Wrath
Nagsimula na ang event at nauna ang mga grade 10 completers sa harap bago kaming mga Graduating, nasa tabi ko si ma'am Gia.
I'm happy that ma'am Gia is here today because maybe if she's not here for sure I'm alone in this line.
Nakita ko sa mga mata ng mga kaklase ko even in grade 10 completers that they are happy but why I feel empty right now? I'm not happy like them but I'm not sad I just feel empty.
Naglakad na kami papunta sa stage at pagkatapos ay umupo sa upuan na hinanda nila para sa graduating at ang completers naman ay nasa kabilang side, ang mga parents ay iba din ang upuan pero wala si ma'am Gia dun dahil nasa Stage siya umupo kasi dun naman dapat talaga ang mga teacher, sinamahan lang niya ako kanina sa line at for sure tatayo rin siya pag tinawag na ako para award gaya ng sinabi niya saakin.
Umupo na ako at nakinig sa message ng principal namin
"Your success has started on the very first day in your life. The whole time you stand up despite the challenges that come into your life is part of your achievement today. My dear graduates and completers you chart your own future. Aim High and continue the path of what you started.
To the Graduates, the diploma that you are receiving today will be your award of being a strong and independent student here in our School. This is a huge step toward your future and we cannot wait to see you in the top.
Completers, You are moving to the life you wish before, continue your fight until you become what you desired in your life.
Parents, Congratulations your children are now moving, this is your achievement as parents and your hardwork.
May God shower you more blessings and help you to find a way to your success. Graduates and Completers once again Congratulations."
pumapalpak ang lahat tao ng matapos si ma'am sa message kaya nag awarding na at magbigay na ng diploma kaya tinawag na kami isa isa. Nang tinawag na ang pangalan ko tumayo si ma'am sa stage kaya tumayo na rin ako.
'Ang sarap siguro sa feeling ma kung ikaw yung nandito' sabi ko sa isip ko habang naglalakad sa harap 'Ma may nakukuha akong award ngayon pero hindi ako masaya, mas masaya siguro kung yung award mo ang matatanggap ko, tatanggapin mo lang ako bilang anak mo walang makapantay ang saya ko sa award na nakuha ko ngayon'
Tumayo ako sa harap at pumunta si ma'am palapit saakin habang hawak ang nga medal at diploma ko.
"Congratulations Hayazenth" Nakangiting sabi ma'am kaya ngumiti ako sakanya
"Thank you ma'am" Nakangiting pasalamat ko sakanya "Salamat ma'am kasi nandito ka ngayon" Nakangiting sabi ko pero sa loob ko ang sakit isipin na wala na talagang pag-asang magbago ang tingin ni mama saakin kahit anong achievement na nakuha ko sa buhay
Bumalik ako sa upuan at naghintay na matapos ang awarding at tinatawag na aming top 1 para sa speech niya bilang top sa klase namin.
Pinasalamatan muna niya ang kanyang magulang at ang mga faculty staff at lahat ng tumulong sakanya kung bakit nandiyan siya sa harap namin ngayon.
"Sometimes, life is unfair to us, nakakaranas tayo sa sakit, nakakaranas tayo ng inggit sa iba and we question ourselves 'Bakit sila meron ako wala?' It's normal na mapagod tayo, it's okay to cry but it's not okay if you give up, maybe sa ngayon nakakaranas ka ng sakit but someday makamit mo ang pangarap mo para sa sarili at para sa inyong pamily.
Me as a graduating student may nadadaanan pa akong obstacle before ako makatayo sa harap niyo ngayon but hindi lang ako I know all students here may kinaharap bago makapunta sa importanteng event na ito pero lumaban kami, lumaban tayo kaya tayo nandito ngayon para ipakita sakanila na lumaban tayo at lalaban pa tayo sa susunod hanggang makamit ang ating pangarap.
Every challenge we face everyday has a different purpose and if you don't know what's the purpose, face that challenge then find the purpose, hindi mo malalaman ang purpose kung nasa kinatatayuan ka lang ngayon tumayo at hindi kumilos dahil pagod na, It's okay to rest but continue your dreams don't give up, if naghihintay ka lang na may mangyayari sayong maganda, hindi mangyayari ang gusto mong mangyayari if hindi ka gumawa ng daan para mangyayari ang mga iyon"
Tama siya 'life is unfair' pero ang pinagkakaiba ay mas unfair ang buhay saakin, ang buhay na binigay ng tadhana saakin.
Maybe I need to accept my fate? because until now hindi ko parin matatanggap na ganyan makikitungo si mama saakin, umasa parin akong mababago ang pananaw niya saakin at umaasa akong mahalin niya ako bilang anak niya. But maybe my mother hate me forever.
Natapos ang ceremony at umuwi na din ang mga studyante kasama ang kanilang pamilya, ako naman ay nandito sa labas ng faculty naghihintay kay ma'am lumabas, kasi yun sabi niya kanina ng pumasok siya.
Lumabas si ma'am at may inabot na pera
"Para saan ito ma'am?" tanong ko habang nagdalawang isip kong tatanggapin ito
"Ipamasahe mo yan pauwi" sabi ni ma'am at nilagay niya sa kamay ko kaya umiling ako
"Naku ma'am maglalakad nalang ako 3 o'clock pa naman" Nahihiyang sabi ko kay ma'am habang inaabot ang pera pero hindi niya ito tinanggap
"Sayo na yan, umuwi kana baka hinanap ka na ng pamilya mo, may handaan ba sainyo?" tanong ni ma'am
"Wala ma'am wala kaming pera para diyan" nakangiting sabi ko 'wala din silang pake sa importanteng araw ko ngayon' Tumango si ma'am saakin "Salamat talaga dito ma'am sa binigay mo at salamat din kanina sa pagsama saakin akala ko wala talagang tatayo na magulang saakin pero nandiyan ka kanina ma'am kaya nagpapasalamat talaga ako sayo. Noon mo pa ako tinulungan ma'am at hanggang sa huling araw ko dito nandiyan ka parin kaya salamat ma'am, hindi ko alam kung paano kita mababayaran sa naitulong mo saakin ma'am" mahabang sabi ko ma'am kaya ngumiti siya saakin
"Hayazenth balikan mo ako dito pag nakapagtapos kana sa pag-aaral mo at ipakita mo saakin ang diploma mo maging masaya ako para sayo" nakangiting sabi ni ma'am pero hindi na ako sumagot sakanya ngumiti lang ako dahil hindi ko alam kung makapag-aral pa ba ako ng college.
Nagpaalam na ako kay ma'am at nagpasalamat ulit sa binigay niyang pamasahe, kaya pumunta ako sa sakayan ng jeep, maswerte ako dahil nandun pa ang jeep papunta saamin kasi kung wala na ito baka isang oras akong maghihintay sa next jeep na darating.
Sumakay ako at naghintay ng ilang sandali bago napuno ang jeep kaya pinatakbo na nila ito ng walang mauupuan. Siksikan pero walang nag rereklamo kasi alam nilang ganito talaga sa jeep at baka nasanay na din sila.
Ganyan naman tayo pag nasanay na hahayaan nalang at hindi na mag rereklamo, magtanong lang pero hayaan parin natin kasi nga sanay na tayo.
Huminto ako dun sa may kanto papuntang bahay, lalakarin ko nalang yun kesa sasakay malapit lang naman yun.
Nang dumating ako sa bahay, nasa pintuan si mama galit na galit habang tiningnan ako papalapit, kaya kinabahan ako hinablot na agad ni mama ang buhok ko ng nakalapit ako, kaya napahawak ako sa kamay niyang hawak ang buhok ko
"Ma! masakit tama na!" Nagmamakaawang sabi ko sakanya pero hinigpitan lang niya lalo kaya mas nasasaktan ako
"Ano Hayazenth! tatakas ka!? Ang aga mong lumayas! para saan!? para sa walang kwenta mong graduation!? bakit kapa pumupunta dun ha!? ang kapal ng mukha mo! sana naglinis ka nalang dito!" galit na sabi ni mama at binitawan ako kaya bumagsak ako sa sahig
May nakita siyang kahoy nasa malapit sakanya at kinuha niya ito at hinampas niya ako gamit ang kahoy
"Aray!!" sigaw ko dahil sa sakit ng dumapo kahoy sa kamay at paa ko "Mama tama na po!" umiiyak na sabi ko pero hinampas niya ulit ako kaya umiyak ako ng umiyak
Ito ang unang beses na hinampas niya ako ng kahoy, dati sampal lang paulit ulit pero ngayon mas masakit na kaya hindi ko mapigilang umiyak
"Masakit talaga Hayazenth!! pag uulitin mo pa yun hindi lang ganyan ang aabutin mo!!" galit na sabi niya kaya yumuko ako habang umiiyak ng malakas dahil hinampas ulit niya ako bago tinigilan
"M-mama tama na!" umiiyak na sabi ko sakanya "A-ano bang n-nagawa kong k-kasalanan sainyo bakit ako ang sinasaktan niyo ng g-ganito" Humihikbing sabi ko "M-ma sana hindi mo n-nalang ako b-bnuhay" mahinang sabi ko pero mas nagagalit siya
"Hoy! Hayazenth!! ang kapal ng mukha mong sabihin yan saakin sa harapan ko!! Sana hindi ka nalang binuhay!? Bakit para hindi ako makaganti sa ginawa ng tatay mo saakin!? kung hindi kita binuhay saan ako gaganti!?" galit na sabi niya habang tinuturo ako sa hawak niyang kahoy
Nakita ko si tito pababa sa hagdanan napahinto dahil sa kaganapan namin dito sa salas, sila Roy at Cheena may klase kaya nandun sa paaralan, nasa private school kasi sila nag-aaral kaya naman sa bulsa ni tito ang tuition dun hindi naman mahirap ang buhay ni mama ngayon dahil may magandang trabaho si tito.
Tumingin saakin si tito ng seryoso at umiling bago naglakad paakyat sa hagdanan.
Si tito hindi ako sinaktan pero hindi niya din ako tinutulungan. Si tito ang nagiisang nandiyan nong panahong nakidnap si mama at tanggap niya si mama sa kabila ng nangyari.