Nagising ako sa sunod sunod na katok. Hinagilap ko ang cellphone ko upang tingnan ang oras, alas singko y medya pa lang ng umaga. Sino kaya ang nambubulahaw ng ganito kaaga? Hindi naman kalakasan ang katok saktong maririnig lang ng taong tulog manok. Hindi pa rin tumitigil at wala din nagsasalita sa labas ng pintuan. Biglang kinilabutan ako. Hindi kaya multo yun? Umaga na may multo pa din? Nagdadalawang isip ako kung babangon ba ako upang pag buksan kung sino man ang nasa labas ng pinto o hahayan ko lang siya hanggang sa mapagod siyang kumatok? Bahala siya. Kung multo man siya hindi na yan kakatok lulusot na lang siya sa pinto. Lalo akong kinabahan. Nang biglang may nagsalita sa labas ng pinto. "Bakla, masakit na sa daliri hindi mo pa din binubuksan itong pinto." Si Grace. Bwes

