Chapter 6: Bicol

1703 Words
Lulan na kami ng eroplano patungong Bicol. Maganda ang panahon makikita sa himpapawid ang nagagandahang ulap. Kumuha rin ako ng iilang litrato gamit ang cellphone ko. Katabi ko sa upuan si Marjorie napagitnaan namin siya ni Brent ako sa bandang bintana sa kaliwa niya at si Brent sa kanan niya. At ang dalawa naming kaibigan, kasama ang kanilang asawa't anak nasa bandang likuran naman namin. Naala ko hindi ko pa pala nabati si Brent kaya binati ko muna siya. At ang dapat na regalong ibibigay ko sa kaniya hindi ko na dinala dahil hindi puwede sa mga hand carry bag namin. Masasayang lang din kung mahaharang sa x-ray machine ng airport. Bawal kasi kapag more than one hundred mL ang laman ng isang bote at liquid ang laman. Ibibigay ko na lang sa kaniya pagkabalik namin ng Manila. "Bakla, anong feeling na makakabalik ka sa iyong lupang sinilangan?" biglang tanong ni Marjorie sa akin. "Masaya! Matagal ding panahon na hindi ko na nasilayan ang lugar na 'yon," emosyonal kung wika. Bumaling ako kay Brent. "Brent, salamat ha!" taos sa puso kong pasasalamat sa kaniya. Kung hindi dahil sa biglaang desisyon niya na ipagdiwang ang kaarawan niya sa Bicol baka hind pa rin ako makapunta roon. Tango at ngiti lang ang tugon niya sa akin. Nalulungkot ako at the same time natutuwa. Nalulungkot ako kasi ang daming memories simula no'ng bata ako at hanggang sa magdalaga ako at umibig ng lihim sa taong alam kung kahit kailan kaibigan lang din ang turing sa akin. Mga alaalang kahit kailan hindi ko makakalimutan. Natutuwa ako dahil masisilayan ko ulit ang Bicol kahit hindi sa mismong lugar kung saan ako lumaki. Kumusta na kaya siya? Simula nang umalis kami ng hacienda nawalan na rin kami ng kumunikasyon sa isa't isa. We used to be best friends naman kaso mas higit sa kaibigan ang tingin ko sa kaniya at ako lang ang nakakaalam no'n. At malabo rin na magkakagusto siya sa akin, sinabi niya na kasi 'yon na hinding- hindi siya magkakagusto sa akin. At isa pa may girlfriend din siya ng mga panahong iyon. Kaya malabo talaga na magugustuhan niya ako. Haist, bakit kasi hindi ko siya makalimutan. May mga nanliligaw naman sa akin pero ewan ko ba kung bakit hindi ko sila nagugustuhan. Ang hirap talaga turuan ang pusong nagkukusang tumibok sa isang taong matagal niya ng kilala. Traidor talaga ayaw makisama. Naputol ang pag-iisip ko nang bigla akong sikuhin ni Marjorie. "Parang ang lalim ng iniisip natin ah? Parang alam ko rin ang tumatakbo riyan sa isip mo," pang-uuyam ni Marjorie sa akin na nakangiti. Tiningnan ko lang siya at ngumiti ng bahagya. "Shai, move on na kasi matagal na panahon na 'yon baka nga may sariling pamilya na 'yong tao. Maawa ka sa puso mo 'wag mong pahirapan mamaya niyan baka hindi na tumibok 'yan. Sige ka!" seryoso niyang wika sa akin na may halong biro. Alam ng mga best friends ko ang tungkol sa taong magpa hanggang sa ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan. "Okay lang ako!" tugon ko naman at ngumiti ng very light. "Sinabi mo eh, basta kapag kailangan mo ng kausap 'wag kang mag-atubiling tawagan ako o kausapin ako ha. Okay ba?" hinaplos nito ang braso ng marahan. Masuwerte talaga ako sa kaibigan kong 'to para ko na siyang tunay na kapatid. Sa aming apat siya ang mas na nakakakilala sa akin. Maya maya pa nag-announce na ang piloto na malapit na kaming mag landing sa airport ng Legazpi, Albay. Mahigit isang oras din ang itinagal ng biyahe namin sa himpapawid. Sa wakas makikita ko na nang muli ang bulkang Mayon. Naka-landing na ang eroplanong sinakyan namin at nakababa na rin kaming lahat. Ang awkward lang, ako lang kasi ang walang partner. Kinuha ko na lang ang anak ng isang kaibigan ko para may partner kunwari ako. Mabuti at gising ito. Sumama rin naman sa akin ang inaanak ko. Karga-karga ko siya habang naglalakad kami, hindi naman kasi puwedenh bitawan ito baka tumakbo. Two years old pa lang kasi siya. Pagkalabas namin ng arrival area may driver at van na naghihintay sa amin. Binati ni Brent ang matanda, wari ko ay nasa singwenta y singko ang edad nito. "Mang Kanor, kumusta po kayo?" bati ni Brent sa matanda. "Sa awa ng Diyos malusog pa sa kalabaw," biro nama nito. Napatawa naman kami. Mapagbiro pala itong si Mang Kanor. Binalingan kami ni Brent at ipinakilala kay Mang Kanor at binati rin namin siya at ganoon din siya sa amin. "Sino riyan ang girlfriend mo, Señorito?" tanong ni Mang Kanor. Ay, Señorito yayamanin pala itong si Brent. Hindi man lang sinabi. Kaya pala nilibre kaming lahat nang pamasahe sa eroplano. Madami pala datong. Ito namang kaibigan ko nagulat sa itinawag kay Brent ng driver nito. Parang nakikita ko ang namumuong digmaan sa pagitan ng dalawa at ang mata nito ay ipinapahiwatig na mamaya ka lang. At si Brent nag peace sign kaagad sa kaniya at alanganing ngumiti. Parang wala rin alam ang kaibigan ko sa estado ng pamumuhay ng jowa niya. Akala lang namin simpleng empleyado lang ng isang kompanya. May sinasabi din pala sa buhay. Mayaman. Sumakay na kami sa van at tahimik na bumibiyahe. Nagulat ako ng very light para kasing familiar sa akin ang daan na aming binabagtas kahit matagal na akong hindi nakabalik dito. Bumibilis ang pintig ng puso ko nang mapansin ko ang tinatahak naming daan. Pigil hininga akong nakatitig sa mga nakaukit na letra sa arko papasok sa dalawang Hacienda na magkaharap. Hacienda Galvez at Hacienda Santorin. Nasa bandang kanan ang Hacienda Galvez at sa kaliwa naman ang Hacienda Santorini Nagulat din ako nang sabay-sabay ang tatlo kong kaibigan bumanggit ng "ohhhh" at alam ko kung ano ang gusto nilang ipahiwatig. Gulat din ang rumirehistro sa mukha ng mga partners nila. Hindi nakatiis nagtanong si Brent kung bakit ganoon na lang reaksiyon nila. Mabilis din namang sumagot si Marjorie. "Wala mylabs, may na alala lang kami kaya ganoon ang reaction namin," nakangiting turan niya at humilig sa balikat ni Brent. Saka bumaling ng tingin sa akin, na para bang binabasa niyo kung ano ang nasa isipan ko. Nanatili lamang akong tahimik. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga ng hindi lumiko ang sinasakyan naming van sa Hacienda Galvez at sa Hacienda Santorini kami pumasok. Parang bigla akong kinabahan. 'Di ba dapat masaya ako? "Hay ewan. Relax self!" pagpapakalma ko sa aking sarili. At itong si Brent tahimik lang din at 'don ulit napako ang tingin ni Marjorie sa kaniya nang mapagtanto nito na hindi lang may sinasabi sa buhay at mayaman din pala ito. Parang may cold war na magaganap. Pasado alas kuwatro na kami dumating sa Hacienda nina Brent at namangha kami sa laki ng bahay ng grand parents niya. Hindi lang basta bahay kun'di mansion na parang magkasinlaki sila ng mansion ng mga Galvez. Naabutan namin ang dalawang matanda na nakaupo sa sofa sa may sala na tila ba nag-aabang sa aming pagdating. Mababakas sa mukha nila ang saya nang makita nila si Brent at niyakap nila ito at binati. Lahat kami nagbigay galang sa kanila at nagmano. Ipinatuloy nila kami sa mansion nila at ipinasamahan sa kasambahay para ituro sa amin ang gagamitin naming kuwarto habang kami ay nandito. Ako lang ang mag-isang matutulog sa kuwarto na gagamitin ko sapagkat si Marjorie sa kuwarto ni Brent matutulog. Bahala na kayo kung ano iisipin niyo. Moment nila yan. Pinagpahinga muna kami dahil mamayang alas siete pa naman ang handaan. Kaibigan at kamag-anak lang naman daw ang imbitado at iilang mga trabahador ng hacienda. Humiga ako at maya maya pa ay nakatulog ako. Nagising na lang ako ng may kumakatok sa pintuan. Si Marjorie, Jane at Grace. Dali-daling nagsipasukan at isinarado kaagad ang pinto. "Hoy bakla, anong pakiramdam na malapit ka na sa Hacienda Galvez?" agarang tanong ni Jane sa akin. "Kung gusto mong pumunta roon sasamahan ka namin," segunda ni Grace. Tumango rin ang dalawa bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Grace. "Ang OA niyo ha!" natatawa kong sambit. "Kami pa raw 'to ang OA, siya nga itong kinakabahan kanina dahil ang akala niya sa Hacienda Galvez liliko. Nagpakawala ba naman ng malalim na buntong hininga nang malaman niyang hindi sa direksiyon na 'yon papunta ang sasakyan. Akala mo hindi ko napansin 'yon." mahabang litanya ni Marjorie na naniningkit ang kaniyang mga mata. "Anong oras na ba?" bigla kong tanong para maiba ang topic. "Hoy, bakla 'wag mong iniiba ang topic," pasigaw na wika ni Marjorie. "Pag-iisipan ko at isa pa nakakahiya bisita tayo rito tapos gagala tayo sa kabilang Hacienda pa? 'Di ba parang nakakahiya 'yon?" "Ok lang naman siguro 'yon. Nandiyan naman si Marjorie siya na magsabi kay Brent," sabat ni Jane sabay kindat kay Marjorie. "At bakit ako?" ani ni Marjorie. "Alangan naman kami. Kami ba ang girlfriend?" pambabara naman ni Grace at nagkatawanan kaming tatlo. Halos hindi maipinta ang mukha ni Marjorie. Mukhang may cold war nga. "Hay naku, 'wag ako hindi kami bati kailangan niya pang magpaliwanag sa akin papalampasin ko muna ngayon dahil special day niya," halos uusok ang ilong nito sa inis. "Kalma ang puso bakla, lalo kang papangit niyan." Pang-aalo ni Grace sa kaniya na may kasamang pang-iinsulto saka sabay tawa. "Teka nga maiba ako, ano ba dapat ang susuotin natin sa party mamaya?" tanong ko sa kanilang tatlo. "Don't worry bakla may naka-ready ka nang damit na susuotin mamaya. Kukuhanin ko lang," nakangiting wika ni Marjorie sabay talikod. "Kayo ba meron na?" tanong ko naman sa dalawa. At sabay rin silang tumango. Bumalik na nga si Marjorie dala ang damit. Nanlaki ang mata ko sa damit na ipinakita niya sa akin, labas ang likod malamig pa naman sa lugar na ito. "Wala na bang iba?" "Wala na at wala ka na ring pagpipilian," mabilis niyang sambit. "At isa pa maganda naman 'to ah malay mo may bachelor sa mga kaibigan ni Brent ang pupunta at matipuhan ka, sunggaban mo na kaagad para makalimutan mo na si Mr. Past." Sabay hagikhik nito. Pinandilatan ko siya ng mga mata ko saka nag peace sign siya kaagad sa akin. Nagsi-alisan na sila sa kuwarto na tinutuluyan ko para mag-ayos na rin nang sarili nila bago mag-umpisa ang handaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD