VIRGO's P O V
Hindi ko namalayan na wala na si Brent sa pwesto niya dahil sunod- sunod ang pasok ng mga customer sa bar. Kaya naging abala kami sa pagse- serve sa mga ito. Kaya pala hindi na siya nag- order ulit dahil lumabas na.
Pinag kibit balikat ko na lang iyong pag- uwi niyang hindi man lang nagpa- alam sa akin. Pagod at antok na ako para isipin pa siya pagkatapos ng duty ko.
Kaya naman nagulat ako nang huminto sa tapat ko ang kotse niya habang nag- aabang ako ng masasakyan kong jeep pauwi sa bahay.
" Sakay na. " saad niya pero naka kunot ang noo at tila nag ngangalit ang kanyang panga.
Kung hindi nga lamang ako pagod at gusto ko nang ihiga ang pagal kong katawan ay hindi ako sasakay. Kaya naman walang kibo na umupo na ako sa tabi niya tsaka tahimik naming binaybay ang daan pauwi sa aming tahan. Suot ko na ulit ang blazer kaya hindi na kita ang ibabaw ng dibdib ko at aking mga balikat. Subalit, halos kita na ang aking mga hita dahil nga maigsi ang skirt na suot ko. Pero may cycling short pa rin naman akong suot sa loob niyon kaya kahit tumuwad ako ay hindi nila makikita ang perlas ng silanganan ko.
" Thank you. " kiming saad ko nang ihinto niya sa tapat ng bahay namin ang kotseng minamaneho niya tsaka ko bumaba
" Ihahanap kita ng ibang trabaho, umalis ka na riyan sa bar kung ayaw mong ipa sarado ko 'yon! " mariing niyang wika nang bubuksan ko na ang gate ng aming bakuran, lumingon ako sa kanya ngunit pinasibad na niya nang mabilis ang sasakyan kaya nabitin na sa ere ang sasabihin ko sana sa kanya.
" Siraulo! " naiiling na natatawa na lamang akong pumasok sa aming bahay at dumiretso sa aking silid
Nag hilamos at ang sepilyo lamang ako tsaka nag palit ng damit na pantulog tsaka ako humiga na. Pumikit at hindi na inisip ang sinambit ni Brent kaya ilang sandali lamang ay naka tulog na ko.
Alam kong tanghali nang magising ako dahil tirik na tirik na ang haring araw sa labas ng aking bintana. Nakalimutan ko palang ikabit ang mga nilabhan ko kahapon kaya silaw na silaw ang mga mata ko.
Nag- inat muna ako ng mga brasonat hita tsaka tumihaya sa kama at nakipag titigan sa kisame. Iniisip ko kasi kung ano ang susunod kong gagawin ngayon araw. Wala pa rin dahil sa isang araw pa namin papasyalan ang bago naming 'opisina'. Hanggang sa sumagi sa isipan ko ang tila pag babanta ni Brent sa akin kaninang madaling araw tsaka sa bar na pinagta trabahuhan ko.
Hanggang sa bumaba na ako ng kama at ligpitin ang mga unan at kumot ay naiiling pa rin sa pagkaka- alala ko sa sinambit nga ni Brent. Bahala nga siya, akala mo kung sino kung makapag- utos.
" Hindi ko naman siya kapatid? Mas lalong hindi kamag- anak!? Para kailan lang kami nagka kilala, akala mo may karapatan na siya sa akin kung mag salita e para ulam na Igado at isang kaing na mga prutas pa lang ang binibigay niyang pagkain sa amin?! " bubulong- bulong ko pang kausap sa sarili ko
Nag hilamos lamang ako at nag sepilyo bago lumabas ng silid, hindi na muna nagpalit ng pambahay na damit dahil balak kong mahiga lamang mag hapon.
" Ma, kumain ka na? " masuyong tanong ko sa aking Ina na abala sa panood ng palabas sa telebisyon habang nag gagantsilyo sa aming sala.
" Oo! Kumain ka na, dumaan nga pala kanina si Brent may dalang kakanin. H'wag na raw kitang gisingin dahil dinaan lamang niya iyan ngang pagkaing malagkit. " tugon ni Mama
" W- Wala hong sinabing kung ano? " malakas ang kabang tanong ko pa
" Wala naman! Ano ba ang usapan n'yong dalawa? " tugon niya at binalik sa akin ang pag tatanong
" Ewan ko ho sa kanya! Ihahanap daw ho niya ako ng ibang trabaho para hindi na ako pumasok sa bar. " kibit balikat ko pang wika sabay gawi sa kusina para kumain.
Binuklat ko ang food cover na nasa dining table at nakita ko nga roon ang suman at tamalis na nasa pinggan na. Mga pabarito ko kaya nag laway ako dahil matagal na akong hindi nakakakain ng mga iyon. Kaya naman nag- init ako ng tubig sa coffee maker dahil masarap iyong kakanin sa kapeng barako.
" Kahit naman ako ilang beses ko nang sinabi sa'yong ayaw ko riyan sa trabaho mo sa bar! Makulit ka lang talagang bata ka! " sermon naman niya nang maupo ako sa sahig ng sala at inilapag ko sa center table ang bitbit kong tasa na may umuusok na kape tsaka pinggan na may sumang malagkit at tamalis.
" Ano naman po kasi ang masama sa pagiging Waitress ko? Tsaka ano naman nga ho ang magiging trabaho ko e hindi ko natapos ang pag- aaral ko sa kolehiyo!? " patanong kong tugon sa kanya
" Para isang sem na lang naman ang kulang mo at graduate ka na! Ayaw mo lang maghanap ng ibang trabaho na babagay sa pinag- aralan mo! Kuntento ka na riyan sa pagiging Waitress, kung iba siguro ang pinasok mo ay baka hindi mo kailangang mag dalawang trabaho pa! " mahabang litanya pa niya na sinabayan ko naman nang pag higop sa mainit na kape at pagkain ng kakanin.
Wala naman kasi akong balak noon na pumasok na Waitress, nag- apply lamang ako noon dahil madalas pumunta roon ang isang politiko na target naming gawan ng masama. Kaya para masubaybayan ito ay nag- apply ako na sakto namang hiring ang bar. Nagustuhan ko naman at para mapag takpan din ang pagiging myembro ko ng grupo ng sindikato sa aking Ina ay itinuloy ko na ang pagta trabaho roon. Kahit sobra- sobra pa ang nagiging pera ko sa pagnanakaw sa mga politiko ay hindi ko maiwanan ang bar. Mababait naman ang mga kasamahan ko ay magaan ang trabaho, puyat nga lamang ang kalaban ko.
" O kaya lumapit ka sa ama mo para ihanap ka ng trabaho sa kumpanya nila. " suhestyon pa niya at muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape
" Nah! Over my dead body! Kahit mag dildil po tayo ng asin ay hinding- hindi ako lalapit sa kanya! " naiinis ko namang wika
Hindi naman na siya naka sagot, matagal naman na niyang alam ang bagay na 'yon. Na ungkat lang ulit nang banggitin ko nga ang sinabi ni Brent kaninang madaling araw.
Wala nang kumibo sa amin kaya no'ng naubos ko ang kinakain ko ay tumayo na ako para hugasin ang aking pinag kainan sa lababo.
" Bakit kaya nasambit ni Brent iyon? Baka may nakita siyang hindi maganda sa bar? " usisa pa ni Mama nang makabalik ako ng upo sa tabi niya sa sofa at binusisi isa- isa ang natapos na niyang gina gantsilyong bag at bonnet.
" Akala ho kasi niya ay nakiki- table ako sa mga customer at lumalabas kasama ng mga iyon. " pabulong kong wika
" Ano!? At may ganoon bang gawain sa bar na iyon!? E, akala ko naman ay simpleng inuman lang ang mayroon doon!? May iba pa pala! Kaya siguro ihahanap ka niya ng ibang trabaho! " bulalas na wika pa niya at nanlaki ang mga mata na napa lingon sa akin kaya na hinto ang ginagawa niyang pag gantsilyo
" Akala nga lang po niya, ipinaliwanag ko naman pong walang ganoon doon! " palusot ko dahil nadulas na ako
" Naku! Sinasabi ko sa'yo Magdalena Virgo! Umalis- alis ka riyan sa trabaho mo! Ikaw na rin ang maysabing kahit mag dildil tayo ng asin! Basta taas noo ka dahil wala kang inaapakang tao at malinis ang trabaho mo! " nang gagalaiting sermon pa niya kaya napa kamot na lamang ako sa aking ulo
Sumagi nga sa isipan kong paano pa kaya kung iyong ilegal na trabaho ko ang malaman niya? Siguradong aatakihin siya sa puso o baka itakwil na niya akong anak.
Kaya naman minumura ko tuloy si Brent sa isipan ko. Kung hindi kasi siya dumating sa buhay ko ay hindi kami magkaka gulo ng ganito ni Mama. At tahimik din sana ang aking kalooban at hindi laging nakakaramdam ng nerbyos. O dahil sa masamang gawain nga kasi ang trabaho ko kaya ko iyon nararamdaman?
Kung legal siguro ang aking hanapbuhay ay hindi ako laging kakabahan na kulang na lamang ay mahulog ang puso ko o mabingi ako sa sobrang lakas nang t***k niyon? Hindi na rin ako mag- iisip ng kung ano- ano. Kaya wala talagang magandang idudulot ang masamang gawain, mayroon pang karam na nag hihintay sa'yo.