Chapter 5: Bakla

1333 Words
Pagkalabas ko nang mall narinig kong tumunog ang aking cellphone, may tumatawag... unknown number. Sasagutin ko ba o hindi? Nagdadalawang isip akong sagutin ito dahil madalas kapag may tumatawag sa akin at hindi naka-register ang number hindi ko sinasagot. Hindi ko nga sinagot. Tumawag ulit. Aba makulit din. Bahala ka nga! Hindi pa rin tumigil ito. Puwede naman kasing mag text para ipakilala niya ang kaniyang sarili. Ba't kasi tawag pa rin ito nang tawag. Mayamaya nagtext nga ito. "Shaira, pakisagot naman tawag ko. Si Peter to." Sabi sa text. Tumawag ulit ito. This time sinagot ko na nagpakilala eh. "Hoy bakla bakit ayaw mong sagutin tawag ko?" bulyaw niya sa akin mula sa kabilang linya. Si Peter ang tunay na bakla. Among the boys sa kaniya lang magaan ang loob ko, kasi nga siguro dahil may pusong mamon din ito. Kaklase ko siya noong high school mula first year hanggang fourth year naging mag best friends din kami. Noong high school kami hindi pa siya lumalantad dahil takot siya sa tatay niya na kapag nalamang bakla siya itatakwil siya bilang anak nito. Kaya pinilit niyang magpakalalaki sa mata ng lahat, at ako lang ang tanging makakaalam ng totoo niyang pagkatao. Dati napagkakamalan kaming magjowa sa school dahil palagi kasi kaming magkasama saka convincing ang acting niya kaya hindi siya mapagkamalang baklang tunay. After naming maka-graduate ng high school hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kaniya. "Aba malay ko kung sino ang tumatawag," sagot ko sa kaniya. "Kumusta ka na? Long time no talk bakla ah," sabi kong boses bakla rin. "Ito buhay pa kausap mo nga 'di ba?" mataray nitong sagot sabay tawa. "Gusto mo tuluyan na kita?" tanong kong natatawa rin. "Ay 'wag naman sayang ang matres ko, hindi na mapapakinabangan kung tutuluyan mo ako," natatawa niyang wika. "As if naman mayroon, bakla nga 'di ba?" sabi ko dito nang hindi natigil sa katatawa. "Ouch naman, ipangalandakan mo pa nang marinig ng mga tao sa world," pagkukunwari nitong nasasaktan sa sinabi ko. "Saan ka ba ngayon?" tanong ko rito. "Sa Province natin." "Kailan pa tayo nagkaroon ng probinsiya?" pamimilosopo kong tanong. "Alam mo..." Hindi pa niya natatapos ang kaniyang sasabihin dinugtungan ko na kaagad. "Hindi ko pa alam." Sabay tawa ito. "Kanina ka pa ha, kung nandito ka lang sa tabi ko kakalbuhin na talaga kita," pikon niyang wika ngunit tumatawa. Nakakatuwa lang kasi asarin ang baklang 'yon. "Kaya nga malakas loob ko dahil wala ka sa tabi ko," sabi ko naman dito sabay tawa. Change topic kami. Tinanong ko ito kung saan niya nakuha ang number ko. Lakas maka-call mate lang ang peg. Nang magbrowse raw kasi siya sa social media nakita niya ang account ng kapatid ko kaya nagmessage raw siya kaagad at nagtanong kung nasaan ako at kung maaari hingin niya number ko, wala na raw paligoy-ligoy para replyan siya kaagad. Hinahanap niya rin daw ang account ko wala raw siyang makita kaya sa kapatid ko na lang siya nagtanong. Mabuti na lang daw at nakilala siya kaagad ng kapatid ko kaya ayun ibinigay kaagad sa kaniya ang number ko. Kaya naman hindi niya mahanap dahil ibang account ang gamit ko at hindi pangalan ko ang nakalagay roon. Ikinuwento niya lahat sa akin ang mga nangyari sa kaniya rito sa Manila. Madalang lang din daw siya kung umuwi ng probinsiya. At least siya may mauuwiang bahay kapag umuuwi ng probinsiya samantalang kami wala na. Dahil simula noong umalis kami roon sa Hacienda Galvez binawi na rin ng mga Galvez sa amin ang lupang tinitirikan ng bahay namin. Ang mga Galvez ang nag mamay-ari ng lupa at halos lahat ng trabahador nilang may pamilya binibigyan nila ng pabahay, sa isang kundisyon sa kanila ka lang maninilbihan. At kapag ikaw naman ay umalis na sa kanila panigurado sa pagbalik mo wala ka ng babalikan pa. Noong mga panahong umalis na ang mga magulang ko sa mga Galvez sinigurado rin muna ng kuya ko na sa pag-alis namin sa Hacienda Galvez may matutuluyan kami sa Manila. Simula kasi noong umalis kami roon hindi na kami nakabalik pa. Dahil wala na rin kaming matutuluyan doon. Nakakamiss din ang buhay sa probinsiya. Lalo pa at doon kaming magkakapatid ipinanganak at lumaki. At madami rin kaming alaala roon. Pagkatapos naming mag-usap ni Peter. Nagmaneho na ako papunta sa shop. Maaga pa naman. Madami pang oras upang magawa ko pa ang dapat kong gawin at tatapusin. Maya-maya tumawag si Marjorie. "Bakla, nasa shop mo na ba ikaw?" tanong niya kaagad sa akin. "Kararating ko lang. Bakit bakla?" tanong ko rito. "Tamang-tama lang susunduin na kita riyan ngayon," excited niyang wika. "Bakit parang ang excited mo bakla anong oras pa lang maaga pa kaya." Oo nga, maaga pa bakit niya na ako susunduin eh may sasakyan naman ako kaya ko namang magmaneho at pumunta sa meeting place naming mag-isa. Magulo talaga ang baklang Marjorie na 'to. "Ganito kasi nagbago ang plano and we are going to Bicol, to you're hometown," sabi nitong tila kinikilig. "Ha? Ano gagawin natin do'n?" gulat kong tanong sa kaniya. "Okay, let me explain..'di ba nga nagyayaya si Brent mylabs na lumabas dapat tayo tonight dahil birthday niya at may pa-dinner siya kaso 'di ba nga sabi ko nagbago ang plano. Bali sa Bicol gaganapin ang birthday party niya at hiling ng Lola at Lolo niya. Matagal na raw kasing panahong hindi nakapag bisita roon si Brent so ayun sila na ang nag plano ng birthday party para kay Brent mylabs. Na-miss daw kasi nila eh saka hindi rin maka hindi si Brent kaya pumayag na rin siya," mahabang paliwanag nito Hindi pa ako nakapag-react dinugtungan na nito kaagad ang mahaba nitong paliwanag. "Kung ang iinisip mo ay magagahol tayo sa oras kasi nga naman anong oras na dapat bumibyahe na tayo, pero kasi nga kaya kita susunduin dahil mamayang alauna y medya na ang flight natin at kung inaala mo ang ticket na i-book na namin kayong lahat ni Brent at wala kayong alalahaning babayadan dahil sagot na niya lahat," paliwanag niya ulit. Sumingit na ako dahil halos wala nang preno ang bibig nito kung makapagsalita, dire-diretso lang. "Teka nga, bakit naman kasi biglaan at hindi pa ako nakapagpaalam sa bahay at hindi ako ready bakla wala akong gamit." Pagpapaalala ko rito dahil ang paalam ko lang sa mga magulang ko kakain lang kami sa labas. "Ahem ahem, kasi bakla inunahan na kita ipinagpaalam na kita kay tita at um-oo naman siya at natutuwa rin siya dahil may pagkakataon kang bumalik sa lupang sinilangan mo and no need to worry sa mga gamit mo remember magkakapareho lang tayo. At alam kong kahit saan ka magpunta may naka-ready na gamit diyan sa sasakyan mo kaya wala kang lusot," mahabang litanya nito sabay tawa. "Grabe ka talaga!" Hindi talaga ako makapagsinungaling sa baklang ito. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "May magagawa pa ba ako?" "Wala! Kaya mag ready ka na at malapit na ako," sabi nito at sabay patay ng cellphone. Napatingin na lang ako sa cellphone ko na tila naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. Ba't ba kasi ang bilis? Bumalik ako sa sasakyan ko at kinuha ang mga gamit kong naka-ready na. Tama si Marjorie, palagi akong may dalang extra na gamit sa sasakyan ko. Iinisip ko kasi kapag inabutan man ako ng hindi ka nais-nais na pangyayari sa kung saan man at least may extra akong gamit na mahuhugot kaagad. Maya-maya dumating na si Marjorie at Brent para sunduin ako. Iniwan ko muna ang sasakyan ko sa shop. May guard naman kaya safe ang sasakyan ko roon. Umalis na kami at susunduin pa namin ang dalawa naming kaibigan at ang mga asawa't anak ng mga ito. Nang makumpleto na kaming lahat, dumiretso agad kami sa airport. Mabuti na lang at on time kaming nakarating. Halos hand carry lang naman ang dala naming gamit kaya diretso kami kaagad sa boarding area. Hanggang sa nakasakay na kami ng eroplano at nag take off na rin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD