SA KALANGITAN, MAKIKITANG bumubuka ang ulap para sa paparating na araw. Napaisip si Jessie kung magagawa siyang bigyan ni Ignasi ng isa pang pagkakataon. Ayaw niyang humantong ang lahat sa puntong kinatatakutan niya. Ang humantong siyang sugatan. Kinausap niya ang langit. Binulungan niya ito na kung maaari, ipakiusap nito kay Bathala na tulungan siya sa hakbang na gagawin.
Nakabalik na silla ni Cameron ng Maynila kanina. Sinadya niya agad na puntahan si Ignasi.
Huminga muna siya ng malalim bago diniinan ng pindot ang doorbell ng bahay ng lalake. Tumingkayad siya at sinilip ang garahe. Nandoon ang kotse ng sadya niya.
Bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa si Mel.
Nagtataka man ay kinawayan niya ito. Binuksan nito ang gate ngunit hindi siya nito pinapasok. “Ayaw ka niyang papasukin, Jess. If it’s up to me, patutuluyin kita. Hindi ko naman bahay ‘to, wala akong choice,” anito.
Pinagsalikop niya ang mga palad. “Please? Sige na.”
Tumaas ang kilay nito. “Begging?”
“Bargaining. Ilalabas ko ang anak mo, ililibre ko, para makasama mo si Dominic ng kayo lang.”
Bumuntong-hininga ito. “May lola iyong bata. Kaya niya na ‘yon.”
“Bakit ba ayaw mo akong papasukin?” naiinis na tanong niya. Itinulak niya ito ngunit parang pader sa tigas ang malaking katawan nito.
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Ito na lang, Jess. He’s not coming back, okay? He’s not the same anymore. In great depth and height. That Ignasi there...” Itinuro nito ang bahay. “That guy f****d women last week at the beach, at the cave, in the water, high above the mountain, and hooked up with Kat Moreno that your sister idolizes.”
She snorted. “Okay. Thanks. Pwede na akong makapasok?”
Hinila siya nito palayo sa gate at tuluyan iyong isinara.
Inalok siya nito ng yosi. Tinanggihan niya iyon.
Naglakad na ito palayo kaya naman nag-doorbell ulit siya.
Binalikan siya ni Mel. “Hindi ka pagbubuksan niyan. Samahan mo ako sa Mackenzie’s. Doon tayo mag-usap.” Ayaw man niyang magpatangay rito, natagpuan na lang niya ang sariling nakikinig sa kwento nito.
****
DAY TIME. MAKIKITA ANG namumulang balat ni Ignasi. Nasa ilalim sila ng araw at nakahiga si Ignasi sa white sand ng Boracay. Kumapit na ang buhangin sa labi ng lalake. Nakadapa siya habang pinapanood ang paglalaro ng volleyball nina Dominic at Mel.
Bumangon siya at nilapitan si Dominic na siyang pinakamalapit kung saan siya nanggaling. “I miss Jess,” aniya rito.
Napalingon ito sa kanya at hindi nakita ang paparating na bola. Tumama iyon sa mukha nito. Ininda nito ang sakit at binigyan siya ng headlock. “That’s the last time you’re gonna mention her name,” ani Dominic. Hindi siya nito pinakawalan hanggang sa ipangako niya na hinding-hindi na niya babanggitin ang pangalan ni Jessie.
Sa paglubog ng araw ay sinimulan na nila ang pagdalo sa iba’t ibang event kung saan nagkakagulo ang mga tao at lango sa alak. Nakikisabit lang siya sa dalawa pero lagi ay may nahahatak na babae si Dominic para sa kanya. He didn’t touch any of them, but somehow a woman ended up in his bed.
Nawala ang hangover niya paggising at agad na kinatok ang katabing kwarto kung saan natutulog ang dalawa. Palakas ng palakas ang katok niya hanggang sa bumukas ang pinto. Si Mel iyon. Hindi niya ito nakilala dahil sa tumutubong balbas nito, malalim na eyebags, magulong buhok, at matatalim na mata.
“What?” singhal ni Mel. Madilim ang anyo nito dahil nasira ang tulog nito.
Tinabig niya ito at ipinilit ang sarili sa loob ng kwarto at sinunggaban si Dominic na natutulog. Hinatak niya ito sa kwelyo at ibinalya. Bago pa man siya may masabi ay lumipad na siya mula sa kama.
Marahas siyang hinatak ni Mel. “Get out,” anito.
Tinuro niya si Dominic na ngayon ay gising na. “What did you do?” he asked through gritted teeth.
“No, Ignasi,” ani Dominic, who seemed to get the hang of the situation. “What did you do? Brother, we both know you made sweet love with that woman.”
****
“HE DID?” TANONG NI Jessie. Nanlalaki ang mga mata nito habang pinapanood ang mukha ni Mel. Nag-aabang ng senyales kung nagsisinungaling ito.
Mel shrugged his shoulders. “I’m sure he did. It’s okay. It was protected.”
“It’s okay?” sigaw niya. “It’s OKAY?” nanggigigil na ulit niya. Nakatingin lang sa kanya si Mel, pati ang mga tao sa paligid nila. “Fu/ck you!” nanggagalaiti na sabi niya. How was Ignasi banging other woman okay? Habang sila pa noon? Jessie couldn't grasp how Mel looked so okay with the fact that Ignasi slept with someone else.
“Yeah, okay,” ani Mel na hinahayaan siyang ilabas ang galit na nadarama.
“No!” sigaw niya. “Hinayaan mo si Ignasi na gawin iyon kahit na alam mo na may nobya siyang naghihintay?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Mel sighed. “I wasn’t aware of Dominic’s ulterior motive, okay? I was there to have fun. I know you and Sergi are friends. Ignasi’s hurting. You’re out with your sis. So we thought why not go out, too, and not suck at being adults?”
Lalo siyang nagngitnigt. “Tell me how fu/cking other person makes it fun, Mel.”
Kinamot nito ang malagong balbas at umiling-iling. “Why are you being like this, Jess?”
“Being what?” singhal niya. Nag-iinit talaga ang ulo niya. Hindi niya mapigilan ang pagtaas ng boses.
“Iyan,” turan nito. “Hahabol-habol ka ngayon,” sagot nito.
“Because I love that guy, Mel,” sagot niya. “I realized I love him more than life itself. Okay? Of all people, ikaw ang inaasahan kong hindi kukunsintihin ang mali.”
Naiinis na sinapo nito ang ulo. “Sinabi ko naman na hindi ko alam na—”
Nilayasan na niya ito. Wala namang sense kausap ang isang ito.
Hinabol siya nito. “Magbayad ka. Wala akong dalang pera,” bulong nito sa kanya.
Tinabig niya lang ito ngunit humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. “Wala nga akong dala ni singkong duling,” ulit nito.
Pumunta na lang siya sa mesa nila para tapos na ang usapan. Nag-iiwan siya ng pera nang lumapit ang busboy. Mapanuri ang tingin nito sa kanya. “Ma’am, sinasaktan ba kayo ng boyfriend niyo?” mahinang tanong nito.
“Iyong tangang iyon?” si Jess. “Walang bayag ‘yon. Hayaan mo siya.” Tinalikuran na niya ito.
Sa labas siya hinintay ni Mel. “I’m really sorry, Jess.”
“Whatever,” aniya. Patuloy lang siya sa paglalakad. “Bitiwan mo ako,” mariing sabi niya nang maramdaman ang hawak ni Mel.
“Saan ka pupunta?” nag-aalalang tanong nito.
“Kay Ignasi.”
“Mag-usap muna tayo.”
“Huwag na. Pagod na ako sa ‘yo.” Patuloy siya sa paglalakad. Tumigil lang siya nang maramdaman niyang wala na siyang katabi. Nakita niyang naglalakad ito sa kabilang direksyon. Hindi siya nakatiis at tinawagan ito sa cell phone nito.
“Akala ko ba pagod ka na sakin, bakit tatawag-tawag ka?” bungad nito.
Pinutol niya agad ang tawag at buo na ang desisyong iwan ito.
Binalikan niya ang bahay ni Ignasi. Nakita niya ito sa garahe at tinawag ang pangalan nito.
Tumagos lang ang tingin nito sa kanya at pumasok na ito ng bahay. Paulit-ulit niyang diniinan ang doorbell. Natuwa siya nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Ignasi. Nilapitan nito ang gate pero pinanatiling nakasara iyon.
“Let’s talk,” sabi niya.
