Chapter 7
Gardo Pov
Ngayon na ang uwi nag mag-papa galing America. May susundo sa kanila pero kailangan na ando'n pa din ako. Hindi nga lang ako magpapakita sa kanila. May nakapagsabi kasi na nasa panganib ang buhay ng mag-papa. Kahit wala na sa Mafia world ang Ninong ko ay marami parin ang humahunting sa kanya.
Nasa gilid lang ako nakapark at hinihintay ang paglabas ng mag-papa dito sa airport. Nakaready na ang mga Ilan sa mga tauhan namin para sa safety nila. Although may mga tauhan naman sila na kasama mas better na safe parin sila. Lalo na ang Bata kawawa naman ito.
Napatayo ako ng magvibrate ang cellphone sa bulsa ko. Nag-message ang kanang kamay ko na nakasakay na ang mag-Papa sa sasakyan na sumundo sa kanila. Kaya agad akong pumasok sa loob ng sasakyan ko at pinandar na ang makena.
Masaya ako dahil tapos na ang bakasyon nila sa America. Makikita ko na ulit ang babaeng nagpapa-inis ng araw ko. Hindi na ako nagtityaga na sa video recorder ko lang siya nakikita. Hindi ko naman talaga siya gusto pero ang puso ko gustong gusto ang babaeng Ito. Matalak na nga ang Nanay ko pati ang gusto ng puso ko matalak din.
Kawawa naman ang ears ko kung sakali man. Habang nakasunod ako sa sasakyan ng mag-Papa ay hindi ko napansin ang nag-overtake na sasakyan sakin. Napapreno ako agad pero nagulat ako ng paulanan nila ng bala ang sasakyan ng mag-Papa. Agad akong tumawag ng back up.
Mabuti na lang well trained ang driver nila. Pero sana safe parin silang tatlo. Dalawang sasakyan na ang umatake sa sasakyan ng mag-Papa. Kaya ang ginawa ko pinasabugan ko ng granada ang isang sasakyan pero malas lang dahil hindi natamaan.
Nilabas ko na din ang baril ko at nakipagputukan. Nahulog sa baba ang isang sasakyan at sumabog iyon. Napamura siya ng makitang hindi kalaban ang nahulog sa baba. Sasakyan iyon ng tauhan na kasama ng mag-Papa. Kaya binilisan ko ang pagda-drive nakahinga ako ng mabuti ng may narinig akong paparating na mga Pulis. Kasama ang mga tinawagan kong back up.
Pero ang mga gago nakipagbarilan pa talaga sila. Ay magpahuli talagang gusto nilang mamatay ang nasa loob ng sasakyan.
"Wag niyong idamay ang bata tangina niyo!" Malakas kong sigaw.
Ang sasakyan talaga ng mag-Papa ang talagang punterya nila. Kaya ang ginawa ko na lang ay bilisan ang pagda-drive at banggahin ang sasakyan ng kalaban. Nakabukas ang bentana ng sasakyan ko kaya natamaan ako ng bala sa braso. Pero hindi ko iyon alintan kinuha ko din ang baril ko at gumanti. Nakipagbarilan ako sa kanila kahit pa may tama ang braso ko.
Iyon ang ginawa ko para mawala ang pukos nila sa pag-atake sa sasakyan ng mag-Papa. Sunod-sunod na barilan ang naganap. Pati ang mga pulis nakipag barilan na din. Now they trap kaya hindi na sila naka ganti pa. Dahil naubusan na din sila ng bala. That's good!
Sumensya ako sa mga tauhan ko na sila na ang bahala dito. Tumango naman sila at agad sinundan ang sasakyan ng mag-Papa. Tumawag ako kay ninong para malaman ko kung ayos lang sila ni Serenity.
"Yes Gardo?" mukhang kinabahan ng sobra ang ninong ko. Mabuti na lang dahil wala itong sakit sa puso.
"Are you okay ninong? How about baby Serenity is she okay?. Nandito ako sa likod niyo sumusunod po sa inyo. Don't worry po safe na kayo." pagbabalita ko para makahinga na sila ng mabuti.
"God thank you hijo for the help. You saved our lives!" bulalas nito.
"It's my duty to help po. Ninong, sumabog po yung sasakyan ng mga bodyguard niyo po nahulog sa tulay. Sana walang nadamay na sasakyan sa baba." dagdag ko pa.
"God!" bulalas na naman nito. "How are they? Are they dead?" tanong pa ni ninong.
"I think so po. Dahil sumabog po pagkahulog sa baba. Baka po walang nakasurvive." sabi ko.
"Ang anak ko na ang bahala sa pamilya ng naiwan nila. Thank you again hijo, for saving our life especially Serenity. She doesn't deserve to experience this kind of horrible situation. Sumunod ka sa mansion okay." sabi nito.
"May sugat po ako natamaan ako ng bala kanina. Sunod po ako ninong magpapagamot lang po muna ako."
"You okay ha? Kung malala yang tama sa braso mo, wag kana muna tumuloy sa mansion. Take care okay and thank you."
"I'm fine ninong. Sure you're always welcome po. Bye!"
Pero imbes na dumaan ako sa hospital ay hinatid ko na muna sila hanggang sa malapit na sila sa private subdivision nila. Sa hospital ng kaibigan ko ako nagtungo. Agad naman akong inasikaso ng makita nila akong duguan.
Pinatanggal ko lang yung bala at niresitahan nila ako ng gamot ay umalis din ako agad sa hospital. Nagtungo ako sa presinto para makibalita sa mga nadakip nilang gustong pumatay sa mag-Papa.
Kinausap ko ang kaibigan kong umasikaso sa kaso nila. Ayaw daw nila magsalita. Kahit anong pilit ng mga ito. Di baling mamatay na lang daw sila kisa bumaliktad sila sa amo nila.
"Hanep very loyal sa mga amo nila ha." inis kong sabi. "Wag mo ng iharap pa ang mga iyan sakin. Baka sumabog ang ulo nila kapag ako hindi makapagtimpi!"
"Relax bro! Masyado ka namang atat! Hindi sa lahat ng oras init ng ulo ang pinapairal mo!"
"Kayo na ang bahala sa mga yan! Alam niyo na ang gagawin niyo. Sige na dadaan pa ako kay ninong. Bye!" naki fist bump muna ako bago umalis na doon.
Walang mga silbi. Inis kong gigil sa isipan ko. Padabog akong sumakay sa loob ng sasakyan ko. Napadaing ako ng nasage ng upuan ang sugat ko.
"Fvck!" mura ko pa. Nadagdagan na naman ang inis ko.
Nagdrive na ako papuntang mansion nila ninong Sebastian. Nakasunod lang din ang mga bodyguard ko. Sa labas lang sila naghihintay. Apat sa body guard nila ninong ang namatay dahil sa pagsabog ng sasakyan nila ng mahulog ito sa tulay. Ang ilan naman ay sugatan. Salamat talaga at magaling ang mga bodyguard ni ninong at ang driver nito.
Pagpasok ko palang sa loob ng mansion ay kita ko na si bungangerang babae. Papasok din sa loob galing siguro ito sa labas. Nakipaglandian na naman ba sa mga security guard? Bumusangot na naman ang mukha ko. Kaya binilisan ko ang paglalakad para makasabay ko siya. Nagulat pa ito sa paglapit ko sakanya.
"Saan ka galing?" bulong ko.
"Anong pakialam mo ba." sikmat nito sakin.
"May pakialam ako sa kahit na anong gagawin mo dito! O, mga kausap o kasama! Lahat ng kakausapin mong lalaki pasasabugin ko mga bungo nila!" seryoso kong sabi.
"Napakagago mo lang ano? Hindi naman kita kilala at never naman tayo naging close. Tapos pinapakialaman mo ako dito. Baka gusto mong masakal?" ayaw patalong sagot nito sakin.
Nilagpasan na niya ako at mabilis na itong naglakad palayo. Sumunod din ako sakanya patungo pala siya sa Sala. Pagdating namin doon ay kita kong nakaupo doon ang mga anak ni ninong at si baby Serenity.
"Go to your Yaya, for awhile sweetie. We're just talking about something here. See you later." sabi ni Don Sebastian hinalikan pa nito ang noo ng bata. Mabilis naman itong lumapit kay Nina at agad din silang umalis sa Sala.
"Anong balita Gardo?" tanong ng panganay ni Don Sebastian.
"Ayaw po nilang umamin Kuya. Mas gugustuhin na lang daw mamatay kisa sabihin kung sino ang nag-utos sa kanila na i-ambush ang mag-Lolo." sagot ko.
"Damn!" gigil na sabi nito.
"Wag mo na lang dalasan ang pag-iibang bansa Dad para sa kaligtasan mo. Pati bata nadadamay." sabi naman ng bunsong anak nito.
"Pati po yung bata, Isa din sa punterya po nila. Iyon lang ang inamin nila pero ang nag-utos hindi po nila sinabi. Kahit anong pilit po ng mga pulis" sabi ko naman.
"Anong dahilan nila na pati bata idinadamay nila. That kid is innocent for god sake!" galit na sambit ni Kuya Manuel.
"Hindi ko din po alam Kuya Manuel. Utos daw po iyon ng amo nila."
"Kailangan mo ng magdagdag ng security guard mo Dad, para sa kaligtasan niyo ni Serenity. Gagawin namin ang lahat mahanap lang ang mga gustong pumatay sainyong dalawa."
"Kami na po ang bahala Kuya Samuel. Pero mas maganda kapag tutulong din po ang ibang mga tauhan niyo. Para mapabilis ang paghahanap sa mga masasamang tao na gustong saktang ang mag-Lolo."
"That's better Gardo." sagot naman ni Kuya Arman.
"Nakausap ko na din si Tito at sila na daw ang bahala na mag imbestiga sa nangyari kanina." Sabi ko pa.
Marami pa kaming napag-usapan bago ako nagpaalam na sa kanila. Nagpasalamat naman sila sakin sa pagkakaligtas ko sa Papa nila at sa bata.
****
Paglabas ko ay nagtungo ako sa likod sa tambayan ng mga trabahadors nila ninong. Nakita ko sa kusina sa likod si Nina. Wala na ang bata siguro nakatulog na ito at iniwan na lang sa kwarto.
"Anong ginagawa mo? Sinong kausap mo sa cellphone ha?" napatalon pa ito sa gulat.
"Kakainis ka talaga. Bigla ka na lang nanggugulat kabuteng nakakalason." sabay hampas sa braso ko.
"Ouch fvck!" mura ko.
"Halla." Nataranta na ito. "Gago mo kasi kasalanan mo ito eh! Anong gagawin ko ha? Tanga mo kasi na isangga ang braso mo. Alam mong may sugat ka. Napano ka at may sugat ka?! Nakakapagdrive ka pa ba? Halla, may dugo na. Siraulo ka naman kasi." taranta na nitong daldal.
"Ate Mely, anong gagawin ko may sugat si Hippo, I mean si manong Gardo, dumugo yung sugat niya. Helping me po." napangiti ako bigla dahil mukhang nag aalala din pala ito sa akin. Bigla itong tumingin sakin kaya sineryoso ko agad ang mukha ko. Heto na naman sa hippo na tawag nito sakin. Ang malala pa manong Gardo? Gan'on na ba ako katanda na?
Pumasok sa loob si Manang Mely na nagmamadali. Paglabas ay may dala agad si Ate Mely na box na lagayan ng mga medicine. Kinuha nito agad kay Manang ang box at siya na ang naglinis sa sugat ko.
"Anong nangyari diyan ha hijo?" usisa ni manang Mely.
"Nabaril po ako kanina Manang." kita kong napanganga si Nina.
"Buti buhay ka pa po Manong Gardo? Masakit ba?" tanong pa nito.
"You enjoying calling me manong Gardo ha?" Yun lang ang nasabi ko. Nainis ako na akala mo naman napakatanda ko na. Thirty Three years old palang naman ako!
"Ay pagtuunan mo ng pansin ang sugat mo po. Wag na sa kung ano-ano pang bagay. Umayos ka at linisin ko ang sugat mo Manong!" diin pa nito sa Manong na ikinatawa ni Manang Mely.
"Bahala na muna kayo diyan at busy na kami sa pagluluto. Busy ka ba ha hijo? Kung hindi ay dito ka na din kumain kapag wala kang lakad." sabi ni Manang Mely.
"Baka po busy siya Manang Mely. Kailangan pa niyang magpa-ospital. Nabaril po kasi siya!" singit ni Nina.
"Wala po Manang sige po dito na lang ako kakain bago ako uuwi. Salamat po." sabi ko naman.
"Oh siya maiwan ko na kayo diyan! Pagpasensyahan mo na lang ang kaingayan ni Nina." natatawang sabi naman ni Manang Mely bago umalis na.
"Marunong ka din pala magpasalamat ano? So anong nangyari diyan sa braso mo. Nakipagbasag ulo ka ba ha?" usisa pa ni Nina.
"Akala ko ba sabi mo hindi tayo close. Bakit feeling close kana sakin?" balik tanong ko naman.
Hinampas tuloy ako sa ulo. Ito palang ang babaeng nananakit sakin. I'm Mafia tapos ginaganito lang ako ng babaeng ito? Makakaganti din ako sa'yo sa ibang paraan sabi ko pa sa isipan ko. Hahayaan kita sa ginagawa mo sakin ang importante napapalapit kana sakin.
"At bakit ka dito makikikain ha? Hindi ka naman belong to the group. Sana pala naputol na lang ang Isa mong kamay!" sabay irap nito sakin. Ang sama talaga ng babaeng ito.
"From now on dito na ako titira para sa kaligtasan ni senyorita Serenity." pagbabalita ko.
"Sinabi ba ni Don Sebastian sayo? Gusto mo lang yata makalibre sa pagkain dito eh. Gusto mo lang na bwesitin ang araw ko. Nang dahil sa'yo nawala na yung ka-MU ko. Pakialamero ka kasing damuho ka! Ngayon paano na ang puso ko kung wala siya? Paano na ang puso ko kung mayroon na siyang iba? Paano na ang puso ko? Paano na kung wala na siya dito? Nagdurogo't naghihinagpis na ang puso ko ng dahil sayo! Wala na din ang contact naming dalawa ng dahil sa'yo na naman!" gigil na gigil ito habang nagsasalita.
Gusto kong tumawa kaso mas naiirita ako dahil ang lalaking iyon parin ang gusto. Well, pinagbantaan ko lang naman ang gagong iyon. Kaya sa iba na ito nagtatrabaho sa ngayon. Malayo dito.
"Ang dami mong sinasabi. Ako pa talaga ang sinisisi mo. Napakadaldal mo!"
"Madaldal talaga ako! Kaya kong you can not take my kadaldalan lumayas ka dito. Wag kang makikikain saming kusina. May kusina din naman siguro kayo sa Bahay niyo ano? Remember na Ikaw parin ang dahilan kung bakit nawala bigla ang communication naming mag-MU. Kasalanan mo dahil nawala yung cellphone ko at hindi ko naisulat ang number niya sa mahiwaga kong notebook. Nawala na ang ka-MU ko. Asar ka eh!" Simangot pa nito sakin.
Nainis na ako sa kaka-MU niya. Nabubuwesit na din ako at gusto ko na lang itong lakumusin ng halik sa labi ng matigil na. Kaso baka magwala pa. Nakita ko si Manang Cora na may kinuha sa fridge.
"Manang Cora, pinapalayas ako ni Ninja este Nina dito! Bawal daw po akong kuma---" tinakpan agad ni Nina ang bunganga ko.
"Wag mong pansinin Manang si Manong Gardo. Gusto mo bang masakal ha? Kalaki ng katawan mo sumbongero ka naman! Nakakainis ka lang talaga! Bagay nga ang name mo Gardo tunog gago! Tsee! Diyan ka na nga ng makatulong na ako sa kusina. Storbo ka." irap nito sakin at iniwan na niya ako dito sa labas.
Naiiling na natatawa na lang ako. Makakaganti din ako sa'yo!
Magandang tambayan din dito sa likod dahil mahangin at maganda din malinis. Masisipag ang mga trabahador nila dito. Alam na nila lahat ang trabaho nila. Free sila sa lahat ng pagkain dito at may sarili din silang wifi at TV dito banda sa likod ng kusina. Dito nag uumpukan ang mga trabahadors nila.
Dahil sanay naman na akong makihalubilo sa kahit na sinong tao. Kaya ayos lang na dito na din ako matulog paminsan minsan. May kwarto naman akong binigay si Ninong sakin dito eh. Kaya ayos lang na dito na din ako tumira. Baka mag hanap ulit ng ka-MU ang babaeng 'to. Nanggigil na naman ako.