NASA PAMAMAHAY NI Mel sina Jessie at Dominic. Nasa kusina sila at kasama nila si Matthew, ang anak ni Mel. Tsinito ang bata at matalino. Sinundo ito ni Mel kanina bago sila dumiretso sa bahay nito. Karga ni Dominic ang bata sa isang kamay. “Gusto niyo ba ng kape?” alok ni Dominic. Um-oo si Jessie. Si Mel ay nasa sala at nagliligpit pero narinig nito ang tanong ng kasintahan. “Isama niyo ako, please,” bilin ng huli. Nanatili pa ring buhat-buhat ni Dominic ang naglalambing na bata. Dominic only had one free hand so he reached for the 3-in-1 packet and ripped it open with his teeth while making eye contact with Jess, which was weird, but surprisingly so, hot. Nakita niyang nailang din si Dominic kaya inilayo nito ang tingin sa kanya. Tinawanan niya ito. “That was weird. Save your

