan tanan mong iyan at dumito ka na. Ibibigay ko sa 'yo agad agad ang mga mamanahin mo, basta 'wag ka lang gastador."
"No, ayaw ko!"
Nagulat ang mga magulang niya.
"Anak, ibinibigay na ng ama mo ang hinahangad mo--"
"E...! Ayaw ko pa rin!"
"Bakit ayaw mo? Ibibigay ko na nga 'di ba?"
Nagmaktol ang manega n'yo, my gulay. Ibibigay na nga nag inatz pa? Bakit naman?
"Ang dami ko ng pinagdaanan mga salitang 'di ko pa din po matanggap tapos ibibigay mo lang agad, matapos ko pong maghirap."
"Lesson learn lang iyon anak."
"Ayaw ko pa rin, hindi ko pa rin kukunin! Itutuloy ko pa rin kung anoman po ang nasimulan!"
Asus..ayaw lang umamin na nanghinayang ang manega n'yo. Gusto niya rin matikman ang sendika at saka may isang salita siya rito. Although kaya niyang ibigay iyon pero..paano naman ang mga gabing 'di siya pinatulog sa kakaisip ng mga wild scene? Aba Kailangan mabawi iyon, huh!
"Hindi ka na nga maghihirap kasi ibibigay ko na nga 'di ba? Basta huwag ka lang gastador at 'wag ka ng makipag tanan d'yan sa unseen jowa mong advance mag isip!"
"No! Itutuloy ko pa 'din," pagmamatigas niya.
"Frianka, ibibigay ko na nga nag inarte ka pa! Gusto mong ipakasal kita sa sinasabi ko, ha?"
"Vikram, huwag mo ipilit ang gusto mo. Lalo lang iyan mag rebelde. Paano tayo makabawi kung ayaw mo pag bigyan?"
"Iyan ang mahirap sa 'yo Bravia, dapat kung babawi ka ay naroon pa rin ang desiplina. Kaya ikaw,Frianka manatili ka rito at kunin mo ang mamanahin mo."
"Sinabi ng hindi nga po, sayang!"
"Anong sayang? Ano ba ang dapat kung gawin para kunin mo ang mana mo at manatili ka, ha?"
"Kukunin ko lang ang mana ko kapag may apo na kayong ibibigay sa akin."
"Ha,Ako? Ako magbibigay ng apo sa 'yo? Baliw ka ba? E, nag iisa lang kitang anak."
"O, kaya nga po Daddy. Ako lang ang nag iisa ninyong anak. Syempre po ako lang makapag po-provide non. Kaya bibigyan kita bago kunin ang mana ko."
Napaisip ang ama niya, medyo naguluhan ata sa sinabi niya.
"Bakit, bakit parang baligtad na ata ang sitwasyon? Parang ako na ata ang problemado?"
"Enough, Dad! Huwag ka na po makipag argue. Itatanan ako ng magiging Mister Kong si King Sp*rm Latigo a.k.a bay beh, na mahal na mahal na ako."
"Ano? Mister agad? Advance ka rin mag isip?'
"Basta Daddy, all you have to do is calm down relax and wait. Bibigyan kita na masarap na apo, okay? At hindi ako makikipag bloody game. End of discussion!"
****
MATAPOS sabihin ng gastador niyang anak na itutuloy ang plano nitong pagtanan para sa masarap na apo ay nilisan niya ang kuwarto nito. Iniwan niya ang mag ina niyang may sariling mundo.
Nagtatagis ang mga ngipin niya sa sobrang dismaya. Hindi maaring ang nag iisang anak ay paladesisyon na hindi niya maintindihan.
"Kailangan kong matukoy ang jowa ng anak kong mala advance mag isip! Hindi ako papayag na kunin niya ang anak kong gastadora nang hindi pa kami nakakabawi sa kanya.
Mabilis niyang tinawagan ang kapatid pinsan at mga pamangkin gamit ang video group call.
Hindi naman siya binigo at suwerteng online ang mga ito ng ganitong oras.
"Anong kailangan mo Vikram?" bungad ng kapatid niyang si Devien Wurzel.
"Bilisan mo at may ginagawa ako!" reklamo ng pinsan niyang si Foren Wurzel.
"Tito nasa thailand po ako ngayon, ano po ba 'yon?" tanong ng pamangkin niyang si Shivay Wurzel, ang anak ng kapatid niya.
"Tito Vikram napatawag ka kapag may kailangan." pambabara ng pamangkin niyang si Vairon, anak ng pinsan niya.
"May problema ako at kailan ko kayo! Yung anak ko may itatanan!"
Lahat ay nagulat sa sinabi niya.
"Lects* ka Vikram! Wala ka bang matinong sasabihin?" si Foren
" Sino si Hera?"
"Bugok ka ba, Devien! Malamang isa lang naman ang anak ko."
"Hala,Si Frianka may itatanan?!"
"Oo, Shivay! Gastadora na may itatanan pa!"
"Wow..Si Frianka talaga ang nag aya mag tanan?"
"Umayos ka Vairon, Hindi ako nagbibiro. Umayos kayo ng sagot ninyo sa akin. Kailangan ko kayo para mahanap ang pest*ng lalaki na makapal ang mukha na balak itanan ng anak ko ng hindi man lang ipinapakilala sa akin!"
"Easy Vikram" si Devien
"Pagbigyan mo na ang anak mo, 'di ba gusto mo na rin ng apo?"
"Gusto ko nga ng apo pero hindi dapat advance mag isip, tapos ang panget pa ng panglan. Paano kung panget pa 'yon!"
"Basta ako Tito, hindi ako puwede. Hinahanap ko pa ang anak kong Shadee."
"Huwag na kayong mag-inarte tt sundin ninyo nalang ang inuutos ko!"
"Bwisit! Oo na, ano ba kasi iyon?" si Devien.
" Okay Tito, ano po bang pangalan?" si Shivay.
"Wait.. Teka lang, ano nga ba?"
"Palpak ka talaga! 'Wag mong sabiheng nakalimutan mo ang pangalan?" bara ng pinsan niya.
"Ah! Naalala ko na!
"Ano po pangalan, Tito?" si Shivay.
"Latigo!" sagot niya.
"Kahit kailan wala ka talagang kuwenta mag bigay ng impormasyon. Kung mang uutos ka paki ayos naman!" dismayadong sabi ng pinsan.
"Hanapin ninyo at gusto ko agarang aksyon."
"Ahm Tito, wala po bang ibang pangalan? O kaya apilido man lang? Baka po alyas lang yan, eh." si Shivay.
"Isipin ninyo pong mabuti bukod sa Latigo, Tito." si Vairon.
"Ah, ayon may isa pa akong naalala! Ang pangalan niya ay sp*rm."
"What, Sp*rm? Sigurado ka ba 'dyan?" tanong ng kapatid.
"Oo! King Sp*rm Latigo, a.k.a Bay bhe."
"King Sp*rm Latigo? Pangalan ba talga 'yan?" paninigurado ng kapatid.
"Oo, 'yan ang pangalan ng lalaking advance mag isip at itatanan ng anak kong gastadora."
"Copy that, Tito. Sikapin kong mahanap siya. Kung may iba pa po kayong impormasyon para mas mapabilis ang paghahanap i-send ninyo lang po." si Shivay.
"Wahahaha! Y*wa na 'yan. Ang bastos ng pangalan. Mukhang malupit, Hahahaha!" tawa ng pinsan.
Lalo siyang nanggumigil. Ayaw seryosohin ng pinsan at kapatid ang utos niya.
"Walang nakakatawa. Hanapin ninyo na at dalhin ninyo agad ang lalaking iyon. Kikilatisin ko ito ng mabuti kung matino at karapat dapat ngang itanan. At kapag panget siya sa unang kita palang ipapakain ko agad ang laman niya sa mga alaga kong pirana."
"Copy," sagot ng apat sa kanya.
"Gusto ko ng agarang aksyon, kaya kumilos kayo ng mabilis. Hanapin ninyo ang lalaking mukhang King sp*rm pero itsurang baby latigo!" walang hingahan niyang sabi.
"Ano daw? Meron bang ganon?"
****