“Tungkol saan?” ani Ignasi.
“Wala akong pakialam kung ilang kalapati o ibon ang siniping mo pero parang awa mo na, Ignasi, please…”
Hinihintay nito ang susunod niyang sasabihin. “Jess, it’s fine,” si Ignasi. “Pinapakawalan na kita. Hindi dahil ako ang nagloko, or as you call it, sumiping ng kalapati at ibon, pero dahil alam kong hindi naman talaga ako ang mahal mo. These past few days helped me realize why you never chose me over Sergi.”
“Sergi, Sergi, puro Sergi—!”
“Kung mag-e-eskandalo ka, mapipilitan akong ipahatid ka palabas ng subdivision,” anito.
Sa isip-isip niya, kung papapasukin lang siya nito ay makakapag-usap sila ng maayos. Hindi iyong may gate na naghaharang sa kanila. “Sabi mo pakakasalan mo ako,” paalala niya.
Nalito ito.
“Um-oo ka, Ignasi. Inalok kitang pakasal tayo. Nag-oo ka. Um-oo ka.” Gusto na niyang kalampagin ang gate. Ang hirap naman kausapin ng mga tao ngayon. Gusto na niyang magmukmok. Ayaw siyang kausapin ng matino ng kaibigan niya at ng boyfriend niya. Yeah, right. Sinong niloko niya. Ex-boyfriend na pala.
Lumalim ang gatla sa noo nito.
“The night at the tattoo shop, Sergi asked Emerald to marry her, once again. I asked for your hand, too. You said yes. You whispered yes,” paalala niya. Hinahanap niya ang pagbabago ng ekspresyon sa mga mata nito.
Ngunit umiling-iling lang ito. “Why am I not surprised?” iyon ang naging tugon nito. “Of course I’d say yes. Ganoon kita kamahal. Sinusubukan ko na lang ngayon na hindi na muling mahulog sa iyo, na hindi magpadala sa mga pagpapaawa mo. Question, Jess. Are you gonna ask me to marry you had Sergi didn’t show off?”
Napipi siya.
Tumalikod na ito.
“Saglit!” tawag niya rito. Sa puntong iyon, kinalampag na niya ang gate.
“Leave,” ang matigas na sabi ni Ignasi bago tuluyang pumasok ng bahay.
Why would I wanna show off, ang piping sabi niya sa sarili. Hindi man lang siya nito hinintay na makapagsalita o ipaliwanag ang sarili. Ganoon na lang ba siya kadaling iwan? Ganoon kadaling gumawa ng desisyon na sarili lang nito ang pagbibigyan nito? Pakiramdam niya ay napakawalang-kwenta niya nang mga oras na ‘yon. Pinaparamdam lang nito kung gaano nito itinimbang ang pagkatao niya para rito. Na parang wala silang pinagsamahan. Tama ba ‘yon? Hindi man lang nito irespeto ang side niya, hayaan na iparating niya ang gusto niyang sabihin.
Napakalakas ng buntong-hininga na pinakawalan niya. Paulit-ulit na lang. Kahit sino yatang tao ang dumating sa buhay niya basta’t pinapasok niya ang mga ito ng buong-buo at walang tinirang reserba sa sarili, kapag ninais nilang umalis, sadyang iiwan siya na hindi na pinag-isipan pa.
Kung gano’n lang din naman, bakit pa pumasok ang mga ito sa buhay niya? Ano bang ginawa niya sa nanay niya na parang pinili niyang isilang sa mundong ito para lang din iwan siya sa piling ng tatay niyang madalas ay sarili lang nito ang iniisip. Si Ignasi na mahal daw siya pero hindi magawang igalang ang pinagsamahan nila. Ano na lang ba ‘yong mag-usap sila sa huling pagkakataon? If Mel was right that Ignasi went overboard and cheated with multiple women, then fine. She won’t stay with a cheater. But Ignasi cheated and then decided to break up with her and used Sergi as the main reason why they’re breaking up as if his cheating wasn’t as big as the lie that everyone wants to believe, that she is in love with her longtime best friend, Sergi.
It’s not like she asked these people to choose her and make her a goddamn part of their lives. All she wanted was love that is true and pure, just like Sergi’s. Now if they can come close to that level, then honey, please, shw would enjoy the feast.
Mahirap ba ‘yon?
She wants to get mad. She wants to put it on a record that she didn’t ask Ignasi to fall in love with her, court her, win her, and leave her just like that. He was so unapologetic leaving her and it’s breaking her heart. What she thought was a road to forever kind of man turns out to be just a hazard warning that causes the traffic. And there’s nothing there on the other side of the road. Empty. With no one waiting.
And she feels just the same. Empty. She was Jessie first before Ignasi came to her life and when he left, she had nothing to look forward to in the mornings and on occasions. She can’t imagine waking up tomorrow with no texts from him. Even Jess has no self-respect anymore. She’s the lesser version of herself now. Sad, lonely, broken Jessie.
Gusto niyang sumigaw sa sakit na nanuot sa dibdib niya.
Then her phone rang. As expected of Sergi and his perfect timing. “Jessica,” bungad nito nang sagutin niya ang tawag nito. “Kumusta ka?”
Hindi siya sumagot. Nakatulala lang siya.
“You might be hurting right now but that’s just because you’re letting them. They don’t deserve you. But I do, so I guess… Pagtitiisan mo pa rin ang panaka-naka kong presensya sa buhay mo. One day you’re gonna tell me about someone who’s just as lovely as me.” Natawa ito. “As understanding as me, na kasing gwapo ko rin. Kidding aside, you know the gist. I’m one call away, I’ll be here. I promise.”
“Thank you, Serg,” ang sagot niya lang.
****
JESSIE WENT BACK AT Mackenzie’s and stayed the night there. Nagpakasasa siya sa WiFi at mga pagkain. Nang walang magawa ay tinawagan niya si Cameron nang maalalang makikipagtagpo ito kay Spencer. “How’s it going with Spencer?” bungad niya.
“Not good,” anito.
“Why?”
“Nagalit siya. Bakit daw ako nagsinungaling sa kanya. Niloko ko daw lang siya. Whatever, whatever.”
Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi siya nakapag-salita sa narinig.
“Kasalanan mo ‘to,” maktol ni Cameron. “Ang dami mo kasing alam!”
"What?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Come on, Cameron. I'm sorry. Hindi mo ba ipinaliwanag sa kanya?"
"I don't want to talk right now, ate. Hayaan mo muna ako."
"Cam, please, I need you," piping sabi niya rito.
"I need to be alone. I want to be alone. Please!" Cameron shriked then ended the call.
Wala siyang maapuhap na salita. Pero alam niyang iiyak siya anumang sandali.
Naantala ang pag-iyak niya nang mag-martsa papasok ang dalawang taong huling inaasahan niyang makita ngayong gabi.
“Cry me a river,” si Dominic. Umupo ito kasunod si Mel. Hindi tumitingin ang huli sa kanya.
“Nakita ka naming pinagsasakluban ng mundo, at gusto ko mang magdiwang at ipagbunyi ang—” Iminuwestra ni Dominic ang lugmok niyang mukha. “Ay sinabihan na lang ako ni Mel na hayaan ka namin.”
Dominic sighed. “Pero naaawa ako sa iyo. Ayaw kitang iwan ng ganyan.” Inabot nito ang kamay niya.
Hindi siya makapaniwala sa bilis ng pagbabago ng trato nito. Mabilis niyang binawi ang kamay mula rito. “Let me be.”
Dominic clapped. “Okay. As you wish. Let the princess be.” Tumayo na ang dalawa.
“Dominic,” tawag niya. “Ano bang ginawa ko sa iyo at ganyan ang pananalita mo sa akin?”
Jessie saw him clench his fist.
“You’re not the victim here. Ang tagal mo nang pinapaikot si Ignasi. Malaya ka na. Pinalaya ka na no’ng tao.”
Bumalik ang mga alaala nila ni Ignasi sa kanya. Alaalang mabilis na natabunan ng sa kanila ni Sergi. Napaungol siya sa damdaming lumusob sa kanya. Sigurado na siya sa puntong iyon na iiyak na siya. Nakita iyon nina Dominic kaya naman agad siyang inilabas ng mga ito mula sa establisyemento. Sa kabila ng pag-iyak niya ay nagawa pa siyang tanungin kung nagbayad na siya sa restaurant na pinaggalingan nila. Umiling lang siya. Nais niyang magalit dahil naudlot ang pagmo-moment niya.