Chapter 9
Nina/Gardo Pov
Ilang buwan ko ng iniiwasan ang lalaking ito. Nakakatakot na yung paraan ng pagtitig niya sakin. Parang ilang sandali na lang ay susunggaban na niya ako. Ayoko ko pa naman mamatay agad-agad 'no. Kailangan ko pang mag boyfriend, mag asawa at magka-anak. Kaya tudo iwas talaga ako sa kaniya. Mahirap na.
Paminsan minsan lang naman ito kumakain dito kapag lang hindi ito busy. Ngayon wala siya at salamat dahil walang ng aasar sakin sa hapagkainan.
Ang ilan sa mga kasambahay sa mansion ay binibiro ako. Shini-ship nila kami ni Gardo. Sabi ko pa 'anong ship-ship bakit barko ba kami? So dahil ship niyo kami kumbaga tubig ako siya naman ay barko. Di baling mag-ilog na lang ako kesa sa dagat, maliban sa maalat na nga ang dagat scary pa kagaya niya. Aba, ang galing naman niya kung bubuhatin ko siya! Baka ilubog ko pa siya sa dagat eh!' Halakhakan sila.
Tapos namula ako sa binulong ng gagong lalaki. 'Ikaw na lang ang ilubog ko sa kama! Masasarapan ka pa!' gassshhh kinilabutan ako.
Bahagyan pa akong nanginig. Kaya hinampas ko siya sa braso. Nag-iritan naman sa kilig ang mga kasama ko sa hapagkainan. Pati si manang Cora at Manong Thomas natatawa din samin ni Gardo.
Buti wala siya dito. Sana wag na siya bumalik pa dito.
Nandito ako sa labas nagpapahangin. Sabado naman bukas kaya hindi ko kailangan ng maaga gumising. Maaga pa naman para matulog. Nakatingala ako sa kalangitan. Ang ganda ng mga bituin sa langit. Kapag ganitong maliwanag ang gabi nakatambay kaming magkakapatid sa labas. Pero ngayong may kanya-kanya na kaming trabaho hindi na namin nagagawa iyon.
"Hayyy.. nakakamiss naman ang pamilya ko. Papayagan kaya nila ako kapag magpaalam akong uuwi ng probinsya?" tanong ko pa sa sarili ko.
"Bawal ka pang umuwi ng probinsya niyo! Hindi pa tapos ang kontrata mo dito." gulat pa akong napatayo sa nagsalita sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo dito?" sikmat ko agad dahil sa gulat.
"Ikaw anong ginagawa mo dito sa labas. Mag-isa ka pa naman dito. Hinihintay mo ba dito ang ka-MU mo?!" seryosong tanong nito sakin.
"Nagpapahangin lang po Manong. Walang masama ang magtambay mag-isa dito. Dahil mas mabuti na mag-isa lang ako dito para may peace and mind ako." sabi ko.
"Peace of mind 'yon." pangkokorek nito sakin.
"Peace and Mind ang gusto ko at wag mo akong turuan. Gusto ko ng kapayapaan at gusto kong mag isip kaya peace and mind." bwelta ko agad.
Nakita kong bahagyan ngumiti ito. Pero ngiti kaya iyon?
"Bakit ka ngumingiti?" asar kong tanong.
"Hindi ako ngumiti, umangat lang ang labi ko akala mo nginitian na kita."
"Baka naduling lang ako at mali ang nakita ko. Kaya umalis kana dito dahil nakaka-storbo kana sa peace and mind ko dito." baliwala kong sabi.
Uupo na sana ako ulit pero nagulat ako ng hilain niya ako palapit sa kaniya. Ang higpit pa ng pagkakahawak nito sa braso ko.
"Uy ogag ka! Walang hilain ng kamay. May kamay ka naman ah. Kapag ang kamay ko nalamog humanda ka sakin!" banta ko pa.
"Ang ingay mo! Nakakairita!" sabay lakumos nito sa labi ko.
Napanganga ako sa gulat. Gassshhh hinalikan niya ako? Dahil sa pagnganga ko mas mapusok naman niya akong hinalikan. Halos kainin na niya ang labi ko. Pinalo ko na ang braso nito para bitawan ako. Pero ang gago niyakap pa niya ako ng mahigpit habang kinakain ang labi ko.
Pakiramdam ko pinaparusahan nito ang labi ko. Mapusok at maalab Ang paraan ng paghalik nito sakin. Madiin at malalim na halos hindi na ako makahinga. Bahagyan pa niyang kinagat ang ibabang labi ko. Hinuli ang dila ko at sinipsip niya iyon. God masarap ang halik niya pero mediyo masakit din.
"Uhhmm!" awat ko na sakanya.
Iniiwas ko na din ang ulo ko para tigilan na niya ang labi ko. Pero mahigpit niyang hinawakan ang batok ko at madiin niya akong hinalikan sa labi. Ipit na ipit na ako sa katawan nito. Hindi ako makagalaw wala din silbi ang lakas ko na pigilan siya dahil mas malakas ito.
Maya't maya ay bumabagal na ang paghalik nito sakin. Nagugustuhan ko na ang paraan ng paghalik nito. Kakaiba na ngayon di gaya kanina. Nakaramdam ako ng kiliti sa p********e ko. Ay shet lang hindi ko dapat maramdaman ito. Iniiwasan ko nga siya hindi ba.
Ang tagal na niya akong hinahalikan hindi pa ba ito nagsasawa. Hindi na din ako makahinga sa tagal ng magkalapat ang mga labi namin. Umungol na akong nagrereklamo. Hindi na talaga ako makahinga. Papatayin ba niya ako? At ganitong paraan ng paghalik sakin ang sanhi ng pagkatigok ko. Kinakapos na ako ng hininga.
Sa wakas binitawan na din niya ang labi ko. Sabay pa kaming hiningal ng bitawan niya ang labi ko. Nangapal pa yata ang labi ko. Hindi naman ganito humalik ang dati kong ex-boyfriend ah. Bakit ito wagas humalik kinain na niya ng buo ang labi ko.
"Siraulo ka manyak ka! Papat---" pero ang gagong lalaki sinunggaban na naman niya ang labi ko. Nasabunutan ko tuloy ito sa inis. Pero ganti naman niya ang mapusok na halik sa labi ko.
"Ano ba! Nakakadami kana ha! Gusto mo bang sumigaw ako dito ha? Para malaman nila ang ginagawa mong manyakan sakin!" malakas kong sabi.
"Sisigaw ka o aangkinin kita dito? I don't care kung may makita sa satin. Para may live show silang papanuorin!" nakakalokong tumingin ito sakin.
"Bitawan mo ako!" tulak ko sa kaniya. Pero hindi niya ako pinakawalan. Mahigpit parin niya akong yakap ngayon. Jesus malalamog na yata ang katawan ko.
"I still want to kiss you. Your lips taste like lemongrass and smell like tanglad too. It's weird." puna pa nito.
Bigla akong nahiya dahil wala pa pala akong toothbrush. Malamang na malalasahan talaga nito at maaamoy ang tanglad sa bunganga ko. Nag ulam lang naman ako ng susó snail na sinabawan na may tanglad at luya. Yung kalahati ay ginawang ginataan ni Manang Mely.
Nagkataon na may tinda sa palengke kahapon lagi kasi ako nagpapabili kay Manang Mely. Kaso hindi niya natyempuhan. Buti na lang meron na siya nabili sa wakas kanina.
"Langya! Eh, Ikaw naman 'yang labi mo naging kuhol na kaya nagkalasang tanglad ang labi ko. Kulang na lang tubig para sinabawan na kuhol na may tanglad. Buset ka!" humalakhak ito.
Inis na inis ako sa lalaking ito. Mapanglait!
"Ikaw na nga ang nagnakaw ng halik. Ikaw pa ang may ganang magreklamo! Buset ka! Bitawan mo na nga ako!" inis ko ng sabi. Para mabawasan ang pagkapahiya ko.
"Next time mag toothbrush ka muna bago ka magtambay dito sa labas!" pang aasar nito sakin.
"Next time wag kang magnanakaw ng halik para wala kang napi-perwisyo na tao!" sagot ko naman.
"Naperwisyo? Eh, umuungol ka pa nga sa paghalik ko sayo diba?"
"Huy! Ang kapal mo! Nagrereklamo ako sa paghalik mo sakin hindi ako makapagsalita kaya umungol ako. Wag kang feeling masarap humalik diyan. At wala kang karapatan na halikan mo na lang ako ng basta-basta. Makahalik ka wagas para kang vacuum na nawalan ng preno. Tsee!" asar kong ganting sagot sa kaniya. Tumawa na naman ito.
"Makatanggi ka wagas nakayap ka nga sakin hanggang ngayon eh. Sure akong nasarapan ka!" ayaw patalo at nang aasar parin. Tangina nito!
"Ikaw nga diyan ang yumayakap sakin! Nag-enjoy ka na ngang pigain ang katawan ko eh, gagong 'to! Isusumbong kita kay Don Sebastian bukas na bukas din. Minamanyak mo ang Yaya ng apo niya!" sabay hampas ko sa dibdib nito. Katigas naman ng dibdib nito. Ang puso kaya niya kasing tigas din kaya ng katawan nito? Haynako! Kung ano-ano pang natatanong ko sa sarili ko sarap magmura.
"Sus, pakipot ka pa! Pero balik tayo sa amoy tanglad mong hininga. Anong inulam mo ha?" natatawang tanong nito sakin. Kinurot ko siya sa tagiliran sa inis. Natatawa naman itong hinawakan ang mga kamay ko.
Nag-init sobra ang mukha ko. Baka pulang pula na rin. Buti na lang gabi dahil hindi masyado kita ang mukha ko.
Sasagot pa sana ako ng may narinig kaming nagsalita sa di kalayuan dito sa pwesto namin. Tinakpan agad ni Gardo ang bunganga ko para hindi ako makapagsalita.
