Napahikbi akong lumakad palabas ng multi-purpose hall dahil sa sama ng loob at kahihiyan sa ginawa ko. Kasi naman nagdilim talaga ang paningin ko nang makita ko na pinupunasan ng pawis ng babaeng iyon ang asawa ko. Tapos wala naman ginawa si Utt. Ibig sabihin non gusto niya yung ginawa sa kaniya. Yan tuloy, hinalikan ko siya sa harap ng maraming tao just to prove a point. And the point is... I don't do PDAs! Napakagat labi ako. Talaga nga bang I don't do PDAs? Then, I saw a flashback of me kissing a guy, and embracing him came to me. Napatulala ako, nang may naramdaman akong humawak sa braso ko at nagulat ako. "Asawa ko," may pakiusap sa pamilyar na boses na iyon. Napatingala ako sa lalaking iniharap ako sa kanya at niyakap. Si Utt pala iyon. "Bitiwan mo nga ako!" Inis kong

