Two weeks passed at andami na talagang nagbago. Naging sila na rin ni Yeji kaya patuloy akong nasasaktan dahil , kung kelan wala na kami ng ex boyfriend ko tsaka siya sumuko sa akin.
Nawalan na rin ng time sakin yung kaibigan ko. Palaging nasa girlfriend niya na yung buong attention niya , kahit na sa gc namin wala na.
Until nagkaroon sila ng problema. Nalaman ko lang din sa gc dahil lahat nakasend don dahil kay Jake.
Nag away sila dahil sa Isang lalaki , I think his name is Nash? No , I'm not sure pero ayan kasi yung sabi at natatandaan ko ngayon.
Ng mabasa ko Ang lahat ng nasa gc ay agad akong nagchat Kay Nath.
"Police ko. Are you okay?"
"Hmm , reply naman oh. I'm worried about you."
Lumipas Ang isang oras but still not seen or reply from him. Kaya nagcheck ako sa gc tapos don nakita yung mga chat ni Zayne sa Isa sa mga kaibigan namin at don ko din nalamang nag delete account siya dahil sa mga nangyari.
I checked his account then boom! His account was disabled.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nagsisimula ng magsipatakan Ang mga likido sa pisngi ko. Le left me...iniwan niya na talaga ako.
Bumalik ako sa gc ng biglang mag pop Ang mga photos na sinend ni Jake sa gc namin. Doon ko nakita Ang lahat lahat bago siya mag delete account.
"Pre ikaw ng bahala sa mga prinsesa ko ha? Ikaw nalang din Ang magsabi sa mga nangyari"
"Pasabi nalang na mag iingat sila dahil wala na Ang nag iisang prinsipe nila. Hindi ko alam kung makakabalik o babalik pa ba ako pero sana."
"Ipaalam mo ako sa mga prinsesa ko ha , Kay attorney, Kay Maxine, Luna at Kay Kia. Pakisabi na mamimiss ko sila."
Hindi ko namalayan na mas marami pa palang likido Ang sunod sunod na nagsisibaksakan sa pisngi ko.
Hindi ko na talaga alam Ang gagawin ko kundi Ang umiyak nalang. Umalis siya ng Hindi nagsasabi sakin , at ngayon may mga bilin pa? Nakapa Daya mo naman Nathy!
Tulala lang ako habang naghihintay sa susunod na update ni Jake sa gc namin. It's been 21 minutes ago ng mag update siya ulit pero hanggang ngayon wala pa ring kasunod.
Gusto kong malaman bakit kailangan niya pang umalis dahil lang sa pag aaway bilang yon? Andito naman kami , lalo na ako....
Pero bat umalis pa rin siya? Andito akong naghihintay tapos bigla nalang siyang mawawala? Bakit nung ako pa yung gusto at mahal niya , then nag away kami bakit walang ganon Ang nangyari? Bakit......bakit Ang ginawa niya lang eh lumayo sa akin at Hindi ako pansinin sa lahat ng oras. Bakit ngayon nung sila na nag away , nagawa niyang mag delete account? Bakit kase hindi nalang ako?
Napakasakit mo naman mahalin Zayne.
Lumipas pa Ang ilang oras ng Wala pa ring sunod na update si Jake kaya napagdesisyonan ko na magpahinga na muna habang naghihintay sa kanila. I close my phone , at tsaka humilata sa kama.
Natulog ako at nagbabakasakaling paggising ko , okay na lahat. Nakabalik na siya at akin na ulit.....
"Hinding hindi kita iiwan.."
Mabilis akong napatayo Mula sa pagkakahiga sa kama ko at huminga ng malalim. Napasapo agad ako sa ñoo ko at napatingin sa cellphone Kong nakapatay.
Nagkaroon ako ng panaginip na sana hindi ko nalang napanaginipan. It's him , zayne...
Napanaginipan ko siya na yakap yakap ako , habang ako.... Habang ako ay nakahiga sa mga bisig niya. Umiiyak at takot na takot maging mag isa.
Habang iniisip Ang naging panaginip, hindi ko inaasahang tutulo na naman Ang mga likido sa pisngi ko. Bakit palaging kabaliktaran ng mga panaginip ko ang mga nangyayari sa totoong buhay?! Bakit ngayon iniwan niya ako?! Napaka Daya mo Tadhana...
Nagpunas ako ng luha at tumayo sa kama ko tsaka dumiretso ng kusina. Agad na nagbukas ako ng ref at kumuha ng malamig na tubig na maiinom.
Sunod sunod Kong nilagok Ang sobrang lamig na tubig hanggang sa Hindi ko na makayanang ubusin pa iyon dahil sobrang lamig.
Umupo ako sa Isang upuan habang nag iisip sa mga nangyayari. Sana....sana panaginip na Lang Ang lahat.
Pagkatapos Kong makainom ng tubig agad din akong bumalik sa kwarto para ipaglatuloy nalang Ang nahintong tulog dahil sa Isang masakit na panaginip.
