MABIGAT ANG ULO NI JESSIE nang magising. Pinilit niya lang bumangon dahil mag-a-a las dos na ng tanghali. Nagluto lang siya ng noodles at nagtimpla ng kape para sa brunch niya. Pagkatapos ay nagpaka-busy sa natitirang details para sa wedding event nila. Nang matapos ay pinadala niya ang file kina Mel at Sergi. Pinag-iisipan niya kung padadalhan niya ng text message si Ignasi. Paikot-ikot na siya sa sala ay hindi pa rin siya makapag-desisyon. Uminom ulit siya ng kape, wala pa ring epekto. Naligo na lang siya. Tiningnan niya kung may nag-text o tumawag sa kanya. May missed call at text message siya mula kay Sergi. Ayon sa mensahe ay makikipag-meet sila sa kliyente ng dinner time. Sumalampak siya ng upo sa sahig at nagpaikot-ikot sa carpet na ilang araw na niyang hindi naba-vacuum. Magp

