Nadatnan nya itong nakahiga at parang tulog nga. Agad nya itong nilapitan. Dahan dahan syang umupo sa gilid ng kama at masuyong dinama ang noo nito dahil baka may sinat. "Emmm.." ungol nito na parang naramdaman yata sya. Nakita nyang unti unti itong nagmulat ng mata pero pumikit uli. "Nandito kana?" Mahina nitong tanong, "Kadarating ko lang. masakit daw ang ulo mo?" Masuyo nyang tanong habang dinadama uli ang leeg nito. "Emm. Nahihilo ako kanina." Sambit naman nito na hindi parin minumulat ang mata. Halatang masama parin ang pakiramdam. "Masama parin ang pakiramdam mo?" Tanong nya habang ang kamay ay nakapatong sa baywang nito. "Medyo okey na." Sagot nito pero parang ayaw nyang maniwala dahil hindi man lang ito nagmumulat ng mata. "Gusto mong pacheck up na tayo?" Masuyo nyang t

