Chapter 11
Naglalaro kami ng badminton ng alaga ko sa hapon na iyon. Nasa gilid naman si Gardo nakikinood samin ni Serenity na naglalaro.
Panay kantyaw niya sakin dahil palage akong talo. Kaya ako natatalo dahil naiilang ako sa paraan ng tingin niya sakin. Minsan naka ngisi, minsan nakatawa at iiling iling habang nakatitig sakin. Pakiramdam ko minamanyak niya ang katawan ko eh.
"Umalis ka kasi dito kaya ako natatalo dahil sa pangangantyaw mo!" inis kong sigaw sa kaniya.
Tumawa lang sila ni Serenity. Pero napatigil kami ng may narinig kaming ingay. Tumigil kami sa paglalaro at lumapit sa nagkakagulong mga tao sa mansion.
"What happen?" tanong agad ni Serenity sa isang kasambahay.
"Si... s-si D-don Sebastian senyorita, may masamang nangyari po."
"Papa!" mabilis itong tumakbo papasok sa loob ng bahay agad ko naman itong sinundan.
Sa clinic sa loob ng Bahay kami nagtungo kaso hindi nila kami pinapasok sa loob. Mayat maya ay nakarinig na kami ng ambulansya. Agad na nilang tinulak ang bed stretchers palabas ng clinic dito sa mansion.
Umiiyak na ang alaga kong sumunod sa tulak nilang bed stretchers. Kung saan nakahiga ang Papa nito na walang malay. Nakaagapay lang din naman ako sa kaniya.
"Papa, please don't leave me alone. I can't lose you Papa. Please mabubuhay ka pa for me Papa." iyak na ng sabi ng alaga ko. Naawa ako sa alaga ko. Mahal na mahal nito ang Papa niya eh. Pati ako napaluha na din.
"Pakatatag ka Vivi. Stop crying please." alo ko. Pero hindi ito nakinig sakin. Sumama ito sa loob ng ambulansya agad din akong pumasok sa loob para may aalalay parin sa kaniya. Baka mapano pa.
Kaming tatlo nila Gardo ang sumama sa loob ng ambulansya. Sumunod naman ang anak nitong panganay na si Sir Samuel. Gamit ang sasakyan nito.
"Papa." yugyog ni Serenity sa Papa nitong walang malay. Mayat maya ay humagulhol na naman ito habang yakap ang Papa nito. Sobrang nasasaktan ako sa nakikita ko at hindi kaya ng puso ko na nakikita ko ang alaga ko na nasa ganitong sitwasyon. Nahabag ako ng sobra.
Kaya hinaplos ko na lang ang likod nito habang nakayakap naman ito sa Papa nito. Wala naman imik ang mga staff ng hospital na kasama namin dito sa loob. Naka mask na ang Papa nito para sa pag suporta sa paghinga nito.
"Papa, can you hear me? Can you hear me. Please wake up. Wake up Papa. You know how much I want you to stay in this world, right? Get up Papa. I don't want to lose you Papa." hagulhol na naman nito. "Papa!" malakas niyang sambit. Alam siguro nito na wala na pag asa na mabuhay pa ang Papa nito.
Nakita kong gumalaw ang kamay ni Don Sebastian. Inangat nito ang kamay para siguro mahawakan ang anak nito.
"Papa, you hear me? Don't leave me Papa. Please. Please Papa. I can't." hawak ni Serenity sa kamay ng Papa niya. Hinalik halikan pa nito ang likod ng palad ng kamay ng Papa nito. Pagkatapos idinampi nito sa pisngi niya. Marahan naman na hinaplos ng matanda ang pisngi ng anak nito. Masuyo itong ngumiti kay Serenity.
"I-i l-love you so m-much m-y s-sweetie. M-my Princess. You k-know h-ho... how mu..much I w-want to s-stay l-long In t-this w-world fo..f-for y-you r-right my s-sweetie. B-but m-my b-body w-want to r-rest for... f-for life." huminga ito ng malalim na parang nahihirapan na huminga at magsalita.
"Y-you a-are al..always in m-my h-heart f-forever r-remember t-that. I-i also l-love your Mama. P-please a-lways t-take care of y-your self for me w-while i-im in h-heaven w-watching over y-you my baby s-sweetie. I f-feel that I w-will not l-last much l-longer in this w-world. Y-yung payo ko m-my Princess I h-hope you always r-remember, okay ha. M-mahal K-kita." nahirapan pa siya sa pagbigkas sa huling kataga.
"Noo! N-nooo... Don't leave me Papa. You can't do this to me. Don't leave me Papa. Ayaw ko! Wag ako iwanan mo!" malakas na sabi ni Serenity habang umiiyak na naman at naghisterikal na ito.
