Dinala ako nito sa isang high end restaurant. Gabi na rin nang makarating kami roon. Kumain lang kami at nagkuwentuhan. Pagkatapos nanood ng sine. Simple lang ang naging selebrasiyon ng aming first monthsary. Kahit kumain lang kami at nanood ng sine, na enjoy naman ito. Inihatid ako nito sa bahay pagkatapos naming mag date. Habang nasa biyahe kami hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang antok ko. Nang magising ako nasa tapat na kami ng bahay ko. "Kararating lang ba natin?" Humihikab kong tanong rito. "Hindi naman, may 30 minutes na rin." "Holy cow! Bakit hindi mo ako ginising, babe?" Inayos ko aking pagkakaupo at kaagad na hinagilap ko ang aking bag. "Ang sarap kasi ng tulog mo, humihilik ka pa nga eh." Ngumisi ito. " 'Di nga, babe? Nakakahiya!" Napayuko ako

