Chapter 32: Proposal

1207 Words

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko rito. "Ang alin?" pagmamaang-maangan nito. "Kunwari ka pa." Inirapan ko ito saka ako humakbang palayo sa rito. Sumunod din naman ito sa akin. Kahit lakihan ko pa ang hakbang ko, maaabutan at maaabutan pa rin ako nito. "Ano ba ang ikinagagalit mo, sa ginawa ko?" "Bakit ka nagpakilalang boyfriend ko?" Galit-galitan si ate girl. "Ah, 'yon ba? Ginawa ko lang 'yon para hindi ka mabastos," anitong nakasunod pa rin sa akin. "Talaga lang ha? Wala pa ngang ginagawa 'yong tao pinag-iisipan mo na agad ng hindi maganda. At isa pa hindi mo kilala ang tao para akusahan mo kaagad." Tumigil ako sa paglalakad upang harapin ito. "So, gusto mo may gagawin muna sa'yo para layuan mo siya? Sa titig ng taong 'yon sa'yo, hindi pa ba 'yon pambabastos? Kung makatitig pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD