Ngayon lang ako kinabahan ng ganito habang iniintay sumagot ang babaeng inalok ko ng kasal. Ni si Shayla nga ay hindi ko inalukan na magpakasal. Well, I never had a chance to offer her marriage. And, I think, hindi nga dumaan sa isip ko ito noon. Ang nasa isip ko pa lang noon ay ang maging girlfriend si Shayla at mailigtas ito sa stepdad nito. I must admit that I lusted over Shayla. She was a beautiful and desirable woman. But Katniss was different. She was all that I never thought I wanted in a wife. She made me feel things that I never felt for Shayla, and I never imagined I would be able to feel. "Kung... hindi ka pa handa na pakasalan ako bilang si Utt ay okay lang. I mean, hindi iyon okay..." sabi ko. "Pero hindi kita pipilitin. Maghihintay ako..." paliwanag ko at natigi

