33. Unti-unti akong lumingon sa kanya gang sa nakaharap ko na ito.
Seryoso siyang nakatingin sakin, ang mga mata nya ay punong-puno nang pangungulila.
34. Nagulat ako nang tumayo ito at lumapit sakin.
Hindi ako makapagsalita dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Mahal,ako to si justine". Pagpapakilala niya sakin.
Iwan ko dahil sa narinig ko ay bigla nalang tumulo ang mga luha ko saking mga mata.
Pinunasan naman niya iyon gamit ang daliri nya.
"Ang daya daya mo, iniwan moko nang walang dahilan, hindi ka nagpaalam nang maayos sakin pinag-alala mo ako" , sumbat ko sa kanya nang makabawi ako nang aking lakas.
"Mahal im sorry, ginawa ko lamang iyon para makapag fucos ka sa pag-aaral mo. Ayaw ko kasi na maging dahilan ako nang pagbagsak mo sa klase kaya lumayo ako, kinausap ko naman ang parents mo non tungkol satin at kilala nila ako. Gusto ko kasi makapagtapos ka nang pag-aaral mo, pero maniwala ka o sa hindi ay lagi kitang binabantayan para masigurado na okey ka lang." Mahabang paliwanag nya sakin.
"K-kahit na madaya ka parin, alam mo ba kong gaano ako nasaktan nong nawala ka sakin ha?" Sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"Sorry. Alam ko iyon, katunayan nasa malapit lang ako non tuwing umiiyak ka pero hindi kita nilalapitan dahil nangako ako sa mama mo na di kita guguluhin gat di ka nakapagtapos." Muling paliwanag nya.
Wala na akong nagawa nang yakapin nya ako.
35. Niyakap ko rin siya pabalik pero maya-maya ay kusa akong kumalas sa yakap nya at nagtanong dito.
"Bakit kita naging boss? Bakit ka naging mayaman? Bakit moko sinungitan sa unang araw nang trabaho ko". Nakangusong turan ko dito.
Napakamot sya sa ulo nya at sumagot.
"Ang totoo niya isa akong mayaman at tagapagmana nang lolo ko, nong nakilala kita nagpanggap lamang ako na mahirap para makilala ang babaeng karapat-dapat sakin na hindi pera ang basihan, napatunayan mo sakin iyon kahit na mahirap lang ang pagkakilala mo sakin ay nagawa mokonh mahalin, hindi gaya nang iba na minahal lang ako dahil sa pera ko" , aniya
"Pero sinungitan moko". Kunwari nagtatampo ako.
"Sorry, sinadya ko naman talaga iyon oara subukin ka kong ano ba masabi mo sakin or matitinag kaba sakin bilang boss mo".,
"Hindi ako natinag nainis lang ako sayo non, at saka nagulat dahil sabi ko kamukha mo ang dyowa kong iniwan lamang ako nang walang paalam, inaasahan ko na makilala moko pero hindi, kaya inisip ko na kakambal ka lang nya or kamukha Lang dahil malayo ang ugali nyo". Pag-amin ko dito.
Ngumit lang sya at muli akong niyakap.
Yakap na walang balak bumitaw isa man sa aming dalawa.
36. Nanatili kaming magkayakap ni justine habang nakatayo.
Makailang saglit pa ay kumalas sya at nagtanong sakin.
"Sino ang lalaking iyon nong isang gabi?"biglang tanong nya na ang ay si andrie.
"Si andrie ba?" Sagot ko.
"Basta iyong sasakyan mo sana kong di ako dumating". Kahit di niya aminin alam kong nagseselos ito kay andrie.
"Aha, nagseselos ka sa kanya no? Aminin mo nga? Sinadya mo bang pasakayin ako sa kotse mo dahil sabi mo may meeting tayo rush pa? Iyon pala hindi totoo? Dahil ang totoo ayaw mo na sumakay ako sa kotse ni andrie tam?" Nakangising tanong ko dito.
Natawa naman ako sa reaction nya dahil nakanguso ito at nagtatampo.
"Naku nagseselos nga hahah, bakit kasi di mo agad sinabi na ikaw si justine di sana di na kita iniwan sa restaurant non". Sabi ko pa habanh tumatawa.
Nagulat pa ako nang kiniss ako bigla sa lips ko.
37. Nabigla ako nong kiniss nya ako' kaya di agad ako nakakilos nang maayos.
Siya na ang kusang bumitaw sa labi ko nang naramdaman nyang wala akong reaction.
"I'im sorry, namiss lang kasi kita. 4 years kong tiniis na di ka lapitan or mahawakan manlang dahil iyon ang pangako ko sa mama mo. Pero ngayon nahawalan at nayakap na kita Hindi ko hahayaan na hindi maging memorable satin ang gabing 'to". Nakangiting turan ni justine sakin.
"Ikaw naman kasi masyado kang loyal sa mama ko". Sabi ko na lamang.
"Ngayon solong-solo na kita at may basbas ito nang mama at mga kaanak mo na isama kita dito, basta raw ang sabi nila pag-uwi natin ay ikakasal na tayong dalawa"., Kinilig ako sa sinabi nya pero parang may gusto pa siyang ipahiwatig.
38. Kaya pala nagtataka ako sa mga damit ko sa kwarto dahil akin naman pala talaga iyon dahil sadya iyong ipadala ni mama.
Nagplano sila nang di ko alam.
Nakakatampo para kasing pinaglalaruan lang nila ako huhu.
"Btw maliligo lang ako".biglang paalam ni justine nang matapos naming inumin ang alak na nilagay nya sa baso, pero may laman pa naman ang bote, niligpit nya iyon tapos pinapapasok na nya ako sa kwarto ko.
Nabitin pa nga ako sa alak may balak pa naman sana ako maglasing tapos mag dadrama sa kanya dahil don sa pang-iiwan nya noon na walang paalam.
Basta di pa ako nalinawan no.
39. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagwala.
Shet kasi firstime kong mahalikan sa lips gosh!
Oo mag dyowa kami noon pero sa loob nang 5 months na magkasama kami palagi non tanging sa nuo lang nya ako kinikiss no.
Sobra sobra ang pag galang nya sakin dati eeks shet ganito pala pakiramdam.
Ngayon lang nag sink sa utak ko ang halik nya sa lips ko kanina parang gusto ko pa nang isa.
Dahil sa naisip konh halik ni justine sakin ay napapikit tuloy ako wala sa oras habang iniimagine ko siya na kahalikan ako.
40. Habang nakapikit ako ay ninanam-nam ko kunwari ang malambot na labi ni justine.
Pero habanh tumatagal ay parang may naramdaman akong may kong anong dumikit sa labi ko.
Namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa maliit kong kama dito sa cottage.
Dinilat ko ang aking mga mata at doon ko nakita si justine na nasa ibabaw ko habanh kahalikan ako.
Wala na itong damit at basang-basa pa ang buo niyang katawan nang tubig dahil katapos lang nitong maligo, tanging tuwalya lang ang nakabalot sa pang-ibabang katawan nito.