PUSONG BATO

1373 Words
MAGDA's P O V " Halos mabilang ko na kung ilan ang butiki rito sa bahay namin! Nakakainip din pala ang walang ginagawa! Nabaligtad ko na nga ang bahay namin sa paglilinis! " pabirong himutok ko sa aking mga kasamahan habang magkaka usap ulit kami through videocall. " Pag papalit na lang ng pintura ng bahay namin ang hindi ko na lang nagagawa! " Tatawa- tawang naman sila sa hinaing ko. " Ako nga iniba ko pa garden ni Mommy, nagalit nga sa akin pero wala naman siyang nagawa dahil gumanda naman! Naging plantita tuloy ako ng wala sa oras! " wika naman ni Fatima, " Pero ang sarap pala sa feeling kapag alam mong pinag hirapan mo 'yon tapos makikita mong namumulaklka na! " dugtong pa niyang saad " Sabi naman sa akin may sakit daw ba ako at matagal akong na pirmi rito sa bahay. " naiiling na pahayag naman ni Melchor " Naiinis naman ako sa ingay ng mga pamangkin ko, kung hindi lang dahil kay Mama matagal ba ako umalis dito sa bahay namin! " himutok naman ni Jose Na kahit kalalaking tao ay Mama's boy, hindi naman iyong sunud- sunuran sa sasabihin ng Ina bagkus ay sobrang pag mamahal sa Mama niya. " Ay, sa amin naman sulit na sulit ang bakasyon natin! Literal na ihi lang ang pahinga! " sambit naman ni Ernesto kaya siniko siya ni Luisa na magkatabing nakaharap sa monitor ng computer, namula pa nga ang magkabilang pisngi nito. " Yuck! " " Respeto naman sa mga single! " " Eewwww! " Kanya- kanya naman naming komento sa kanilang dalawa na nauwi sa tawanan. " Hindi na ba ulit dumalaw riyan si Brent sa bahay n'yo, Magda? " seryosong tanong ni Bossing ng humupa ang aming kasiyahan " Hindi pa ulit. " kibit balikat ko namang tugon " Baka may operasyon sila sa ibang lugar. Kumusta naman sa bar na pinagta trabahuhan mo? " saad pa niya " Okaya naman! Hindi naman niya pina- raid. " nangingiwing tugon ko naman kaya mahina silang natawa " Kasi nga roon ka pumapasok! Aayyiii! Mawawalan ka nga naman ng trabaho. Baka naman kapag nalaman ang isa mo pang work ay patuwarin ka na lang niya este patawarin pala! " pabirong wika naman ni Fatima kaya nakakuha siya nang irap sa akin. " Aayyiii! " Natawa naman ang aming mga kasamahan na may halong panunukso " Oo nga pala! Baka hindi ka no'n ikulong sa malamig na rehas kapag nahuli ka! Kung hindi ay sa kanyang matipunong mga bisig! " saad naman ni Luisa " Aahh! Ang sweet naman! " " Tama! Tama! " " Naks! Iba talaga ang kamandag ng isang Magda! Nababali ang sinumpaang tungkulin ng isang Brent Aguilar, alang- alang sa'yo! " pahayag naman ni Rudy na madalang maki- join sa usapan namin " Iba talaga ang nagagawa ng pag- ibig! " Puro irap lang naman ang isinasagot ko sa mga panunukso nila. " Aayyyiii! Nagpapa- flush siya este blush! Dalaga na! Mabaho na ang utot! " pabirong turan pa ni Melchor kaya malakas na nag tawanan ang mga kasamahan namin. Kung nakaka matay lamang ang tingin ko sa kanya ay kanina pa sana siya bumulagta sa kanyang kinauupuan. Hindi naman kasi si Brent ang bisita namin no'ng isang araw. Family Driver ni Papa at pinapasabi na gusto kaming makita ni Mama dahil nasa ospital ito ngayon. Subalit, hindi pumayag si Mama kaya umalis din ang Driver ng aking Ama na hindi kami kasama. Iginalang ko naman ang kanyang pasya, kung sa aking din naman ay hindi ako papayag na dalawin namin siya. Para saan pa? Iyon na lang bago niyang pamilya ang mag- alaga sa kanya. Nakalimutan ko na ngang mayroon pala akong Ama. Ilang taon na rin kasing kami lamang ni Mama ang namumuhay na dalawa. Kung hindi pa pumunta ang Driver niya ay hindi ko maaalala na may tatay pa pala ako. Close nga kami noon na mag- ama, idoli ko siya at mataas ang tingin ko dah mahal na mahla niya kamin ni Mama at wala siyang bisyo. Pero naiba iyon at gumuho ang mataas kong pag hanga sa kanya nang aminin niyang may nabuntis siya at ang masaklap ay iyon pa ang sinamahan niya imbis na kaming mag- ina. Kaya hindi rin mawala noon ang labis kong pag- iisip kung may nagawa ba akong mali para iwanan ako ng sarili kong ama? Mayroon ba siyang hindi nagustuhan sa mga kilos o galaw ko? Dean's lister pa nga ko noon sa kolehiyo, nabayaan ko lang talaga ang pag- aaral ko nang sumama siya sa kanyang kab3t. Dahil buong akala ko ay hindi siya proud sa akin dahil babae ako at nakalimutan kong may nanay pa pala akong mas higit pa sa inaakala ko ang kayang ibigay at isakripisyo dahil sa akin. Isa rin iyon sa dahilan kaya hindi na ako naniniwala sa salitang pag mamahal o pag- ibig. Kaya malaki talaga ang papel ng pamilya sa lipunan. Kung nag mamahalan lang siguro at may unawaan ang bawat isang miyembro sa pamilya ay walang magiging sakit ng lipunan gaya ng kidnaper, magnanakaw at lulong sa ipinag babawal na gamot. Baka maunlad na ang Pilipinas lalo na kapag walang mga kurap na opisyal na nasa gobyerno. " Uy! Magdalena! Saan ka na nakarating!? " " Baka ini- imagine na sila ni Brent nagta takbuhan sa may dalampasigan! " Napa kurap ako nang marinig ko ang malakas nilang tawanan kaya naman nabalik ako sa kasalukuyan. Ang layo na pala ng narating ng aking isipan. " M- May naalala lang akong bilin ni Mama na gagawin ko pa nga pala! Sorry, nawala ako sa topic natin, ano na nga iyon? " hinging paumanhin ko sa kanila at hindi na pinansin ang panunukso dahil kasalanan ko naman. " Sa isang araw puntahan natin ang bagong opisina para makapag- start na rin tayo sa task n'yo Aba! Baka kalawangin ang mga skills n'yo kapag matagal na hindi na- practice! " ulit na paliwanag ni Bossing " Sige, Bossing, no problem! " mabilis ko namang tugon At nilinaw na nga kung kailan namin pupuntahan ang bagong 'opisina' at doon pag paplanuhan ang bago naming task. Hindi nga nagtagal ay tinapos na namin ang video call. " Virgo! Nandito si Brent, hinahanap ka! " mahinang sigaw ni Mama na may kasamang katok sa pinto ng aking silid kaya naman biglang na hinto ang balak ko sanang pag higa sa kama. Nahigit ko rin ang aking pag hinga at biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon ko. " N- Nand'yan na po, lalabas na! " tugon ko nang ulitin niya ang sigaw tsaka ako bumaba sa kama at tinungo ang aking vanity table. Hindi ko kasi alam kung ano ang aking itsura dahil nga sa ilang araw na akong nag kukulong lamang dito sa aking silid. Lumalabas lamang ako kapag kakain o kaya ay makikipag kwentuhan kay Mama. Panay buga ko tuloy ng hangin dahil tila may mga kabayong nag hahabulan sa aking dibdib sa lakas ng kabog niyon. Ang mas ipinag taka ko ay umaga ngayon at dapat ay nasa prisinto siya? Natigilan naman ako sa pag susuklay ng may maalala na naman. At nakipag titigan sa repleksyon ko sa salamin. Tila na- excite ka Magda sa kanyang oag dating? Paano kung may dala na pala siyang posas at huhulihin ka? Pa bagsak kong ibinaba ang suklay tsaka sabunot ang mga buhok na tinungo ko na ang pinto ng aking silid. Baka kasi bumalik pa si Mama at kalampagin na ang pinto ko. " Aahhh! Brent! Bakit pa kasi kita nakilala!? " bulong ko pa sa sarili ko habang pababasa sa apat na steps ng aming hagdan. Napatulala naman sila Mama at Brent pagka kita sa akin. Noon ko lamang naalalang sabunot ko pa nga pala ang buhok ko. Kaya naman agad ko iyong inayos at panay bulong ko ng sermon sa sarili ko. Dahil tila ako nasisiraan na ng bait sa aking mga kinikilos kapag nasa malapit ang binatang alagad ng batas. " Babawasan ko na nga ang inom ng kape ng hindi ako ninenerbyos lagi. " bulong ko pa tsaka ako pilit na ngumiti nang makalapit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD