"H-hello?" Tila nag-aalangan kong sagot sa tawag nito. "Hi, how are you?" tanong nito sa akin mula sa kabilang linya. "Okay, lang naman ako. Eh, ikaw... kumusta?" "That's good you're okay. Dahil okay ka, okay rin ako." Hindi ko man ito nakikita pero alam kong hanggang tainga ang ngiti nito. "Have you had lunch?" "Hindi pa nga eh, I was about to call a food delivery nang tumawag ka." Sabi ko rito. "Really? What if... susunduin kita riyan and let's have lunch together if you don't mind?" Tiningnan ko ang orasan, tamang-tama at lunchtime na rin. Ngunit nagdadalawang isip ako kung sasama ako sa kaniya o hindi. Maybe it's about time na pagbigyan ko naman ang sarili ko. At isa pa mukhang seryoso naman siya sa panliligaw niya sa akin. "Sure. What time ka makakarating kaya?" tila nahiy

