Dumaan panm ang mga araw at nailibing na si tatay. Si Kuya Randy naman ay malapit na ring bumalik ng Australia, kasama si Nanay. Upang malibang ito at hindi nagmumukmok sa bahay lalo na at wala na si tatay. Si Carlo naman nag-umpisa na rin pamahalaan ang isang cake shop branch namin. Samantalang sinasamahan ko muna ang aming ina bago ito umalis kasama si Kuya pabalik ng Australia. Sinasamantala ko ang mga araw na kasama ko pa ito. Ngayon pa lang nakakaramdam na ako nang lungkot dahil mapapalayo si Nanay sa akin. Noong nabubuhay pa si tatay palagi silang dalawa kinukulit ni Kuya na sumama sa kaniya sa Australia upang magbakasyon doon ngunit ayaw nilang dalawa. Ngayon dahil wala na si tatay napilitan na rin siyang umalis ng bansa at isa pa gusto niya rin makita ang mga apo niya. Si Kevin

