Chapter 8

2108 Words
Chapter 8 Nina Pov Sobra akong nag-alala ng malamang na-ambush pala ang mag-Lolo noong nagtravel sila sa abroad. Mabuti at ligtas sila sa kapahamakan. Pero ang bata mukhang hindi man lang nagkatrauma. Ang strong niya na hindi man lang natakot. Nakikinig ako habang nagku-kwento ang bata. Nang natulog ako sa kwarto nito noong mga nakaraan na Araw dahil nag absent ito sa school. Back to normal ulit. Kailangan ko na daw bantayan ang bata sa loob ng paaralan kahit may bantay pa ito sa loob. Kaya ang ending nagbaon na ako ng pagkain ko habang hinihintay ang alaga ko. Mabuti na rin iyon para makaiwas ako kay Manong hippogardo. Yay bagay ang name niya. Ang sungit niya, ang seryoso at pakialamero na lalaki. Kaya sang-ayon akong dumito na lang sa loob ng paaralan hintayin ang alaga ko. "Finally, we will eat lunch together Yaya ko. I will no longer be bored at noon while eating because I'm with you." masayang sambit ng bata. "Yes me too baby Vivi. I'm also happy to be here at school until you finish your school." masaya ko din na sabi. "Wow you speak perfect English Yaya ko. That's awesome." puri pa sakin ni baby Vivi. "Of course baby Vivi, I use Google." sabay tawa ko. "At least the pronunciation is correct its easy peasy like ABC to one two three." napahagikhik pa kaming dalawa. "I really like you Yaya ko." matamis itong ngumiti sakin. "I like you more baby Vivi. So adorable and smart. Kunti na lang alam mo na magtagalog." "Yes it's because of you po." Nakikinig lang din si Manong Gardo sa harap habang nagda-drive. "Kuya Gadong, you will go home alone. My Yaya, will company me here at school. No more noise inside the car when you driving home. But it's fine, just listen to the music Kuya." "Yeah!" padabog na sagot ni Gardo. "Don't be sad Kuya Gadong, you will see her again later." "Huh?" "Why you talk so short Kuya Gadong ha?" "Because I have nothing to say senyorita." sagot nito. "Let's just talk baby. Don't minding him. Baka may dalaw." parinig ko. "What dalaw Yaya?" "Mens. Yung mga lalaking may dalaw kasi bugnutin sila kay aga-aga." pasaring ko ulit. "Ah so Kuya Gadong has him mens. No wonder I knew it. Let's leave him alone Yaya." "That's right baby Vivi." sabi ko naman. "Let's play you guess what I can describe okay?" sabi ko. "Okay!" "This is an animal, a very large aggressive animals----" "Crocodile?" sagot agad ng bata. "Wrong. Animal with a big head and mouth brownish skin or grayish skin and a short legs? At---" "Hippopotamus!" biglang bigkas ni Grado. Humalakhak ako bigla. Alam siguro nitong siya ang dini-describe ko I mean yung Hippo na animal. Nalito naman ang alaga ko. "We can play na lang later baby. Malapit na tayo sa school niyo. Galingan mo ulit sa school ha. Para proud si Papa mo at si Yaya." Tumahimik na kaming dalawa pagkapasok sa gate ng paaralan. "Ba-bye Kuya Gadong. Take care driving po." kaway pa ni Serenity. Hindi ko na siya pinansin pa at bumaba na din ako. ***** Gardo Pov Pagkahatid ko kay Serenity at Yaya nito ay nagtungo na ako sa headquarter. Nakasimangot akong nagdrive palabas ng paaralan. Habang nagda-drive ako patungo doon ay nakatanggap ako ng tawag mula sa isang tauhan ko doon. "Hello, sir nilusob po tayo ng mga kalaban! Nandito si Sir Josh at Sir Tremonte nakikipaglaban." pagbabalita nito sakin. "Fvck!" mura ko. At day light talaga sila lumusob? Really? Putangina nila! "Marami ba sila?" tanong ko pa. "Yes boss nasa sampu mahigit po yata sila." "Sige at tatawag ako ng back up! Bye!" pinutol ko na agad ang tawag ko. Agad din akong tumawag kay Neptune wala si Zap nasa america. Pagkatapos naming mag-usap ay nagmadali na akong nagdrive makarating lang sa headquarter namin. Malapit na ako sa headquarter kaya nilabas ko na ang baril ko. Pati ang dalawang granada nilabas ko din. Malapit na ako ng pasabugin ko ang isang sasakyan. Gulat ang mga armado sa ginawa ko kaya pinasabugan ko ulit ang sasakyan nila. Ayon boom! sabi ko pa sa isipan ko dahil natamaan sila. Kaya pinaulanan ko na din sila ng bala. Ganito kaingay ang bunganga ng babaeng iyon parang sa hawak kong baril. Gigil na naman ako sakanya. Masayang masaya pa na hindi na kami makapagsolo. Ako naman inis na inis sa idea na mag stay sa paaralan ang dalaga. Hayzt! "Pukos Gardo! Pukos baka mabaril ka na naman!" sabi ko pa sa sarili. Agad akong nagkubli ng may bumaril sakin. Buti nakailag ako. Kahit kailan buset kang babae ka pahamak! Sinisi ko pa talaga ang walang kamalay malay na dalaga. Napadapa ako ng nagpasabog sila ng Granada sa sasakyan ko. Fvck! Mura ko na naman. Pagulong ako na umalis sa tabi ng sasakyan ko. Nakipagbarilan ako ng sunod-sunod silang patamaan ako ng bala. Nagpagulong gulong ako sa lupa para lang maiwasan mga bala. Sh!t! Nadaplisan ang ulo ko. Fvck! Damn! Mabilis akong gumapang palapit sa isang sasakyan. Sh!t! Buti na lang daplis lang kapag nabaon sa ulo ko ang bala. Malamang na baka tigok na ako agad. Hindi ito maaari hindi pa ako ready na mawala. Kailangan ko pang mapalapit sakin ang bungangerang babae na iyon. Dahil iyon ang utos ng puso ko. "Gagong puso 'to!" gigil ko pang mura sa puso ko. "Pukos damnit!" sita ko sa sarili. Sumilip ako at nakita kong papalapit dito ang dalawang kalaban. Kaya bago pa nila ako mabaril ay uunahan ko na sila. Pero may mas nauna ng bumaril sa kanila. Napatingin ako sa pinagmulan ng putok. Mga back up namin at si Nep, ang bumaril sa kalaban. Agad itong lumapit sakin. "May tama ka bro. Ayos ka lang?" sabay hawak sa balikat ko. Ramdam ko na din na tumulo na ang dugo mula sa ulo ko. Kahit daplis lang naman iyon. "Yeah don't worry. Daplis lang 'to malayo sa bituka." "Wag niyong hayaan na may makatakas sa kanila!" sigaw ni Nep. Wala naman silang madadaanan dahil iisang way lang ang daan. May bakod na ang gilid ng headquarter namin. Sa kabila naman ay bangin na. Either magpapahuli sila o tatalon sila sa bangin. Nagulat silang dalawa ng makita ang binato nilang granada sa tabi namin. Bago pa sumabog iyon ay agad ng sinipa ni Nep, ang granada. Padapa kaming dalawa dahil sa pagsabog sa ere. "Granada pala ang labanan ha. Maghintay lang kayo na pasasabugin ko din ang mga bungo niyong mga foot tongue Ama niyo!" inis na sabi ni Nep. Pati pagmumura may sarili na din itong mga words. "Heto ang sainyo! Catch the ball, bullsh!t!" sigaw ni Nep. "Heto pa!" sabay bato na naman ng isang maliit lang na Granada. Pero malakas ito kapag sumabog. Mas malakas pa kisa sa normal na laki ng Granada. Imbento niya ito at siya ang may gawa sa mga granada na gamit nito. Napasandig ito sa sasakyan ng barilin nila ito. Buti nakatago agad. Maliksi din talaga itong gumalaw. "Here's the other one! Fatherfucker! Fvck sheet, bed sheet!" binato na naman niya sa kalaban ang Isa pang Granada. Nakaupo na lang din ako at pinapanood siya sa ginagawa niya. "You look so Lunatic. Kung may Luneta park kay Jose Rizal Ikaw naman Lunatic park." puna ko. Humalakhak naman ito. "Kesa makipagbarilan tapunan na lang sila ng cute granade. Mas malakas pa sa baril." natatawa naman na sabi nito. Cute ang tawag nito sa granadang embento nito. Cute naman talaga dahil maliit na nga ang cute pa ang pagkakagawa nito. "So cool." sigaw pa ng lunatic kong kaibigan. "Hulihin ang mga gagong yan!" rinig kong sigaw ni Josh. Hindi na namin kailangan magtungo sa hospital dahil may doctor naman na kaming kaibigan na si Tremonte. "May sugat ka Ger! Let's go inside ng magamot na kita. Ang dami mo pang gasgas. Pinanood mo lang ba siyang nakipagbarilan ha Nep?" seryosong tanong ni Tremonte. "He must be thank me dahil nabaril ko ang gustong bumaril sa kaniya. Patay na sana siya ngayon kong hindi ko naunahan ang mga gagong mga kalaban na yan!" "Tsk!" sabi ko na lang. Ilan lang ang nabuhay sa mga kalaban at ngayon ay nakaposas na. Ang mga namatay ay dinala nila sa black house sa baba ng headquarter namin. Doon na nila ibaon sa lupa ang mga namatay na kalaban. Sa kabila naman ang mga kulungan ng mga hayop na nahuli. Bahala na silang magutom at mamatay kapag hindi sila kumanta kung sino ang mga