3

2041 Words
Nagising ako na may hangover kaya hindi ako kaagad nakabangon mula sa kama. Dahan dahan ko na lamang inikot ang aking mga mata sa paligid. Na-realize ko na wala ako sa aking hotel room. Nasa isa akong cottage. That was when I remembered I packed my things last night and left Hotel Centro, after I admitted to my married boss that I love him.     Fudge! How stupid could I be? Now it costed me my job! Dagdagan pa na inaway ako ni Angela because I refused to conspire with her plan to ruin Gerard and Shayla. I'm now effing jobless, and in a stranger's room, with a high probability of me having a one-night stand with a man I hardly know! I'm so effing up and ruined!       Nanlumo ako at muling sinalampak ang sarili sa kama. Napahilamos ako ng mukha at napabuntong hininga. Nag-freak out ako. Nag-panic.     I recalled I went to a bar and got drunk. Ni hindi ko nga inisip kung ano ang mangyayari sa akin kung magpakalango ako mag-isa. Ilang bote na ang nainom ko nang may lumapit sa akin na mga babae at nakipagkaibigan. Nakipag-inuman pa sa akin ang mga iyon at dinare pa ako na halikan ko yung lalaking nasa sulok ng bar. Guwapo raw kasi. Kapag hindi ko hinalikan ang guy na nasa sulok ay ako daw ang magbabayad ng lahat ng drinks namin. I don't know what got into me, but I felt like my reception was not normal. Parang bangag lang ako, at sumunod naman ako sa sinabi nila.     I went to the guy they said was handsome, only to find out that the guy that they were referring to was Utt Sanders. Matalik na kaibigan siya ni Percival Ponce. Si Percival Ponce ay CEO ng Ponce Group of Companies, at pinsan ng aking boss na si Ardy.     Correction. Ex-boss mo na si Ardy. Malungkot kong paalala.     "s**t! Nakipag-one night stand ba'ko?" napahawak ako sa aking katawan at na-realize na naka-bra at panty lang ako.     Niramdam ko ang sarili ko at parang hindi naman ito masakit. Saka ko lamang naalala na si Utt ang kasama ko kagabi at ito ang cottage niya. Bumalik din sa isip ko in random order kung ano ang mga pangyayari kagabi, lalo na kung ano ang ginawa ko sa kanya sa bar.     "s**t!" Hiyang hiya ako habang paulit ulit sa isip ko kung paano ko siya hinalikan.     "What? No! Don't leave! I need you!" Narinig ko si Utt sa labas ng kuwarto.     Napabalikwas ako ng bangon kahit ang bigat bigat ng aking ulo. Pinilit kong tumayo ng kama at hinanap ang gamit ko.     Duon ko lang na-realize na nawawala nga pala ang gamit ko. Ninanakaw ng mga babaeng nakipag-kaibigan sa akin. Nasa bag ko pa naman ang passport at importanteng mga IDs ko, pati pera ko! Pero mamaya ko na aasikasuhin ang pagrereport ng nangyari sa akin.     First things first, Kat. Maghanap ka ng masusuot. Payo ko sa sarili ko. Pilit kong pinapakalma ang isip ko.     Hinanap ko ang dress ko kagabi at natagpuan iyon sa armrest ng sofa malapit sa kama. Kinuha ko iyon at naamoy na parang nasukahan ko ito.     Naisip ko na baka naman walang nangyari sa amin ni Utt Sanders. Baka naman inalis lang niya ang damit ko dahil nasukahan ko?     Pero nakakahiya pa rin dahil nakita niya yung buong katawan ko, at malay ko kung chinansingan niya ako!     "Maalala ko lang na minanyak niya ako kagabi ay bubugbugin ko talaga yang si Utt at ipapakulong ko siya!" Sabi ko sa sarili habang yakap ang sarili ko.     "What did you just say?" narinig ko si Utt na ikinagulat ko naman. Pumasok pala siya ng kuwarto. Naka-polo shirt, walking shorts, at spadril lamang siya. Ngayon ko lamang siya nakita na hindi naka-pormal, at may bumata ang hitsura niya. Mas naging mukhang approachable siya. He looked less unnerving and formidable.     He approached me as if being less clothed in front of him was a casual thing. Di ko malaman kung paanong tago ang gagawin ko sa sarili habang takip ang aking katawan. Alam kong pulang pula ako sa hiya. Wala din akong maisip na maisagot kay Utt kaya nakatitig lang ako sa mukha niya. He came close to me, at nakatitig rin lang siya sa mukha ko. Hindi niya inattempt na tumingin pababa sa katawan ko, and I was so thankful to that. I wasn't just sure if I was thankful to him, or to the heavens!     As I stared at his face, I noticed how beautiful his eyes were. Greyish green pala ang mga mata niya. Matang pusa! His nose was arrogant and straight. And his lips... fudge! Their reddish and sexy! Kahit may balbas siya, which I never liked in a guy, guwapo ang kaharap ko. Dagdagan pa na matangkad ito at halata naming matipuno at bato bato ang katawan! Aba! Mas guwapo pa siya kay Gerard! Kung hindi nga lang antipatiko itong is Utt, baka magka-crush pa ako dito... Fudge! Ano bang iniisip ko?     "Here," he gave me a plastic bag. "I got you a beach dress..." he said and turned away.     "Salamat," pahabol ko. "P-pero Utt," kinabahan ako pero ayoko ng magpatumpiktumpik pa. I had to know. "May nangyari ba sa atin kagabi?"     Humarap siya sa akin at parang pinag-aaralan ang mukha ko, tapos hinagod ng kanyang mata ang buong katawan ko. Pakiramdam ko nga ay pati katauhan ko ay ina-asses na rin niya. Nakaka-intimidate talaga itong balbas sarado na ito! Kainis.     "You've got what it takes to keep me attracted, but no. Nothing happened to us." Kibit balikat niyang sabi at tumalikod. "Kung si Shayla ka pa, baka hindi ako makapagpigil." Aniya at palabas na ng kuwarto.     Sa pagkumpara niya sa akin kay Shayla ay nasaktan at nainsulto ako. Si Shayla ang babaeng hindi ko kayang palitan o makipagkompitensya man lang sa puso ni Ardy, kaya masakit para sa akin na makumpara dito. Sa inis ko kay Utt ay sinagot ko rin siya.     "At kung si Gerard ka, I would probably be like Shayla. Hinding hindi ko ipagpapalit si Gerard for you." I answered back.     Napatigil siya sa paglalakad at bumugha ng hangin. He placed his hands on his waist, and I saw his muscled arms flexed, as if he was trying to keep himself calm.     "Papalagpasin ko ang sinabi mo sa'kin, Ms. Delano. Pero next time na gawin mo sa akin yan, you're fired." He gravely said and proceeded to step out of the room.     "What?" I asked. Sinundan ko siya sa paglalakad kahit pa hindi pa rin ako nakabihis. "Anong ibig mong sabihing fired? Baket boss ba kita?" buwisit kong sabi at lumabas ng kuwarto.     "Yes!" He faced me this time. Natigilan ako sa sinabi niya at nagulat nang bigla niya akong itago sa likod niya. Duon ko lamang na-realize na may mga pulis na nakaupo sa sala ng cottage niya.     "Oh my gosh!" Napatakip ako ng mukha at sumiksik lalo sa likod ni Utt, bago ko naalalang nasa supot ang dress na ibinigay niya sa akin. I quickly wore the dress behind him.     "Officers, please forgive our little show here. My girlfriend and I are just having a small misunderstanding..."     "Uhm, Sir. Mauna na po kami." Paalam ng mga pulis.     Utt just nodded his head, and the police left the cottage.     "Girl friend?" I stepped away from him. "Yuck!" I couldn't think of other things to say so that he wouldn't notice the blush on my face.     "What would you have me say? That you're my assistant when they saw you walk out of the room unclothed?" suplado niyang sagot at muling pumasok ng kuwarto. "At saka wow, ha? Yuck talaga? Gandang ganda ka sa sarili mo?"     "Talaga!" I said unconvincingly to the handsome man in front of me, who arrogantly turned back at me. "Wait a minute!" Inis kong padyak sa sahig. "Puwede bang kausapin mo ako ng maayos, hindi yung parati kang nakatalikod sa'ken?"     Napatingin siya sa akin na tila may spark ng humor sa mga mata. "Ilang minuto pa lang kitang nagiging assistant, kung makipag-usap ka na sa'ken, daig mo pa ang isang girlfriend kung mag-demand!" Painuslto niyang sagot.     Napakagat labi ako. "Ano ba kasi ang sinasabi mo? Hindi naman ako nag-apply sa'yo na assistat mo ha?" naguguluhan kong sabi. "At mas lalong hindi rin ako naga-assume na maging girlfriend mo! Hello? Hindi ko type ang mga nagpapatubo ng balbas! Eww!" I insulted him back.     He crossed his arms. Pagbukas pa lang ng mapulang bibig niya ay alam kong maiinsulto na naman ako sa sasabihin niya. "Miss Delano, I did a background check on you. Apparently, you may have savings, but you don't owe much to support the life machine and medicines of your grand mother without a job. And, you're in danger, but have no one to turn to, since all your life you've been in the shadow of Angela. Who will you seek help from now since you said last night that you will not go back to Gerard? Kay Percival Ponce?" he confidently asked.     Hindi ako nakakibo dahil tama naman lahat ang sinabi niya.     Napalunok ako na tila pride ko ang nilulunok ko, bago nagsalita. "So, you're taking me under your wing?"     "Dahil naka-maternity leave na ang assistant ko...and out of pity for your, I'm getting you as my secretary."     "Out of pity..." nasambit ko at halos maluha sa insulto. Mas lalo akong nanliit at feeling trapped sa sitwasyon ko.     "Now get ready, because we're leaving for Manila." He said and slammed the door out of the room.     Nakaalis kami kaagad nang may sumundo sa aming taxi at inihatid kami sa airport. Nang makarating kami sa Manila ay may naka-abang na rin sa amin na sasakyan na may tatak na USC sa pintuan. Marahil sa kumpanya ang sasakyan na iyon. Nang makasakay kami ay may inabot na paper bag ang driver ng sasakyan kay Utt. He checked what's inside first, and then gave it to me without even looking at me.     "What's this?" taka kong tanong at tinanggap ang paper bag. Hindi naman niya ako sinagot kaya ako na ang kusang sumilip sa paper bag. May Isang paper bag para sa isang box ng Apple mobile phone at isang thick envelope. I opened the envelope and saw money and another paper with attached supplementary credit card.     "What's this for?" nasambit ko sa gulat.     "That money is for your day-to-day budget, and the supplementary credit card is from me. Just buy what you need for your transiton to your new job."     "I can't accept them," I said and was about to give the paper bag and envelope to him.     "Take it, Katniss." He said poker faced. "I'll take offence if you decline, and you don't want me to be offended, right? After all, I'm your boss now." He looked at me intently before he spoke. "And I want to make sure that your grandmother gets the medicines she needs. That's the most important thing."     Na-touch ako sa sinabi ni Utt. He thought of the welfare of the most important person in my life. My grandmother. Surely, he must have a good heart. I was now sure he has a good heart. Hindi ko lang ma-figure out bakit siya nagpapaka-brute sa karamihan, lalo na sa akin, pero pag dating kay Percival Ponce at kay Shayla ay mabait siya. Siguro... siguro kapag malapit ang mga tao sa kanya ay pinapakita niya ang mabuting side niya. Siguro may nangyari sa kanya sa past kaya pag sa ibang tao na hindi niya pinagkakatiwalaan ay masungit o suplado siya.     Suddenly, I felt positive about getting to know the brute Utt Sanders. It gave me hope that maybe Utt and I can be friends, after all. Having a friend is very important to me because I've never had one all my life. Now that I'm free from Angela, I could start having friends.     Pinagmasdan ko si Utt na ngayon ay nakapikit at nakasandal sa headrest.     "S-salamat." Mahina kong sabi kahit alam kong baka hindi naman niya ako maririnig.     "You're welcome, kuting." He said. "Now be quiet. I'm taking a quick rest." Tumagilid siya patalikod sa akin.     Ewan ko ba, pero napangiti ako sa sinabi niya. Kuting daw ako? I guess that's his term of endearment to me. I guess.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD