SI MEL NA ANG NAGPATULOY. “Umayaw kami kay fiancé, okay? Pero sabi namin payag kami kasama iyong American-African. Walang palag si former kay latter kaya nag-stay kami sa hotel room ni former. So naiwan na kami kasama si American-African. Reporting from BBC, iba ‘to.” Jessie rolled her eyes. “Not that part, please.” Hindi pa talaga siya ready! “Adjacent pala iyong hotel room. Karugtong ng kina Ignasi!” tili ni Mel. Nakitili rin siya. “Gago, weh, ‘di nga?” ani Jess. “Oo nga. Paano kamo namin nalaman? Basta-basta na lang binuksan ng American-African iyong isang pinto na nagdudugtong sa kabila at pinuntahan si ate girl. Wala na si Ignasi no’n sa kwarto. Umalis na rin kami. P-um-arty ng onti. Rave. Uso rin ‘yon ‘don. Lumalim na ang gabi, hindi pa kami nakakaalis. Nag-check out na kami ng

