#PagkikitangMuli
18. Hinahanap ko parin hanggang ngayon ang boss ko.
Pero hindi ko ito mahagilap.
Nalaman ko nalang na nakapasok na pala ito sa mismong opisina niya at sa kabila lamang dumaan.
Maya-maya pa ay pinatawag na ako nito para tanungin kong ano ang mga appointment na gagawin or pupuntahan nya kasama ako.
Kinakabahn akong pumasok nakatalikod siya mula sakin..
Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita.
"Sir narito na po ang schedule nyo ngayong araw". Kinakabahn man pero nagawa kong isambit iyon.
"Pakilagay sa misa at itimpla mo ako nang kape".
Bakit parang familiar sakin ang boses na iyon?
Bakit parang pag-aari iyon nang taong mahalaga sa akin na kahit mahigit 4 na taon na ang nakalipas ay nakatatak parin sakin ang kanyang boses.
Pero imposible.
19. Pinagtimpla ko na ito nang kape at agad ring dinala sa kanya.
Nakaharap na siya ngayon
Hindi ko makita ang mukha nito dahil busy sya sa pagsusulat.
"Sir ito na ang kape mo". Bigkas ko.
Tumaas na ito nang tingin sakin at ganon nalang ang kabog nang dibdib ko nang makilala ang lalaking pinagpapantasyahan nang lahat nang mga babae.
Pero paano nangyari 'to gayong mahirap lamang ang pagkakilala nya noon sa lalaki?
Siya ba talaga ito?
O nananaginip lang ako nang gising dahil di na siya maalis sa isip ko.
Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang hawak kong kape na tinimpla para sa kanya.
Doon ako natauhan dahil sa nabasag na baso.
Pero ang mas ikinagulat ko nang sigawan nya ako.
"Ano ba naman yan, kabago-bago mo palang sa kompanya lampa na agad ang pinapakita mo sakin?! Linisin mo iyan at lumabas kana sa ospisina ko stupid girl"! Sigaw niya sakin.
Hindi ako alam kong saan ako mas nasaktan.
Sa pag tawag nya ba sakin na stupid girl at lampa o dahil sa hindi na niya ako maalala.
Si justine si justine na matagal kong hinahanap ay siyang boss ko ngayon, pero hindi nya ako kilala.
20. Bumalik ako sa office ni boss Julius para linisin ang natapong kape sa sahig. Juluis ang pangalan nyang tunay ang Justine hindi ko alam dahil iyon naman ang pinakilala nya sakin dati.
Pero bakit masakit sakin na hindi niya ako nakilala?
Hindi ako nagkakamali na hindi siya si justine dahil kilalang-kilala ko na ito.
Nagka amnesia ba siya?
Or hindi siya ito kasi kong si justine talaga sya sure akong makikilala nya ako.
Pero hindi eh, baka may kakambal sya at itong si juluis ang kapatid nya pwede naman diba?
Iba ang ugali nila ni juluis at ni justine na kilala at minahal ko.
Si justine hindi nya magagawang sigawan ako gaya nang ginagawa sakin ni boss ngayon.
Sana nga hindi siya ito.
21. Sumapit na ang hapon na nagawa ko naman nang maayos ang trabaho ko,kahit na iniisip ko parin si justine at si juluis na siyang boss ko.
Naguguluhan ako ngayon.
Bago ako lumabas sa office ay pasimple kong sinilip sa office si boss, busy parin ito sa pagttype sa kanyang computer.
Mag alasais na iyon nang gabi kaya nagpasya na akong umuwi.
Iilan nalang ang tao sa loob nang kompanya, narito rin ang tatlong hitad na walang ibang ginawa kundi magpaganda at maglagay nang pabango kulang nalang ipaligo nila.
Tinaasan nila ako nang kilay nang makita nila akong palabas palang nang office
"Mabuti nalang at naisipan mong umuwi, bilisan mo nga at umalis kana baka mamaya makaistorbo kapa samin". Sabi nong isang clown sakin.
Hindi ko na sila pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
Papasok na sana ako nang elevator nang may naunanh pumasok doon.
Nagulat pa ako nang makita ko si boss.
Hinihintay nya akong pumasok pero hindi ako pumasok gang sa sumara ito.
Nahihiya akong sumabay sa boss ko lalo na at emplayada lamang ako.
Pero bakit nakita ko sa mga mata nya kanina ang dismayado?
Pakialam nya ba.
Kasunod non ay ang mukha nang tatlong clown na Hindi ma drawing ang lumabas mula sa office.
Narinig ko na natakasan na raw sila ni boss dahil wala na pala ito sa loob at nakauwi na.
Mabuti nga sa kanila mga malalandi sila pala iyon.
22. Ang ending ay nakasabay ko silang tatlo sa elevator mga animal.
"Hoy ikaw, wala na pala si juluis sa office nya bakit di mo sinabi samin ha"! Sita sakin nong isang clown na mas malaki pa ang tighawat sa ilong kesa sa nunal nya.
"Malay ko bang hinihintay nyo sya?" Sagot ko naman.
"Umayos ka kong sumagot ha baka di mo kilala sino sinasagot-sagot mo?" Galit na banta nya sakin.
"Sasagot talaga ako dahil tinatanong mo, kapag di ako sumagot tiyak ko namang magagalit ka diba?" Sabi ko naman sa kanya.
"Aba umayos ka baka saan ka pupulutin". Singit naman nang isa.
"Kayo ang umayos ha, baka nakalimutan nyong mas mataas ang trabaho ko sa inyo, anytime pwede kong sabihin sa boss natin ang pinangagawa nyo, aba wag nyo akong subukan sige kapag natanggal kayo di nyo na sya makikita". nakangising sambit ko sa kanila.
Nakita ko naman na kumalma ang makapal ang labi.
Kaya siguro sila tinatakasan dahil natatakot sa kanila ang boss ko at hindi sila type.
Sabagay maging ako man ay di ko sila type kahit na maging kaibigan ang paplastic sila sila ang nagkasiraan.
23. Paglabas namin sa elevator ay dumeretcho na ako sa sakayan nang jeep at sumakay.
Kaya lang bago pa ako makasakay sa jeep ay dumating naman si Andrie.
Siya ang manliligaw ko noon sa collage pero di ko sinasagot.
Nakataxi ito at pilit akong isinakay para raw di na ako mahirapan.
Dahil puno na ang jeep na sasakyan ko sana ay wala akong choice kundi sumabay dito.
Kaya lang bago pa ako makapasok sa kotse nya ay biglang may nagsalita sa likuran ko
"MISS SOFIA SUMABAY KA SAKIN DAHIL MAY MEETINH TAYONG PUPUNTAHAN RUSH TO". ANI SIR juluis.
24. Muli kong sinara ang pinto nang kotse ni andrie dahil wala akong choice trabaho lang at walang personalan.
Pumasok ako sa kotse ni boss dahil may meeting raw kaming pupuntahan.
"Sino po ka meeting natin sir? Kong kailan gabi saka naman nag pa rush". Reklamo ko kasi naman uwing-uwi na ako, gusto ko nang ipahinga ang isip ko dahil sa mga naiisp ko kanina tungkol sa kanila ni justine.
"Nagrereklamo ka ba miss Sofia? Ngayon palang pwede kana mag resign". Seryosong turan nito sakin.
"Naku sir biro lang, hehe saan po ba tayo magmemeeting sir?" Tanong ko sa kanya.
"Hintayin natin sya sa restaurant doon nalang raw mag meet mamaya"., Sagot niya sakin.
Napakaseryoso niyang tao ang layo nila ni justine hays
Nakarating na kami sa restaurant, nakaorder na kami lahat-lahat wala parin ang hinihintay namin gang sa kumain na kami at natapos walang ka meeting na dumating.
Nololoko ata ako nang boss ko.