Chapter 6

1583 Words
Did my ate invited you on her birthday?" Tanong ni Nickoline na sinadya talaga nyang abangan ang pag alis ni Alex sa kanilang bahay. Kumunot ang noo nitong tumingin sa kanya. He just shrugged his shoulders as if he was telling her that there was nothing wrong if her sister did invite him. "Don't come Alex." Babala nya sa lalaki. Kumunot ang noo nito. "Wala akong nakikitang mali doon Nickoline. Malapit kaming magkaibigan kaya normal lang na imbitahin nya ako." Sabi naman ng lalaki na parang napapantastikuhan sa kanya. "Im serious Alex." Seryoso nyang tinitigan ito sa mata. The cracks on his forehead deepened at tinignan sya na para bang nagbibiro lang sya then he cross his arms and leaned against his car. "Birthday iyon ng ate mo Nickoline at sya ang nag-imbita sa akin." Giit ng lalaki. Bumuntong hininga sya. "Alex. Makinig ka naman sa akin o." Hiling nya. "Why should I listen to you." Tanong nito "At sa tingin ko kailangan mo nang sanayin ang sarili mo na tawagin akong kuya." Nakakalukong bira pa nito sa kanya. "Ang laki ng agwat ng edad natin. Hindi kaba naiilang na tinatawag mo lang akong Alex?" Taas kilay nitong tanong sa kanya. She rolled her eyes. "Kuya my ass." Sabi pa nya. "Seryoso ako Alex." Pagbabalik nga sa topic nila. "Seryoso din ako Nickoline. Hindi mo ako pwedeng diktahan sa kung ano man ang gusto kung gawin. At saka kapatid mo nag imbita sa akin and I see nothing wrong with that." Napakagat sya sa kanyag labi. Hindi nya alam kung papaano nya mapagbabawalan ang lalaki. Kinakabahan kasi sya. Parang nagbago ng strategy ang dalawa dahil nagplaplano ang mga ito ng malaking handaan sa kaarawan ng kanyang ate. At parang nababahag din ang kanyang buntot dahil sa mga sinabi sa kanya ng kanyang yaya. Maaari ngang kamuhian din sya ng binata pag nagkataon. Hindi naman nya pwedeng basta basta nalang sabihin dito ang pinaplano ng kanyang kapatid at ama. Nalaman nyang na baon pala sa utang ang kanyang ama dahil sa pagsusugal at bisyo. Ang ate naman nya ay lulong sa pagsashopping, natuto ng gumamit ng drugs. Ang pinakamalala ay ang PANLALALAKI. Na isa sa mga ikinagulat nya sa kanyang kapatid dahil napakahinhin nito. Hanggang sa isang gabi ay nahuli nya itong may kaulayaw na lalaki. Dito pa mismo sa bahay nila. Hanggang sa nasundan ng nasundan. Ang masakit pa ay hindi lang iisang lalaki ang kasama nitong gumagawa ng kahalayan. Kaya sya nagbago. Lumabas sya. Dahil parang nasusuffocate sya kung nasa loob lang sya ng bahay. Pag wala syang ginagawa parang nakikita nya ang mga ito sa kanyang balintataw. Kaya ganon nalang ang pagtanggi nyang masilo nito si Alex. Kung matino ang kanyang ate. Pababayaan nya ang lalaki na dito ito mapunta kung ito ang mahal nya kahit masakit man ay kanyang tatanggapin. Tanggap naman nya na maaaring mayroon ng sineseryoso ito because he is in the right age to settle down pero sana sa tamang babae. Alam nyang malayo sya sa babaeng ninanais nitong makasama at medyo malaki ang agwat nila ng edad. Ang gusto nalang nya ngayon ay mailayo sana ito sa kanyang pamilya. She took a deep breath. "Sige. Bahala kana kung ano ang gusto mong gawin." Tinalikuran na nya ito at iniwan. *. *. * Alex sipped on his glass quietly. he could not help not to think of Nickoline because he had not seen her for several days. Nasanay na kasi sya sa anino nito. "So. Aware ka din na wala iyong dalawang stalker natin ano." Sabi ni Macky sa kanya kaya napatingin sya dito. "Maigi naman at napagsabihan mo Alex. Aba hindi maganda iyon kahit na saan tayo ay nakasunod sila. Pwede silang mapahamak." Sabi ni Ron saka din tumagay. "Anyway. Diba sabi mo kapatid non ni Laline iyong kaibagan mo kuno." Sabi ni Macky sa kanya na parang may bang may naalala. "Yes." Maiksi nya sagot. "Grabe pare. I saw Laline last night sa Druken bar, I don't know ha. But she looks different from the one you introduced before." Napakunot ang kanyang noo. "Anong parang iba?" Naguguluhan nyang tanong dito. "She was very drunk that night at parang may mali sa kanya. Hindi ko alam. Siguro dahil sa ibang iba sya noong ipinakilala mo sya sa amin na mahinhin." Sabi ni Macky na parang inaalala ang nangyari nang gabing iyon. Parang nahulog naman sya sa malim na pag iisip. Napansin nga nya na parang may nag iba sa babae. Naging mas sweet ito sa kanya. Pero hindi nalang nya binibigyan ng pansin. "Nagdedate na ba kayo non?" Tanong naman ni Tim. Napangisi naman sya. "Kaibigan ko lang iyon." Sabi naman nya saka uli lumagok sa kanyang alak. "Parang mas gusto ko si Baby girl e. Pasaway pero mahiyain. Mukhang liberated pero inosente. Pwede ba iyon?" Tumawa si Macky na parang naguluhan sa kanyang sinabi. Napatawa naman sila dito. "Bata pa iyon Macky." Pagsasaway naman nya sa kaibigan. Tumawa naman si Macky. "Walang bata bata sa pag ibig Alex." Sabi naman ni Macky. "Tignan mo nga at hulog na hulog sayo." Tukso nito sa kanya. Naiiling nalang sya sa sinabi nito. "Puro juice lang kaya inoorder non na iniinom. Hindi ko nga alam kung bakit nalalasing din iyon pag nalalasing ang kaibigan nito." Tumatawang umiiling si Macky kaya napatingin sya dito. "You mean. Hindi alak ang iniinom nya pag tumatambay sya dito?" Takang tanong nya. Tumawa si Macky. "Napeke din kayo ano. Tawa nga ng tawa ang bartender ko sa kanya e pag umaakto syang lasing pag lasing na ang kanyang kaibigan." Naiiling na sabi ni Macky. "Palibhasa kaklase nya ang isa sa mga part time namin kaya napepeke din nya iyong kaibigan na palagi nitong kasama. Pinapalabas nilang may halong alak iyong mga cocktail na iniinom nya." "Anong namang rason?" Tanong ni Tim. Nagkibit balikat lang din si Macky. "Para lang siguro may rason silang tumambay dito." Sabi naman ni Macky. "Kwento pa nga nong part time ko kasi nagtanong tanong ako sa kanya. May sarili daw na mundo yan dati at hindi ganon manamit. Nagtaka nalang sila sa biglaan nitong pagbabago kaya naisip nalang nila na siguro ay naimpluwensahan nong kaibigan nyang si Paula. Iyong palagi nyang kasama." Kwento ni Macky na tahimik lang nyang pinapakinggan. "Tang*na ka pare. Dapat ang trabaho mo sa showbizz." Buska ni Tim dito. Tumawa naman si Macky. "I just got interested you know. Malay natin maging parte pala sya ng buhay ng isa dyan." Tukso nito na ikinasamid nya. Binato nya ito ng mani. "Tado! Pinagsasabi mo dyan." Kunyari ay inis nyang sabi dito. Tumawa naman ang kanilang mga kasama pero pinakamalakas parin ang tawa ni Macky. "Aminin mo. You were affected nong ninakawan ka nya ng halik." Tukso parin ni Macky sa kanya. "It was as if that was your first kiss dahil namula ang iyong mukha." Macky's mocking him more. "Tsk! Natural. Sayo ba naman mayroon nalang basta kakandung at bigla nalang manghahalik." Sabi naman ni Alex. "If it was me. She might not be able to walk the next day." Ang lakas ng tawa nito sa sinabi. "Gago!" Sabi nalang nya at saka uminom uli. Kung naekwento siguro nya sa mga ito ang nangyari ng araw na iyon mas lalo syang tutuksuhin ng mga ito. Flash back "Emmm. Ang sakit." Rinig nyang daing ng dalaga kaya pumasok sya sa kwarto kung nasaan ito. Nakabaluktot ito patuwad at parang iniipit ang puson. Kaya nilapitan nya ito agad. "Okey ka lang?" Nag aalala nyang tanong. "Ang sakit." Naiiyak na daing nito na para bang nagsusumbong sa kanya. "Dalhin na kaya kita sa hospital." Hinaplos haplos nya ang likod nito. Ramdam nyang umiiyak na ito dahil sa sakit na nararamdaman. "Mawawala din ito mamaya." Padaing uli nitong sabi sa kanya. "f**k! Baka mamatay kana sa sakit pag hinintay pa natin ang mamaya. Let's go dadalhin na kita." "Hindi na kailangan." Sabi nito na tumagilid paharap sa kanya pero nakabaluktot parin ang tuhod kaya ang kamay nya ay nasa byawang na nito. Tinitigan nga ang lukot nitong mukha at mga matang may luha sa gilid. Wala sa sariling inabot nya ang buhok nitong tumatabing sa kanyang mukha at inipit iyon sa taynga nito saka nya pinunas ang gilid ng mata nito. "Then tell me what to do. "Anong ginagawa nyo pag ganitong sinusumpo ka ng sakit na ito." Tanong nya sa dalaga. Tumingin sa kanya ang dalaga na nangingilid parin ang luha. "U-umiinom lang ng gamot at nag hahot compress." Mahinang sabi nito kasabay ng pagbagsak ng luha nito. Kaya napamura sya. "Sige. Bibili lang ako saglit ng pag hot compress mo." Sabi naman nya na akma ng tatayo ng pigilan sya nito. "Maglagay ka nalang ng mainit na tubig sa may botltle at saka balotin mo ng towel okey na iyon." Sabi ng dalaga na nagpupunas ng luha. "Sure ka na kaya mo pa?" Tanong uli nya dito. Pilit na ngumiti ito. "Salamat ha. thank you for taking care of me." Pinunas nya uli ang gilid ng mata nito. "Ihahanda ko lang ang kailangan mo. Mamaya kakain na din tayo. Hinihintay ko lang maluto iyong ulam na niluluto ko." Sabi nya saka na nya uli ito iniwan. "f**k!" Tama ng mani sa pisngi ang nagpabalik sa kanyang isipan. "Umamin ka Alex. Siguro may nangyri sa inyo ni Baby girl noong inuwi mo kaya ganon nalang syang makasunod sa atin ano?" Tukso uli ni Macky sa kanya. "Tsk! Ikaw kalalaki mong tao ka tsismoso mo. Wala ngang nangyari dahil hindi naman ako katulad mo na kahit poste na nadamitan nang pambabae ay pinapatos." Sabi naman nya sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD