Twenty

1265 Words
NASA MACKENZIE’S NA ULIT sina Jessie, Dominic, at Mel. Sa labas sila nakapwesto, sa may smoking area kung saan may heater. Pahaba iyon na may grilles at naglalabas ng apoy sa gitna. Tuyo na ang mga luha ni Jessie. Pagod na rin ang mga mata niya. Sumasakit na nga ang gilid ng mata niya kapupunas ng luha. Pero ngayon ay kalmado na siya. Hindi siya iniwan ng dalawa ngunit walang nag-iimikan sa kanila.  “O-order lang ako,” aniya sabay tayo. Ang tahimik masyado. Minabuti niyang umalis muna saglit.  Sa loob ay um-order siya ng tatlong tinto de verano. Gamit ang tray ay binitbit niya ang order pabalik sa mga kasama niya. Nagpasalamat ang dalawa at tahimik na sumimsim.  “Jess,” si Mel. “I have to ask. Pagod ka na ba talaga sa akin?” mabuway na tanong nito. Hindi siya agad nakapagsalita. She wanted to grab his hand but decided against it. “Pagod akong iniisip ko ang problema ng lahat. Lalo na ang sa iyo,” mahinang sagot niya, tila nahihiya. It sounded so wrong when it came out of her mouth. Gusto man niyang bawiin ay huli na.  Of all people, Jessie knows Mel needed a massive hug and lots of patience. Marahan itong tumango. “Nasaktan ako sa sinabi mo, eh. I know I’m difficult to handle. I just didn’t expect to hear it from you.” “Pasensya ka na,” ang nasabi niya. Sa pagkakataong iyon ay pinisil niya ang kamay nito. “Wala akong kwentang kaibigan. Iniisip ko lang ang sarili ko. I’m such a difficult person, you know, I shouldn’t be surprised anymore if people leave. I'm sorry, Mel.” “Hey…” “Again, Mel, I’m really sorry. I should’ve been more kind. I should’ve been more understanding,” hinging-paumanhin niya, na parang maabswelto na siya niyon sa nagawa niya.  “Anyway,” kabig ni Mel habang nilalaro-laro ang baso nito. “You haven’t heard half of the story about Ignasi’s…” Mel trailed off. Si Dominic ang sumalo rito. “Disclaimer, Jess, I did it because I wanted Ignasi to have other options and I wanted him to realize that the world doesn’t revolve around your existence.” Nasagi nito ang maselan niyang ego. Humigpit ang hawak niya sa baso. “So, sinadya mo nga? Talagang ipinain mo iyong ‘kaibigan’ mo sa mga babaing pinagpala at nagmumura sa kalandian?” Dominic met her eyes. “I take all the responsibility. That guy is stupid enough to be with you for two whole years when after all this time—” She loudly sighed. “You talk like you know me.” This asshole. The nerve.  “And he’s not my friend. Just a concerned citizen,” anito. Not his friend? Sa lagay na ‘yon? Who is this guy? Kaibigan ang turing nila rito, yet after all this time, ganito ang maririnig niya. Nagtagis ang mga bagang ni Mel. “Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyang—Dom, hon, if you don’t stop, I’m gonna ask you to leave. Be civil with her, for chrissake’s.” Tumaas-baba ang balikat nito sa paghinga. Walang gustong magsalita kaya sabay-sabay silang uminom. Pinangalahati niya ang kanya at tumingin sa malayo. Nagsalita si Mel. “We immediately left Boracay and went to Baler to surf. Tapos nagpunta kami ng Rizal para mag-hike.” Pinutol niya si Mel. “Really, are you steering clear off the details?”  Dominic snorted he continued telling their escapade. “The hour we arrived in Baler, wala kaming sinayang na oras. Lumusong kami agad sa dagat. Ignasi’s a beast. That called the attention of the women who graced the surfing spot of the beautiful Baler. Anyway—”  “Wait,” putol ni Mel. “Hindi mo ‘to alam dahil tulog ka no’n,” tukoy nito kay Dominic. “Pero sising-sisi si Ignasi sa nagawa niya sa Boracay. Hindi siya sigurado pero may kutob na talaga siyang hindi lang pagtulog ang ginawa nila ng babaeng nagisingan niya no’ng umaga. Kabadong-kabado iyon at pinag-iisipan na kung papaano sasabihin kay Jess—sa iyo ang nangyari. Tapos okay na, tahimik na kami, wala nang kumikibo sa amin nang mapansin kong iba na iyong expression ng mukha niya. I asked him what’s going on.  "He was enraged by the thought of, basically you, guys. You and Sergi. That their engagement means nothing to him. But that didn’t set him off, yet. Not until he marched down the seashore of Baler and walked past by this morena. As she saw him in his regal look,” Mel's voice faded away. Sa puntong iyon ay mahina siyang natawa dahil nalalarawan niya ang mala-Baywatch na paglalakad ni Ignasi sa tabing-dagat.  “She approached him. Later that day when we traveled to Rizal, Ignasi told me what happened. This woman was looking for a rebound. Imagine Ignasi’s shock. We all know Ignasi, old school and that s**t. Kaya naman tinanggihan niya agad ‘yong babae. Pero nagpursige ‘yong babae, eh. Kinuwento niya kung bakit nito iyon ginagawa. Gusto lang daw malaman ng babae kung ano ba ang naibibigay na satisfaction mula sa panloloko ng ibang tao. Aayaw-ayaw itong si Ignasi, pero nang tanungin daw siya kung naranasan na siyang lokohin, that hit him hard.” “That made him hard,” Dominic remarked.  “We heard you, Dominic,” gigil niyang sita rito. Hindi na ito nakipagtalo. “Sorry. Nasanay lang ako na puro kami dirty jokes.” “Keep it to yourself, will you,” ani Jessie. “Okay? Seryoso tayo ngayon. ‘Yan ang hirap sa inyo.” “As I was saying,” si Mel. “Napaisip itong si Ignasi. He said he didn’t want to entertain the thought but the lady said her fiancé’s with her but he’s probably nailing someone at that moment. Then they saw the fiancé and that made Ignasi—Hmm, o-order ako ng isang bucket. Mukhang marami-rami ‘to, eh.” Tumayo na ito. Pabitin talaga ang isang ito. Si Dominic ang nagpatuloy. “Ignasi was determined to do his part, like, make the fiancé jealous. Kunyari, interesado siya kay what’s-her-name. Of course, it backfired. Umakyat sila sa hotel room no’ng babae. Pinangangalandakan na may kasama siyang ibang lalake. As if the fiancé gives a flying f**k. We all know where it ended. Alam mo bang…”  Dominic leaned closer. “Humahangos na lumapit itong si Mel sa akin. Sinabihan niya akong kinausap siya no’ng fiancé at inaalok ng, alam mo na, three-way. Yep, the guy’s gay. He is. Eh, hindi alam nitong lalake na may boyfriend si Mel pero dinala na niya ako at doon nagkaalaman. May dala palang extra itong si fiancé. Black dude.” Nanlaki ang mga mata niya. “Oh, my god, wait. Stop.” Maririnig na niya ang kwento sa likod ng litratong pinadala ni Mel kay Cameron. “Ayaw namin—” Pinigilan niya ito. “Wait, hindi pa ako ready!” sigaw niya. Nakabalik na si Mel na may dalang bucket ng Desperados at isang plato ng onion rings. “Saan na tayo?” tanong ng bagong dating.  “Threesome, hon,” sagot ni Dominic. Nagtawanan ang dalawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD