Chapter Three

1512 Words
"Ha? Hatdog!" Napahampas nalang ako bigla dahil sa pagka inis sa panget na lalaking nasa harapan ko. "Tinawag kita para damayan ako , hindi para inisin ako dito kaya pwede ba? Magtigil tigil ka sa pang iinis mo Jan kung ayaw mong makatikim ng masarap na sapak galing sa mga kamao ko." Pagsusungit Kong sambit sa kaniya. "Eto na , eto na. Sorry na po mahal na prinsesa Lidesma.." Nag TaaS siya ng dalawang kamay bilang pagsuko ngunit napakunot ako ng noo dahil sa dulong sinabi niya. Lidesmaa..?? "Gaga ano na namang Lidesma yan? Baliw ka ba? Kung ano ano ang mga pinagsasabi mo Jan!" Asik ko at akmang hahampasin siya ng biglang lumayo. Tumawa lang ito pagkatapos ay naupo ulit sa tabi ko. "Ang sarap mo talaga inisin HAHAHA." Sabi niya at malakas na humalakhak sa tabi ko. 'Bwiset talaga na lalaki ito.' nasabi ko nalang sa isip ko. Tumayo ako at masama siyang tinignan. "Jan ka na nga , uuwi nalang ako." Ngusong sabi ko at nagmartsa palayo. Hindi pa man nakakahakbang ng tatlo ay naramdaman ko ng hinawakan ako nito sa palapulsuhan ko kaya napatingin ako agad sa kaniya. "Joke lang eh , eto na talaga. " Pang aamo niya sa akin. Inirapan ko lang ito bago maupo ulit sa tabi niya. Huminga ako ng malalim bago sumandal sa balikat niya. "Iniwan na niya ako." Nagmamakaawang sabi ko. "Andito pa naman yung pogi mong kaibigan, ano ka ba!" Nag angat ako ng ulo at mabilis na dumokmok sa mga bisig niya. "Make a promise Shean , please.." sabi ko. "Na...na Hindi mo ako iiwan Hindi gaya ng ginawa niya please.." "I promise my princess, I will never leave you. Dito lang palagi yung pogi mong artista." Pagsunod naman niya sa sinabi ko. Ilan pang sandali , hindi ko nalang namamalayan na lumuluha na pala ako habang naka dukdok sa mga bisig ni Shean. "Thank you for making me always okay Imo!" Niyakap ako nito habang tumatango sa akin. "I'm so lucky to have you Imo.." dugtong ko pa. Lumipas Ang tatlong oras at kaming dalawa lang ni Shean Ang magkasama sa tabi malapit sa park. Gumaan Ang pakiramdam ko dahil sa kaniya , nawala yung bigat kahit papaano dahil sa pag comfort niya sa akin sa paraan niya ng pagbibigay sa akin ng isang magandang kanta. Napaka swerte ko talaga dahil meron akong siya kapag feeling ko nag iisa nalang ako. But about zayne , wala pa rin siya, mag iisang linggo na siyang wala , hindi ko alam kung babalik pa ba siya o hindi na dahil patuloy akong umaasang babalik siya. I really missed him. Nang makauwi ng bahay , si Klea agad Ang sumalubong sa akin pagka pasok ko ng pinto. "Finally may donor ka na!!!!!!!" Halos mabingi ako dahil sa sigaw niyang yon sabay yakap sa akin. "Klea you don't have to shout , lower your voice parang mababasag na ear drums ko nyan eh." Panenermon ko sa kaniya. Humiwalay siya sa akin ng nakangusong umupo sa may sofa. "I'm sorry, Masaya lang ako." Sabi niya. Umiling lang ako. "Hey , what do you mean by that?" Biglang tanong niya na Hindi maipaliwanag Ang mukha. "Parang ayoko ng ituloy Klea..." Nakayukong sambit ko. "Akhira!" Nagulat ako sa bilaang sigaw niya. "Ano bang nangyayari sayo ha?! 2 years ka ng naghihintay sa magiging donor mo tapos bigla kang aatras? Akhie naman , gusto mo ba kaming iwan ha?!" Nakonsenya ako bigla sa mga sinabi niya. By the way let me introduce my self first. I am Akhira Clay Cortez, 17 years old and I have heart disease. 'Please Zayne , bumalik ka na oh! I really really miss you..' ....... "Akhira anak?" Pagtawag sa akin ni mama sa labas ng kwarto ko. Agad akong nag angat ng ulo at napatingin sa pinto ko. "Po ma? Bakit po?" Natanong ko nalang. "Pwede ba akong pumasok saglit?" Pabalik na tanong naman niya. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. "Sige po ma" sagot ko nalang. Nakatingin ako sa pinto ng magbukas ito at iniluwal si mama. Tumabi siya sa akin bago ako yakapin. "I know you're not okay Kira. Tell me your problem, all my ears is yours." Kinilig ako konti sa sinabi ni mama kaya napangiti na lang ako at napayakap sa kaniya pabalik. "Grabe ka naman ma, kinilig ako e." Biro ko tsaka tumawa sa kaniya. "Tell me all your problems, makikinig ako okay?" Natigil ako sa pagtawa at bumalik sa pagiging seryoso at tumango. "You're right ma, to be honest I'm not okay po talaga. Si zayne po? Na kuwento ko po siya sa inyo once but now he left me. Ma pati siya iniwan na rin ako." Nagsisimula palang ako sa pagkukuwento ng biglang tumulo na ang mga likido sa pisngi ko. "He promised ma, kaya pinanghawakan ko yon. At isa pa, he promised to me na sasamahan niya ako sa isang trial ko sa korte pero ma, kasi iniwan niya na ako paani pa po yon mangyayari?" Patuloy ako sa pagk-kwento kaya patuloy lang din ang pag agos ng luha sa mga mata ko. "Don't worry sweetie I will never leave you okay? Mommy is always here for you, stay by your side."Pagpapagaan ni mama sa loob ko. Tumango lang ako bago yumakap ulit. "Hyst, don't be sad Kira remember nagsisimula palang kayong bumuo ng kwento, wala pa kayo sa kalahati kaya matutupad pa yang mga pangarap at plano niyo sa buhay." Ngumiti ako kay mama. Tama siya, nagsisimula palang kami ni Zayne pero bakit hindi ko ma feel yung salitang sinasabi ni mama na nagsisimula palang kami? Kase iba na eh, feeling ko nasa dulo na agad kami ng kwento. Hindi ko na maimagine yung araw na magkikita kami in future kase ngayon palang, parang patapos na yung ginawa naming kwento nung gabing nagsimula yon. 'Sheshh bakit ka ba kasi nagkakaganito huh?! He's from fake world Kira, so stop hurting your self for waiting him to comeback!' Naturan nalang bigla ng isip ko. "Why? Because I love him, he is my ideal man, he treat me right, he boost my confidence and because of him I changed." Lumuluha na naman ako. Hindi ko talaga mapigilan ang mga likidong sabik na sabik na bumagsak mula sa mga mata ko. I missed him. "Take a rest." Tumango ako. Tumayo si mama at inayos ang kumot sa akin. Lumapit siya sa lamesa at pinatay ang ilaw don tsaka nagpaalam ng lalabas ng kwarto ko. "Is it okay if I let him go?" Turan ko. KINABUKASAN maaga Ang naging gising ko. Pagkadiretso ng banyo bumungad Ang mga mata Kong magang maga dahil sa kakaiyak nung isang gabi. Hindi ko na talaga maintindihan Ang mga nangyayari sa akin. Bakit kailangan ko pang pahirapan Ang sarili ko? Hindi ba pwede lumaya nalang dahil galing naman siya sa pekeng Mundo? Argh I can't help. Nagmumig ako pagkatapos ay lumabas na ng banyo. Kumakalam na Ang sikmura ko , Hindi ako kumain kagabi wala akong masisira dahil kasalanan ko rin naman. Hyst. Pagkalabas ko'y bumungad Ang napakabangong amo'y ng niluluto ni mamang adobo. Shesh my favorite adobo. Pumwesto na ako sa gitna ng lamesa at hinintay nalang si mama na ilapag Ang kanin at ulam. Kagutom hihihi. "Ang aga mong gumising? Hindi ka naman papasok dahil Ang sabi ko Kay professor Aerni Hindi ka makakapasok dahil may sakit ka. " Malumanay na sabi ni mama habang ako ay patuloy lamang sa pagsubo ng kanin. Tumigil ako saglit at tumingin sa kaniya. Umiling ako. "Pasok ako ma , okay naman na ako." Sabi ko at muling sumubo ng Karne ng manok ng biglang may maalala na naman Mula sa nakaraan. "SHESH ikaw ha. kinikilig ka pala but don't worry sasaluhin naman kita kung sakali g mahulog ka na. " "Nek nek mo. HAHAHAHA" reply ko. " Ay sandali nagluluto ka pala di'ba? Anong niluluto mo?" "Adobo , wala kasi si mama eh nagugutom na Ang dalawang tiyanak na ngayon ay nasa tabi ko." Reply nito na ikinatawa ko habang nakaupo sa kama. "Sumbong kita Kay tita ha , nagrereklamo ka na bilang panganay at kuya ng dalawang bata nako HAHAHAA. " .............. " Pero sandali pala , adobo? That's my favorite ulam hehe , I want you to cook that for me once na magkita tayo ha? Aba Hindi pwedeng tumanggi kakasuhan kita tamo." Banta ko. Tumawa lang siya ng naka voice record kaya ginantihan ko ito "Tawag ka Jan?! Eh kung takbuhan kaya jita may maitatawa ka pa kaya kapag nag kita tayo?! Shesh ano kayang magiging itsura mo non. HAHAHA. " Halakhak ko tsaka sinend Ang ginawa voice message. "Attorney......." Reply lang nito. "Pero joke lang di ka naman mabiro hehe , syempre Hindi kita tatakbuhan papakainin mopa ako ng mga street foods eh , uubusin ko sweldo mo. Hehe." Rupok par... Pagkatapos maalala Ang ilang pangyayari bumalik ako sa wisyo. Ngumiti ng mag isa tsaka nagpatuloy sa pagkain ng Hindi pinapansin Ang patuloy na pagtulo ng mga luha. Hindi ko na talaga Kaya , Tama na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD