Nagsidatingan na ang mga bisita ni Brent at isa-isa niyang iniistima ang mga ito. Nasa tabi niya si Marjorie at ipinakikilala niya rin ito sa mga dumadating niyang bisita.
Kaunti nga lang talaga ang bisita niyang dumalo sa kaniyang kaarawan. May iilan siyang bisitang dumating galing ng ibang bansa.
Isang table lang din ang inukupa naming magkakaibigan.
Sa likod ng mansion idinaos ang handaan, sa lawak niyon kasyang-kasya ang isang daang tao roon.
Bago mag-umpisa ang handaan naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko at kaagad ko itong tiningnan.
Si Nanay tumatawag.
Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko para sagutin ang tawag ng aking ina.
Kinukumusta niya lang kami kung nakadating na ba kami rito sa Bicol. Nakalimutan ko kasing tawagan si Nanay kanina pagkadating namin.
Nag kuwento ako sa kaniya ng very light tungkol sa mga kaganapan ngayong araw at kung saan kami banda ng Bicol napadpad.
Natuwa siya nang malaman niyang malapit lang kami sa Hacienda Galvez. Kung may pagkakataon nga raw sana bumisita ako roon, kaso mahigpit ang mga nagbabantay sa Hacienda. Kung hindi ka empleyado o trabahador ng Hacienda hindi ka kaagad makakapasok.
Matagal na panahon na ang lumipas at hindi na rin ako kilala ng mga taga roon.
Nang matapos ang pag-uusap namin ng ina ko at akmang tatalikod na sana ako nang makarinig ako ng boses na para bang galit ito ngunit mahinahon ang pagkakabitaw nito ng mga salita, at batang babae na umiiyak. Parang may kung ano'ng nag-udyok sa akin na lapitan ang direksiyon na 'yon.
Nang makalapit na ako sa kinaroroonan ng boses na aking naririnig, nakita kong pinagsasabihan ng lalaki ang batang babae.
At mukhang mag-ama yata sila.
Napalingon silang dalawa sa direksiyon ko habang umiiyak pa rin ang bata. Nagulat ako nang biglang tumakbo ang bata sa akin at niyakap ako. Napabuntong hininga na lang ang lalaki at tumalikod sa amin. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod siya sa liwanag.
Nang makaalis na ang lalaki saka ko na kinausap ang bata.
May nakita akong bench chair sa hindi kalayuan at doon kami umupo.
"Tahan na, 'wag na ikaw umiyak papangit ka niyan. Sige ka!" biro ko sa bata.
Tumingala siya sa akin at ngumiti.
"Ang ganda mo kapag nakangiti," puri ko naman sa kaniya.
"Talaga po?" ngumiti ito.
Tumango ako at nginitian din siya.
Parang familiar ang hitsura ng bata at parang nakita ko na rin siya.
Tama! Siya iyong nasa grocery kanina. How come na nandito siya? At 'yon ang tatay niya na hinahanap niya rin kanina. What a small world nga naman.
"You look familiar," wika ko sa bata. "Ikaw 'yong sa supermarket kaninang umaga na umiiyak at naghahanap sa daddy mo, right?"
Mabilis itong tumango. "Yes, po! Why are you here po? Friend po kayo ni tito Brent?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Ibig sabihin magkamag-anak sila ni Brent base na rin sa tawag ng bata kay Brent.
"Yes!" tugon ko sa kaniya. "What is your name?"
"Stephanie Ann Galvez po!" kaagad na sagot nito.
Napaawang ang bibig ko sa sinambit niyang family name niya. Hindi ko alam, parang bigla akong kinabahan.
"Ano name ng daddy mo?" curious kong tanong kahit medyo kabado sa isasagot ng bata sa akin.
"Enrico Galvez po!" bibang sagot nito sa akin.
Parang biglang sumikip ang dibdib ko sa aking narinig. Parang gusto nang kumawala ng mga luha ko.
Sabagay ano pa nga ba ang aasahan ko? Matagal na panahon na ang lumipas at sigurado akong masaya na siya sa buhay na mayroon siya ngayon.
Tanging pamilya ko lang at mga kaibigan ko ang nakakaalam ng nararamdaman ko sa kaniya. Siguro nga wala na talagang pag-asa.
"Are you crying po?" Tanong ng bata dahil bigla na lamang akong suminghot.
"Hindi, napuwing lang ako!" kaagad na depensa ko rito.
Inayos ko ang aking sarili para hindi naman ako magmukhang kahiya-hiya sa harapan ng bata.
Kaagad na nagpakilala na rin ako sa kaniya at tinanong ko rin siya kung bakit umiiyak siya kanina at kung bakit pinagsasabihan siya ng daddy niya.
Pinagbawalan pala siyang maglaro rito banda sa kung saan kami nakaupo dahil medyo madilim nga naman at delikado at walang makakakita sa kaniya.
"Alam mo kasi tama naman ang daddy mo dahil nga delikado rito and not safe for you to play around," mahinahong pagpapaliwanag ko sa kaniya. "And you know what, your daddy loves you so much, he can't forgive himself if something happens to you." Hinaplos ko ang buhok niya.
Hindi ko maipaliwanag pero ang gaan ng aking pakiramdam sa bata kahit alam kong anak siya ng taong mahal ko na hindi ako mahal kasi nga hindi naman niya alam may nararamdaman ako sa kaniya.
"You have to say sorry to your daddy na, ha?" I smiled at her.
Tumango naman siya sa akin at ngumiti saka nagpasalamat with matching kiss sa pisngi ko.
"Thank you tita Shaira. Ba-bye po!" Sabi nito sabay takbo papunta sa direksiyon na dinaanan ng daddy niya kanina.
Hindi muna ako umalis sapagkat ngayon lang umalpas ang mga luhang pinigilan ko kanina.
Siguro nga time for me to move on na para mapalaya ko na siya sa puso ko. Siguro nga pagkakataon na rin na pagbigyan ko ang aking sarili na magpaligaw sa iba. Ika nga move on move on din 'pag may time.
Tama na! Enough na! Ganurn.
Pero dahan-dahan lang muna, 'wag masiyadong biglain. Masakit pa sa puso hindi kayang alisin in one go.
Pagkatapos kong mag emote bumalik kaagad ako sa handaan at nag-uumpisa na ang program. Umupo ako sa gitna ni Jane at Grace.
"Hoy bakla saan ka ba nanggaling ha?" pabulong na tanong sa akin ni Jane.
"Tumawag kasi si Nanay nakalimutan ko siyang tawagan kanina para ipaalam na nandito na tayo," pagdadahilan ko. Ngunit may katotohanan naman kasi 'yon na tumawag talaga Nanay ko, 'yon nga lang may natuklasan kaagad ako na ikinadurog ng puso ko.
"Talaga ba? Bakit namumula iyang mga mata mo? 'Wag mong idadahilan na napuwing ka at tutusukin na kita nito." Sabay duro sa akin nito ng tinidor.
"Oo nga bakla namumula mga mata mo, nag drugs ka ba?" pang-aasar na tanong ni Grace sa akin.
"Hoy mga bibig niyo baka matokhang tayo rito," natatawa kong biro sa kanila.
"Ay, 'wag iniiba ang usapan. Kung ayaw mong itusok ko tong tinidor sa..." nakangising wika ni Jane at hindi pa rin binibitiwan ang tinidor.
"Puso niya?" sambit naman ni Grace sabay tawa.
"Ay, ang harsh mo bakla sa kaibigan natin, sa puso kaagad?" humahagikhik na wika ni Jane. "Sa pagkain itutusok siyempre."
"Sige na nga para matigil na kayo sa pang-aasar niyo sa akin, i-ku-kuwento ko sa inyo mamaya, okay ba?" nakangiti kong wika sa kanilang dalawa.
"Sure sinabi mo eh, dahil hindi ka makakatulog hangga't hindi mo sasabihin sa amin mamaya," wika ni Jane na sinang-ayunan naman ni Grace.
Hindi na namin napakinggan nang mabuti ang sinasabi ng Lola ni Brent na nagsasalita.
Itong mga kaibigan kong 'to hindi talaga ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi ang totoo.
Sa hindi kalayuan ng table namin. Para bang may mga matang nakatingin sa akin. Dahil madilim sa puwesto niya hindi ko maaninag ang mukha niya pati kulay ng damit niya. Hindi ko na lang din siya pinagtuunan ng pinansin bagkus ibinalik ko ang mga tingin ko sa nagsasalitang Lolo ni Brent.
Si Brent ang nag-iisang apo na lalaki ng mag-asawang Santorini. May dalawa siyang kapatid na babae at nasa ibang bansa pareho at doon din nakapag-asawa hindi lang nakauwi. At 'yon ang hindi namin alam kung bakit, dahil hindi naman binanggit ng matanda. Ulilang lubos na rin si Brent sa magulang.
At dahil nag-iisa siyang lalaki, sa kaniya ipinamahala ang Hacienda kaya gusto ng dalawang matanda na uuwi ito sa kaarawan niya sapagkat ito ang regalong handog sa kaniya. Tatanggihan pa sana ni Brent ngunit wala rin siyang magagawa dahil wala ng ibang mamahala nito.
Si Brent naman ngayon ang nagsasalita. Nagpapasalamat siya sa lahat na dumalo at hindi lang 'yon dahil may binabalak pa pala siyang surpresa sa aming kaibigan. Unexpected at hindi ready si Marjorie dahil nag propose lang naman nang kasal sa kaniya si Brent at lumuhod pa ito sa harapan niya habang siya ay nakaupo.
Ayaw naman niyang mapahiya ang jowa niya kaya sumagot kaagad siya ng 'yes'. Akalain mo nga naman galit-galitan daw tapos yes kaagad. Natatawa na lang kaming tatlo pero masaya kami para sa kaibigan namin dahil sa wakas ikakasal na siya.
Ako na lang ang hindi pa.
"Bakla ikaw na lang ang single bilis-bilisan mo. Maiiwan ka na ng bus," biro ni Jane.
"Edi sasakay na lang ako sa jeep," sagot ko sabay tawa ng mahina.
"Sira ka talaga!" wika ni Grace sabay hampas sa braso ko ng mahina.
Naghiyawan ang mga tao sa paligid kasama na kami roon.
Pagkatapos ng proposal dali-daling lumapit si Marjorie sa amin at niyakap kami.
"Congratulations bakla!" Magkakasabay naming bati sa kaniya at group hug ulit.
Ang gaga umiyak. Sabagay sino ba naman ang hindi maiiyak lalo na at ikakasal ka sa taong mahal mo. Tawag do'n luha ng kagalakan.
Natapos din ang handaan at nagsi-alisan na rin ang mga bisita ni Brent.
Samantalang si Jane at Grace pinapatulog ang mga anak nila. Si Marjorie hina-hot seat ng mag-asawang Santorini.
Ang mga boys nang buhay nila at ibang friends ni Brent nasa mini bar sa loob ng mansion at nag-iinuman. At ako nandito sa garden sumasagap nang sariwang hangin. Na-miss ko ang buhay probinsiya.
Nang biglang may tumukhim sa likuran ko.
"Shaira?" tawag niya sa pangalan ko.