VIRGO's P O V
" Ayoko ng ganyang trabaho! Iba na lang ang ibigay mo! " mariing tanggi ko nang banggitin ni Brent na magiging secretary raw ako ng pinsan niyang may negosyo
" Bakit ayaw mo!? Ayaw mo no'n, nakaupo ka lang maghapon at gumagawa ng mga paper works!? " hindi makapaniwalang sagot naman niya
" Iyon na nga e! Maghapon na nakaupo kaya boring na trabaho 'yon! " naka ngiwing tugon ko naman
" Ano!? " napapa kamot sa ulong sambit niya, salubong ang kilay at tila tumanda siya ng ilang taon sa pakikipag- usap sa akin.
Mabuti at kami lang dalawa ang nasa sala namin dahil nag- grocery si Mama ng mga kulang naming stock sa pantry. Kaka- gising ko lang at mabuting tapos na akong kumain ng lunch nang dumating siya. Ngayon lang ulit siya nag pakita sa akin simula kahapon.
" Bakit hindi ba boring sa bar? Serve ka lang nang serve ng nga inuming nakaka lasing! " wika pa nito
" Hindi kaya! Marami ka pang makikita at makikilalang iba't ibang tao! " kontra ko naman sa sinambit niya
" Tsk! Mag- janitress ka na lang para linis ka nang linis. Marami ka ring makikilalang employees doon o kaya Waitress sa mga restaurant! " suhestyon pa niya
" Basta! Hindi ako aalis sa bar, tapos! Salamat na lang sa mga offer mo. " pag mamatigas ko naman at humalukipkip pa ako na naka taas ang aking noo na tila nag mamalaki sa kanya
" Okay! Kapag pumasok ka mamaya sa bar, kasunod mo na ang team ko, ipapa- raid ko talaga 'yon! " pananakot naman niya at tila pasan ang mundo sa pagka salubong ng kanyang kilay sa laki ng problema.
Napa hilot pa siya sa batok pagkatapos sumandig sa sandalan ng sofa sa tapat ko. Pinigilan ko namang matawa dahil tila kami mag- amang nag tatalo at sini- sermunan niya ako.
" H'wag naman! Ikaw na rin ang maysabing marami kaming mawawalan ng trabaho tapos ipapa- raid mo? " pina lungkot ko talaga ang boses at mukha ko para maawa siya
Pero sa totoo lang ay marami talagang umaasa na pamilya sa mga kasamahan doon. Dahil nga malaki magpa sweldo ang may- @ri at katwiran ng iba ay hindi sila makaka kuha ng ganoong kalaking kita kahit sa iba sila mag trabaho.
" Ikaw na lang kasi ang umalis para hindi iyon mapasara! Ke babae mong tao, ganoon pa ang napili mong trabaho!? Halos kita na nga ang buo mong katawan sa suot n'yong uniporme! " pa singhal pa niyang sambit
Natigilan tuloy ako kung ano ba ang karapatan niya na pag bawalan ako? Naisip ko tuloy kung binigyan ko ba siya ng pahintulot na pakialam ang buhay ko? Sa pagkaka tanda ko kasi ay ilang araw pa lang kaming magka kikilala at dalawang beses niya pa lang akong inihahatid dito sa amin kapag umuuwi ako sa duty ko sa bar. At pangalawang beses pa lang din siyang nakaka pasok dito sa loob ng bahay namin. Oo nga at binibigyan niya kami ng pagkain, gaya ngayon na pizza naman ang pasalubong niya. Pero hindi ibig sabihin niyon na pwede na niyang pakialaman ang buhay o trabaho ko? Ni hindi pa nga matatawag na magkaibigan kami dahil ilang beses pa lang naman kaming nagkikita? Oo nga at namasyal na kami sa mall at naglaro sa arcade pero basehan na ba niya iyon para problemahin niya ang uri ng aking trabaho sa bar?
" Ano ang nginingiti mo riyan!? " untag pa niya kaya napa kurap ang mga mata ko at nabalik sa kasalukuyan, malayo na pala ang narating ng aking isipan kaya hindi ko namalayan na nangingiti na pala ako.
Madilim ang kanyang mukha at salubong ang kilay. Mas matapang pa nga siya kung tutuusin sa Papa ko kun pagalitan niya ako.
" H- Hindi naman ako naka ngiti? " tila maamong tupang tugon ko naman dahil nang hawakan ko ang bibig ko ay naka tikom naman.
" Ano!? Isang tanong isang sagot? Papasok ka pa sa bar o hindi na? " tanong pa niya na tila nag titimpi nang galit sa akin
" P- Papasok. " mahinang tugon ko naman
Malakas naman siyang napa buga ng hangin at mahinang napa mura.
" Fine! Kapag nakita kita roon, kasunod mo na ang team namin para i- raid iyong bar! " tiim bagang na pag babanta pa niya kaya napa kamot na lamang ako sa aking kilay
Timping- timpi na rin akong sumbatan siya kung ano nga ba ang karapatan niya na pigilan ako at pagalitan.
" Ano ba 'yang pinag tatalunan n'yong dalawa at nasa gate pa lang ako ay dinig ko na ang bangayan n'yo?! " usisa ni Mama habang papasok sa aming living area kaya naka hinga ako ng maluwag.
Inunahan pa nga ako ni Brent na kuhanin ang mga eco bag na pinamili ni Mama at siya na ang nagdala sa kusina.
" Aba! Feeling close!? Family member yern? " bulong ko naman sa sarili ko dahil sa kanyang ginawa
" Naihanap ko na ho ng trabaho si Virgo sa kumpanya ng pinsan ko, ayaw naman po niya. " tila batang nag susumbong pa siya kay Mama
" Oh, bakit ayaw mo, anak? Pwede ka nang umalis sa bar! " baling naman ni Mama sa akin habang nasa pagitan siya ng kusina at sala, ako ay nasa sala pa samantalang ang aming bisita ay nasa kusina pa
" Ayaw po niya at boring na trabaho raw po ang pagiging secretary. " sumbong pa niya, inunahan pa akong mag salita kaya naitikom ko ulit ang bibig ko
" Anong boring- boring ang sinasabi mo riyang, bata ka!? Ano ang gusto mong trabaho?! Iyong b@ril@n para exciting!? " galit namang saad ni Mama at hindi ko lang masabi, oo, iyon nga ang gusto ko.
Ngunit, hindi ko naman iyon naisatinig dahil siguradong katakot- takot na sabunan ang mangyayari sa akin na walang banlawan.
Natameme na lamang ako dahil nagka dalawa pa silang nag sesermon sa akin. Sigurado namang hindi ako mananalo sa kanila. Ang ginawa ko ay pinaparaan ko na lamang sa isang tainga ko tsaka papalabasin sa kabila. In short ay hindi ko na lamang iniintindi.
" Ano!? Sabihin ko sa pinsan kong mag- start ka na bukas? " untag pang wika ni Brent pagka balik niya sa sala, abala na si Mama sa kusina pagkatapos akong sermunan
" No! " mariin at maigsing tugon ko
" Okay! Basta kasunod mo kami ng team ko mamaya sa bar, h'wag mo kong subukan, Magdalena Virgo! " nag ngangalit ang pangang saad din niya at nag sukatan pa kami nang tingin
Ilang segundo ring magka hugpong ang aming mga matang nanlilisik. Walang balak mag patalo sa isa't isa. Parehong palaban.
Kung wala lamang kami rito sa bahay namin at hindi siya alagad ng batas ay baka kanina pa siya naka bulagta sa semento dahil nabaril ko na siya. Dahil sa pangingialam niya sa buhay ko, ang Papa ko nga ay hindi ako magawang utusang dalawin sila sa ospital tapos siyang wala pang ambag sa buhay ko ay mangingialam na lang na basta- basta!?