RAID

1479 Words
MAGDA's P O V " Hhmmpp! Tawanan daw ba ako e nanghihingi nga ako sa'yo nang tulong! " pairap kong sambit kay Fatima nang banggitin ko sa kanya ang pino problema ko tungkol sa pag pasok ko sa bar Magka usap kasi kami through video call. Naka paligo na ako pero robe pa rin ang suot ko, hindi ko nga kasi alam kung papasok ba ako o hindi. Dahil sa pag babanta nga ni Brent at baka totohanin. Hindi lamang kaming mga empleyado ang mawawalan ng trabaho pati na rin ang bar mismo ay siguradong mapapa sarado tapos marami pang violations. " Ikaw ang tatanungin ko? Kunwari ka pang nang hihingi ka nang tulong e sarili mo rin ang susundin mo! " pairap din nitong tugon habang naka dapa sa kama at naka harap sa screen ng laptop. " Papasok ka ba o hindi? " Ilang segundo rin akong napa titig sa kanya bago sumagot, " Papasok! Ma- test kung talaga bang pupunta ang team ni Brent sa bar. " bungisngis ko pang saad " See!? Nag hihintay ka pa nang sagot ko, papasok ka rin pala! " natatawang wika pa niya " Ano naman ang magiging advice mo kung sakali? " balik kong tanong sa kanya " Ganoon din! Papasok para nga malaman natin kung tototohanin ni Brent ang banta niya sa'yo! " natatawang tugon niya kaya nakigaya na rin ako " Bestfriends talaga tayo! " hagalpak ang tawang sambit ko " Sus! Tayo pa ba!? Iisa kaya ang likaw ng bituka natin! " wika pa niya " Tama! Tama! Sige, mag bibihis na ako! " paalam ko na sa kanya " Oy! Mamaya na! Aba! Mag kwento ka pa! Iba na 'yan, ha, Magdalena! " panunukso pa niya sabay pigil sa akin Pinaikot ko muna ang mga mata ko bago humugot ng malalim na buntong hininga. " Ewan ko ba sa taong 'yon! Kung nasa ibang lugar nga lang kami naka tikim na siya ng skills ko! " inis pa ring sambit ko, iyon ngang pag b@ril ang aking tinutukoy " Naku! Delikado 'yan! Kung hindi sa mga bisig niya e sa malamig na rehas ka makukulong! " kantyaw pa niya tsaka sinabayan nang malakas na tawa " Ano pa nga ba!? Hindi ko na tuloy alam kung paano ako magtatago sa kanya! Kapag naman lumipat kami ng bahay, siguradong mag tataka si Mama! " naka ngiwing saad ko at halatang problemado talaga ako " Mabuti at hindi nagtanong tungkol sa balikat mo? " usisa pa niya na mahina na lamang ang tawa " Oo nga e! Ang isa pang problema ko iyong motor ko, baka mamukhaan niya!? " saad ko pa " Tsk! Bumili ka na lang ng bago at itago mo muna iyang ginagamit mo ngayon! " payo naman niya " Iyon nga ang balak ko sana kaya lang . . . " " Kaya lang magtatanong at magtataka ang Mama mo!? " dugtong niya sa sasabihin ko sana kaya tumango at napa kamot na lang ako sa kilay sabay ngiwi, " Sus! Sabihin mo nagko- collect ka ng mga motor! Para iyon lang e! " tinaas baba pa niya ang kanyang mga kilay na tila ibig sabihin ay sisiw na sisiw ang problema ko " Sige, pag- isipan ko 'yan! Mag bibihis na talaga ko malapit na akong ma- late! " paalam ko na sabay off ng aming video call tsaka ko isinara ang laptop kahit hindi pa siya sumasagot. Itinabi ko na ang computer sa bedside table tsaka ko nag- ayos ng sarili. Naka patong kasi kanina ang laptop sa vanity table ko kaya inalis ko lamang iyon para makapag- ayos nga. Nag- blower lamang ako ng buhok at lipstick tsaka baby powder ang kolorote sa aking mukha tsaka ako nag bihis. " Papasok na po ako, Ma! " paalam ko sa aking Ina na abala pa rin sa kusina pagka baba ko sa sala. " Aba! Hindi ka ba natatakot sa banta ni Brent kanina!? Ikaw talagang bata ka at papasok ka pa rin sa bar!? " hindi makapaniwalang bulalas na wika ni Mama " Ma naman! Pati ba naman kayo!? Kung makapag- utos naman siya akala mo may karapatan na sa akin! " nagkakanda haba ang ngusong sambit ko naman " Abe! Hindi pa ba kayo mag kasintahan!? " gulat ulit na bulalas na tanong niya " Ma!? Nakita n'yo naman pong dalawang beses pa lang siyang nagpupunta rito! Paano ko ho siya magiging nobyo!? " ako naman ang napa bulalas sa gulat sabay upo sa sofa dahil tila ako mawawalan ng ulirat sa sinambit niya " Akala ko talaga ay may relasyon kayo! Bakit ganoon siya kahigpit kung wala naman pala!? " natatawang wika pa niya na tila noon lamang naisip na mali ang pangingialam ni Brent sa buhay ko kahapon, nasa living area na kami pareho. " Hindi ko nga lang po siya masita kahapon e! Mas mahigpit pa siya kaysa kay Papa! " lukot ang mukhang tugon ko pa " Parang nasisiraan naman pala ng isip ang batang iyon! Kung bakuran ka e parang may karapatan na siya!? " naiiling pa niyang wika, " O baka naman may gusto sa'yo, anak!? " natatawa ulit niyang tanong " Ewan ko ho sa kanya! Ipag palagay na hong may gusto siya sa akin e wala naman po siyang sinasabi o hindi nanliligaw! " wika ko pa Tatawa - tawa lamang si Mama at hindi na malaman kung ano ang isasagot. " Alis na ho ako, late na ko. " paalam ko ulit sabay tayo at halik sa kanyang pisngi " Mag- iingat ka! " bilin pa nito " Oho! Kayo rin po, iyong lock ng mga bintana at pinto. " bilin ko rin sa kanya kahit na wala namang masasamang loob dito sa lugar namin at safe naman ang bawat sulok ng aming bakuran dahil sa pina- install kong electric fence. Ayon nga sa kasabihan ay ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Kaya kailangang sinupin ko kung ano man ang nasasakupan ko kung ayaw kong magaya sa mga nilolooban naming mga bahay ng politiko. " Oo, ako na ang bahala! " tugon naman niya at tuluyan na akong lumabas ng aming bakuran. Malakas naman ang kumpiyansa kong walang mangyayaring masama sa akin habang nag lakad palabas sa highway para mag- abang ng jeep na aking sasakyan patungong bar. Iniisip ko pa nga iyong napag- usapan namin ni Fatima na idahilan ko nga sa aking Ina na motor collector na ako ngayon. Hindi naman problema ang pambili sa akin pero kay Mama ay siguradong magtataka siya. Hanggang sa makarating ako sa bar ay wala pa rin akong maisip na idadahilan sa aking Ina kung saan ako kukuha ng perang pambili nga ng bagong motor. " Tama! Sasabihin kong salary deduction dito sa bar! " napa pitik pa ang mga daliri ko sa ere nang makaisip ng solusyon sa aking problema. Ini- lock ko na ang locker ko pagkalagay ko ng bag at blazer kong suot kanina patungo rito. Pagkatapos ay lumabas na ako para mag- umpisa ng aking trabaho para sa gabing ito. " Sino ang Manager n'yo rito? " dinig naming tanong ng isang bagong dating na matikas na lalaki sa isa sa mga Waitress namin. Hindi pa man nag- iinit ang mga pw3t ng aming mga customer sa kani- kanilang mga silya. Busy naman sila sa mga kausao at inuming nasa kanilang mga table. Kami namang mga staff ay na hinto sa aming mga ginagawa para maki- usyoso kung bakit hinahanap ang aming Boss. " Ako po? Ano po ang maipag lilingkod ko sa kanila? " magalang namang lapit ng aming Boss dahil dinig naman namin ang boses no'ng bagong dating dahil mahina naman ang volume no'ng aming sound system. May kinuha sa bulsa ng pantalon ang lalaking matikas at ipinakita iyon sa aming Manager. " Pulis po ako, may nakapag sumbong kasi sa amin na may iba pa raw kayong sini- serve rito sa bar maliban sa mga inuming nakaka lasing? " diretsong pag- uusisa nito kaya naman malakas kaming napa singhap na mga staff. " Ho!? W- Wala ho, Chief! Kahit po mag- inspect kayo rito! Wala pong ganoon! " naka ngiti ngunit alam kong kinakabahan na ang aming Manager " Okay! " maikling tugon nito sabay lingon sa pinto ng bar at sumenyas Mas na higit ko naman ang aking pag hinga at napa hawak sa counter bar nang matanaw kong kasamang pumapasok ng apat pang mga alagag ng batas si Brent. Mga naka suot na sila ng kani- kanilang nga uniporme kaya naman pati ang aming nga customer ay na alarma rin. Lumapit ang apat na bagong pasok sa kanila at isa- isang tinanong. Bakas naman sa mga kasamahan kong staff ang nerbyos pero hindi pinapa halata. Seryoso lamang kaming naka masid kila Brent at hindi na naka kilos kung saan man kami nakatayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD