KABANATA 2

1561 Words
Buntis Tinigilan ako ni mama kaya tumigil na din ako sa pagiyak pero pinalinis niya parin ako sa buong bahay kaya kahit masakit ang paa at kamay ko pilit kong igalaw para maglinis kahit hindi pa din ako nakabihis galing sa School namin Nanghihina man pero pinilit kong bigyan ng lakas ang katawan ko para maayos ko ang paglilinis baka masasaktan ulit ako pag hindi ko inayos. Hindi pa ako tapos sa paglilinis dumating si Cheena na walang pakealam sa presensya ko at pumunta agad siya sa kusina para siguro uminom ng tubig kasunod niya si Roy na malagkit na naman ang tingin saakin pero hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa ginagawa. Medyo natatagalan ako sa paglilinis dahil hindi ko magalaw ng maayos ang kamay ko, pero dumating si mama na kumunot ang noo saakin. "Hayazenth!" galit na banggit saakin "Nagsaing kana ba para sa hapunan!?" galit na tanong niya kaya kinabahan ako at tumayo habang umiling "M-magsasaing pa po" Nanghihinag sabi ko kaya kiladkad niya naman ako papunta sa kusina kaya napipilitan kong igalaw ang masakit na paa ko "Magsaing kana! at magluto kana din ng ulam ang bagal mong kumilos!?" sigaw niy saakin at tinutulak papasok sa kusina at dahil wala akong lakas bumagsak ako sa sahig Umalis si mama at pilit akong tumayo ng dahan dahan para magsaing at magluto na rin ng ulam para sakanila. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kusina hindi ko na binalikan ang paglilinis at dumeritso na ako sa kwarto dahil sa panghihina. Pagkasara ko sa pinto dun lumabas ang luha ko. Pagod na pagod na ako. Pagod na akong intindihin siya, pagod na akong tiiisin sila, pagod na pagod pero walang magagawa dahil ito na talaga ang kapalaran ko. Isa lang akong malaking pagkakamali at kasalanan para kay mama kaya sinaktan niya ako ng ganito, habang tumatanda ako palala naman ang sakit na binigay niya saakin. Umupo ako aa sahig at dun umiyak ng umiyak. Paano ba ako makakalayo dito!? Wala akong matatakbohan dahil ang mga kamag anak ni mama galit din sa tatay ko at ako din ang sinisisi nila. Kasalanan ng tatay ko ako ang magbabayad! Kasalanan niya pero ako ang pinarurusahan! Ako na bunga lang din sa pinag gagawa ng tatay ko ako ang sinisisi! Bunga ng isang pinakamalaking kasalanan! Kaya siguro walang halaga itong buhay ko dahil simula't sapul bunga lang ako ng kahalayan ng tatay kong hindi ko kilala! Tumayo ako at humarap sa salamin at pinagmasdan na naman ang sarili. "Hayazenth! Kailan ka ba mapapagod! Kailan ka susuko!" umiyak kong kinakausap ang sarili ko, siguro baliw na ako sa mata ng ibang tao pag may nakakita sa ginawa ko pero ganjto ko nilabas lahat ng sama ng loob ko, ganito ko pinatatag ang sarili ko pero ngayon pagod na pagod na ako, nasasaktan na ako ng sobra! "Kung kailangan mong mamatay Hayazenth para tigilan ka na nila siguro gawin mo na!" umiyak na sabi ko, ilang beses ka ng naiisip na pag mawala siguro ako sa mundong ito hindi na siguro ako masasaktan. Pero kahit ganun ang naisip ko ni minsan ko magawang saktan ang sarili ko. Pumikit ako habang kaharap ang salamin Lord, I know marami akong kasalanan sa buhay ko, even my life is a sin for me kasi bunga lang din ako ng isang pagkakamali but please kunin mo na ako kung ganito lang din ang mangyayari sa buong buhay ko, masasaktan lang ako paulit ulit kung hindi mo ako kunin. Maybe if you don't my request please ilagay mo ako kung saan ako nararapat, ilagay mo ako kung saan hindi ako masasaktan, hindi dito. Pamilya ko sila pero hindi naman pamilya ang turing nila saakin. Bigyan niyo ako ng taong matatawag ako ng pamilya. Pagdadasal ko at binuka ang mata ko at may panibago na namang luha. Akala ko nasanay na ako kaya hindi na ako iiyak ng ganito pero hindi pala tiniis ko lang pala lahat kaya hindi ako umiyak, ngayong pagod ako lumabas ang mga luhang dati ko pa pinigilan. Pinahid ko yung luhang nasa pisngi ko at umalis na sa harap ng salamin at dumeritso sa cr para maliligo, hindi na ako kakain masakit ang katawan ko kaya matulog na ako agad pagkatapos kong maligo. Kinabukasan nagising ako dahil sa alam clock na nasa kwarto ko kaya pinatay ko ito, sobrang bigat ng katawan ko ngayon para akong nilalagnat. Ilang sandali pa ay tumayo ako pero halos mapahiga ako ulit dahil sa sakot ng ulo ko pero tiniis kong tumayo para maligo at bumaba para ipagluto sila. Halo halo ang naramdaman ko ngayon gutom, sakit sa katawan, sakit sa ulo at nahihilo din ako pero hindi ko pinansin ang lahat ng ito dahil kailangan kong kumilos para ipagluto sila at takot na rin baka sasaktan ulit ako. Lumabas ako sa cr, nagsisi ako kung bakit naligo ako mas lalo akong gininaw kaya nag jacket ako habang lumabas sa kwarto, napansin ko din si tito na papalabas din sa kwarto nakita niya ako pero hindi ko nalang siya pinansin maglalakad na sana ako pero tinawag niya ako "Hayazenth" Nag-alalang tawag niya kahit nanghihina nagulat parin ako sa boses niyang may pag-alala "Okay ka lang" simple niyang tanong nawala na yung pag-alalang boses niya kaya baka namali lang yung pakarinig ko sakanya kanina "O-opo, mauna na po ako magluluto pa ako" sabi ko at tatalikod na sana pero pinigilan niya ako "Ako na magluluto ngayon kaya gumising ako ng maaga gusto kong paglutuan ang pamilya ko ngayon" nakangiting sabi niya pero hindi ako ngumiti pabalik "Baka magalit si mama" mahinang sabi ko, kahit gustong gusto ko ang sinabi niya para makapagpahinga ako pero hindi pwede baka sasaktan ulit ako ni mama kagaya kahapon kaya tiiisin ko nalang pero umiling siya saakin "Alam niyang ako magluluto ngayon" sabi niya kaya tumango ako, yun naman ang gusto kong marinig galing sakanya kaya tumalikod na ulit ako sakanya papasok sa kwarto kahit hindi pa nagpaalam. Humiga ako sa kama at pumikit pero hindi nakatulog dahil sa gutom kahit inaantok, mamaya pa ako makakain pag tapos ma sila. Palagi na akong malilipasan ng gutom, minsan nga gutom na gutom ako pero dahil matagal silang kumain at natapos kumain nawala nalang yung gutom ko pero kakain parin kasi nanghihina. Tiningnan ko ang mga pasa nakuha ko kay mama kahapon sa paghampas niya saakin ng kahoy. Buti naman wala ng pasok hindi ko alam kung paano ko itatago, may pasa din sa paa ko baka tatanungin na naman ako ni ma'am Gia pag makita niya. Dati na talaga si ma'am pag may mapansin siyang kakaiba saakin tatanongin niya agad ako dahil sa pag alala pero hindi ko sinabi na sinasaktan ako sa bahay ayokong mas lalo akong saktan lalo na sa kamag anak ni mama na galit na galit na din sa ginawa ng tatay ko Binuka ko ang mata ko at napatitig sa kisame, nasaan na kaya siya ngayon, kahit anong pag imbestigasyon ng mga pulis wala silang makukuhang lead sa kumidnap at nang rape kay mama. Nagising lang siya nasa gilid na siya ng kalsada at nakauwi siya dahil hinanap siya ng pamilya niya at doon nila ito nakita. That time sabi ni mama masakit daw ang nasa ibaba niya that's why pinatingnan ito ng doctor at dun nila nalaman na nirape din si mama sa kumidnap sakanya. Actually I understand my mother kung bakit galit ito sa tatay ko but I don't understand bakit ako? bakit ako ang palaging nasasaktan? Yes ako ang bunga sa nakakatruamang experience ni mama but hindi ako gumawa non sana naman naisip nila na wala akong kamalay malay sa nangyari dati. Tinigilan ko na ang pagiisip sa pamilya ko at tumayo na kasi gutom na gutom na talaga ako nanginginig na yung kamay ko sa gutom kaya lumabas na ako, sana naman tapos na silang kumain Nasa salas sila pero hindi niya napansin ang presensya ko o hindi lang talaga nila ako pinansin na dumaan except sa kapatid kong lalaki na lumingon agad ng makababa ako pero hindi ko siya pinansin kaya ng palagi kong ginawa. Pagpasok ko sa kusina nasa lamesa parin ang mga platong ginagamit nila parang sinabi na 'trabaho kong mang ligpit kaya ligpitin mo yan' kaya yun nalang din ang ginawa ko bago ako kumain pero wala ng ulam kaya no choice kundi asin na naman ang uulamin ko, nasanay naman ako sa asin parati kasi parati naman akong hindi tinitirhan ng ulam Kumain ako ng marami kahit wala akong ganang kumain dahil walang ulam at dahil na din sa nanghihina kong katawan. Kailangan kong kumain lalo na't nakasakit ako ngayon para maging maayos ang lagay ko. Pagkatapos kumain na hinuhugan ko din ang mga plato na simula pa kagabi hindi nahugasan dahil hindi ako kumain, buti nga hindi ako pinapagalitan dahil dito, buti hindi pinansin ni mama medyo fresh pa yung mga pasa ko kahapon kaya sana wag na niyang dagdagan pa, kasi hindi na kakayanin ng katawan ko Ng matapos ako sa manghugas lalabas na sana ako sa kusina pero napahinto ng marinig ang sinabi ni Cheena "M-mom, d-dad b-buntis ako" Halatang kinabahan na sabi ni Cheena, walang nagsalita dahil siguro sa gulat kahit ako nagugulat kahit hindi naman kami close ni Cheena. Ang bata pa ni Cheena grade 10 tapos buntis na, jusko sino naman ang hindi magugulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD