Chapter 10

2239 Words
Chapter 10 8 years later Nina Pov Nagtataka siya kung bakit pinatawag kami ni Don Sebastian dalawa kami ni Gardo. Sumunod agad ako kay Gardo paakyat ng hagdan. Kahit matagal na ako dito ay hindi ko parin talaga makabi-kabisado ang bawat sulok ng bahay. "Hoy Dodong, ano kaya ang sasabihin ni Don Sebastian satin? Masisisante na ba tayo? Saan na kaya ulit ako maghahanap ng trabaho nito? Kahit kasi ang gumala sa kamaynilaan nakakatakot din baka maligaw na naman ako. Sa Mall na nga lang naliligaw na ako eh, ang gumala pa kaya sa lansangan. Uuwi na lang siguro ako sa probinsya namin total may negosyo naman na kaming naipundar ko. At least doon may peace and mind ako." napatigil ito at tumingin sakin. "Oo na peace of mind." ako na ang nagkorek. Kahit hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ito napatigil sa sinasabi ko. "Ayoko na din kasing mag apply pa ng katulong dito. Pero alam mo ayokong iwan si Vivi nakakaawa naman siya. Nagda-dalaga na pero gan'on parin ang trato nila sa kaniya. Kung pwede ko lang siyang iuwi na lang din sa probinsya ay gagawin ko. Bubusugin namin siya ng pagmamahal, pag-aaruga at pag-aalaga sa dalagita." mahaba ko pang sabi sakanya. Ewan ko lang kong nakikinig ito sa mga sinasabi ko. "Sana God, nakikinig ang lalaking nasa tabi ko. Amen." pasaring ko pa. Wala kasi itong imik. "I'm not deaf. I just don't want to react about what you say. Stop talking now." pagsusungit nito. May dalaw na naman ang lalaking ito. LQ kasi kami ng mahabang panahon. Napahagikhik ako ng wala sa oras. Kasi sa kwarto na ako ni Vivi natutulog simula noong pangalawang na-ambush ang mag-papa. Pero sa kwarto ko parin sa Bahay ng mga kasambahay ako naliligo at nabibihis. Kumbaga sa kwarto lang ng alaga ko ako natutulog. "What's funny?" inis na tanong nito sakin. "Nating Pani!" matigas kung sambit. "Mas matigas pa sa balat ng kalabaw yang boses mo! Kairita!" "Wag mo na lang pansinin ang boses ko. At least no nakakausap mo na ako ulit. May mens ka naman siguro ano?" pang aasar ko pa. Hindi ito umimik. Hindi ko na lang din inasar. Napatingin ako sa katawan nito. Nagpahuli ako ng paglalakad napatingin ang mga mata ko sa maumbok nitong pwetan. Ang sexy pa maglakad gumagalaw pa pati pisngi ng magkabila nitong pang-upo. Kahit mediyo maskulado siya ay maganda din pala ang hubog ng katawan nito. Ang sarap siguro lamasin ang pwet nito. 'Manyak ka!' sita ko sa isipan ko. Tapos natry ko ng maipit ng mahigpit noong niyakap niya ako. Okay naman pala hindi naman pala ako malalamog. Masarap din pala mayakap ng isang may matigas na katawan. Parang higaan lang na matigas na kama comfortable kahit matigas. "Aray!" reklamo ko. Nasiko kasi nito ang noo ko. Hindi din siguro nito alam na nasa likuran niya ako. Sinusuri ang buo nitong likod hanggang sa ulo pababa sa paa nito. Agad naman niya akong dinaluhan. "Sino kasing may sabi na hahara-harang ka sa likuran ko!" pero lumapit parin naman at tinignan ang noo ko. "Ay walang hawakan. Sige na lakad na." Iwas ko agad. Bigla na naman kasi akong nakuryente sa simpling paghawak lang nito sakin. "Kuryente ka ba?" tanong ko bigla. Napatigil na naman ito sa paglalakad. "Bakit?" takang tanong nito. "Parang bigla kasi akong nakuryente sa paghawak mo sakin. Wala ka bang fuse diyan ng hindi ka nakakapinsala ng ibang tao. Nanginig pa yata yung katawan ko." sabay yakap ko pa sa sarili ko. Tumawa naman ito. "Kung ano-ano yang kalukuhan mo. May spark tayo kaya ka nakuryente. Now faster naghihintay na si Don Sebastian sa library." sabi nitong natatawa sakin. Dito sa second floor yung isang library nila. Ito ang madalas na ginagamit ni Don Sebastian at sa library sa baba naman ay si Sir Samuel ang gumagamit. "Basta bago mo ako hawakan siguraduhin mong naka off ang fuse mo!" sabi ko parin sakanya habang binilisan ng sumunod sa kaniya. Nakita kong nailing na lang ito at hindi na nagkomento pa. Kumatok na muna ito bago kami sabay na pumasok. Nakita ko si Don Sebastian na nakaupo sa wheelchair niya. Matanda na talaga ito at ilang buwan o taon na lang baka kunin na siya ni Lord. Dapat mag sungit at magalit ng walang dahilan para humaba pa ang Buhay nito. Pero pakiramdam ko matitigok na ito. Nako dios ko naman ang sama ng nasa isip ko panginoon. Ito kasi ang nararamdaman ko. Pero sana wag na muna kasi kawawa naman ang alaga kong si Serenity. "Hello po. Good afternoon Don Sebastian. Kumusta ka po long time no see po." kinalabit ako ni Gardo at suminyas na mag behave ako. Bakit nagtanong lang naman ako ah. Hindi ko na kasi ito madalas na makita. "I think I'm dying." sagot naman ni Don Sebastian. "Halla, Don Sebastian, wag na muna kayong mamamatay ngayon. Wag sa harapan po namin. Dios ko po, palakasin niyo na muna ang loob mo Don Sebastian, saka na po kayo mamamatay kapag wala na po kami dito sa loob ni Manong Gardo. Kaya mo yan Don, maawa ka kay Serenity, sigurado akong mamimiss ka niya ng sobra kapag mawala kana. Exhale inhale po muna kayo para makalanghap ng hangin." Taranta ko ng sambit at hindi ko alam ano ang una kong gagawin. Ninerbyos pa talaga ako sa sinabi nito. Pero nagulat ako ng bigla niya akong hampasin ng baston. Humalakhak naman si Gardo ng paluin ako ni Don Sebastian ng hawak nitong baston. "Malakas ka pa po pala Don Sebastian. Malakas po pumalo." kimi kong sambit at hinaplos ko yung balakang kong pinalo nito. Pero natawa din ako ng paluin din niya si Gardo. "Bakit pati ako pinalo niyo po?" reklamo ni Gardo. Pero pinalo pa ulit nito ng mediyo mas malakas pa kisa sa una. Hindi naman ito nakailag. Humagikhik na lang ako. "Pinalo kita dahil sa pagtawa mo kay Nina. At sa pagrereklamo mo. Now pwede ko na ba kayong makausap na dalawa?" mahinahon nitong sabi samin. "Yes Don Sebastian basta kaya mo na po magsalita. Sorry po." peace sign pa ako. Tinulungan na siya ni Gardo na itulak yung wheelchair nito palapit sa sofa. "Sit down you two." utos ni Don. Tumalima naman kami agad na naupo. Nagkabanggaan pa ang katawan namin dahil sa biglaan naming pag-upo na sabay sa sofa. "Umayos ka nga. Hindi kana nahiya kay Don Sebastian." sita ko. "Sitahin mo ang sarili mo wag ako. Nakikisiksik ka dito ang luwang naman ang space sa gilid mo. Umayos ka ng hindi mairita sayo si Don Sebastian." inis din na bulong nito sakin. Nahihiya naman akong ngumiti kay Don Sebastian ng mapanuring pinapanood pala niya kami. Kaya hindi ko maiwasan na magsalita ulit. "Nako po Don Sebastian kung ano man ang nasa isip mo po. Pakibura na lang po. Mali po yang nasa isip mo po. At heto na po makikinig na po kami sa sasabihin mo po. Sana good news po ha." sabay umayos ako ng upo sa sofa. Nakita ko itong ngumiti saglit. Na-amaze yata sakin. Sabi ko pa sa isipan ko. "You two look good together. The Annoying one and the talkative one. The combination is really good. It's challenging and interesting isn't it, Gardo?" amuse pa na komento ni Don Sebastian. "I'm not sure about it Don Sebastian." sagot nito agad. "Never mind." sabi naman ni Don. "Pero someday I'm sure na magkakagustuhan din kayong dalawa. Kung mangyayari man iyon sana wag niyong kalilimutan at pababayaan si Serenity. Ituring niyo parin sana siyang kapamilya niyo. Alam kong kayo lang ang nakakapagbigay saya sa anak ko." malungkot nito na sabi samin. Napasinghap naman ako sa sinabi nito. Anak niya si Serenity? Di ako makapaniwalang tumingin kay Don Sebastian. "I know na ganyan ang magiging reaction mo Nina. Pero ipapangako niyo sakin na wag na wag niyong sasabihin sa anak ko ang sinasabi ko sainyo. Maaasahan ko ba kayo?" seryoso nitong tanong samin ni Gardo. Tumango naman kaming sabay ni Gardo. "Hayaan niyong siya ang makakapagdiskobre sa pagkatao niya. Alam kong mahirap ito para sakin na gawin iyon sa bunso kong anak. Pero gusto kong matuto siya sa lahat ng bagay. Matuto siyang lumaban, tumayo sa sarili niyang mga paa. Gusto ko siyang maging malakas. At kayong dalawa ang aagapay sa kaniya sa lahat ng oras. Nakausap ko na siya at marami akong bilin sakanya. Dahil kong patatagalin ko pa ito baka hindi ko na masabi at bigla na lang ako mamatay. Kahit ayaw ko pang mawala sa mundong ito dahil ayokong iwan ang bunso ko. Pero nararamdaman na ng katawan ko na gusto ng mamahinga." bumuntong hininga ito ng malalim na parang kay bigat para sakanya na iwan ang anak nitong bunso. "Mahirap. Sobrang hirap para sakin na iwan ang anak ko na walang nagmamahal sakanya sa pamilya namin. Pero dahil nandiyan kayo sana ipangako niyo sakin na wag na wag niyong iiwan ang princesa ko. Balang araw makikita din niya ang nanay niya at magiging masaya din ito. Magiging normal na ang Buhay nito. Ingatan niyo sana siya at bantayan dahil alam kong may panganib sa Buhay nito. Kahit sa paaralan o sa labas at dito sa loob ng mansion hindi siya safe. Hanggat hindi pa nahuhuli ang gustong pumatay saming mag ama mananatiling mapanganib parin ang buhay niya. Gardo hijo." tawag pa ni Don Sebastian kay Gardo. "Po?" "Ikaw lang ang inaasahan kong magbantay at maging bodyguard niya. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko na tao na magbabantay sa anak ko. Kahit alam kong labag ito sa kalooban mo. Pero please ito lang ang hiling ko sayo hijo. I hope you will watch over and protect my daughter at all times. Hindi ako mapapanatag kapag hindi kayong dalawa ang kasama niya. I trust you two. Kapag nasa tamang edad na siya, let her decide what she wants to do in her life. Pero gabayan niyo parin siya kapag may mga mali siyang disisyon sa Buhay." sobrang lungkot ang boses at mukha nito. Nahabag naman ako sa matanda. "Parang nagpapaalam ka na nga po Don. Nakakatakot ka naman po." bahagyan akong siniko ni Gardo. "Hindi kana nahiya seryoso ang usapan dito." bulong nito sakin. Pero hindi ako nakinig sa kaniya. "Sorry po, pero paano na po kung wala kana, Don Sebastian? Sana hindi nila ako tanggalin sa trabaho dahil alam nilang ako ang taga pag tanggol ni Serenity dito. Paano na lang kapag pinaalis nila ako kawawa ang alaga ko kung sakali po. Gawin niyo na lang po akong regular Yaya s***h Ate ni Serenity po. Sisiguraduhin ko pong maging mabuti akong Yaya sakanya hanggang sa makapag asawa po siya Don Sebastian. You can count on me hanggang sampo pwede din po hanggang bente dahil sure akong mapagkakatiwalaan mo po ako." mahaba kong sambit. Nakita ko ulit itong ngumiti sakin. At least napapagaan ko parin ang loob ng matanda. "I know, serenity loves you so much Nina. Thank you for always making her happy. Thank you so much sa pag aalaga at pag gabay sakanya araw-araw. Natutuwa akong may alam na siya sa salitang Tagalog. I appreciate you so much Nina, sa kasipagan mo at pagta-tyaga sa anak ko." ngiti nito sakin. Sabay tingin din kay Gardo. "And you too hijo. Thank you for accepting my offer na maging driver and bodyguard ng anak ko. I know na ayaw mong tanggapin ang alok ko dahil hindi ka naman nababagay sa ganitong trabaho. But, I'm not sure what your Lolo told you kaya napapayag ka niya sa gusto ko. Kung ano pa man iyon sana makamit mo ang gusto mong makuha." "Walang anoman po Don Sebastian." sambit lang ni Gardo. Ang ikli naman nito sumagot. Marami pa itong bilin samin ni Gardo at nakikinig lang din kaming dalawa. Bago kami lumabas ay may pahabol pa ito saming dalawa. "Sana tuparin niyo ang gusto ng anak ko na kayo ang magkakatuluyan balang araw." ngiti nito samin. "Ay nako po Don Sebastian, walang gan'on LQ kami ni Manong Gardo. Marami po kasi siyang babae at ayokong Isa ako sa collection niya. Samantalang inaaway niya ang mga manliligaw ko. Unfair po yun sakin Don Sebastian. Kaya hindi ko po iyan magranted. Hindi na po siya single at hindi na din virgin. Nakooo uhmp----" takip ni Gardo sa bunganga ko. "Sige po Don Sebastian, mauna na po kami. Makakaasa ka po na babantayan ko po ang anak niyo. Wag ka pong mag alala wala po kaming pagsasabihan sa mga bilin niyo po samin ni madaldal na babaeng ito. Sige po have a good day Don Sebastian." hinila na niya ako palabas ng library na takip parin ang labi ko. Saka lang nito binitawan ang pagkakatakip nito sa bunganga ko ng makalayo na kami sa library. Hinampas ko siya sa dibdib nito. "Pakialamero ka. Kontrabida! Letse ka. Sarap mong gawing letse plan at iluto sa kumukulong tubig." inis kong sambit. Ngumisi lang ito at inakay na niya ako pababa ng hagdan. "Naka-of ang fuse ko and I'm sure hindi kana makukuryente pa. Hinahawakan lang kita dahil sure akong maliligaw ka na naman dito sa loob ng Bahay nila Don Sebastian." pang aasar nito sakin. "Tarantado ka sa pang aasar sakin ha! Gumaganti ka ba?" inis ko ng sambit. "Now pikon kana. Totoo naman na until now naliligaw ka parin dito sa loob nagmamagandang loob lang ako. Asar talo!" natatawang sabi nito sakin. Bumusangot na lang ako at hindi na nagsalita pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD