THIRD PERSON's P O V
Sa arcade ng mall sila naglaro, hindi naman nag- shopping bagkus ay kumain lamang nang mapagod at umuwi na.
" Nakakahiya kanina, tayo lang ang pinag titinginan ng mga tai. " bungisngis na saad ni Virgo sa binatang pulis
" Ano naman!? Inggit lang sila kasi hindi tayo KJ kagaya nila! " tugon naman nito na bakas rin sa pangahang mukha ang kasiyahan
Nag mistula kasi silang mga bata habang nag lalaro. Sandaling nakalimutan ang mga problema, kung sino sila, kung nasaan at higit sa lahat ay edad. Sila lamang kasi ang matandang naglaro roon. Karamihan ay mga bata pa na sinamahan lamang ng kani- kanilang mga magulang.
" Mukhang masaya kayo, ha!? Saan ba kayo nagpunta at malalaki pareho ang mga ngiti n'yo? " bati ni Ginang Jacklyn sa kanila nang makapasok sila sa sala ng bahay, inabutan nilang busy sa panunood ng palabas sa telebisyon ang Mama ni Virgo
" Para lang po kaming bata na naglaro sa arcade. " nagka kamot sa kilay na tugon niya sa Ina, " Ilagay ko lang po sa plato itong meryenda natin. " paalam pa niya at pinaupo na si Brent sa sofa malapit sa Ginang
Gumawi naman siya sa kusina para isalin nga sa plato ang binili nilang snacks na lasagna at nachos ng binatang pulis. Inilagay niya sa tray pagkatapos maisalin tsaka nagpatong na rin siya ng isang pitcher ng malamig na tubig. At bumalik sa sala.
Napag desisyunan kasi nilang mag- take out na lang ng meryenda nga para makasama nila ang kaniyang Mama sa pagkain.
" Maganda naman at paminsan ay lumalabas ka para mag- enjoy. Hindi iyong puro trabago ka na lang. Kung tinatanggap mo ba naman kasi ang sustento ng Papa mo at sana makatapos ka nang pag- aaral mo. " saad pa ni Ginang Jacklyn na may kasamang sermon
Hindi na lamang kumibo si Virgo at nag- umpisa nang sumub0 ng meryenda nila. Tahimik lang din namang kumain si Brent.
" Maya- maya pala ay papasok ka na sa bar? Tapos na ang bakasyon mo pero nagkulong ka lang naman dito sa bahay. " pahayag pa ni Ginang Jacklyn
" Opo! Magbibihis na ho ako mamaya pagkaubos nitong kinakain ko. Nakasama ko naman po kayo ng ilang araw, okay na po iyon. Mag- request na lang po ulit ako ng leave sa Manager namin. " turan niya sabay inom ng tubig
" Bukas ba ay babalik ka na rin sa pang- umaga mong trabaho? " tanong pa nito kaya nahagip ng gilid ng kanyang mga mata ang pag lingon ni Brent sa gawi niya.
Hindi lamang siguro nito matanong na may isa pa pala siyang trabaho bukod sa pagiging Waitress sa bar dahil abala pa sa pag- uusap ang mag- ina.
" Hindi pa ho, baka sa isang araw pa. Para raw po ma kumpleto ang isang payroll no'ng pumalit sa akin. " palusot naman niya at hindin inintindi ang tingin na nagtatanong ng binatang pulis
" Mabuti naman! " tatango- tangong tugon ng kaniyang Ina
" Ehem! " pag- aalis ng bara sa lalamunan ni Brent para mapukaw na rin ang pansin nilang mag- ina kaya napa lingon sila sa kanilang bisita. " M- May iba ka pa palang trabaho sa umaga? " kunot ang noong tanong nga nito
" Oo! Hindi naman kasi kumakasya ang kakarampot kong sweldo sa pagwe- waitress sa amin ni Mama. " kiming tugon ko naman
" Ano naman ang trabaho mo? Hindi ba puyat ka tapos may trabaho ka ulit sa araw? " tila may pag- aalalang usisa pa ni Brent
Lihim namang napa lunok ng laway si Virgo. Pero alam na niya ang isasagot sa binata dahil napag- isipan na niya ito.
" Messenger sa isang delivery services. Iyong mga urgent na paper works o perishable goods ang dinadala ko. Kapag na deliver ko naman ay tapos na ang trabaho ko kaya pwede na akong umuwi para matulog. " paliwanag pa niya ngunit hindi siya maka tingin ng diretso sa mga mata ng binata bagkus ay inabala niya ang paningin sa platong nasa harapan niya
" Mga ilang oras iyon? " tanong ulit nito na tila hindi pa kumbinsido sa sinagot niya kanina
" Hmm, mga apat o limang oras. " kibit balikat na tugon niya sabay inom ng tubig at tayo
" Mag bibihis na ako para hindi ako ma- late sa bar. " paalam na niya at hindi na hinintay ang tugon ng mga kaharap at umakyat na siya sa apat na steps ng kanilang hagdan para pumasok sa kanyang silid
" Hhooohhh! Kailan kaya mawawala ang nerbyos ko sa'yo, Brent kapag nandiyan ka lang sa tabi ko!? " buga niya ng hangin pagka pasok nga ng silid.
Hindi naman malaman kung para saan ang kabang kanyang nararamdaman. Nerbyos na baka isang araw ay magulat na lamang siyang naka posas na siya o kaba ng dahil sa kilig?
Hindi naman nag tagal ay lumabas na siya habang suot na ang skirt na hanggang gitna lamang ng kanyang hita ang dulo. May blazer siyang suot kaya hindi kita ang tube blouse na pang- itaas niyang kasuotan. Shoulder bag ang binitnit niya para sa ibang gamit pang- make up, sa bar na kasi siya nag- aayos ng sarili. Doll shoes naman ang suot niyang pang paa dahil sa haba ng orad ng kanilabg trabaho ay hindi niya kaya naka- heels. Pero ang iba niyang kasamahan na waitress ay ganoon ang mga suot, siya kasi ay hindi na rin kailangan dahil may angkin na siyang taas na minana sa ama.
" Hatid na kita. " prisinta ni Brent nang marinig na nagpapa alam siya sa kaniyang Ina
" Huh!? Hindi ka muna ba uuwi sa apartment mo? Hindi naman sa itinataboy na kita pero, 'di ba ilang araw rin na wala ka roon? " saad naman ng dalaga mahinang natawa lang ang binata
" Umuwi na ako roon kanina, idinaan ko nga ang ilang uwi kong mga pagkain at prutas bago ako tumungo rito. "
" O- Okay! Bahala ka! " tugon na lamang ni Virgo, " Pasok na po ako, Ma! " paalam ulit niya sa Ina tsaka humalik pa sa pisngi bago lumabas sa pinto
" Mag- iingat kayo. " bilin pa nito, hindi na sumagot ang dalawang naka labas na ng kabahayahan.
Walang nag sasalita sa kanilang dalawa na tinahak ang patungo sa bar.
" Thank you, ha? Masyado na kitang na abala. " kiming pasasalamat naman ni Virgo nang makarating sila sa harapan ng bar, inihinto lamang ni Brent ang sasakyan para makababa siya
" Wala iyon! " seryosong tugon naman nito kaya tumango na lang ang dalaga at bumaba na tsaka dire- diretsong pumasok sa bar.
Dumiretso na rin siya sa locker room nilang staff para mag palit ng damit. Dahil ilang minuto na lamang ay umpisa na ng oras ng kanilang trabaho.
" Magda, beer daw sa table number five! " mahinang utos ng isang waiter nila na galing sa table number four
" Okay, salamat! " mabilis ko namang tugon tsaka kumuha na nang order ng kanilang customer para dalhin sa table nito
Kapag matagal ka na kasing customer dito ay pwede kang mag- request kung sino ang magse- serve sa'yo ng order mo.
" Order n'yo ho, sir. " kiming saad niya at inilapag sa lamesa ang bote ng alak at basong may yelo nang makalapit sa customer na may kadiliman ang pwesto dahil nasa sulok na ng bar
" Bakit aalis ka na, hindi ba kita pwedeng i- table? " dinig niyang anas ng customer nang akmang babalik na siya sa counter
" B- Brent!? I- Ikaw pala 'yan! A- Akala ko umuwi ka na!? Bakit dito ka kasi sa madilim pumwesto? " malakas na naman ang kabog ng dibdib na saad niya sa binata
" So, magkano nga ang rate mo kapag naka- table ka o ilabas ka? " ulit nitong tanong at hindi pinansin ang mga sinabi niya kanina, tila may riin din ang bawat katagang kanyang binitiwan.
Huminga muna siya ng malalim bago nag salita.
" Sorry, sir, hindi po ako nakikipag- table at mas lalong hindi ako lumalabas kasama ng mga customer dito. Kahit kanino pa ho kayo magtanong dito sa bar ay totoo ang sinasabi ko, iyong ibang kasamahan ko rito, oo, lunlmalabas sila kasama ng ibang customers namin pero hindi ako. Excuse me ho, may gagawin pa ko sa kusina, tawag na lang ho kayo kapag may iba pa kayong order. " malalaki nag hakbang na lumayo na nga siya sa binatang nagpa gulo ng kaniyang isipan at nagpapa ramdam ng kakaibang kaba sa kanyang kaibuturan.
Naubos tuloy niya ang isang baso na malamig na tubig pagkabalik sa kusina. Dahil sa nerbyos, hindi naman siya nababahala kung maniniwala ba ang binata sa kanyang sinambit kanina o hindi. Mainam nga iyong lumayo na ang binata sa kanya para hindi na siya nag- aalala da kaligtasan ng kanilang grupo. Pero bakit tila nalungkot din siya sa kaalamang baka iwasan na nga siya ng binatang pulis dahil sa nalaman nito ang isa pang lihim ng kanyang pagkatao.
Paano pa kaya kapag iyong ilegal na gawain pa niya ang malaman nito? Baka nga sa malamig na rehas ang kabagsakan niya kapag hindi pa siya lumayo kay Brent? Pero waring umaasa pa rin siyang maniniwala ito sa kanyang inamin at hindi ito magbabago sa kanya kahit nasa bingit ng kamatayan ang buhay niya at ng grupong kanyang kinabibilangan.