Chapter One
"Wag mo akong iiwan police ha? Nako , kahit sanay na akong maiwan dahil sa mga taong nang iwan sa akin noon , hindi ko kakayaning mawala ka pa." Reply ko.
"Don't worry Akhie , I will never leave yoú. Hindi ko iiwan yung nag iisa Kong attorney." He replied back.
Natahimik ako bigla at hindi kaagad nakapag reply. I know no one's permanent in this fake world even in real world but I trust him.
"Good yan police , huh , don't you dare." Kunwaring pagbabanta ko na ikinatawa lang niya.
"Hyst. By the way attorney, kumain ka na?" He asked. Actually not yet pero dahil ayaw Kong matigil yung usapan namin , sasabihin Kong....
"Yupp , already done." Agad na reply ko na punong Puno ng pagsisinungaling.
"Good yan, naubos mo ba attorney? Dapat ubusin mo ha , magpakataba ka. HAHAHA." Reply niya naman.
"Of course na ubos ko , pero ayokong tumaba ano , hindi bagay tsaka papangit ako non!" Reply ko naman. Muli lang siyang natawa dahil sa sinabi ko.
"Mabuti. Pero Attorney di'ba sinabi ko na sayo na kahit anong mangyari maganda ka? Andito nga ako para iboost yang confidence mo pero hindi mo naman iniaangat. Maganda ka , okay?" Lecture niya na naman.
Kinilig ako , pero bat palagi nalang ganito? Huhu , kundi lecture galing sa kaniya , pang aasar naman. Hys , that's why I love this man.
"Opo , maganda ako" (pala desisyon ka eh , pero charot lang. Hehe.)
Then 2 months passed.
"Umalis ka na naman? Attorney naman , I told you di'ba? Kapag aalis ka magpa alam ka hindi yung maghahanap ako sa wala naman pala." Galit siya , paktay.
"Eh kasi alam ko namang hindi mo ako papayagan eh , kaya sorry na I promise hindi na mauulit." Agad na reply ko , galit to.
"Police , sorry na." Pangungulit ko.
Nakaramdam ako ng sakit sa bandang dibdib ko ng makitang nag off na siya. Hys , galit talaga at alam Kong may magbabago na.
Hindi ako nag off kahit na apat na oras na akong nag hihintay na mag on ulit siya. Hindi ako marunong manuyo pero parang sa kaniya ako magsisimula/ng matuto manuyo.
Ilang oras din Ang lumipas bago siya mag on ulit. Nag seen na siya sa mga message ko.
"It's okay Akhie , hindi naman kita kontrolado." Reply niya. Halata sa reply niya na may nagbago talaga at matatawag mong cold status niya.
"Walang 'attorney'? , Hahaha okay." Nasaktan Kong reply. Hindi kasi ako sanay na ganon kaya parang Ang sakit.
"Oh , I'm sorry attorney I didn't mean it." Napabuntong hininga na lamang ako bago Ang reply ulit.
"Sige out na ako ,..." Nag seen siya agad at nag start sa pagta-type.
"Sige attorney," hindi na ako nagreply pa at nag bigay nalang ng like sign bilang reply.
Ang bilis mo namang magbago, parang one week lang akong nawala ganyan ka na. Ang sakit mo.
Kumakain ako ng biglang maalala Ang pag aaway namin , nagbago nga siya. Naalala ko rin tuloy yung isang conversation namin noon.
"Lahat nagbabago paglipas ng panahon attorney, pero I promise magkikita tayo , o hahanapin kita."
"Promise?"
"Yeah , promise. Baka nga pumunta pa ako sa debu mo."
"Talaga?"
"Oum."
.....
"Baka di mo nalang namamalayan nasa harap na ako ng gate niyo at sasaludo sayo sa araw ng graduation mo." Kinilig ako sa part na sinabi niya to kaya hindi na rin ako makapaghintay nadumating yung araw ng graduation ko.
"Talaga police officer Nath?" Manghang sabi ko.
"Yup attorney. Hintayin mo ko ha?"
"Hum , talagang maghihintay ako, aabangan kita police ko."
.....
"Kapag nagkataong mag iiwanan na tayo attorney, mamimiss ko yung attorney Kong hard headed pero cute."
"Ako din! Mamimiss ko yung police Kong kulot Ang buhok hehe."
"Attorney naman! Wag kang Mang asar baka iuwi kita dito samin."
"Kung kaya mo ,blehhh." Panunubok ko.
Napangiti ako ng maalala ko Ang lahat ng Yan. Paano kung lahat nga ng mga masasayang alaala namin biglang mawala dahil sa pag aaway namin kanina?
"Police wag mo akong kakalimutan ha?"
"Oo naman , hinding hindi ko kakalimutan yung nag iisa Kong cute na attorney, na mahal na mahal ko." Lalo akong napangiti ng maalala to.
"I love you attorney."
Kinilig ako kaya hindi agad ako nakapagtype ng sasabihin ko sa kaniya. That time din kasi pinopormahan ako ng poging to kaso may boyfriend din ako , na nung mga panahong yon nagkakalabuan na rin kami.
"I love you too police ko!"
"A-attorney , for real? Huh?"
"Yup police , for real."
....
"Attorney kung mabibigyan ka ng pagkakataong makapunta ng future at makakausap mo ako don. Anong sasabihin mo sakin?" Napaisip din ako sa sinabi niya.
Ano nga ba?
"Ahm... Sasabihin ko? Sasabihin kong ahmm mahal kita!" May konting hiya na sabi ko pero wala akong paki alam ayun ang gusto ko at wala na rin akong ibang maisip HAHAHA.
"Ikaw ba police ko? Anong sasabihin mo sakin?" I asked him back.
"Ang sasabihin ko sa attorney ko eh, sana mahintay niya ako. Hintayin niyang magkita kami at maging misis ko na siya." Kinilig ako pero natatakot din. Baka kase hindi na yon mangyari.
"Sheshh wait.... Kinikilig ako!!!" Reply ko na ikinatawa niya.
"Nako attorney wag masyadong magpahalata baka iuwi kita dito sa amin." Reply niya pa.
"Heh! Ikaw kasi eh." Reply ko naman pabalik.
"Pero wag na muna attorney, baka ma postpone naiinip na yung mga babies nating sampo e." Napangiti nalang ako ng dahil sa hiya.
"Hoyyy anong sampo?! I was joking lang naman sa sampo para hindi ka nila maagaw sa akin, ang seryoso mo naman!" Tumawa lang siya sa voice record na sinend na may kasamang salutang salitang
"I love you my attorney"
So I send him a voice record from me.
"I love you too my police, wait lang ha? Sasaluduhan mo pa ako." Sabi ko with 'chuckles' sa dulo.
......
Natapos Ang pagbabalik ko sa nakaraan naming dalawa ni Nath ng biglang tumunog Ang messanger ko at nakitang tumatawang in video call si bum , isa pang boybest ko.
"Paepal ka talaga , nagd-daydream dito yung tao eh bat ka ba tumatawag?" Inis na chat ko. Hindi ko sinagot yung tawag niya dahil hindi pa rin ako handa sa video call na yan lalo na nasa fake world kami.
"Just want to talk to you." Chat niya with paawa emojie.
"Heh! Kumakain pa pala ako , mamaya nalang!" Paalam ko. Ayoko din kasi muna ng kausap. Feeling broken pa ako right now.
Pagkatapos kumain tsaka ako naghugas ng Plato , diretso naman ligo.
Init , buti nalang talaga at may tubig pa sa banyo , fresh na naman ako pero still feeling broken pa rin dahil alam ko na Ang susunod na mangyayari sa amin ni Nath, once na mag on ako.
Lumipas Ang mga araw na Hindi kami nagkakausap ni Nath. Nagtataka lang ako , bakit parang Ang bilis agad magbago ng lahat ng dahil lang sa pag alis ko na wala pa ngang isang linggo sa pekeng Mundo?
Like , dare lang naman yung pag alis ko kaya diko na sinabi sa kaniya pero bat ganon? Ang bilis niyang magbago sa ginawa ko.
At dahil hindi na ako makatiis , ako na Ang nag first moved.
"Police ko!" Chat ko. Matagal bago siya mag seen at magreply sa sakin. Ang sakit mo.
"Hi attorney, tagal mong di nagchat ah.."muling nanakit yung dibdib ko sa sinabi niya.
'so kung hindi pa pala ako magch-chat , hindi ka rin nagcha-chats sakin? Ganon ba? Hahaha , Ang sakit mo naman'
"Ahh haha nabusy kasi , musta?"
"I'm doing fine naman Akhie.Ikaw ba?" Akhie? No more attorney again? Haha okay..
"Ah okay naman din , nabusy lang sa mga reports namin sa school." Reply ko. Di ko na alam Ang sasabihin ko kahit na ako yung nag unang mag first move sa kaniya hahaha.
"Ah sige out na pala ako police , may hangout pa din kasi kami mamaya." Pagpapaalam ko.
"Pero attorney, anong oras na ah? Anong oras labas niyo?" Napangiti ako dahil sa mga sinabi niya. Mahalata mong bumalik na ulit yung dating
Nathy na minahal ko.
"Hmm secret , pero sabihin mo muna na pinapatawad mo na ako bago ko sabihin." Agad na reply ko.
"Hindi pa din attorney, kaya sabihin mo na kung anong oras kayo lalabas." Awiie nagc-care ka pa rin kahit na di tayo okay future hubby ko. (Okay medjo feelingera ka na beh)
"Fine. 6 daw sabi nila Charles." Reply ko naman. Labag pa yon ah HAHAH.
"6? Akhie naman anong oras na oh alas kuwatro na tapos mga lalaki pa yang mga kasama mo? Akhie wag ka nalang sumama please?" Imbis na mainis sa mga sinabi niya ay napangiti pa ako.
"Eh kasi police ngayon lang ulit kami magkakasama sama after 4 months kaya please pumayag ka na? Hmm?" Reply ko nalang.
"At tsaka may kasama din naman kaming dalawa pang babae , sina Jana at Trisha eh." Habol ko pa.
"Fine , ingat okay? Agahan Ang uwi dapat after 9 pm nasa inyo ka na." Ou na po.
"Óum po hehe." Reply ko nalang.
Naging okay ulit kami na parang walang nangyari pero , hindi ko maikakaila na talagang may nagbago.
Lumipas pa Ang isang linggo at napatunayan ko ngang may nagbago nga.
"Attorney ko." Chat agad niya Ang sumalubong sa akin pagkabukas ko.
"Yes police ko?" Reply ko naman.
"Kilala mo naman si Yeji di'ba? I like her attorney ko , can you please help me? I want to court her po." Eto na naman. Naramdaman ko na naman yung sakit sa dibdib ko.
'Akala ko ba ako lang? Eh bakit may Yeji na ngayon police ko? Tsaka di'ba nililigawan mo pa ako? Sabi mo maghihintay ka , bakit sumuko ka na? At tsaka bakit sakin pa? Sa dami dami nating kaibigan sa akin ka pa nagpatulong? Ano ba talagang gusto mo? Ang sakit mo, grabe ka!"
Gusto Kong sabihin sa kaniya lahat yan but instead of saying that, Ang nasabi ko nalang......
"HAHAHA congrats police ko , sige tutulungan kita pumorma." Labag man at masakit , wala eh hindi naman na ako , ano pang magagawa ko diba?
"Talaga attorney? Thank you attorney!" Nag heart react nalang ako tsaka tumawa sa chat sa kaniya.
'Pero kasi police sabi mo ako lang eh , bat biglang may Yeji ka na? HAHAHA.'