JESSIE HALF-EXPECTED THE tattoo shop to be closed. Of course, it was. Hindi siya nagkamali ng hinuha na gabi ang bukas nito. Kaya ang ginawa nila ni Cameron ay pinasok ang bawat stalls at pinatulan ang mga binebenta sa mga kiosks. Hanggang sa napadpad sila sa isang antique shop. Sa pagdako ng mga mata niya sa isang ponograpo ay hindi niya napigilan ang mapatalon sa tuwa. She have one in her house and a small collection of LPs.
Sumunod ang kapatid niya. “Is it still functioning well?” anito.
Lumapit sa kanila ang nagbabantay at may bitbit itong record. Pinatugtog nito iyon at agad namang inilahad ni Cameron ang kamay nito at isinayaw siya.
“Bilhin niyo na, ma’am,” singit ng taga-bantay.
Hindi nila ito pinansin, patuloy sila sa pagsayaw. “Tangina pala nitong kantang ‘to, eh,” komento niya nang marinig ang parteng that roses fade and love can die. Bumitaw siya sa kapatid at sinilip ang pinagkunan ng record. It says Perry Como - The Rose Tattoo.
Hinarap niya iyon kay Cameron. “You are this rose tattoo,” excited na sabi niya sabay turo sa leeg nito.
Napahawak si Cameron sa leeg nito kung saan ito may watercolor tattoo. Ibinaba niya ang hawak at inabot ang kamay rito. Inikot niya ito at isinayaw sa mabagal na tiempo hanggang sa matapos ang kanta. Nag-bow sila sa isa’t isa at nagtawanan.
Sumingit ulit si manong. “Ano, bibilhin niyo ba?”
“Magtitingin-tingin ho muna kami,” ani Cameron. Nilibot nila ang kasuluk-sulukan ng shop. Sa huli ay bumili siya ng sungka dahil wala niyon sa bahay niya, habang binili ni Cameron ang pinaglumaan at may dedication na post cards mula sa iba’t ibang bansa.
Habang naglalakad ay inisa-isa ni Cameron ang mga cards. “Ito. Mukhang French. May c’est, eh. C’est l’amour et c’est la—okay, I’m gonna stop right there. Oh, look at this. Philippines, 1988. I love you. A lot. Xoxo, Jaime. Hugs and kisses to you, too, Jaime. I hope you have everything you wanted and living a full life, because, you know, at the end of the day, the postcards are here and not with... not with the recipient.”
“Ugh,” si Jessie. "Why did you have to say that? Now it dawned on me. And knowing that sucks."
Malungkot na ngumiti si Cameron. "'Di ba? No'ng sinabi ko lang din na-realize. It really is true when they say ignorance is a bliss."
"What you don't know won't kill you," dagdag niya pa.
"Magbabatuhan lang ba tayo dito ng mga linya? Curiousity killed the cat," si Cam ulit.
She faked a laugh.
“Ito naman ay kuha sa Intramuros. See you in fortnight! Ay, alam na this. Ate,” tawag nito sa kanya. Tumigil si Cameron sa paglalakad at hinarang siya. “I just had an idea. I-pitch mo ito sa bride and groom niyo! O huwag na lang kaya. Gamitin ko na lang sa kasal ko. If ever.”
“Ano ‘yon?” Pinagbigyan niya ito hudyat na ilahad ang sumaging ideya.
“Cool,” aniya nang marinig ang suhestiyon nito. “Noted. Ire-relay ko kay Sergi.”
“Ate!” Hinarang na naman siya ni Cameron. Kinuha nito sa bulsa ang cell phone nito at may hinanap.
Nainip siya sa paghihintay kaya nagsimula na siyang maglakad.
Hindi siya nito pinadaan. “Hindi makapaghintay! Wala ka naman nang babalikan sa Manila. Pwe! I was looking at my gallery when I stumbled upon this,” wika ni Cameron. Hinarap nito sa kanya ang screen at pinanood ang video nila ng nagdaang gabi.
Makikita silang lahat sa screen—siya, si Cameron, Emerald, Sergi, Ignasi, Mel, at Dominic. Hindi niya alam kung sino ang may hawak ng cell phone ni Cameron pero may hinuha na siya kung sino. Nilakasan niya ang volume nang makitang bumubuka ang bibig ni Cameron sa video.
“— iyan, bakit ang tagal kaming kuhanan? Hindi ka ba pinakain sa inyo?” si Cameron.
“Ay, sorry, video pala ‘to,” wika ng nangunguha.
Nag-smile silang lahat. Tapos kanya-kanya na sila ng gawain pagkatapos niyon. Kumandong siya kay Ignasi. Nagpapapansin siya rito dahil abala ito sa pakikipag-tsimisan sa iba. Kinuha ni Sergi ang cell phone mula sa nagta-tattoo at inilipat sa harap ang camera kaya bumungad na sa kanila ang mukha nito. Nagsimula itong kumanta ng ‘Sana’ ng Up Dharma Down.
“Ay, may nalilito!” sigaw niya nang marinig ang kinakanta nito.
Sa wakas ay pinansin na siya ni Ignasi sa video. “Huwag kang maingay, Jessica. Nag-uusap kami.” Turo nito kina Mel.
