Sumunod na araw.
Antok na antok pang bumaba si Nickz sa kama at kaagad ng lumabas ng kwarto. Ni hindi na nya inayos pa ang sarili dahil alam naman nyang wala na ang kanyang kapatid at ama.
Gutom na gutom na kasi sya. Parang nanginginig ang kanyang tuhod sa sobrang gutom. Wala pa kasi syang maayos na kain mula pa kahapon dahil nag overtime sila sa pagtatapos ng kanilang school project at umaga na kaninang nakauwi sya. Medyo kailangan na din kasi nilang irush iyon dahil bukas na ang deadline. Tapos ang kaibigan pa nya ang kagroup nya na parang walang pakialam kung bumagsak man sila.
Humihikab at nagkakamot pa sa tyan habang pababa na sya sa kanilang hagdan. Ang buhok nya ay halos tumakip na sa kanyang mukha.
May narinig sya nag uusap sa sala nila pero hindi na sya nag abalang tignan iyon. Madadaanan kasi nya iyon.
"Yaya." Tawag nya sa kanyang yaya dahil ito lang ang naghahanda ng pagkain nya.
pero walang sumasagot. Nasaan kaya iyon.
"Yaya." Malakas nyang tawag uli nya.
"Hey Nickz. Can you lower your voice you're interrupting our conversation here." Sabi ng kanyang ate kaya nagtataka syang napatingin dito. Hinawi nya ang kanyang buhok at ganon nalang ang panlalaki ng kanyang mata ng makita kung sino ang kausap ng mga ito.
Shit! Anong ginagawa nya dito?
Her lips parted.
Nakataas angkilay nito sa kanya palagj naman
And disgusted was on his father's face as he looked at her.
"And please. Can you atlest cover your self or will you just go back to your room and wear a decent clothes." Sabi ng kanyang ate na parang pinipigil nitong mainis sa kanya.
Anong mali sa suot ko? Tanong nya sa sarili. kaya Unti unting bumaba ang kanyang mata para masuri ang sarili.
Napatakip sya sa kanyang bunganga.
Shit! Nakabra lang pala sya at nakamaiksing short! Mabilis nyang pinagsalikop ang braso sa kanyang harapan. Ramdam nya ang pag akyat ng dugo sa kanyang mukha.
Parang gusto nalang nyang lumubog sa kanyang kinatatayuan.
"Juice ko kang bata ka. Bat ka lumabas ng naka ganyan lang." dalidali namang lumapit sa kanya ang kanyang yaya at parang itinago sya nito sa katawan nito. Dali dali sya nitong ibinalik uli sa kanyang kwarto.
Habang paakyat sila ay panay ang sermon nito sa kanya ng makapasok na sila. Halos kurutin nito ang kanyang singit. "Ano bang iniisip mo ha at hindi ka man lang nagdamit." Sita pa nito.
Nakangiwing nag peace sign sya dito. "Pasinsya na yaya. Hindi ko naman alam na may gwapong bisita pala sa baba.Naaalala kong naiinitan pala ako kaninang dumating ako kaya tinanggal ko iyong damit ko. Hindi ko na napansin na hindi pa pala ako nakadamit ng bumaba ako." Pagpapaliwanag nya.
"Tsk! Noong una natutuwa ako sa bagbabago mo. Noon balot na balot ka pag nagbihis. Ngayon nagbago ka aba e napasubrahan naman yata, halos makalimutan mo naman yatang magsuot ng damit." Sermon parin nito sa kanya. Napatawa sya sa sinabi nito.
"Sorry na yaya. Nakalimutan ko lang talaga dahil sa sobrang pagod ko din. At saka gutom na gutom na kaya ako." Lambing nya dito.
"Bakit nga po pala nandito si Alex?" Tanong nya ng maalala ang lalaki.
"Inihatid iyong sasakyan ng kapatid mo. Sya yata ang nagpaayos." Sabi naman nito na ikinasimangot nya.
Nagpahatid nalang sya ng pagkain nya sa kanyang kwarto dahil baka nandoon pa ang binata para kasing hindi pa nya kayang magpakita dito. Nahihiya siya.
Pagkatapos nyang kumain ay naligo na sya dahil balak nya sana uling matulog pero mailap na ang tulog sa kanya.
Dahil ang daming gumugulo sa isip nya. Kinakabahan sya. Parang nagsisimula ng gumawa ng paraan ang dalawa para masilo ang binata. Papaano pala kung nag iba ng plano ang mga ito.
Bumaba sya at iniwasan nyang dumaan sa may salas dahil baka nandoon parin ang binata. Tinungo nya ang kanilang pool area. Tanghali na din pero makulimlim. Kaya okey lang na tumambay muna sya doon.
Tahimik syang nakakulumbaba sa may garden seat. Lutang parin ang kanyang isip dahil sa kawalan ng maayos na tulog at sa dami ng kanyang iniisip.
"It seems like your family is really having a hard time with you" sabi ng tinig na nagmumula sa kanyang likuran.
Nag angat sya ng ulo at nilingon ito. And as usual. Ang gwapo at seryoso nitong mukha ang tumambad sa kanya.She even saw his eyebrows arched.
Their eyes met for a while and she was the first who looked down because she couldn't stand to stare at him that long.
She turned her gaze to something not particularly in their garden.
She felt him sitting next to her.
Parang bumibigat ang kanyang paghinga pero hindi sya nagpahalata. Mayroon parin talaga itong epekto sa kanya na halos magwala ang t***k ng kanyang puso.
"So how are you. I haven't felt your shadow for two days. Masaya ako at tinupad mo ang pangaral ko sayo." Sabi nito.
Napangisi naman sya. "Namiss mo ba ako baby ko. Sorry ha. Naging busy lang. hayaan mo at palagi mo na akong mararamdaman ngayon." Sabi naman nya.
Napatawa naman ito but with out sign of humor on it.
Natahimik silang pareho.
"Don't you think you're too early to woo my sister." She said sarcastically.
Tumawa naman ito. "Walang pinipiling oras ang panliligaw Nickoline." Sabi naman nito.
Sumimangot sya.
"I wonder where you went last night because it seems like you lacked of sleep." Sabi pa nito.
Napangiti sya sa tanong nito. "Why do I have this feeling that you care about me." Tukso nya dito.
"Because I care Nickoline. Malay mo maging magkapamilya pa tayo." Sabi naman nito.
Napatingin sya dito. Hindi nya maiwasang makaramdam ng kirot sa kanyang puso. "Yes Alex. Magiging magkapamilya tayo but the other way around." She whispered.
"You say something?" Tanong naman nito pero hindi nalang sya umimik.
"Sir, baby girl. Handa na po ang lunch. Pasok na daw po kayo." Tawag ng kanilang katulong.
Bumuntong hininga sya.
"Mauna kana." Sabi nya sa lalaki. Alam nyang hindi gugustohin ng ate at daddy nyang makaharap sya at baka hindi din nya masikmura ang pambobola ng mga ito sa lalaki.
*. *. *
Nag-aalangan paring magsimulang kumain si Alex dahil wala pa si Nickoline. Sabi nito ay susunod ito.
"Tikman mo itong luto ko Alex." Sabi ni Laline sa kanya at inabot sa kanya ang niluto nitong ulam. Ito na din ang naglagay ng kanin sa kanya pinggan.
Parang wala lang sa mga ito na hindi nila kasabay ang dalaga.
Tumanggi sya kaninang inaanyayahan sya ng mga ito na dito na nga sya maglunch pero mapilit ang mag ama. Ang balak nya ay ihahated lang nya ang kotse ng dalaga dahil sya ang nagpaayos ng masira iyon.
At halos hindi nya maiwasang mapanganga kanina habang pinapanood nyang bumababa sa hagdan si Nickoline na tanging bra at maiksing short lang ang suot nito at halatang antok na antok pa.
Nasabi nya noon na hindi sya mabilis maakit sa panglabas na anyo pero aminin man nya o hindi malakas talaga ang hatak ng babae sa kanya. Hindi nya irarason na lalaki sya kaya naaakit din sya. Iba ang epekto nito. Iyong parang naiinis ka pag nandyan sya na nagpapacute sayo pero pag hindi mo nakita ay hahanap hanapin mo din.
Pero pinipigilan nya ang sarili dahil alam nyang bata pa ito at malayo ito sa babaeng gusto nyang makasama. Kung physical ang pag uusapan ay wala syang masabi. Sisik liglig at umaapaw pa ang katangian nito pero hindi sya mag aasawa ng pang display lang nya. Mag aasawa sya ng babaeng kaya syang bigyan ng maayos na pamilya at alam nyang magiging mabuting ina sa mga anak nya. Dahil lumaki syang walang pamilya.
"So what do you think. Okey ba ang lasa?" Tanong ni Laline na nakatingin pala sa kanya ng sumubo sya. Nakangiti naman syang tumango dito. Nilunok muna nya ang kinakain bago nagsalita.
"Yup. Sobrang sarap." Nagthumbs up pa sya dito. Halatang natuwa naman ito.
"Sa tingin mo Alex. Pwede ng mag asawa ang dalaga ko?" Tanong naman ni Mr Salverio sa kanya. Napainom naman sya ng tubig sa tanong nito bago sya sumagot.
Ngumiti sya. "Sa tingin ko po pwede na." Sabi nya at napatingin sa dalaga.
"Kayo ba e nagliligawan?" Tanong ng matanda na ikinasamid nya.
"Dad. Anong klaseng tanong yan." Namumula ang mukhang saway naman ng dalaga sa ama.
"Magkaibigan lang po kami ni Laline Mr Salverio." Magalang naman nyang sabi sa matanda.
"Aba. Hindi kaba nagagandahan sa anak ko Mr. Alvarez." Birong tanong naman ng matanda sa kanya.
Napatawa naman sya. "Magaganda ang mga anak mo Mr Salverio. Pero magkaibigan lang po talaga kami ni Laline. Anyway Laline. Hindi mo nababanggit sa akin na mayroon ka pa palang kapatid." Baling nya sa dalaga para mailiko ang usapan nila. Kunyari ay wala pa syang alam sa kapatid nito. Nakita nya ang pagguhit ng kung anong emosyon sa mukha ng dalaga at parang pagseryoso ng mukha ng matandang lalaki.
"A. It's Nickoline. Hindi kasi kami palaging magkasama and magkaiba kasi kami ng ugali at gusto kaya malayo kami sa isa't isa. Kita mo naman kanina." Paliwanag naman nito.
"My daughter has a different temperament Alex." Malungkot na sabi ng matanda. "Hindi ko alam kung saan nagmana iyan. Puro nalang sakit ng ulo ang dala. Daig pa ang lalaki kung umasta. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko sa kanya." Himutok pa nito.
Nakinig lang sya sa mga himutok ng mga ito. Hindi nya alam pero may kung ano syang naramdaman sa dalaga. Awa ba iyon?
Napabuntong hininga sya.