6 months later... Sinagot ko na rin si Kevin. Yes, we're officially in a relationship. Sinagot ko siya because I love him? Yes, naramdaman ko na lang na nahuhulog na ako sa kaniya. Walang halong biro. Kasi naman almost everyday parang hindi ito napapagod na ihatid sundo ako sa bahay at sa shop. Minsan biniro ko pa ito na baka gusto niya na lang mag-apply na driver ko. Aba ang loko at gustong-gusto niya naman. Bukod sa pagiging driver este paghatid sundo sa akin, ang pagiging thoughtful nito at caring ang siyang nagustuhan ko kaya lako akong nahulog sa kaniya. Worth it naman daw ang effort niya dahil sinagot ko siya kahit matagal itong naghintay. "Hi babe!" Nakaniting bati ni Kevin habang papalapit ito sa akin. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala ito sa office ko. Ma

