Pagkasarado ko ng pinto sumandal agad ako rito, parang any moment kasi babagsak ako. Kumakabog pa rin ang dibdib ko at tila nanghihina ang mga tuhod ko nang muling makita ko ito. Huminga ako ng malalim. Nang kumalma na ang sarili ko, sinilip ko ito sa peephole ng pinto. Wala na ito roon. Umalis na rin ako sa likod ng pinto at umupo sa kama. Saka ko hinagilap ang cellphone ko upang tawagan si Marjorie. "Bakla, guess who kung sino ang nakita ko rito?" bungad na tanong ko rito. "Sino?" tanong nito sa akin mula sa kabilang linya. "Si Enrico, nakita ko siya rito. Nagkita kami." "Seryoso ka bakla, hindi ka nagbibiro?" bulalas nitong tanong. "Mukha ba akong nagbibiro, bakla?" "K fine. Kumusta ang puso mo? Nag-usap ba kayo?" "Wala naman kaming dapat pag-usapan, 'di ba?" "Ano ang balak

