Knock
"Cheena anak ang bata mo pa" Basag ni mama sa katahimikan at hindi makapaniwalang sabi ni mama "Sinong ama niyan anak?" nag-aalalang sabi mama
"Boyfriend ko ma" Mahinang sabi cheena
"Papuntahin mo dito" boses ni tito ang nagsalita seryosong seryoso, hindi ko kita dahil hindi pa ako lumabas baka pag nakita nilang nakinig ako mapagalitan pa
"Si Vey ba cheena?" boses ni Roy ang nagtatanong
"Sinong Vey?" tanong ni mama pero ilang sandali bago nagsalita si Cheena
"Boyfriend ko ma" Mahina paring sabi niya
"Papuntahin mo dito anak bukas ang boyfriend at umakyat ka muna sa itaas para magpahinga bukas na din tayo magusap" Mahinahong sabi mama, hindi ko na narinig ang boses ni Cheena na sumagot pero narinig kong may paakyat na dalawang hakbang parang sila Roy at Cheena ang umakyat
"Nasaan si Hayazenth?" narinig kong hinanap ako ni mama na seryosong boses
"Bakit? siya rin ba ang sisihin mo sa nangyari ng anak mo?" seryosong tanong ni tito
"Oo! kasi siya ang malas sa pamamahay nato! Nadamay ang anak ko sa kamalasan niya!" galit na sabi ni mama
Napapikit ako. Lahat nalang ba kasalanan ko? Lahat nalang bang hindi nila gustong mangyari kasalanan ko?
"Hindi kasalanan ni Hayazenth yun" seryosong sabi ni tito
"Hindi kasalanan!? kung hindi niya kasalanan! sino ang dapat sisihin ko!? ang anak natin!?" galit na sabi ni mama "Nadamay lang ang anak natin sakanya!?" dagdag niyang sabi, napayuko ako sa narinig ko. Lahat nalang talaga kasalanan ko. Hindi na nagsalita si tito at narinig ko din ang paakyat na yapak nilang dalawa.
Nanghihina akong lumabas sa kusina at dumeritso sa kwarto ko. Kasalanan ko na naman? Hindi ko naman inutusan si Cheena na gawin ang bagay yun.
Binuksan ko ang kwarto ko at humiga at pumikit.
Kailan ba ako mahalin ng mga taong to? Kailan ba nila makikita na tao rin ako nasasaktan? Kailan ba makita ni mama na anak niya rin ako.
Kapagod ng umitindi, kapagod ng lumaban, kapagod ng umiyak. Kailan ba ito matatapos?
Once na may gagawin ulit silang masama saakin aalis ako dito. Kahit wala akong mapuntahan, aalis ako dito. Kahit wala akong kilalang iba kundi sila lang, aalis ako.
Gusto kong magpatulong kay ma'am Gia pero nahihiya ako, hanggat maari ayaw kong may makaalam na taga rito kong saan ako pupunta. ayaw kong may madadamay. kaya ako lang magisa, sanay naman ako magisa ngayon pa ba ako titigil? ngayon pa ba ako maghahanap ng tulong? Sinanay nila akong magisa kaya makakaya ko ito.
Dahil sa masakit ang buong katawan ko at ang ulo at dahil na din sa pagod, tuluyan akong nakatulog sa kwarto. Nagising lang ako ng may malakas na kumatok sa pintuan ko
"Hayazenth! buksan mo ito malalagot kita pag hindi mo to bubuksan!" galit na sabi ni mama kaya dali dali akong tumayo naging dahilan para sumakit ang pasa ko sa biglaan kong kilos. Medyo bumuti na ang pakiramdam ko pero masakit parin ang ulo ko at ang pasa ko.
Binuksan ko agad ang pintuan ng kwarto ko, bumungad saakin si mama na kumunot ang noo, parang kanina pa kumatok, napasarap ang tulog ko kaya hindi ko narinig.
"Bakit ang tagal mong buksan!?" galit niyang tanong kaya kinabahan ako pero sumagot parin ako
"N-nakatulog ako ma" Mahinang sabi ko halata din sa boses ko na kakagising ko lang.
"Ano! buhay prinsessa ka diyan!? hindi magsasaing!? wala kaming kakainin sa tangahalian dahil nakatulog ka!?" galit na sabi niya kaya yumuko ako "Magsaing ka dun!" galit na sabi niya at hinablot yung kamay ko at ang may pasa pa ang nahawakan niya kaya napa aray ako, tinulak niya ako papunta sa hagdanan buti na balanse ko agad ang sarili, kong hindi baka gumugulong na ako pababa.
Kahit hindi pa ako naka suklay dumeritso nalang ako pababa baka itulak na niya talaga ako, nakita ko sa salas si Cheena na may kausap sa cellphone niya pero nalagpasan ko lang siya at dumiretso sa kusina
Habang nagluluto ako tinawag naman ako ni Cheena
"Hayazenth!" sigaw niya galing sa salas kaya iniwan ko muna ang niluluto ko at lumabas ako para makita ko siya
"Bakit?" tanong ko sakanya
"Itimpla mo mga ako ng gatas!" utos niya saakin na may halos inis sa boses niya na hindi ko alam kong saan galing pero hindi ako nagsalita at tumalikod ako sakanya para itimpla siya, buntis pa naman ito.
Binalikan ko muna yung niluto ko at nilagay ko na ito sa plato ng makitang naluto na at ginawa na ang utos ni Cheena saakin tapos pumunta ako sakanya para ibigay itong gatas
"Ito na" simpleng sabi ko at nilagay sa mesa ang gatas niya at tumalikod agad para sana pupunta sa kwarto dahil tapos na akong magluto pero wala pang limang minuto nagsalita siya
"Ayaw ko na pala ng gataw gusto ko ng juice" sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya kaya napakamot ako sa ulo, imbes na pumunta ako sa kwarto bumalik nalang ako sa kusina para ipagtimpla siya ng juice. Bumalik ako sakanya ng matapos at nilagay sa mesa katabi ng gatas, tiningnan niya muna ang juice bago binalik ang tingin sa cellphone.
Tumalikod ulit ako ng wala na siyang iutos pero nagsalita ulit siya kaya napapikit ako
"Ayaw ko na pala ng juice gusto ko ng kape" sabi niya at gaya kanina tumingin lang siya sa cellphone niya
Bumalik ulit ako sa kusina at ginawan siya ng kape. Ewan ko kong bakit niya ito ginawa dahil ba buntis siya o gusto niya lang ako pahirapan. Kung ang dahilan nito ay buntis siya medyo hindi ako maniwala kasi parang hindi naman ganyan pag bago pang buntis pero hindi ako sure kasi wala naman akong alam sa ganyan kung ilang months dapat gaganyan ang buntis.
Bumalik ako sakanya at nilagay ang kape at hinintay itong inumin niya bago ako tatalikod kaya ng hinawakan na niya ang tasa para uminom dun na ako tumalikod sakanya
Pero hindi pa ako nakalayo narinig ko na yung boses niyang galit.
"Ano ba ito Hayazenth! ang pait!" galit na sabi niya habang nilagay ang kape sa lamesa, alam kong hindi kasi tinikman ko yun bago ko binigay sakanya sadyang may topak mga tao ngayon kaya sige buntis kaya intindihin.
Buti medyo naging maayos ang pakiramdam ko kanina pag gising kaya may lakas ako ngayon para sa mga topakin na tao kung hindi baka kanina pa ako nahimatay.
"Timplahan kita ulit" Simpleng sabi ko sakanya pero umiling siya habang tiningnan niya ako ng masama
"Wag na! baka lalagyan mo pa ng lason!" naiinis na sabi niya kaya umiling ako, sinasaktan nila ako pero ni minsan hindi ko yan maisip na gawin nila
Magsasalita na sana ako pero may nauna ng magsalita kaya napapikit ako
"Anong lalagyan ng lason!?" seryosong tanong ni mama kay Cheena
"Ang pait ng tinimpla na kape ni Hayazenth at gusto niyang timplahan kaya sinabi ko baka lalagyan na niya ng lason kaya wag na" sumbong ni Cheena habang tiningnan ako ng masama
Ako dito hindi na makapagsalita, siya lang naman nagisip non. Tinuro ako ni mama
"Hayazenth! subukan mo buntis yan si Cheena baka ikaw yung makakainin ko ng lason diyan!?" galit na sabi ni mama habang tinuturo ako
Umiling ako sakanya
"Hindi ko naman yun gagawin" Mahinang sabi ko sakanila pero parang walang narinig si mama
"Gaganti ka sa pananakit ko sayo!? Gaganti ka kay Cheena!? kaya lalagyan mo ng lason!? bakit tatay mo ang sumira ng buhay ko dati kaya wala kang karapatan na gumanti!!" galit na sabi niya "Ikaw Hayazenth! nabuhay ka para tikman ang galit ko sa tatay mo hindi para maging masaya ka!" galit na sabi niya kaya napayuko ako
'Nabuhay para tikman ang galit niya sa tatay ko.' Matagal ko ng alam yan dahil matagal na niyang sinabi saakin pero masakit parin pag narinig mo ulit galing sakanya
"Masyadong makapal na yang mukha mo para maghiganti! sisirain mo din ang buhay ng anak ko!? gaya ng ginawa ng tatay mo saakin!? nag mana ka talaga sa tatay mo!" galit parin na sabi niya habang ako nakayuko parin at nakapikit habang tinanggap ang mga masasakit na salita na sinabi niya saakin
Hindi ko magawang manglason ng ibang tao. Kahit nga sinasaktan nila ako ng paulit ulit ni minsan hindi ko maisip na maghiganti sakanila. Kasi gusto kong intindihin sila lalo na si mama gusto ko siyang intindihin dahil sa pinagdaanan niya dati sa kamay ng tatay ko.
Pero minsan ang hirap na niyang intindihin lalo na ngayon, nakakapagod na pala siyang intindihin akala ko kasi dati mawawala din agad galit niya saakin pero mali ako kasi parang pang habang na ang galit niya saakin.
Tinigilan na ako ni mama kanina at ngayon nandito na ako sa kwarto ko habang nakatingin sa salamin, ganito lang ba ang gagawin ko araw-araw? simulannong graduation hindi na ako nakalabas.
tiningnan ko ang oras, 6:30 pm na, siguro kumain na sila ngayon, naka luto na din ako ng makakain nila ngayong gabi pero nasa sakanila yun kung hindi sila kakain dahil lalagyan ko daw ng lason gaya ng sinabi nila kanina.
Ilang sandali pa ay bumaba na ako at salamat dahil wala na sila run at na rin sila sa salas baka pumunta na sa kwarto nila.
Gaya kanina niligpit ko muna ang mga plato nila bago kumain. Buti naman may natira pang kunting ulam kaya hindi ako magtiis sa asin at ganado din akong kumain, umayos na talaga ang pakiramdam ko at ang mga pasa lang hindi pa, masakit parin pag hinawakan.
Pagkatapos kong kumain nanghugas at bumalik sa kwarto, naligo bago humiga sa kama para matulog
Pumikit na ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto kaya taka akong napatingin dito, may kailangan ba si mama o si Cheena? sila lang naman yung nay kailangan saakin palagi eh.
Nahinto ito ilang sandali pero bumalik ulit sa pagkatok at nagsalita na kung sino man ang kumatok
"Hayazenth" sambit ni Roy sa labas
Hindi ko alam pero kinabahan ako, iba ang kaba ko ngayon pag galit si mama, hindi ako nagsalita.
"Hayazenth may pinabigay si mama" mahinang sabi ni Roy sa labas pero narinig ko
Tumayo ako at dahan dahang pumunta dun, kahit kinabahan binuksan ko parin ito baka magalit na naman si mama saakin kung totoo man ang sinabi niya