"Don't argue! Tahimik ka lang wag maingay!" pero nagpumiglas ako sa pagkakatakip nito sa bunganga ko. "Stop it will you. Sabi ko wag kang maingay! Makinig ka muna sakin pwede! Ang kulit-kulit mo! Mapapahamak tayong dalawa dito." mariin nitong bulong na sabi sakin. Kaya tumahimik na lang ako.
Inakay niya ako sa gilid ng pader. Nagtago kami sa mediyo madilim na sulok para hindi niya kami makita dito. Palapit na ng palapit kasi samin ang taong nagsasalita. Boses babae iyon at hindi ko ito mabosesan.
"Kilala mo ba ang boses ng babae ha?" bulong ko sakanyang tinga.
"Wag ka na muna magsalita. Nahihilo ako sa amoy tanglad na hininga mo! Quiet ka muna okay."
Dahil sa inis ko at napipikon na ako sa paulit-ulit nitong pagsabi ng amoy tanglad ang hininga ko. Kinagat ko ang tainga nito. Mahina itong napaaray sa ginawa ko. Nagulat pa kaming pareho ng may parang nasaktan na pusa. Napayakap pa ako ng mahigpit sa kanya. Malakas kasing napahiyaw yung pusa. Mukhang naapakan yata ng taong naglalakad. Nakita namin ang pusa na mabilis na tumakbo palayo sa gawi namin.
"Putanginang pusa ka! Pahara-harang ka sa dinadaanan ko! Bukas na bukas din ipapapatay na kitang pusa ka. Isusunod ko lahat ang mga taong sumasagabal sa mga plano ko! Buwiset kayong lahat!" galit na galit na sambit ng isang boses babae.
Halla, parang boses ni madam Claudia ang naririnig ko. Nakakatakot naman ang boses nito. Sino kaya ang kaaway nito.
"Anong balita?" rinig namin na tanong nito sa kausap siguro nito sa cellphone.
"What? Ang tatanga naman ninyo! Mga inutil kayo! Wag na wag kayong titigil hanggat hindi niyo nakikita ang ipinapahanap ko! Wag na wag kayong magpapakita sakin kundi sabog ang mga bungo niyong lahat! Wala kayong mga silbi! Sayang pinapasahod ko sainyo!" galit na malakas nitong sabi sa kausap.
"Siguraduhin niyo lang! Wag na wag kayong tatawag o magpapakita sakin hangga't hindi niyo nakukuha ang pinapakuha ko sainyo! Sinabi ko ng nasa opisina lang iyon ng asawa ko! Ang tatanga ninyo!" sigaw na nito. "Sige na bye!"
Halos hindi na ako humihinga habang pinapakinggan ko ang bawat bigkas nito sa mga sinasabi nito. Nakakakilabot ang boses nito magalit.
Maya't maya ay naramdaman na naming naglakad na ito palayo dito sa pwesto namin ni Manong Gardo.
"Hayyy salamat umalis na din ang bruha! Kinabahan ako ng kunti." sabay hawak ko pa sa dibdib ko.
"Pumasok kana sa kwarto mo. Huwag mong kalimutan mag toothbrush bago matulog." paalala pa nito sakin. Hinampas ko naman siya sabay tulak ko pa. Nag martsa na akong umalis doon. Narinig ko naman itong tumatawa sa pang aasar sakin.
"Good night Miss Tanglad. Dream of me while you sleep. See you tomorrow."
"Tsee! Letse ka!" sabi ko naman at patakbo na akong pumasok sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong nagtungo sa banyo ko. Yes may banyo ang solo kong kwarto. Feeling special ang Yaya niyo.
Humarap agad ako sa salamin. Hinaplos ko ang labi kong nangangapal parin hanggang ngayon. Namula-mula pa dahil sa pagsipsip nito na parang susó snail ang labi ko. Malala pa sa vacuum ang paraan nito sa paghalik sakin.
Nakakainis na nga siya, mapang asar pa, magnanakaw pa ng halik, gago siya. Tapos magreklamong amoy tanglad ang hininga ko. Nakikihalik na nga lang, siya pa may ganang magreklamo. Nagpapadyak ako sa hiya at inis sa lalaking iyon.
Kaya kinuha na niya ang toothbrush at toothpaste. Nag toothbrush siya ng matagal para mawala ang amoy tanglad sa bunganga niya. Pero never ko itatakwil ang tanglad dahil lang sa pang aasar ng hippo na gagong Gadong na yon! Dalawang beses pa ako nag toothbrush ng dahil sa kaiisip na baka nandiri siya sakin. Kaasar talaga ang lalaking iyon!
"Grrrrrrrrrr!" gigil kong sambit sa inis. Maya't maya sumimangot ako dahil ninakawan ako ng halik ng gagong iyon.
Haynako hindi na tuloy ako dalawin ng antok dahil pakiramdam ko nakadikit parin sa labi ko ang vacuum nitong labi. Makasipsip sa labi ko wagas tangina talaga. Pabaling baling ako sa higaan. Alas tres na ng dalawin siya ng antok.