Hinarap niya ito. “Dude, tell me about that black dude, please. I’m dying to know.” Hindi niya narinig ang sagot nito o kung in-address ba talaga nito ang sinabi niya dahil nasapawan na ang audio ng sumunod na nangyari.
At this point in the video, the focus was on Sergi and Emerald. He asked her again to marry her and she said yes. Cameron was holding the phone and was filming the whole thing. The tattoo artist gave his blessing to the couple and the rest of them stood as witnesses. Somehow, someone managed to offer a flower to Emerald.
Tapos binato iyon ni Emerald sa ere at siya ang nakasalo. Ang lakas ng tili niya. Lumuhod siya sa harap ni Ignasi at inalok itong magpakasal. Labis ang gulat ng lalake sa narinig.
Pawang mga “oh, my god” ang maririnig kabilang na ang priest/tattoo artist.
Then finally, Ignasi whispered a ‘yes’.
Kinasal na sila ng priest/tattoo artist. Tapos nag-kiss sila. Hindi pa roon natapos ang video pero pinatigil na niya iyon. Alam niyang anumang sandali ay may papatak na luha mula sa kanya. Agad siyang niyakap ni Cameron. Her sister knows what to do and when to do it.
Humagulgol siya ng iyak sa braso nito. Hindi na niya inisip ang iisipin ng makakakita sa kanila. At kung may manggulo man, nakahanda na ang sungka niya na pang-hambalos.
“He said… yes,” ani Jessie sa pagitan ng paghikbi.
“And you asked him to marry you,” ani Cameron. “I’m gonna pretend he didn’t break up with you. Hahabulin natin si kuya Ignasi. Hindi iyon basta-basta makakawala sa galamay mo. I got you, sis.”
Niyakap niya ito ng mahigpit. Gumanti rin ito ng yakap. “Now, I’m gonna ask you to collect yourself. O kung hindi ka pa handa, ihanda mo na lang iyang sungka mo,” anito na unti-unting humihiwalay.
Tiningnan niya ang likuran niya at nakitang may lalapit sa kanila na isang grupo ng lalake.
“Okay lang kayo, miss?” anang isa mula sa grupo ng kalalakihan.
“C’est!” ani Cameron. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. “C’est l’amour, et c’est la je m’appelle omelette au fromage.”
Nakamaang lang ang mga kaharap nila kay Cameron. Inulit ng inulit iyon ni Cameron hanggang sa lubayan sila ng mga lalakeng kakamot-kamot sa ulo.
Tiningnan niya ito ng alanganin.
Itinaas nito ang mga kamay sa ere. “Hindi natin alam kung anong gusto nila o kung totoong concerned sila, kaya lang hindi na tayo pwedeng mag-aksaya ng oras. Pupunta na tayo ng Tibiao, ok?”
Napabuntong-hininga siya. “Ang lalayo naman kasi ng itinerary mo.”
Cameron snorted. “If I didn’t make that itinerary, you wouldn’t ask kuya Ignasi to marry you. Okay?”
May sumiwang na ngiti sa mga labi niya. “Fine.”
Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang alukin ng kasal si Ignasi, kahit na nga ba may impluwensiya ng alak. Sagad na sa buto ang paniniwala niyang hindi binibiro ang usapin ng kasal. Nakikita niya naman ang sarili niya na mag-settle down. Hindi niya lang akalain na ngayon ay siya na ang umuungot ng gano’ng klase ng katanungan sa kasintahan, gayung noon ay ito ang mapilit at laging nangnungulit sa temang iyon. Sabihin nang mahigit sa dalawang taon na silang magkasintahan pero pakiramdam niya noon ay hindi pa sila handa, hindi pa dumarating ang tamang panahon. Lagi niyang idinadahilan na wala silang ipon o investment.
Pero ngayon ay masasabi na niyang sana ay panindigan ni Ignasi ang sagot nito sa kanya. If he will, and she hopes he will because she’s willing to win him all over again, that would be one of the most impulsive things she’d done and it will all be worth it.
Mali bang isipin na hindi na rin naman siya bumabata at naiisip na niyang mag-settle down? Ignasi is every girl’s dream. Siguro nga tanga siya kung pakakawalan pa niya ito. Alam niyang mali niya na hindi na niya ito masyadong pinagtutuunan ng pansin, o hindi na niya ito na-a-appreciate sa kung sino ito, sa mga oras na nilalaan nito para sa kanya at sa mga bagay na handa nitong gawin para sa kanila. However little or petty these things are, they make the relationship.
At gusto niyang itama iyon. Maybe she’s the one who’s petty. Siya pa ang laging nakikipagtalo rito tungkol sa mga maliliit na bagay. O, ‘di ba, petty? One would think Jess will be matured about handling her relationship with Ignasi. Labis ang panghihinayang na nadarama niya at kung maaari lang ay susundan niya si Ignasi ngunit may usapan na sila ni Cameron. Ang kapatid ang nag-ayos ng lakad nila at hindi niya ito magagawang iwan kailanman. Kaya nga sila nandito ngayon para na rin magsaya para sa kapanganakan nila.
Malakas ang naging buntong-hininga niya. Hinawakan na lang niya ang kamay ng kapatid at sinabayan ito sa paglalakad nito.