nag-utos sa kanila na lusubin kami dito. Ginagamot na ako ni Tremonte. May tama din pala ang dalawa kong kaibigan. Ang mga ilang tauhan din namin ay napuruhan good thing walang namatay sa kanila. Walang makakarinig sa putukan dahil malayo sa kabahayan ang headquarter namin. May secret underground pa ito na kaming Lima lang ang nakakaalam. Naka-connect ang underground sa private resort na malapit lang dito sa headquarter namin. Nag-usap usap na muna kami bago ako nagmadali ng umalis. Malapit na ang uwian nila Serenity sa paaralan. Habang traffic ay binuksan ko ang cellphone ko. In-open ko ang social media ni Nina ng hindi niya nalalaman. Bina-block ko ang lahat ng mga lalaki na hindi niya kakilala o hindi relatives. Bakit siya nag-accept ng mga lalaki na hindi naman niya kilala. Naghahanap na naman ba ito ng ka-MU? Kailangan ko na yatang itapon ulit ang cellphone niya eh. Gigil na naman ako sa inis. Nagulat pa ako ng may bumusina sa likuran ko. "Tongue Ina!" Mura ko. Kaya pinasibad ko na agad ang sasakyan ko. Habang mabagal ang pag-usad ng mga sasakyan ay nag message ako kay Nina. Text Messages Me: "Uwian na ba nila senyorita Serenity?" tanong ko. Ninjabungangera:"Alam mo naman ang oras ng uwian nila baby Vivi di ba? Bakit ka pa nagtatanong!" Me: "I'm just asking because I might be late getting there!" Kahit sa message pinagsusungitan parin niya ako. Sarap mong tirisin na babae ka! Sabi ko sa isipan ko. Ninjabungangera: "Dalian mo uwian na nila baby Vivi! Wag ka ng mag inarte pa diyan o tanong ng tanong. Wag mo din akong inglesin dahil dumagdag kapa sa pasanin ko dahil sa kaka-english mo! Pwee!" Kahit sa message madaldal parin. Naiiling na lang ako. Me: "K!" Ninjabungangera: "Malapit ka na ba?" message nito. Hindi ko na pinansin. May sunod-sunod pang message pero nag pukos na lang ako sa pagda-drive. Napatingin ako sa mukha ko na may mga galos. May mga bandaid pa sa pisngi ko at sa noo. Meron pa sa braso ko at sa kamay. Nakasombrero ako para hindi halata yung sugat ko sa ulo at mukha. Pasalamat talaga ako dahil hindi ako napuruhan sa ulo. Daplis lang pero masakit parin. Ilang minuto pa ang nakakaraan ng makarating na ako sa paaralan nila Serenity. Nakita ko silang agad na tumayo ng makita nila ang sasakyan. Napatitig ako sa dalaga na masayang nakikipag usap sa bata. Maganda din naman ito lalo na kapag nakangiti. Itong gago kong puso tuwang tuwa na naman. Tsk! Sa bungangerang babae pa talaga siya nagkagusto. Boshit! "Hello Kuya Gadong, what took you so long? Huh? What happen to you Kuya?" lumapit pa talaga sa gitna ng upuan ang bata at humawak sa braso ko. "You have a lot of wounds and scratches. You okay ha?" tanong pa nito sakin. "I'm fine senyorita, thank you." tipid kong sagot. "Nakipagbasag ulo ka na naman ba kaya ka late dumating. Kapag kami napahamak ng dahil sayo. Wag ka ng magpapakita pa sakin este samin sa mansion. Wag mo kami idamay sa gulo ng Buhay mo. Naiintindihan mo ba ha Manong Gardo?" daldal din ni Nina. "Maupo na kayo at mag seatbelt. Wag ng madaming tanong. Masakit ang ulo ko!" seryoso kong sabi. Agad naman silang tumahimik na dalawa. Pero maya't maya nagsalita ulit si Nina. "Ang dami mong galos sa kamay. Ganyan ka ba kabarumbado na hindi nag iingat sa sarili. Hindi nakaka-astig ang palaaway na lalaki." "Tahimik!" diin ko pang sabi. "E, 'di tumahimik!" ganti din nitong sabi sakin. Habang nasa biyahe kami nahuhuli kong napapatingin sa sakin si Nina. Sinusuri siguro niya ako. Biglang nailang ako sa unang pagkakataon. Na conscious ako sa pagsuri niya sa katawan ko. Wala naman dapat akong ikailang pero bigla na lang akong nailang. 'Sanay naman akong titigan ng mga babae bakit ngayon naiilang kana.' Sabi ko pa sa sarili ko. Pagkahatid ko sa kanila sa mansion ay agad akong umalis. May meeting kasi kaming magkakaibigan about negosyo at sa nangyari na rin kanina. Nasa labas ang mga tauhan ko at inutusan ko ang kanang kamay ko na ipagdrive niya ako. Mediyo nahihilo kasi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD