Kinaumagahan, bago ko pa man tuluyang maubos ang aking double-shot iced americano, marahas na bumukas ang pinto ng aking pribadong silid sa mansyon ng mga Andrada. Pumasok ang aking ama, si Governor Rodolfo Andrada, na may hawak na isang gintong envelope na may tatak ng pamilya Farinelli. Halatang nanginginig ang kaniyang mga kamay at balisa ang kaniyang mukha.
"Lindsay, anak..." panimula niya, ang boses niya ay puno ng pag-aalinlangan at halatang takot. "Kailangan nating mag-usap. It's about your future. At ang tungkol sa kasunduan namin ni Signor Vittorio Farinelli."
Hindi ko siya tiningnan. Ipinagpatuloy ko ang pag-scroll sa aking iPad upang tignan ang mga bago kong layouts para sa Paris Fashion Week.
“Kung tungkol 'yan sa mga permits ng mga daungan mo, Dad, huwag mo akong dramahan. I don't sign political papers, and I certainly don't care about your dirty transactions."
"Hindi ito tungkol sa permits, Lindsay!" medyo tumaas ang boses ng aking ama, pilit na nag-iipon ng lakas ng loob. "It's about an arranged marriage. Isang alyansa sa pagitan ng pamilya natin at ng Farinelli Syndicate. Si Vittorio... gusto ka niyang maging asawa. At pumayag na ako."
Napatigil ang daliri ko sa ibabaw ng screen.
Dahan-dahan kong ibinaba ang aking baso ng kape sa lamesa, ang matalim na tunog niyon ay umalingawngaw sa buong silid. This old punk!
Hinarap ko si Daddy gamit ang aking malamig, blangko, at walang kaunting emosyon na mga mata. Isang napakatamis ngunit nakatutunaw na ngisi ang sumilay sa aking barbie-like face.
"Pumayag ka?" Tinaasan ko siya ng kilay, ang aking boses ay kalmado pero parang labaha sa talas. "Sino ka para ipamigay ako na parang isang lumang piraso ng lupain sa probinsya mo, Rodolfo? Kung may utang ka sa banyagang 'yon, bayaran mo siya gamit ang pondo ng gobyerno mo. Huwag mong isangkalan ang pangalan ko dahil hindi ako ibinebenta."
"Lindsay! Wala tayong magagawa! Hindi mo kilala kung sino si Vittorio Farinelli!" giit ng aking ama, tuluyan nang lumabas ang kaniyang kahinaan. "Kaya niyang pabagsakin ang buong pamilya natin sa loob ng isang gabi lang! Pwede tayong mamatay, Lindsay! Isinasakripisyo ko ang kalayaan mo para sa kaligtasan nating lahat!"
"Kaligtasan ninyo, hindi ko kalayaan," pagtatama ko habang tamad kong kinuha ang aking Chanel sunglasses at isinuot ito upang hindi ko na makita ang kaniyang nakalulumong mukha.
“Kung gusto mong matakot sa kaniya, magtago ka sa ilalim ng malaki mong kama. But me? I am an Andrada. I built my own name in Europe without your dirty money, at hinding-hindi ako magiging isang sunud-sunurang manika para lang sa isang kasunduan na kayo lang ang nag-imbento."
Tumayo ako nang tuwid, inayos ko ang pagkakahulog ng aking mamahaling blazer sa aking balikat, at nilagpasan ko siya na parang isang hangin lang.
“Sabihin mo sa kaniya, Dad... kung gusto niya akong makuha, ihanda niya ang buong hukbo niya. Dahil hindi ako madaling manipulahin, at lalong hindi ako magpapakasal sa isang demonyo nang walang laban."
Pagdating ng hapon, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Dire-diretso akong nagtungo sa kaniyang pribadong penthouse sa city. Hindi ako pumunta roon para umiyak o magmakaawa—pumunta ako roon para sunugin ang kaniyang natitirang kontrol.
Nang bumukas ang pribadong elevator ng penthouse, sinalubong ako ni Luca na agad na napatigil nang makita ang matalim kong sulyap.
"S-Signorina Lindsay—"
"Get out, Luca. I am not here to play games with his puppies," asik ko bago ko marahas na itinulak ang dambuhalang pinto ng kaniyang living room.
Doon, nakaupo si Vittorio sa kaniyang plush leather sofa, may hawak na baso ng whisky at may tabakong nakasabit sa kaniyang mga labi. Ang kaniyang polo ay may bukas na tatlong butones sa itaas, ipinapakita ang kaniyang dambuhala at maskuladong dibdib. Nang makita niya ako, isang mapanganib at nakalilibang na ngisi ang gumuhit sa kaniyang matigas na panga.
"Welcome to my territory, piccola," bumaba ang kaniyang baritono at may foreign accent na boses. "I see your father already delivered the good news."
Marahas kong ibinagsak ang aking Chanel bag sa kaniyang lamesa, lumikha iyon ng malakas na kalabog. Lumapit ako sa kaniya, ang aking mukha ay isang pulgada na lang ang agwat sa kaniyang mukha, hindi man lang ako natitinag sa kaniyang nakatatakot na presensya.
"An arranged marriage, Vittorio?" Tumingin ako sa kaniya nang may matinding pang-uuyam. "Napakaluma naman pala ng style ng isang Mafia Boss mula sa Europe. Akala ko ba ay makapangyarihan ka? Pero bakit kailangan mo pang gumamit ng isang matandang gobernador para lang mapilitan ang isang babaeng pakasalan ka? Are you that desperate for my attention?"
Napatitig si Vittorio sa akin, ang kaniyang madidilim na mga mata ay nagdilim pa lalo sa matinding interes. Hinipan niya ang usok ng tabako nang diretso sa mukha ko, pero hindi ako kumurap o umatras man lang.
"I am not desperate, Lindsay," bulong niya, dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang baso. "I am efficient. Gusto kita, at kapag may gusto ang isang Farinelli, nakukuha niya ito sa kahit anong paraan. Your father owes his life to me, and you are my greates possession.”
"I am not his property, and I am certainly not yours!" damba ko, ang aking matalas na dila ay walang preno. "Masyado kang mayabang dahil lang sa may hawak kang mga baril at mga tauhang naka-suit. Pero tandaan mo 'to, Vittorio... maaari mong makuha ang pirma ko sa isang piraso ng papel, pero hinding-hindi mo makukuha ang kontrol sa akin. Kung akala mo ay magiging isa akong masunuring asawa na maghihintay sa 'yo gabi-gabi habang nagluluto ng pasta or whatever shits you want you are completely out of your mind. Gagawin kong isang buhay na impiyerno ang bawat araw mo kapag pinilit mo ako."
Biglang tumayo si Vittorio mula sa kaniyang upuan. Ang kaniyang dambuhalang taas na 6'4" ay tuluyang lumikha ng isang nakalulunod na anino sa ibabaw ng aking katawan. Lumapit siya sa akin, at sa isang mabilis at marahas na galaw, hinawakan niya ang aking baba gamit ang kaniyang malalaking daliri upang pilitin akong tumingin nang diretso sa kaniya.
"You have a very sharp tongue, piccola," bulong niya, ang kaniyang panga ay matigas at may dalang nakamamatay na banta. "Gusto ko ang katigasan mo. Mas masarap basagin ang isang reyna na mataas ang lipad. Still, huwag mong kalilimutan kung sino ang kinakalaban mo. Isang utos ko lang, ang career mo sa fashion, ang pamilya mo, at ang marangyang buhay mo ay mawawala na parang bula."
"Then do it!" hamon ko, tinaasan ko siya ng kilay habang ang aking mga mata ay nagniningning sa galit at tapang.
“Pabagsakin mo ang lahat, Vittorio! Tingnan natin kung may matitira pa sa kayabangan mo kapag napatunayan kong hindi mo ako kayang pasukuin gamit ang pera o takot. I am Lindsay Andrada. I survived the most toxic high-fashion industries in the world, at ang isang kriminal na tulad mo ay hindi kailanman makapagpapaiyak sa akin."
Napatigil si Vittorio. Tinitigan niya ang aking mukha—ang aking perpekto, matigas, at hindi manipulahing ekspresyon. Sa halip na magalit sa pambabastos ko, isang malalim, mababa, at nakatutuwang tawa ang biglang nakawala sa kaniyang dibdib.
Binitiwan niya ang baba ko at sumandal siya nang bahagya sa lamesa, looking at me like I was the most entertaining prize he had ever hunted.
"What an amazing act of rebellion, piccola," ngisi niya nang napakalawak. "Mas lalo mo akong binibigyan ng dahilan para selyohan ang kasal natin sa susunod na buwan, Lindsay. Handa akong makipaglaro sa impiyerno mo."
“Panoorin mo ako, Vittorio," huling banta ko habang marahas kong kinuha ang bag ko. "Dahil sa oras na pumasok ako sa mansyon mo, sisiguraduhin kong ikaw ang unang luluhod sa harap ko."
Inikot ko ang aking mga mata nang napakatindi, tinalikuran ko siya nang may buong karangyaan, at naglakad ako palabas ng kaniyang penthouse nang may mataas na noo. Ang digmaan ay opisyal nang nagsimula, at ang Ice Queen ay hinding-hindi magpapatalo nang walang dugong dadaloy. This freak!
Matapos ang halos isang linggong pukpukan ng pride at walang katapusang patalasan ng dila sa kaniyang pribadong penthouse, pumayag din sa wakas ang dambuhalang banyaga na makipag-usap sa akin nang maayos. Walang mga tauhang nakabantay na parang mga statwa, walang hawak na tabako na umuusok sa mukha ko, at walang marahas na paghawak sa baywang ko para lang nakawin ang hininga ko.
Isang pormal na hapunan sa isang exclusive at may mataas na pader na fine dining restaurant. Malayo sa maingay na mata ng mga paparazzi at ng mga tsismis sa city.
"Dito tayo," malamig na saad ni Vittorio habang marahan niyang ipinapatong ang kaniyang kamay sa ibaba ng aking likod upang gabayan ako patungo sa engrandeng arko ng restaurant. He was wearing a casual yet sharp charcoal suit, habang ako naman ay nakasuot ng isang body-hugging white emerald dress na bumagay sa aking flawless skin.
Ngunit bago pa man tuluyang humakbang ang mga paa ko sa loob, isang pamilyar at nakaririnding boses ang bumasag sa malamig na hangin ng gabi.
"Oh... My... God. Lindsay? Is that really you?"
Napatigil ako. Dahan-dahan kong inilingon ang aking ulo, kasabay ng marahas kong pagtaas ng aking kanang kilay.m
Nakatayo sa tapat ng aming daanan si Cassandra Gomez—ang primadona ng telebisyon na nagpa-interview pa noong isang araw on national television habang umiiyak at nagpapa-victim matapos ko siyang sabihan ng katotohanan sa runway. Kasama niya ang kaniyang manager at isang mayamang matandang lalaki na halatang kaniyang panibagong 'sponsor' ngayong buwan.
Nang makita niya ako, at lalo na nang mapako ang kaniyang mga mata sa katabi ko, matikas, at nakatatakot na gwapong banyaga na nasa tabi ko, nakita ko ang marahas na pagbago ng kaniyang ekspresyon. Ang kaniyang inggit at takot ay sabay na lumabas sa kaniyang makapal na makeup.
"Aba, look who’s here," nakataas-noong patutsada ni Cassandra, pilit na nag-aayos ng kaniyang mumurahing gown. "Akala ko ba ay cancelled ka na sa buong Pilipinas matapos mo akong i-bully sa backstage? At sino 'yang kasama mo? Isang panibagong foreigner na nauto mo gamit ang retokada mong mukha?"
Who’s she para hindi ko pagbigyan?
Isang napakatamis, napakaganda, ngunit punong-puno ng lasong ngisi ang sumilay sa aking barbie-like face. Humakbang ako palapit sa kaniya nang may buong karangyaan, hindi man lang pinapansin ang kaniyang sponsor na ngayon ay nakatitig din sa akin nang tulala dahil sa tindi ng aking ganda.
"Cassandra, dear," panimula ko, ang boses ko ay banayad at parang musika pero bawat salita ay may dalang talas bwesit siya.
"I see your eyes are still as blind as your talent. Ang lalaking nasa tabi ko? He is a Farinelli. Isang bilyonaryo mula sa Europe na kayang bilhin ang buong network mo, kasama na ang buong pagkatao mo at ng matandang kasama mo ngayon kung gustuhin niya."
Namilog ang mga mata ni Cassandra sa gulat, habang ang kaniyang manager ay biglang namutla nang marinig ang apelyidong Farinelli.
"At tungkol sa issue natin?" Tumingin ako sa kaniyang sapatos bago muling tumingin sa kaniyang mukha nang may matinding pang-uuyam. "Napanood ko ang interview mo. Mas magaling ka pa palang umiyak sa harap ng balita kaysa sa mga teleserye mo. Magkano ba ang ibinayad mo sa reporter para kaawaan ka ng mga tao? Huwag kang mag-alala, dear. Kung kailangan mo ng pambayad sa susunod mong renta dahil wala nang kukuha sa 'yong brands matapos kong i-live ang katotohanan, pwede kitang bigyan ng limang piso. Malaki na 'yon para sa isang tulad mo."
"Lindsay! Napakayabang mo talaga—!" akma pang magwawala si Cassandra nang marahas na humakbang si Vittorio sa tabi ko.
Ang kaniyang dambuhalang taas na 6'4" at ang kaniyang madidilim na mga mata na tila ba handang pumatay ng tao ay sapat na para literal na mapaurong si Cassandra at ang kaniyang sponsor sa matinding takot. Wala silang nagawa kundi ang mabilis na tumalikod at maglakad paalis na parang mga basang sisiw.
Nilingon ko si Vittorio, at nakita ko ang isang tuwang-tuwa, at labis na naaliw na ngisi sa kaniyang mukha habang nakikinig sa akin kanina.
Inikot ko lang ang aking mga mata nang napakahaba at napakatindi sa kaniya.
“What are you smiling at, you giant intruder? Let's go inside. Nawawalan ako ng gana kapag nakakakita ng mga low-tier na tao sa labas."