"Send mo nalang sa email ko ang pinaiimbistiga mo dud." Sabi ni Marco habang sumisimsin sa alak nito. Kagaya ng dati ay nandito sila ngayon sa Macky's bar pero kasama nila ngayon ang grupo ni Marco. Nagpapalamig daw muna ang mga ito. "Tsk! Akala ko wala na kaming hahawakang kaso ninyong anim. Mga terror pa naman kayong **tarages kayo." Reklamo ni Marco ng sabihin nyang may ipapaimbistiga sya. Natawa sila sa sinabi nito. "'Tang*na tol. Ikaw pa ang may ganang magreklamo e halos ubusin mo naman ang yaman ng utol ko lalo na si Jef. Napunta na yata lahat sayo ang yaman nya." Buska naman ni Macky kay Marco. "Tsk! Alam mo tol. Kung iyang 'tang*nang yan e nabaliw noong nawala ang kanyang asawa e ako naman nabaliw dahil sa pag atungal nya tuwing nakakausap nya ako. Aba tang*na! Ang dami kon