Nang makatulog ulit ako , Masaya akong wala na ulit nangyari panaginip na siya ang kasama ko.
Alas otso na ako nagising ng Umaga dahil napuyat talaga ako kagabi kakahintay sa susunod na update ni Jake sa gc about Kay Zayne.
Pagkabangon , dumiretso agad ako sa kusina para makapghilamos ng mukha. Nadako ako pagkatapos sa banyo at napaharap kaagad sa salamin na nasa dingding.
Agad na napansin ko ang maga Kong mga mata. Dahil siguro ito sa iyak ko kagabi na walang tigil. Binuksan ko ang gripo at muling naghilamos ng mukha ,.... kinuha ko pagkatapos Ang sabon tsaka pinahid sa mukha ko lalo na sa ibabang mata ko.
Habang naghuhugas ng mukha , hindi ko na naman mapigilang hindi umiyak.
Bakit ka kasi umalis eh.....
Natigil ako bigla at Dali daling napahilamos ng mukha at punas ng makarinig ng katok Mula sa labas.
"Nak?" Rinig Kong tawag ni mama Mula sa labas ng pintuan.
"Po ma?" Sagot ko naman tsaka sinampay Ang towel at lumabas.
"Wala ka bang ibang research's nak? Baka daw pwedeng magpatulong yung pinsan mo , eh may research daw sila sa science." Tumango na lamang ako pagkalabas.
"Sige po ma , mag aalmusal lang ako saglit tas papuntahin niyo nalang po siya sa study room ko." Ngumiti si mama tsaka tumango sa akin.
"Sige nak." Tanging tango lang Ang naibigay ko bago dali daling bumalik ng kwarto.
Nakahiga ako ng maluwag ng makapasok sa loob at maisara ang pinto. Halos hindi ako makatingin sa mga mata ni mama kanina dahil natatakot akong mahalata niya Ang pagkamaga ng mga mata ko.
Dumiretso nalang ako sa harap ng salamin tsaka nag ayos ng sarili. Pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa kusina para mag almusal.
Habang kumakain sumagi na naman sa isip ko Ang nangyari kagabi.
'Bumalik na kaya siya? I think hindi niya naman magagawang umalis ng matagal' biglang turan nalang ng isip ko.
Hyst. I miss him...
Nang matapos akong kumain tsaka ako lumabas ng bahay at don nakita sila mama at tita Jemma na nag uusap kasama si Darren na pinsan ko.
"Zup! Darren!" Sigaw ko tsaka yumagayway ng kamay. Napatingin siya sa akin pati na rin sila mama at tita na nag uusap sa tabi ni Darren.
Nakangiti akong lumapit sa kanila tsaka nagmano sa tiya.
"Darren , ano bang mga researchers mo?" Tanong ko. Binigay niya agad Ang papel na hawak niya tsaka ko nalaman kung ano ang mga pag aaralan niya.
And it's all about light and atoms.
"Sige , Tara na sa study room sa loob. Mag advance study na rin tayo ha." Tumango siya kaya umakbay ako sa kaniya bago kami sabay na pumasok sa loob.
Kalagitnaan na kami sa pag aaral kaya bigla Kong naisipan Ang mag tanong na kung talagang may natutunan siya sa mga tinuro ko sa kaniya kanina.
"Okay Darren, what is light?" Tumango siya.
" Hmm , light or visible light is electromagnetic radiation that can be perceived by the human eye." Mabilis na sagot at salitaan niya.
Napabilog nalang ako bigla ng labi ko like 'o' dahil sa bilis ng pananalita niya .
"Good. And atom?"
"Atom is the smallest part of a substance that cannot be broken down chemically." Ngiti at confident na sagot niya.
Ngumiti ako dahil talagang may natutunan siya sa mga lessons at research na ginawa namin kanina.
"Aba aba , talagang may natutunan talaga ah?" Natatawang wika ko. Nangunot Ang noo niya.
"Of course ate Akhie , nakikinig kase ako." Ngusong sagot niya. Natawa nalang ulit ako dahil sa naging ekspresyon niya.
"Fine. Sige na puntahan muna sila tita room sa labas at baka nilamon na sila sa kakachismis ni mama." Pagbibiro ko tsaka nilagay ang isang kamay sa buhok nito at ginulo bago siya tumakbo palabas ng study room ko.
Pagkalabas niya tsaka ko kinuha Ang cellphone ko at nag open ng f*******: account. Pagkabukas ko nito ay agad na bumungad Ang message ni Jake sa gc kaya ito agad Ang binuksan ko.
Nakita ko agad ang mga laman ng picture na sinend ni Jake.
"Bro , si attorney ha? Habang wala ako take care of him first. Pakisabi rin na tigil tigilan na niya Ang pagpupuyat. Mamimiss ko yon bro , kaya alagaan mo muna until I came back."
'Inaalagan niya pa rin ako.'
"Mamimiss din kita police ko." Bulong ko habang lumuluha.
Maghihintay ako until you came back police ko.