Ngumiti ang matanda na nakakaunawa sa anak nito. Napalingon ito samin ni Gardo. Ngumiti din ito sa amin. Pagod na pagod ang mukha nito na parang nahihirapan na. Hindi diretso ang pananalita nito na parang pinipilit na lang magsalita para kay Serenity.
Alam na namin ang ngiti nitong iyon. Alam nito na panatag niyang iiwan ang anak nito samin ni Gardo. Alam nitong hindi namin iiwan at pababayaan ang anak nito. Marami itong bilin at nag promise naman kami na aalagaan namin ang anak nito.
"Doc. Help my papa. I don't want to lose him. I don't want him to leave me. Please. Papa lumaban ka. Lumaban ka papa! Don't leave me. Don't leave me Papa." nag aalala na itong na makitang unti-unti ng pumikit ang mga mata.
Mahigpit ng yumakap ito sa Papa niya. Umatungal na sa pag-iyak.
Unti-unti na din na bumabagal ang paghinga. Nag alarm na ang ambulance at pagkarating namin sa hospital ay agad na nilang itinakbo sa emergency room. Patakbo na kaming sumunod. Hanggang labas lang kami ng emergency room dahil bawal na kami pumasok sa loob.
"Ang Papa ko. Ate Nina ang Papa ko! Mabubuhay siya diba? Mabubuhay siya?!" histerikal ng iyak ni Serenity kaya niyakap ko na siya ng mahigpit. Bigla akong na-pipi at wala akong masabi sa alaga ko.
Maya't maya ay dumating din ang pamilya ni Don Sebastian. Tahimik lang ang mga itong nakatingin sa pinto ng emergency room. Nababanaag din ang pag aalala sa mga mukha nila. Except lang sa asawa ni Sir Samuel na parang wala lang ito sa nangyayari kay Don Sebastian.
Ilang oras na kaming naghihintay ng resulta. Nag-alala na ang pamilya nito ng sobra. Hindi na din sila mapakali. Ang alaga ko naman ay panay parin ang tulo ng luha nito. Kaya bumulong ako kay Gardo na bumili ng tubig. Agad naman itong umalis para bumili ng tubig para kay Serenity.
Agad kaming napatingin sa doctor na lumabas ng emergency room. Nagtanggal ito ng mask sa mukha. Kabado ito na tumingin sa gawi nila Sir Samuel, pawisan pa ang mukha nito. Mukhang masamang balita ang sasabihin nito. Dahil malungkot ang mukha nito na parang nakikiramay na.
"I'm sorry, we did everything we could just to keep him alive. But his body couldn't take it anymore. He was no longer breathing and his heartbeat was no longer responding. We are sorry to say na hindi na niya kinaya at he is gone." malungkot na sabi ng doctor. Parang sumabog na bomba ang balitang iyon ng doctor.
"NOOO! Buhay pa ang Papa ko! Revive him again Doc. Hindi siya pwede mawala. I need him. I need him doc. He is the only one who loves me. He can't die just like that. Papa kooo!" sigaw ng iyak ni Serenity. Niyugyog pa nito ang balikat ng doctor pero umiling iling lang ito.
Mabigat din ito para sa mga doctor pero wala naman na silang magagawa kong hindi na kaya ng pasyente. Kahit gawin pa nila lahat ng makakaya nila kung Araw na niya ay hindi na mapipigilan pa. Ang panginoon lang ang nakakaalam kong hanggang kelan na lang tayo dito sa mundong ibabaw mananatili. Kaya be kind and do good things to other people.
"I'm sorry ma'am, we did our best to keep him alive. Pero hindi na kaya ng katawan niya. We are so sorry. Excuse me." paalam na ng doctor.
Humagulhol na ng iyak si Serenity at patakbong pumasok sa loob ng emergency room. Nakita naming tinatakpan na ng puting kumot ang matanda.
"Don't cover him!" sigaw ni Serenity. Nagulat naman sila sa pagsigaw ni Serenity.
"Hayaan niyo na muna siya dito." sabi naman ni Gardo.
"Sige po Sir." Yun lang at lumabas na ang mga staff ng hospital.
"Papa gising! Papa wag mo akong iiwan. Ate Serenity hindi pa siya patay Diba? Hindi pa siya patay?!" sigaw na ng alaga ko sabay yugyog nito sa balikat ng Papa niya.
"Tahan na. Tama na ang pag-iyak mo Vivi. Malulungkot ang Papa mo kapag nakikita ka niyang ganyan." sabi ko naman. At hinahaplos ko ang likod nito. Wala naman imik si Gardo at nakaalalay lang ito samin ni Serenity.
"Tara na sa labas senyorita." sabi naman ni Gardo.
"Noooo!" sigaw ni Serenity. "Papa wake up. Wake up! Wag mo ako iwan Papaaa! Papaaa koooo!" sigaw nito habang umiiyak.
Yumakap na ito sa Papa nito at panay hagulhol nito. Naawa ako pero wala naman akong magawa para sakanya. Wala naman akong magic para mabuhay muli ang Papa nito at maging masaya ulit ang alaga ko. Ang kaya ko nalang gawin ay ang gabayan at alalayan ito. Ipagpasa diyos na lang ang lahat.
Hindi ko na din mapigilan ang hindi umiyak. Ang sakit sa dibdib ang hirap yung ganito na kung sino pa ang kakampi mo sa Buhay siya pa ang madalas kunin ni Lord. Ang kaaway ang tinitira para lalong maging miserable ang Buhay ng bata. Hindi na siya naawa sa bata.
Inalalayan na namin si Serenity at nilabas na ng emergency room. Nanghina na kasi bigla ang katawan nito. Hindi ko na napansin ang mga pamilya ni Don Sebastian. Dahil nakapukos na lang ako kay Serenity.
******
Two week lang na nilamayan ang Papa ni Serenity. Sa two weeks din na iyon ay puro iyak lang ang alaga ko. Gabi kami nagbabantay nila Serenity at umaga naman kami natutulog na dalawa sa kwarto nito.
Maraming nakiramay sa yumaong Don. Pati ang president at vice president ng pilipinas nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya. Ganito kayaman ang pamilya ng alaga ko. Mga bigatin ang mga kaibigan at kakilala.
****
One month
"Tahan na sa pag-iyak. Aba, matutuyot 'yang katawan mo senyorita. Pati ang Ate Nina mo gumagaya na sayo. Nagmukha na tuloy kayong panda na kinulang sa tulog. Kada dalaw natin dito sa mausoleum ng Papa mo umiiyak ka palage. Baka marindi na sayo ang papa mo senyorita." mahabang sabi ni Gardo.
"Yahaan mo na muna kami dito. Sa labas ka na muna kung ayaw mong matamaan sakin." banta ko naman.
"Wag ako ang sisihin niyong dalawa kapag walang may gusto sa inyong mga lalaki dahil ang pangit niyo na tignan. Lalo kana Nina magsuklay ka naman. Mukhang hindi kana naliligo ah. Hindi ka man lang ba nahiya sakin?" biro nito na pang aasar sakin. Masama ko itong tinignan.
"Siraulo kang hinayupak ka ano? Maraming nagkakagusto sakin na mga lalaki. Hinaharass mo lang sila. At Isa pa ha, walang ibinilin ang Nanay ko sayo na bantayan ako dito para pakialaman mo ang mga manliligaw ko. Kung sana mga lamok, ipis, langgam at kung ano-ano pang mga insekto ang haharasin mo o haharangin mo para sakin ng matuwa pa ako sayo. Kaso mga lalaki ko ang hinaharang mo. Boshet ka!" ngawa ko na sakanya.
"Mga lalaki? Ang mga lalaking iyon ang pinagmamalaki mo? Mga dugyutin mas guwapo pa tignan ang mga lamok at ipis kisa sa mga manliligaw mong bansot at dogyot. Ako na nga ang nagmamalasakit ako pa ang masama. Tsk!" banat niya sakin. Gago na mapanglait.
"Sa labas na muna kayo Kuya at Ate. Hayaan niyo na muna ako dito." sabad naman ni Serenity.
"Ay nako, dito lang ako sasamahan kita. Siya na lang Ang lalabas panay reklamo niya eh. Labas kana dito. Nakaka-storbo kana samin. Mapanglait na lalaki." irap ko sakanya.
Natatawa lang naman itong naupo sa gilid. Makatitig sakin wagas. Wala ba itong kasawaan sa pagtitig sakin. Baka kumukuha na naman ito ng ilalait sakin. Subukan lang niya ng majumbag ko ang mukha niya. Sobrang nakakailang na ang paraan nito sa pagtitig sa akin.
Hapon na ng makauwi kami sa mansion. Gaya sa dati hindi namamansin ang alaga ko sa kahit na sino. Kami lang nila Nanay Cora at Tatay Thomas ang kinakausap niya.
Bigla itong nagbago at lumungkot bigla ang mukha. Pumayat pa lalo dahil bihira na lang kumain. Sapilitan pa minsan nag aaway kami kapag ayaw niya kumain. Tapos ako naman di papatalo si-sermonan ko ito. Pagsasabihan ko para lang kumain. Syempre ako ang panalo kaya wala itong magagawa kundi ang sumunod na lang.
Hindi ko hahayaan na pabayaan nito ang sarili. Kaya gagawa ako ng paraan para bumalik ito sa dati.