Seventeen

2435 Words
JESSIE AND CAMERON STAYED AT Kayak Inn and selected their kawa upon arrival. Kawa is a huge pan, like a giant wok. They donned their swimsuits and gently introduced their body into the kawa. Local herbs and flowers were part of the hot bath experience.  Nararamdaman niyang nagre-relax ang mga muscle niya sa katawan. Nakadagdag din ang magandang tanawin—‘di mabilang na mga puno at ang Tibiao River—upang mabawasan ang stress niya. Sa katabing kawa ay nandoon si Cameron.  Nakapikit lang ito. “Huy,” tawag niya rito. Idinilat nito ang mga mata at binalingan siya. “Bakit?” “Salamat pala, ha,” sabi niya.  Ngumiti lang ito at muling pumikit. Napapikit siya nang muling maglakbay ang init sa katawan niya. Tila kinukumbinsi siya na doon na siya matulog. Totoong nakaka-relax pala ang hot bath, tapos ay may magandang tanawin pa sa harap nila. Win-win. May lumapit na trabahador sa kanila at may hawak itong sulat. “May Cameron Fernandez ba rito?” tanong nito.  Nagtinginan muna silang magkapatid bago alanganing itinaas ng kapatid niya ang kamay nito.  “Kararating lang ho niyan," anang bagong dating sabay abot ng puting envelope kay Cameron. "Iyon ang sabi sa akin ng nanguha ng mga sulat. Maiwan ko na ho kayo.” Tumango ito at nagsimula nang tumalikod. “Salamat po,” ani Cameron sabay basa ng sulat kahit na basa pa ang mga kamay nito.  “Good God, Spencer,” she murmured after a while.  That got her attention. “Did you say Spencer? Sa kanya galing iyan?” Jessie asked. Now she’s eager to know what’s written inside. Tsimosa alert. Nag-taasan na ang mga antenna niya. Cameron looked at her and mouthed Spencer.  That didn’t make sense to her, but she said the first thing that popped in her mind. “Spencer wrote you a letter and sent it here?” aniya. That's new, she thought. Bakit nagpadala pa ito ng liham kay Cameron? Ang effort, ha. Abot hanggang langit ang pagkakangiti ni Cameron. “Sweet stuff exclusive for me. 'Di ko na ishe-share. Hihi," hagikgik nito.  "At the end of the note, he wants us to meet again in Manila sometime in the future and talk about our future,” Cameron emphasized.  Jessie purred. “You have my blessing.”  Nakita niyang namilipit sa kilig ang kapatid.  “Wala naman siyang asawa, ‘di ba?” segunda niya. Naninigurado lang. Mahirap na at baka may sabit ang Spencer na iyon.  Mabilis itong umiling. “Why did he left early that night, anyway?” aniya na ang tinutukoy ay ang unang pagkikita nila sa Mackenzie’s. Cameron sighed. “He can’t handle this awesomeness,” she said pertaining to herself. “But kidding aside, he just couldn’t handle me. He says things like I’m young, I’m too wild, and intimidating. Hello, ang gara nga ng lupain niya sa Aurora, sino ang hindi mai-intimidate sa kanya? Ako ang dapat magsabi niyon sa kanya, 'no. Also, he was my boss. We can’t afford to be ridiculed.  "Lalo na siya. Eh, ang hirap-hirap din maghanap ng trabaho, kaya mas lalo namang hindi ko kayang mag-resign. As we all know, I did it anyway. Dahilan niya pa, pinapaikot ko lang silang dalawa ni Chester. Iyong other guy na na-meet niyo. Sabi ko, wait, I’m not my ate Jessica, that biatch? Nope.” Umikot pa ang mga mata nito sa langit. Babatukan niya sana ito kaso masyadong matrabaho kaya sinabuyan na lang niya ito ng tubig na wala rin namang narating.  Nagpatuloy ito. “I’ve said this over and over again. I was fine with Chester until I met Spencer with his ma-garang name and coat-and-tie attire and it blew me away. I knew I was gonna be unfaithful with Chester. Hindi pa naman kami noon kaya tinapat ko na siya. Sabi ko friends na lang kami. Hindi naman makitid ang utak no’n, eh. Nakita mo ngang nakuha pang mag-hangout kasama tayo? Kasama iyong dahilan ng rejection ko sa kanya.” Jessie shrugged her shoulders. “I just don’t get it why Spencer left and you crashed Ignasi’s car.” Bumuntong-hininga si Cameron. Nilaro-laro nito ang mga dahon at bulaklak sa ibabaw ng tubig. “‘Di ba nga, he broke up with me? Si Spencer pa talaga! What reason are you looking for? Walang pamilya ‘yon, kung nag-aalala ka tungkol doon. Although I could say I didn’t see it coming. Alam mo ‘yon, ang normal ng pagtatagpo namin nang sunduin ko siya sa tinitirhan niya. Normal din iyong pakikitungo niya kay Chester. Lahat normal. Bigla-bigla, binitawan niyo iyong  mga katagang ‘I’m breaking up with you, I’m sorry’. Wala akong nasabi hanggang sa umalis na siya. Nang hindi ako makatiis, hiniram ko iyong susi ni kuya Ignasi para sundan sana si Spencer kaso sa sobrang iyak ko, naibangga ko ang kotse sa poste. Tatanga-tanga.” Nagpadausdos siya sa tubig. “Kaya pala idinahilan mo na lasing ka lang noon. Wala kang binanggit na kahit ano tungkol sa Spencer na iyon.” Ang sarap kurutin ng kapatid niya sa singit. Masyado na niya itong na-i-spoil. Kaya hindi ito matuto-tuto sa buhay. Umingos ito. “Alangan sabihin ko na ito nga pala ang kinalolokohan kong lalake sa buhay ko at siya ang boss ko. Ano na lang ang ginawa mo sa akin?” “How about Chester? Is he okay with this setup? Friends lang?” tanong niya. “Ate, ayokong paasahin iyong tao. Sinabi ko sa kanya nang basted-in ko siya, kung hindi bukal sa loob niya na maging magkaibigan na lang kami, tapatin niya na ako agad-agad. Sinabihan niya ako na bigyan ko siya ng oras. Masunurin ako. Hinayaan ko siyang mag-move on sa kagandahan kong taglay. Umepek. Learn from your baby sister.” Cameron had the gall to wink at her. She rolled her eyes heavenward. “Makikipagbalikan ka nga sa kanya?” tanong niya. “He thinks I’m pregnant so whatever,” anito na parang wala lang ang sinabi. Napabunghalit siya ng tawa sa narinig. “Oh, Cameron, why did you let him think you’re pregnant?” aniya habang sapo-sapo ang dibdib. Ang engot talaga ng isang ito. Parang siya. Tinuro siya nito. “Ikaw kaya ang may sabi. Hindi ako. Kaya pala alagang-alaga sa akin. Halos ayaw akong paakyatin ng kabayo.” “Bakit hindi mo itinama?” she asked, shoulders still shaking from controlled laughter. Pumiksi ito. “Hindi ko na naalala. Masyado akong na-overwhelm sa pag-aalaga niya sa akin no’ng naki-stay tayo sa kanya.” Then she realized something. “So… he took it seriously because something happened between you two, right? Alangan basta na lang iyon maniwala kung buwan-buwan ang pagitan ng hindi niyo pagkikita.” Naliwanagan ito sa narinig. “Ah, kaya nga siguro paniwalang-paniwala. Sasabihin ko na lang sa kanya kapag nagkita na kami. Ang effort pa talaga sa sulat. But I appreciate it. Alam no’n na gusto ko ang mga handwritten letters kaya kuntodo effort siya.” “Sabihin mo na. Baka kaya inaalok ka ng ‘future’ kasi iniisip niya na buntis ka nga,” suhestiyon niya. “Eh, ‘di, 'papabuntis,” anito. Napaka talaga ni Cameron! Muli niya itong sinabuyan ng tubig. “Children can come later, okay? Huwag mong minamadali iyan. Don’t rope him around that idea when it’s not existing in the first place.” “Mahal ako no’n,” wika nito. “Nararamdaman ko.” “So? Saan ka ba pinaglihing tanga ka?” aniya. “Itanong mo sa biological mother kong pumanaw na,” sagot nito.  “Sa tatay mo na lang.” “Ay, oo nga. Matawagan nga iyon. Hindi yata naalala na may anak pa siya.” “But seriously, Cam, call Spencer," paalala niya pa rito.  Ilang segundong pinuno ng katahimikan ang paligid maliban sa mga tunog na nililikha ng lugar. “Thirty minutes na ba?” tanong niya. “Matawagan nga rin si tatay. Nami-miss ko na siya.”  Treinta minutos ang pwedeng itagal ng tao sa kawa bath, ganoon ang kalakaran kapag maraming tao ang gustong sumubok sa hot bath experience.  “Malapit na,” sagot ni Cameron. Ipinahinga nila ang mga katawan sa kawa at hinintay na matapos ang oras nila.  Nang matapos ay nagpahinga lang sila saglit at saka pumunta sa isang eat-all-you-can at doon naghuntahan hanggang sa inabutan ng gabi. Hindi pa rin sila nagpaawat at naghanap pa ng karaoke.  “Happy Birthday to you,” ani Cameron habang nakadantay ang ulo nito sa balikat niya.  Tangan niya ang isang mikropono habang sinusubukang abutin ang tono ng nakasalang na kanta. Ramdam na niya ang pananakit ng lalamunan kakabirit, na parang may talento talaga siya sa pagkanta. “Salamat, Cameron, ikaw na ang susunod,” ani Jess at hinalikan ito sa noo.  “I am old. Cheers to us, here’s to another year leaving under the same sun with you, and hopefully, may pagkatandaan na tayo,” dugtong niya. “I love you so much, Jessica.” Hinalikan siya ni Cameron sa pisngi.  Ginantihan niya ito ng isang mahigpit na yakap. “It feels amazing to celebrate my day with you. Fill my playlist with more slowed and reverb songs, I dig that s**t right now. I like that we’re on a trip together, just the two of us. This is great that we’re spending more time to bond and be playful and go back to being two reckless tomaderas of Manila. I love you so much, Cameron,” Jessie said as she can’t stop herself from weeping. “You’re such a crybaby,” anang kapatid na pinupunasan ang mukha niya. “And I love you, too, sis. You’re the greatest.” Tumayo ito at nagsalang ng kanta. Habang umaawit ito ay sinabayan nito ng mabagal na pagsayaw ang kanta. Jessie smiled and thought her sister was all grown up now and there’s no stopping her. One moment, Cameron’s an angsty teenager and now, this. Gracefully swaying her hips to the sound of her voice, but her voice just cracks miserable and Jessie couldn't help herself but laugh. Pinalakpakan niya ito nang matapos ito.  “Okay, now the real question is, where do broken hearts go?” Cameron teased as she pressed the numbers of Tita Whitney’s song.  “No way,” reklamo niya. “‘Di ko kakantahin ‘yan.” Kanonood nito kay JM de Guzman, ito ang napulot nito. “Kailan ka pa naging KJ? Oops, wrong question. But to answer my question, ‘matik ka nang ganyan. Tayong dalawa lang naman ang makaririnig. Ano? Game.” “May naghahamon,” si Jess. “Hinahamon mo ba ako sa kantahan?” “Ikaw lang naman ‘tong papilit. Start na, o.” Tinuro nito ang mikropono at siya nama’y mabilis na sumunod at kinuha iyon. “Walang iyakan—”  Hindi pa man natatapos ng kapatid ang sasabihin nito ay nagsimula na siyang umiyak. Full on, with mascara streaming down her face. Pilit niyang hinagilap ang kanyang smart phone.  Nang maintindihan ni Cameron ang ginagawa niya ay ito ang sumunggab niyon at inilayo sa kanya. “Anong gagawin mo sa phone mo?” usisa nito sabay bulsa niyon. “Gusto kong i-text si Ignasi,” agad na sagot niya at inaabot ang bulsa nito. Nakikipagpaligsahan sila sa ingay ng karaoke. “Tantanan mo nga iyan,” inis na wika ni Cameron. “Ano ka, teenager?” “Isa lang, isang text lang,” ungot niya. “Isa lang, tapos masusundan ng isa pa. Hanggang sa dumami. Tapos ano? Gusto mo idaan sa text? Seryoso ka ba, gusto mo talagang magkabalikan kayo ni kuya Ignasi sa ganitong paraan?” naiinis na tanong ng kapatid na kulang na lang ay ipukpok nito ang mikropono sa ulo niya. “Bakit, Cam? Ayaw mo ba akong sumaya? Hindi ba ako entitled na maghabol? Gusto ko lang naman isalba ang kung anong meron kami. Gusto kong magkabalikan kami. Mahal ko si Ignasi.” Pinunasan niya ang mga luha. “Mahal ko siya.” “Yeah?” sabi ni Cameron na may bahid ng pagkairita. “I understand but you can’t be in love with him and then run off to Sergi when you don’t want to be with Ignasi whenever you’re too sad or too toxic to be around.” Hirap siyang tumingin rito dahil naglalawa ang kanyang mga mata. Umiling siya. “But, Cam, you also have to understand it’s okay to be sad and for me to not talk to him. It’s okay to take my time to heal even if I have to do it over and over again, it’s okay to be distant even if it may take awhile. It’s not like I won’t be there when I’m done fixing myself. Does he have to carry all that emotional baggage as well? The difference is he’s willing to share his personal hardships with me because that’s his way to power through and that’s fine. Pero iba ako.” Pinutol ni Cameron ang maingay na minus one. “So?” ani Cameron.  Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit ikaw okay lang takbuhan si Sergi? Kailan ba humingi ng kalinga si kuya Ignasi sa ibang tao?” tanong nito. Naihilamos niya ang kanyang kamay sa mukha. “Cam, please, let’s not fight.” Sumimangot ito. “You get to do this,” inis na dabog nito. “Do what?” “You dismiss things that you don’t wanna answer,” gigil na sabi nito. “Fine. What do you want me to do? Forget Sergi exists? f**k around Ignasi all day and call it quits when we’re done exhausting each other?” asik ni Jessie.  Nakipaglabanan siya ng titigan sa kaharap.  “I don’t f*****g cheat,” said Jessie. “Even if I do, it won’t be with Sergi.” “Great,” si Cam. Tuluyan nang nasira ang gabi kaya nilisan na nila ang lugar. Haggang sa makauwi ay hindi sila nagkibuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD